Kwentong Kengkay

Abril 17, 2009

masaya pero…

Filed under: Maganda ang Pinas,Masarap sa Pinas — kengkay @ 5:52 hapon
Tags: ,

konting kwento at baka malimutan ko lang.

alam ninyo, ang saya saya nung umuwi ako sa pinas. walang labada. walang plantsada. walang lutuan. walang hugas ng plato at walang linisan, hehehe. sarap talaga sa hotel nakatira, hayyssss 😀

sarap sa Bohol. grabe. ayaw na umuwi ng aking si bunsoy at nagpapa ampon na sa mga staff dun sa Bohol Beach Club. eto pala reaksyon nya nung unang nakakita sya ng white sand: click

tapos nakarating din kami ng Hundred Islands. grabe. white sand din pala dun? sempre naki usyoso din ako kung saan ginanap yung PBB. naks, kunyari daw kilala ko yung PBB. posing posing pa ako. nung huli na lang nung nagtanong ako kung ano at sino ba yung PBB, hehehe. hirap ng eng eng sa mga palabas sa pinas e.

sarap nung mga EBs. grabe. ang gaganda at ang popogi talaga ng mga bloggers. nakakahawa talaga ano? 😀

sarap ng mga reunions. grabe. ang seseksi pa rin namin kasi sabi namin e.

sarap ng mga pagkaing pinoy. grabe. tumaba ako, waaaa

sarap magshopping. grabe. nakarating ako ng divisoria, ng baclaran, ng taytay, rizal. kung saan saang palengke.

sarap manood ng cenakulo. grabe. imbes na cenakulo pinapanood nung iba e si kengkoy ang pinapanood nila, hahaha. tinitingnan nila bawat reaksyon ni kengkoy sa mga pangyayari sa harap nya.

pero meron akong hindi masayang napansin. nung paguwi namin pabalik ng alemanya. sa airport. nakitang ibang lahi si kengkoy? daming gustong magbuhat ng bag namin kahit hindi naman sya estibadores dun. sabi ko kay kengkoy pabuhat na para naman may maitulong ng konti. aba nung inabutan sya ng konting lang? nagreklamo ba naman. sarap batukan di ba?

tapos nung andun na kami sa loob, yung gwardiya naman. sarap ng ngiti nya sa akin at sa aking si bunsoy. sabi nya, ma’m masaya siguro bakasyon ninyo ano? ilang araw kayo sa pinas? sempre naman dahil showbiz si kengkay e sinagot ko sya sabi ko ‘mga isang buwan din, sarap dito e.’ ang mokong ba naman ang dagdag nya?

‘naku ma’m, sana may natira pa kayong baon at maambunan kami.’ sarap din batukan di ba? ang kakapal ng mukha, sa totoo lang! mga tsong, wag naman ganon ka garapal! maganda na nga simula e, kung ganon lang maabutan ka pa pero kung sinira mo ang sarap na nga ng bakasyon namin e biglang pababaunan nyo kami ng malalaswang salita. hindi ko ma take, sa totoo lang, hayssss

anyways, masarap pa rin sa pinas sempre. kalimutan ko na ang mga makukulit sa huli 😀

P.S. sa mga miyembro ng wordpress pinoys — bukas na ulit ang ating tambayan kaya nga lang ay balik muna tayo sa lumang URL: http://wordpresspinoys.freeforums.org. kita kits tayo dun ha!

Advertisements

14 mga puna »

  1. hay naku ganyan talaga. akala ng mga yan lagi kang may pera. eto nga natatamad na akong magbakasyon kasi magastos. wahhhhh… sa totoo lang hindi pa ako nagpabook e pinag-iisipan ko pa 🙂

    Komento ni nina — Abril 17, 2009 @ 6:01 hapon | Sagutin

  2. naku, ganyan talaga sa airport. takot lang silang lumapit sa kin, either sobrang taray akong tignan or mukha akong dukha hahaha.

    Komento ni analyse — Abril 17, 2009 @ 6:27 hapon | Sagutin

  3. saya nga bakasyon nyo…..ako din mareng kengkay sa august yehhhhey!

    Komento ni blurosebluguy — Abril 17, 2009 @ 9:58 hapon | Sagutin

  4. doon din pala kayo nagbakasyon sa bohol.. ganda talaga dun 🙂

    Komento ni sandijmartin — Abril 18, 2009 @ 6:40 umaga | Sagutin

  5. Aba.. Saang airport yan? Isnab mo nalang sila mommy Kemgks. Buti ka nga nakapunta na ng Bohol. Hehe

    Komento ni Neex — Abril 18, 2009 @ 7:37 umaga | Sagutin

  6. hay naku grabe naman yun, kahit na hindi pa din yun tama, nakakahiya kaya yung ganun kagarapal. kelan kayo uli babalik? ehehe!

    Komento ni cindyrella — Abril 18, 2009 @ 11:31 umaga | Sagutin

  7. wow
    kengkoy in malibay
    dapat may separate post ka para don
    hehe

    happy weekend, kenka!

    Komento ni raft3r — Abril 18, 2009 @ 12:02 hapon | Sagutin

  8. masarap talaga umuwi ng pinas..lahat ata ng asa ibang bansa e ganyan ang sinasabi, totoo naman yon…tapos nag ka EB ka pa ng mga prend mo dito sa ere, mabuti pa kayo sana sa sunod ako din..waaaaa

    Komento ni payatot — Abril 18, 2009 @ 12:18 hapon | Sagutin

  9. Hello Kengs, how are you? Hay sayang talaga hindi tayo nag-meet kasi medyo busy.

    Sana next time makita na kita. Regards sa mga chikiting mo sis! ^_^

    Komento ni Snow — Abril 18, 2009 @ 3:29 hapon | Sagutin

  10. Welcome back raquel, masarap naman talaga sa pinas, sa june ulit ang balik namin, this time one month lang kami then balik kami ng november till january na yon, best regards. 2nette

    Komento ni an2nette — Abril 18, 2009 @ 4:53 hapon | Sagutin

  11. ate sana next destination nyo ang coron palawan, maganda dun pramis. native land yun ng mama ko, as in super ganda daw yun, di ko pa kasi narating yun pics pa lang nakikita ko, punta ka dun halibre ko lodging nyo, sagot ko isang villa.hehe

    Komento ni taympers — Abril 19, 2009 @ 4:51 umaga | Sagutin

  12. wah kaiingit nga di man lang ako nakapunta sa EB hays trabaho kasi eh hehe..sarap talaga kapag bakasyon hehe makakarating din ako ng bohol hehe…

    Komento ni anakngpating — Abril 19, 2009 @ 5:13 umaga | Sagutin

  13. hanep naman yang mga kumag na yan o. nakakita lang ng porenjer biglang nag-asal hayop na mga hinayupz. tsk tsk tsk.

    lage ko pa naman ding binibida sa mga american customers ko na maganda mag-stay dito sa pinas dahil bukod sa magnada ang lugar, mababait pa ang mga tao rito. sows!

    Komento ni lio loco — Abril 19, 2009 @ 1:53 hapon | Sagutin

  14. bwiset yun ah. sorry affected ate kengks. nakakahiya kasi minsan mga kalahi natin eh. tulad nalang nung ted failon issue. tsk tsk.

    Komento ni iris — Abril 20, 2009 @ 4:04 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: