Kwentong Kengkay

Abril 28, 2009

kwentong taksi

Filed under: Kwentong Kengkay,Mabait ang Pinoy,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 11:07 umaga
Tags: , ,

sino nga ba ang hindi pa nakakasakay ng taksi sa atin? minsan nga kahit kapos pambayad e pilit pa rin sumakay di ba?  makikipag areglo na lang sa taksi drayber na ibaba na lang kapag umabot na sa 100 pesos yung metro kasi hanggang dun na lang yung pera 🙂

minsan suplado yung drayber pero karamihan e mababait naman sila. lalo na kapag kung ilang ikot ikot na nag ginawa nila bago tayo makarating sa dapat puntahan 😀 may mga drayber na suplado na ang sarap ipahinto yung sasakyan kahit sa gitna ng kalsada. may mga drayber na kaskasero na akala mo naman e may LBM nahindi na mapigil. may mga drayber naman na akala naman nila e porke pupunta ka dun sa pupuntahan mo e alam mo na rin kung saan (san po yon? dito po ba yon? ano sa tingin ninyo tama kaya tayo?) tapos ilang ikot na e wala pa rin sa pupuntahan.

at may mga drayber na katulad ng nasakyan namin nung papunta kami sa makati para makipag EB sa ayala. isang drayber na mapapasaludo ka talaga.

nagulat ako sa pagpasok ko pa lang dahil dun sa nakasabit sa likod ng upuan nya. ayan sa taas, nababasa nyo ba? ang kanyang paalala na bago umalis ng kanyang taksi e tingan mabuti kung walang naiwan. sempre nga naman minsan sa pagmamadali e hindi na tayo lumilingon ulit. minsan naiwan na ang pitaka, ang cellpon, ang sunglasses, at kung ano ano pa. ang kwento nga ni mamang drayber e minsan briefcase at laptop pa nga daw.

pero sabi naman nya, lahat ng maiwan sa taksi nya e pinabalik nya, kahit na briefcase na puno ng pera. ginagawa daw nya e bumabalik sya dun sa pinaghatiran nya o kaya naman e sa radyo sya nananawagan. ibang klase din ang kanyang prinsipyo ano? sabi kasi nya e pera lang daw yon. iba daw ang suntok ng kunsiyensya. masarap na daw na nakakarinig sya ng pasasalamat.

alam nyo kung bakit sya naglagay ng ganyang karatula? kasi may minsang nakaiwan daw ng cellpon. tinawagan nya yung numbers dun sa cellpon para ipaalam na nasa kanya yung cellpon. hinatid nya yung cellpon, nung dumating sya sa lugar nung may ari? ayun at may pulis. inaakusan daw syang sya ang kumuha ng cellpon. e bakit kaya sya tatawag at bakit kaya sya pa maghahatid kung ayaw pala nyang ibalik yung cellpon di ba? at gusto pa kanyong paimbestigahan.

mabuti na lang daw sabi nung pulis e wala naman daw kaso kasi binalik na nga daw yung cellpon. lintek talaga minsan ang utak ng ibang tao ano? ang sabi naman ni mamang drayber, dun daw nya na realize na minsan daw talaga, mahirap daw magbigay ng pasalamat ang mga tao lalo pat malabo ang tingin nila sa mga kapwa nila tao.

agree na lang ako sa kanya. pero sabi ko sa kanya na saludo ako sa prinsipyo nya sa buhay. sabi ko sa kanya na sana dumami pa ang lahi nya. sabi ko sa kanya na sana e maging maganda lalo ang takbo ng buhay nya kahit na kulang sa luho, at sabi ko sa kanya? ikukwento ko sya sa aking blog 😀

ang problema ko lang? nalimutan ko yung pangalan nya 😦 at kapag nakasakay nyo sa? sabihin ninyo salamat ulit!

P.S. kahit na medyo nagbibisibisihan si kengkay e may nakakita pa rin sa akin 😀 click here salamat po ng marami! atsaka nyo na malalaman kung bakit medyo hindi ako makabisita kase… kase…. 😀

Advertisements

18 mga puna »

  1. wow….magaling na drayber ito….bibihira na lang talaga ang ganito sa atin….
    sana dumami pa ang lahi nila!

    Komento ni blurosebluguy — Abril 28, 2009 @ 11:15 umaga | Sagutin

  2. meron pa rin naman taxi driver na ganito ano? marami din ang hunghang na walang inaantay kundi ang malingat ka lang para maka hirit sa bayad

    Komento ni payatot — Abril 28, 2009 @ 12:10 hapon | Sagutin

  3. yung mga kwentong ganyan ang nagbibigay sakin ng hope na hindi lahat ng tao sa mundo masama. 🙂 at sana pagpalain pa si manong driver na yun 🙂

    Komento ni iris — Abril 28, 2009 @ 3:16 hapon | Sagutin

  4. Talagang may mga taong mahirap mag bitaw ng salitang “Salamat”, at may mga taong maliit ang tingin sa mga dryaber o kahit sa maliit na tao ng ating Lipunan. Pero isa halimbawa ng maprinsipyong Pilipino ang drayber na ito.

    Komento ni empress — Abril 28, 2009 @ 11:06 hapon | Sagutin

  5. saludo ako sa mga taxing ganyan. pero kakaunti n lng ang mga mababait. 🙂

    Komento ni foobarph — Abril 28, 2009 @ 11:48 hapon | Sagutin

  6. kokonti nalang taong ganito..
    tapos ang saklap napagkamalan pang magnanakaw XD
    Sana lahat ng drayber ganito.. di sinungaling, at babalik talaga yung gamit..

    Komento ni nadine — Abril 29, 2009 @ 1:04 umaga | Sagutin

  7. tama po yun momie kengks… 😛

    Komento ni simplefula09 — Abril 29, 2009 @ 1:12 umaga | Sagutin

  8. korek dapat humayo at magpakarami ang mga taxi drivers na ganyan

    Komento ni lilaybulilay — Abril 29, 2009 @ 6:15 umaga | Sagutin

  9. sana nga dumami pa ang lahi nya. natuwa lang ako, dati kwentong kutsero ang uso, ngayon, kwentong taxi na hehe.

    Komento ni analyse — Abril 29, 2009 @ 6:31 umaga | Sagutin

  10. galing ni mamang drayber..

    Komento ni sandijmartin — Abril 29, 2009 @ 7:30 umaga | Sagutin

  11. may mga tao talagang minsan ganyan biglang manghuhusga eh wala naman kasalanan ung hinhusgahan nila hehe..:)
    salamat na lang at meron pa ding ganyang driver..
    mapagkakatiwalaan..
    bakit nga po ba kayo busy2han mami kengks,,

    Komento ni anakngpating — Abril 29, 2009 @ 9:45 umaga | Sagutin

  12. Nakakainis yung mga grabe kung makadagdag ng patong sa pamasahe amft!

    Komento ni joycee — Abril 29, 2009 @ 3:36 hapon | Sagutin

  13. Hello Kengkay,

    Minsan paswertehan sa taxi driver. Pero bibihira na akong sumakay ng taksi sa Pinas pag nagbabakasyon e. Kaya bibihira ko na ring ma-encounter yong mga suplading drivers. 🙂

    Anyway, enjoy the rest of the week!

    Komento ni Sofie — Abril 29, 2009 @ 4:04 hapon | Sagutin

  14. Hi Ms. Kengkay,
    Naibalita ng kaibigan ko ang tungkol sa blog mo, kaya agad ko ito tiningnan at naaliw ako sa post mo tungkol sa taksi drayber. ako man at misis at anak naming 4 na taong gulang ay sumasakay madalas ng taksi. tama ka na kakaunti na lang ang mga drayber na matino na magsasauli ng gamit kung may makakaiwan man. nakaiwan na din kami before na 32 piraso ng diapers ng anak namin dati, ang ending : hindi sinoli ng drayber na binigyan ko pa ng tip na PhP20. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay kapag ang drayber ay humihingi agad ng dagdag-bayad o nangogontrata o higit ay namimili ng pasahero. tamang mga oportunista!

    nga po pala, maari bang i-link ko ang blog mo sa aking site http://docgelo.wordpress.com
    you are always welcome to swing by my blog anytime ms. kengkay.
    salamat!

    Komento ni docgelo — Abril 29, 2009 @ 4:26 hapon | Sagutin

  15. ang bait naman ni mamang ano… sana lahat ng driver ganyan… si lolo ko dati taxi driver din ang ultimo payong eh binabalik nya. pareho sila ng pananaw ni mamang ano… 😀

    yngat po kayo lagi =)

    Komento ni Lalaine — Abril 29, 2009 @ 5:24 hapon | Sagutin

  16. Paranoid na akong sumakay ng taxi, you always feel na hindi ka safe kung saan nasa sarili ka ng bayan, kainis diba? Kasi naiisip mo yung mga masasamang balita related to cab.

    Dahil dito, kahit pinili natin mag metro minsan nakikipag away pa tayo na dinaya, hahaha. May nagsabi sa akin nun na kapag rumatsada sa lubak-lubak, tataas yung metro. Kaya ang nangyayari aregluhan na lang ang bayad. Kapag ganito, tayo din dapat sisihin, sinanay natin ang areglo-fare.

    Ay basta, most taxi-driver if you are coming from the Airport ganun parati ang trato sa pasahero, kahit naghatid ka lang, they think galing ka ng abroad.

    Hi Kenks.

    Komento ni K — Abril 30, 2009 @ 3:47 umaga | Sagutin

  17. saludo ako sa drayber ng sitak na nasakyan mo ms. kengkay! ako man at ang aking misis ay yamot sa mga oportunistang tsuper ng taksi. ngunit kung magalang at maayos magmaneho, siguradong may tip sa amin.

    maari bang i-link ko ang blog mo sa blog ko?
    salamat po!

    Komento ni docgelo — Mayo 4, 2009 @ 9:45 umaga | Sagutin

  18. maganda ang ganyan at maireremind ang mga tao na maging maingat sa kanilang mga gamit. ako minsan ng nakarana s na mahulugan ng wallet sa taxi at talagang sinoli ng driver, ang mahirap kasi jan ay pag pasahero din ang nakakita kasi, kadalasan ay di na nasosoli pa.

    Komento ni Basti — Mayo 7, 2009 @ 12:30 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: