Kwentong Kengkay

Abril 15, 2009

gusaling buhangin

Filed under: Litratong Pinoy — kengkay @ 5:01 hapon
Tags: , ,


gusali

napanganga ako sa tuwa nung nakita ko itong gusaling buhangin nung naglalakad lakad kami sa tabing dagat ng calpe, spain. ang galing di ba? ang laki po ng sakop ng gusaling ito. kahanga-hanga ang kamay ng gumawa nito.

mas lalo akong napanganga nung lapitan ako nung gumawa nito pagkatapos kong kunan ng litrato. kasi nanghihingi ng donasyon, hehehe

ibang klaseng gimik din para kumita ano? sempre binigyan ko ng pambili ng kendi 😀

Advertisements

7 mga puna »

  1. hangganda nga mami kengks. at ang ganda rin ng bitch…este, beach pala. marami bang magagandang dilag diyan? ahehehe.

    Komento ni lio loco — Abril 16, 2009 @ 3:04 umaga | Sagutin

  2. Ang ganda ng kastilyong buhangin Kengs! Saang beach yan, kay ganda rin…

    Komento ni Snow — Abril 16, 2009 @ 3:46 umaga | Sagutin

  3. WOW!! Ang ganda ha. Sa Spain ba talaga yan? Pangarap ko pa naman pumunta dun. Magkano naman daw dapat ang donasyon? ahaha.

    Komento ni Heleyna — Abril 16, 2009 @ 7:01 hapon | Sagutin

  4. Hello Kengkay,

    Gumagawa na rin sila sa Boracay nyan. Humihingi rin sila ng pera pag gusto mong magpakuha ng picture. Minsan may date pa sa castle, so alam na alam mo kung kailan ka nagpunta sa Boracay. 🙂 Oras din kasi ginugugol nila sa paggawa kaya humihinhi talaga sila ng pera. Pero talagang magaling, very artistic talaga. Daming nagpapakuha at nakapila pa kamo.

    Komento ni Sofie — Abril 16, 2009 @ 8:28 hapon | Sagutin

  5. aba advance ng isang linggo entry mo ah mommy kinks pero ang ganda nga ng gusaling buhangin na yan. lahat ngayon ginagawa na ng tao para kumita sa hirap ng buhay san ka man sa panig ng mundo hehe

    Komento ni scart — Abril 17, 2009 @ 4:23 umaga | Sagutin

  6. nice subject. 🙂 ano kamera pala gamit mo? may photo blog pala ako kung ‘di mo pala alam. 😀 bisita ka din dun, ha?! mas abala ako dun lately kaysa blogbastic.

    Komento ni Jim — Abril 17, 2009 @ 8:33 umaga | Sagutin

  7. mabuhay, welcome back – back to life, back to reality.. sige tawagan na lang kita for chikahan 🙂

    Komento ni Toni — Abril 18, 2009 @ 6:25 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: