Kwentong Kengkay

Abril 21, 2009

EB sa mall of asia

Filed under: EBihan,Kwentong Kengkay — kengkay @ 5:23 hapon
Tags: ,

pagkatapos kong makipag taasan ng kilay at makihalubilo sa kagandahan kay bebe gandanghari e sempre sunod na EB espesyal naman yung sa mall of asia.

akalain ko ba namang may pumunta pala talaga 😀 number wan kasi hindi ako nakapag blog hop para mangalabit. number tu kasi nagkaron ng biglaang lakad sa hundred islands, pangasinan kaya hindi ako nakapangulit. number tri kasi dumating kami ng alas tres sa maynila at ang EB e alas kwatro, waaaa! pero kahit na pagod pa sa biyahe e game na game kami ni little kengkay.
ang aga nga namin e, bago mag alas kwatro e naglalakwatsa na kami sa mall of asia. sabi ko ang EB sa labas ng pizza hut di ba? pwes, may labas pala ng pizza hut na dun sa mismong labas ng MOA at may labas din na dun naman sa may kabilang pwesto. hay anu ba yun! hirap ng bagong salta e. ngek, pahirapan talaga! pero dahil sa teks teks e nagkita din kami ni kotsengkuba/the houseband at ng kanyang charming wifey na si antipatika. ang pechur sa itaas ay kuha ng aking bihasang photographer na si bunsoy 😀
alam nyo bang sale nung araw na yon sa MOA? kaya naman hirap maghanap ng pwesto. ginawa namin, sa pizza hut na lang kami tumambay. busog na kami nung nagparamdam ang mga kasunod na ka EB na sina flipclan at si malen.

at sempre naghanap pa kami ng kasama. tinawagan ang pinoy ambisyoso na nagkunyari pa. ayun, pagkatapos ng limang minuto e dumating din naman, hard to get ano, hahaha!
ang photogenic na mr antipatiko at mrs kotsengkuba 😀
ang photogenic na bloggers, hehehehe
nga pala, sumunod si hibang! yipeeeee. kaya nakatikim ako por da pers taym ng ice cream na imported. ayan, si bunsoy na ayaw magpa pechur ang kumuha nyan ha.
at hindi na rin kami nakatiis, nakikalabit na rin kami sa waitress ng lugar para posing posing.
sempre dalawang beses para mas kyut! pero parang wala yatang naiba, ano 🙂

sarap ng EB na yan. naiyak lang ako kasi ang daming kong nakakasalubong na may dalang shopping bags mantalang kami e window shopping lang ang nakayanan. at sinong may sabing may krisis sa pinas!

Advertisements

13 mga puna »

  1. kasaya naman ng EBehan na yan……sana ganun din ang mangyari sa akin pag-uwi ko hehehehehe! lapit na kaya….

    Komento ni blurosebluguy — Abril 21, 2009 @ 6:00 hapon | Sagutin

  2. Waaahhh! Kakainggit naman ‘yang EB na ‘yan!

    Komento ni The Gasoline Dude — Abril 21, 2009 @ 10:31 hapon | Sagutin

  3. kainggit!

    Komento ni pusa — Abril 22, 2009 @ 1:26 umaga | Sagutin

  4. @kuya blu kung uuwi ka update ka agad jan sa balak mo,pipilitin ko na talagang makupunta..
    @mami kenkgs sayang sana najan din ako sa mga piktyur na yan hays naiingit tuloy ako next time tlga kahit pa may pasok hehe tatakas ako hehe..
    nakatikim din sana ako ng ice cream hehe..:)at nakasama pa ang iba..

    Komento ni anakngpating — Abril 22, 2009 @ 3:24 umaga | Sagutin

  5. kilala ko yung dalawa jan, si kotsengkuba (yung may-ari ng domain ng blog ko) at saka si ambo pero di ko pa sila nakikita sa personal, buti ka pa waaaaaaah

    Komento ni madbong — Abril 22, 2009 @ 3:31 umaga | Sagutin

  6. kaya naman pala nung nagtext ako sayo minsan e hindi ka na nakareply. kasalukuyan siguro kayong nasa himpapawid non, hahaha

    Komento ni kotsengkuba — Abril 22, 2009 @ 5:50 umaga | Sagutin

  7. wow ang kulit naman po… kung malapit lang sana ang MOA eh…

    grabeh mis kengkay nakakalito po talaga yang mall na yan… hehehe

    Komento ni yhen — Abril 22, 2009 @ 8:24 umaga | Sagutin

  8. ang saya naman! sana sa pag-uwi ko, may maka-EB din ako. 😀

    Komento ni enjoy — Abril 22, 2009 @ 10:02 umaga | Sagutin

  9. Hello Kengkay,

    Dami mong kaEB a. Di ako masyadong nagandahan sa MOA pero seguro dapat bumalik ako doon para ma-appreciate ko. Parang ang gulo kasi dahil sa laki. 🙂 Nasanay na talaga ako sa shopping area dito na open ba.

    Anyway, have a great week!

    Komento ni sofie — Abril 22, 2009 @ 5:45 hapon | Sagutin

  10. wow ang mga pektyurs natin nakapost na! hindi na ko nakababye sa yo pag alis mo sa pinas! kita kita na lang ulit. Next time dyan naman sa oyropa hehehehe

    Komento ni bernardumali — Abril 22, 2009 @ 11:28 hapon | Sagutin

  11. wow momie kengks……an saya nmn…

    huhu kainggit

    Komento ni simplefula09 — Abril 23, 2009 @ 1:04 umaga | Sagutin

  12. daya! wala ako dun! huhuhuhuuuuuuuu

    Komento ni foobarph — Abril 28, 2009 @ 8:46 umaga | Sagutin

  13. wow! ganda ng pics.heheheh! ngayon lang ulit ako napadaan dito mommy kengks. Thanks nga pala sa something something sa aming chikiting. Ingat kayo dyan. 🙂

    Komento ni Antipatika — Abril 29, 2009 @ 1:40 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: