Kwentong Kengkay

Marso 31, 2009

kilala nyo sya?

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 1:37 hapon
Tags: ,

mababatukan ako nito sigurado kapag nabasa nya to, hahahaha.

mag-ingat kayo kapag nakasalubong nyo ang mamang ito. alam ninyo kung baket?
kasi marunong sya magtagalog, waaaaa.

kaibigan sya nung isang matalik na kaututang dila ko nung asa kolehiyo pa ako. nagkita kami. nagpakilala. automatic na nag-inglisan. nagpunta silang dalawa sa palikuran. weee-weee-weee daw muna.

nung lumabas si kaibigan ko, nakabukas pa zipper nya. lolokohin ko sana. tatanungin ko kung ano ginawa nilang dalawa sa palikuran. sempre, tatagalugin ko, di ba? bastos talaga ni kengkay, heheeh

mabuti na lang e binulong ko. nagdalawang isip ako e. ayun, bulong din nung kaibigan ko na marunong daw magtagalog yang si mamang yan. waaaaa. kung nagkataon e nasira agad ang araw naming lahat dahil lang sa kapilyahan ko. o edi habang naglalakwatsa kami sa switzerland e tagalog ang usapan namin, hahaha.

kakailang kasi kapag tiningnan mo sya, puti sya e. pero kapag pinakinggan mo sya, as in tagalog na tagalog sya. walang punto pa. dami ngang napapatingin sa amin kapag nagchichikahan kami e.

bakit at papano daw natutong magtagalog ang mamang ito? kasi may niligawang pinay. yung nanay nung pinay walang pakealam. tagalog sya magsalita. keber kung hindi maintindihan nung mga kasama nya, hehe. nainis si lalake, sobrang in labs e. nag enrol ng tagalog language sa switzerland. ayun, sinagot sya ni pinay at naging mag asawa sila 😀

tumigil lang daw syang mag aral ng tagalog nung ang nagign titser nya ay may puntong bisaya. kasi hindi na daw nya maintindihan at hindi rin daw sya maintindihan nung nililigawan nyang pinay, hehehe

pero sa totoo lang. saludo ako sa kanya kasi magaling talaga sya magtagalog. kung maligaw sya dito sa blog ko? hindi ako aamin na ako si kengkay, hahahaha

mahilig din siguro yan sa ampalaya

lakwatsa pa rin ang drama ko kaya wala munang bloghop 😀

Advertisements

7 mga puna »

  1. haha! mga arabong tindero dito, aalukin ka na bumuli sa kanila in tagalog, sasabihin pa, libre ang tuwad (tawad), hahaha!

    Komento ni partofyou — Marso 31, 2009 @ 6:51 hapon | Sagutin

  2. hahaha, thats very funny. maraming ganyan na tao, na kahit kinukuha nila sa ilong ang salita, parang alam mo, tagalog sila.

    Komento ni Kenjebz — Abril 1, 2009 @ 3:24 umaga | Sagutin

  3. 😀 alam mo ba ang mga banyaga na magaling din mag-Filipino ay mga misyonaryo ng mormons. marami nakapost sa youtube. 🙂

    Komento ni Jim — Abril 1, 2009 @ 4:46 umaga | Sagutin

  4. Ay katuwa naman yang friend mong yan Ate Kengkay. Dami rin akong kilalang ganyan naman dahil sa church namin kapag naa-assign sila mag-mission dito sa Pilipinas. ^_^

    Komento ni emilayskie — Abril 1, 2009 @ 6:04 umaga | Sagutin

  5. dito naman mga trying hard na magtagalog na mga omani at indian, puro laging sinasabi “kumusta ka, mabuti”, “pare kain ka dito”

    Komento ni kulot — Abril 1, 2009 @ 9:05 umaga | Sagutin

  6. Dito sa Kuwait lahat ng ibang lahi eh nakiki “kabayan’ sa mga Pilipino. Hanggang sa hindi na Pilipino ang tawag kundi “ah she’s Kabayan”.

    Minsan nga lang mas malutong silang magmura sa tagalog kesa sa akin. Tulad nung asawang briton ng kaibigan namin. Kapag nakikita kami sinasabi “taena kumusta?!”

    amft.

    Komento ni Mackay — Abril 1, 2009 @ 3:54 hapon | Sagutin

  7. Husband ko, french pero marunong na rin magtagalog.

    If a pinay asked him his first tagalog word?

    San Miguel.
    Second word?
    Patay!

    alam nyo na kung ano ang tinuturo ng lola nyo francesca, hahahaha

    Komento ni francesca in france — Abril 5, 2009 @ 5:44 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: