Kwentong Kengkay

Abril 26, 2009

tansan para sa NAIA

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 11:27 umaga
Tags: , , ,

alam nyo kung gaano kasarap ang feeling ng asa taas ka ng ere at mula sa upuan mo sa eroplano at nakikita mo ang maynila? kakakilig. parang yung nakakasilay ka sa crush na crush mo, hehehe. super excited talaga.

at paglapag ng eroplano, sempre mas exciting talaga. parang unang halik šŸ™‚ at paglabas ng eroplano, ay may konting kaba na. mahaba kaya ang pila sa immigration? may sundo kaya? mauna kaya ang aking bagaheng isuka ng eroplano? libre pa rin kaya ang baggage cart? sino kaya ang susundo sa amin? magpapaporter ba o hindi?

pero bago ko naisip ang lahat ng iyan e nag may i go out muna kami ni bunsoy. ayaw kasi ni bunsoy gumamit sa eroplano e. takot na takot syang pati sya e ma-flush dun sa kagimbal-gimbal na ingay kapag gumamit ka ng toilet sa eroplano. parang pati ikaw e ma flush dahil sa lakas ba naman e.
img_0005 kaya nagpunta kami sa NAIA international toilet. sempre naman, mas masarap pa rin na gumamit ng toilet na nakakakabit sa lupa. kahit pa medyo, hmmm, mas malinis pa minsan yung toilet sa ere.

so pasok nga kami sa NAIA international toilet. malinis naman sya in fairness, walang amoy. mabasa basa pa nga dahil kalilinis lang. madulas dulas. pasok kami sa loob. ginawa ang aming kabisnisan at sempre dapat mag flush!

ekkk, ano itong nakita ko na pang flush? kulay asul na butones? tansan? o kahit na anong takip ng bote? kasali kaya ito sa ipa-flush ko? natakot si bunsoy at baka daw pag hinila nya e sumama buong toilet. sabi nya ako daw mag flush.

sempre naman, may i flush ako at nakakahiya sa kasunod namin. hayss, mabuti naman at hindi ko natibag ang buong NAIA international toilet. kawawa naman ang NAIA international toilet ano? butones, tansan o kaya kahit anong takip ang ginagamit.

papano kung may nagkainteres dyan sa butones, tansan o takip na yan? edi wala ng pang flush? kaya naman mangolekta na tayo ng tansan, kahit na RC, coke o pepsi pa ang paborito ninyo. ipadala sa NAIA international toilet assosasyon.

sa totoo lang, hindi lang isang beses kaming gumamit ng NAIA international toilet ha, kahit saang ladie’s toilet e may ganyang drama. at tinanong ko kay kengkoy kung may ganyan din syang nakita sa men’s toilet? pwes, sempre naman. kailangan talaga nila ng tansan sa NAIA international toilet.

da byuti op da pilipens in a tansan šŸ™‚ oy, mahal ko pa rin ang pilipens kahit na de tansan ang pang flush nila. ibang klase ang galing ng isep ng mga pinoys di ba? pero sana maayos naman nila ano?

Advertisements

15 mga puna »

  1. katawa naman yan at parang natakot pa si bunsoy… hehehe…

    kahit anu pa sabihin nila… maganda pa din ang pinas! =)

    Komento ni Lalaine — Abril 26, 2009 @ 3:33 hapon | Sagutin

  2. HAHAHAHAH….ganun na ba ang lagay ng mga toilet natin sa internationl airport?

    Komento ni blurosebluguy — Abril 26, 2009 @ 9:34 hapon | Sagutin

  3. ayos! wala bang pondo para dyan? hmmmm…

    sa kabilang banda.. baka ginawan lang ng paraan ng janitor para magkaroon ng handle..

    Komento ni sandijmartin — Abril 26, 2009 @ 10:50 hapon | Sagutin

  4. aray ko… may tansan talaga! tsk.tsk.

    actually di naman ako maarte sa ganyang itsura ng CR/flush, mabuti nga gumagana di ba?! ang kaso kasi airport ‘yan, isang transportation/ business place ng Pinas tapos ganyan. isa pa sinasabi nila, pinagkakagastusan ng gobyerno ‘yan tapos de-tansan lang.

    hay… buti pa sa SM maraming CR kahit sa gilid-gilid ng department stores. ganda pa!

    Komento ni hitokirihoshi — Abril 27, 2009 @ 1:50 umaga | Sagutin

  5. sows! at naturingan pang international airport kuno. tsk tsk! sori nmn daw sabi ng naia tansan asosheyshun.

    Komento ni lio loco — Abril 27, 2009 @ 6:47 umaga | Sagutin

  6. naku mommy kengks, kaawa naman nga itong NAIA international toilet at onli in da pilipins yan mommy kengks…

    Komento ni payatot — Abril 27, 2009 @ 11:51 umaga | Sagutin

  7. ok ah, unique talaga at maparaan tayong mga pinoy! ^^

    Komento ni cindyrella — Abril 27, 2009 @ 12:11 hapon | Sagutin

  8. ahaha sa tingin ko takip ng mineral water un ahaha ang gagaling talaga ng pinoy e hano?

    nasira siguro yung pang flush ahaha astig talaga ang pinoy @_@ maparaan…

    Komento ni jex sah'pahk — Abril 27, 2009 @ 2:15 hapon | Sagutin

  9. haha natawa ako dito ate kengs!

    alam ko na kung bakit takip ng bote un.

    mineral water kasi ang gamit nilang tubig pang flush sa bawat toilet bowl. hahaha!

    Komento ni Joffred — Abril 27, 2009 @ 2:51 hapon | Sagutin

  10. hala. bakit may tansan? haha.

    Komento ni Shobe — Abril 27, 2009 @ 3:03 hapon | Sagutin

  11. hahahahahha. atleast libre naman. sa oyropa, kada gamit may bayad. tapos kakaloka din ako sa pag gamit ng toilet iba-iba yong way ng pag flush. meron sa taas, sa baba, sa gitna. yon nga lang di naman tansan ang gamit.

    Dito naman shocking talaga sa akin ang squat type na toilet. Hindi ko talaga carry yon….

    Komento ni nina — Abril 27, 2009 @ 6:34 hapon | Sagutin

  12. ngek bkit gnyn? hehe… parang sa tabi tabi lang yan ah…

    tama ba naman yan ms kengkay… ehhe

    Komento ni yhen — Abril 28, 2009 @ 2:10 umaga | Sagutin

  13. walastik! wala bang pondo yan? nyaha!

    Komento ni foobarph — Abril 28, 2009 @ 8:47 umaga | Sagutin

  14. Hello Kengkay,

    Luma na talaga yang NAIA building na yan. Actually hindi na siya welcoming e, parang ang sikip kasing tingnan. Ewan ko ha, feeling ko lang yan.

    Parang walang nag-tse-check na maintenance supervisor toilets a.

    Komento ni Sofie — Abril 29, 2009 @ 4:02 hapon | Sagutin

  15. unfortunately, walang direct flight ang PAL (Plane Always Late, or P….ina Asan Luggage ko) to amsterdam. or anywhere in europe for that matter.

    wala lang. makapag comment lang ng mukhang may laman. kamusta po? šŸ˜€ bumalik ka pala ulet dito sa pilipinas.

    Komento ni Solid Liquid Gas Plasma Matter — Mayo 2, 2009 @ 7:13 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: