Kwentong Kengkay

Marso 28, 2009

metal na tabo

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Oyropa Ko — kengkay @ 1:39 hapon
Tags:

nung unang hakbang ko dito sa alemanya? nalungkot ako. kasi walang tabo, waaaaa

pero sempre, maparaan ang pinoy di ba? kung sa hotel nga yung baso na pang tutbrush ang ginagamit e pano pa kaya kung sa sariling bahay mo pa di ba?

kaya naghalunggat ako sa kusina namin ng mukhang tabo. pero sa totoo lang, wala akong makita. pero dahil hinahanap hanap ko sya e nagawan ko rin ng paraan. at ito ang kanyang itsura… ang aking metal na tabo….


nagtagal din yan sa amin. ang nakakatawa, si kengkoy parati nyang inaalis yan sa banyo namin. hinuhugasan nya yan tapos ibabalik sa kusina, hahaha. nung nainis na ako dahil parati kong hinahanap e dun namulat ang kanyang mga mata kung gaano ka importante sa aking buhay ang tabo.

ayun, magmula nun e hindi na nya hinawakan ulit, hahaha

lakwatsa mode pa rin po ako ;D

Advertisements

24 mga puna »

  1. anlaki nung TAAAAAAABOOOOO!
    :))

    nice work ate kengkay.
    🙂

    Komento ni Pepe McKunat — Marso 28, 2009 @ 2:57 hapon | Sagutin

  2. hahahaha!! may naalala ako… sa hotel nga diba??

    walang tabo… anong gmit?? yung stainless steel na pitcher.. laki nun.. whoooo… sarap!!! 🙂

    Komento ni charlie — Marso 28, 2009 @ 3:17 hapon | Sagutin

  3. Waw ha. Maparaan talaga mga pinoy. Haha

    Komento ni Neex — Marso 28, 2009 @ 3:35 hapon | Sagutin

  4. ako sa hotel, bote ng mineral water.

    Even sa bahay, bote ng mineral water, tatlo kami gamit. Si frenchman lang hindi.

    yang tabo mo kamukha ng kainan ng pusa ko, hehe

    Komento ni francesca in france — Marso 28, 2009 @ 7:16 hapon | Sagutin

  5. pareho kami ni francesca, bote ng mineral water 🙂

    Komento ni nina — Marso 28, 2009 @ 7:31 hapon | Sagutin

  6. uy, miss kana namin . sarap ata ng bakasyon mo 🙂

    Komento ni nina — Marso 28, 2009 @ 7:31 hapon | Sagutin

  7. Nyahaha! Langya meron akong naalala. Naghahanap ako ng tabo dito sa SG. Wala akong makita, kaya kaldero na lang ginamit ko. *LOLz*

    Komento ni The Gasoline Dude — Marso 28, 2009 @ 11:41 hapon | Sagutin

  8. anak nang tifaklong oo! eh palanggana na yan eh! hahahaha!

    Komento ni reyna elena — Marso 29, 2009 @ 12:54 umaga | Sagutin

  9. Humirit ka nanaman ng tabo stories mo! weheheh.

    Komento ni Laarni — Marso 29, 2009 @ 1:55 umaga | Sagutin

  10. hahahah.ang kulet ng tabo.hehehe

    Komento ni taympers — Marso 29, 2009 @ 5:01 umaga | Sagutin

  11. what! ang sosyal ng tabo hehehe

    Komento ni bernardumali — Marso 29, 2009 @ 6:15 umaga | Sagutin

  12. oo nga ang laki nung tabo, buti na lang uso din dito sa hk ang tabo.. kaya lang ndi na yun ang ginagamit ko sa pagligo ^^

    Komento ni Cindyrella — Marso 29, 2009 @ 6:33 umaga | Sagutin

  13. Dapat talagang nakayapak, Mahirap nga kung madulas or tumambling ka jan at mabatong mabato at concreto. Sakit nun!

    Komento ni Basti — Marso 29, 2009 @ 7:54 umaga | Sagutin

  14. naligaw yata yung isa kong comment dito. 😛 Nakanaman!

    Komento ni Basti — Marso 29, 2009 @ 7:54 umaga | Sagutin

  15. malamang na pagod na rin si kengkoy kakakuha ng tabo sa banyo ano? mabuti naman at itinigil nya na hahahahahah

    Komento ni payatot — Marso 29, 2009 @ 8:17 umaga | Sagutin

  16. How funny 🙂 Importante talaga yang tabo, but we don’t use one at home. Nasanay na rin. Pero syempre pag nasa Manila, meron 🙂 Kumusta na, Mamu?

    Do visit A Pinay In England and catch up on my latest adventures.

    joy
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach
    I, Woman

    Komento ni joy — Marso 29, 2009 @ 12:43 hapon | Sagutin

  17. Hahahah.. Nakakatuwa naman si Kengkoy mo. Hindi siguro nya alam kung ano ginagawa ng baking bowl sa banyo. Hahahha..

    Komento ni emilayskie — Marso 29, 2009 @ 11:28 hapon | Sagutin

  18. ang hi-tech na tabo! lol parang mixing bowl yan ah.. hehe

    Komento ni vhincent — Marso 30, 2009 @ 1:21 umaga | Sagutin

  19. mamahalin yang tabo mo ah .ehe

    Komento ni ELIment — Marso 30, 2009 @ 1:23 umaga | Sagutin

  20. totyah ng tabo momie kengks 😛 hehe

    bakasyon galore..kainggit

    tc po momie 😛

    Komento ni simplefula09 — Marso 30, 2009 @ 1:54 umaga | Sagutin

  21. wow, ok yang tabo mo na yan ah, maraming make-keep na tubig. tama ka, ang mga pinoy talaga maparaan. masarap ipanligo yan. ayos! 🙂

    Komento ni edelweiza — Marso 30, 2009 @ 5:16 umaga | Sagutin

  22. mommykenks, ang laki naman nung tabo. parang pwede din mag-mix dyan ng dough hehehe

    Komento ni Nortehanon — Marso 30, 2009 @ 6:59 umaga | Sagutin

  23. hi kengkay! sa 4 years ko dito, last year lang ako nakabili ng tabo. dahil nun ko lang nalaman na may tabo rin pala dito, hehehe *headdesk*. pinabiliko sa helper sa palenke, nag drawing pa ako para i explain sa kanya ito xD mawala na ang lahat, wag lang ang tabo ko (those empty water bottles pales in comparison).

    Komento ni sheilamarie — Marso 30, 2009 @ 11:13 umaga | Sagutin

  24. astig na tabo yan… hihi…!

    Komento ni dhyoy — Marso 31, 2009 @ 8:44 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: