Kwentong Kengkay

Abril 30, 2009

shopping sa baclaran

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 12:35 hapon
Tags: , ,

sabi ko sa kapatid ko, gusto ko naman mag shopping ulit sa Baclaran.

sabi ng kapatid ko, sige! sabi ng nanay ko sige din. sabi ng mga pamangkin ko, sige din daw. waaaa! isang barangay, ano ba yun! pinigil ko ang mga damdamin nila at sinabi kong ako lang at yung sister ko ang pupunta. baka maubos pang shopping ko sa jollibee pa lang, hehehe
sa totoo lang, kaya ako nagpunta dun e para bumili ng gowns. kasi naman gusto ko mag debut ulit, hahaha. alam nyo kung magkano ang mga gowns sa baclaran? between 300-1,000 yung para sa pambata at yung sa pang debut na katulad ko e between 500-2,000. depende pa yun kung gaano ka kagaling tumawad.

eto ang mga konting tips ano daw dapat gawin kapag mag-shopping sa baclaran:
1. magsuot ng simpleng damit na komportable at yung sapatos na sobrang komportable pa sa suot na damit.
ending ni kengkay? t-shirt, shorts na maraming bulsa at tsinelas na spartan 😀

2. huwag daw magdala ng bag, basta isuksok lang yung pera sa bulsa kung maaari.
ending ni kengkay? iniwan ko yung celpon ko sa bahay, walang wallet at pera lang sa napakarami kong bulsa. pero nagdala ako ng malaking-malaking bag na parang bayong kasi mag sho-shopping nga ako di ba?

3. magdala ng pamaypay
ending ni kengkay? mas marami pa akong napaypay kesa sa nashopping, hehehe

4. at sa mga mahilig magdala ng payong? oo, magdala po tayo.
ending ni kengkay? hindi ako talaga mahilig magdala ng payong kahit maulan man o mainit e, tamad, yun ang aking eksyus!

5. humandang mag jeep o mag bus. hirap yatang maghanap ng parking dun.

6. pumunta ng maaga sa baclaran. walang masyadong tao at walang masyadong trapik. at dahil mas masarap mag shopping kapag ikaw ang unang costumer. mas madaling bumigay sa tawad mo. sarap tumawad at makipag baratan. at kapag bumili ka, pansinin mong gagawin nilang pamaypay yung pera mo sa tinda nila para good luck daw
ganyan ang sikat nung araw nung asa baclaran kami

7. papano makipag-baratan? tawagan ang tindero ng kuya o manong o kaya naman pogi at kung tindera naman ay ate, manang o ms maganda. kapag gurl naman e sabihing ms maganda din 🙂 kilatisin hindi lang ang produkto kundi pati na rin ang tindero at tindera dahil kung minsan e sa kanila din bumabagsak ang presyo. makipagpalitan ng joke time at makipagkwentuhan ng konti. nakakaubos ng oras pero epektib sya para hindi maubos ang pera, at pag uwi mo dami mo ng best friends, di ba?

8. at sempre, andun ka na nga lang edi dumaan ka na rin sa simbahan 🙂
opo, dumaan at nagalay din kami ng dasal

mura sa baclaran. yun nga lang, may effort ang mag ikot ikot at magtawad tawad at mabuhat buhat. at nakakatunaw ang sikat ng araw pero masaya kasi punong puno ang aking bayong!

Advertisements

33 mga puna »

  1. kasaya naman talaga ang mamimili sa baclaran…naalala ko nga ….wedding gown ng kapatid ng kaibigan ko nabili 1,500 lang ….asan ka pa nyan…samantalang pagpinatahi kulang ang thousand pesoses mo dyan…..mabuhay ang baclaran.
    tsaka tama yung mga tip mo mare…..natuwa naman ako doon sa sa daming pamaypay……hahahahahahahahahahaha

    Komento ni blurosebluguy — Abril 30, 2009 @ 12:57 hapon | Sagutin

  2. pati pala baclaran e dinaanan mo rin ano? masaya talaga mamili dyan lalo na pag nanakawan ka, waaaaaaaaaaaaaaaaa

    Komento ni payatot — Abril 30, 2009 @ 1:10 hapon | Sagutin

  3. sarap nga mag-shopping jan mami kengks. salamat po sa tips. tagal ko na rin kasing di nakakadaan diyan. makabili nga ng pantalon minsan. hehehe. at oo, hindi rin talaga ko nagdadala ng payong higit lalo ung di folding. ang laki-laki na nga, agaw pansin pa. magtampisaw na lang sa tubig-baha. nyahahaha!

    Komento ni lio loco — Abril 30, 2009 @ 9:40 hapon | Sagutin

  4. mura na talaga sa baclaran at divisoria.. medyo ingat lang ng konti.. ngayong linggo lang nasa binondo ko at sta. cruz.. dami ring mura doon 🙂

    Komento ni sandijmartin — Abril 30, 2009 @ 10:50 hapon | Sagutin

  5. tgal q na do na kakapunta jan momie kengks…layo po kc…. 😛

    Komento ni simplefula09 — Mayo 1, 2009 @ 12:23 umaga | Sagutin

  6. di pa ko nakapunta ng baclaran divisoria pa lang hehe..:)pero masaya nga daw mamili dun at magsimba,
    napuno ba ang bayong mami..ano ano pa nabili nyo bukod sa gown..:)

    Komento ni anakngpating — Mayo 1, 2009 @ 3:38 umaga | Sagutin

  7. di pa ko nakapuntang ng baclaran sa 24yrs of my existence pero nanay ko, ang dalas dyan at puro bag naman ang balak bilhin.

    ok susundin ko ang tip mo ms.kengks 🙂

    Komento ni dencios — Mayo 1, 2009 @ 4:31 umaga | Sagutin

  8. Hi! bilib talaga ako sa iyo, wise shopper ka talaga, di ako marunong tumawad mas magaling si big daddy ko nung nagpunta kami ng tutuban, try ko rin pumunta ng baclaran pag uwi namin, matagal tagal na rin akong di nakapunta don

    Komento ni an2nette — Mayo 1, 2009 @ 8:19 umaga | Sagutin

  9. hi mami kengks. ala bang nagsabit sa yu ng krus o kaya anting-anting nung nagpunka ka sa baclaran church? hehehe

    Komento ni partofyou — Mayo 1, 2009 @ 8:50 umaga | Sagutin

  10. Try mo rin sa 168 sa Divisoria! 😀

    Komento ni aLps — Mayo 1, 2009 @ 11:28 umaga | Sagutin

  11. masarap makipag baratan…maghalukay ng mga paninda…ang suko ako ay sa siksikan ng tao..para akong masusuka…maarte na kung maarte…di ko mapigilan eh! hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Mayo 1, 2009 @ 11:34 umaga | Sagutin

  12. marekoy, yang lupain diyan sa likod ng simbahan ng baclaran hangang dun sa may taft avenue ay pag-aari ng sis-in-law ng tita ko.

    Komento ni madbong — Mayo 1, 2009 @ 11:39 umaga | Sagutin

  13. Never ko pa mag try mag shop sa Baclaran, kasi one time dumaan kami, ang sikip, haha! But, their church is nice, kasi one time dun kami nag simba.. hehe

    Komento ni Ms. CandyBlush — Mayo 2, 2009 @ 8:15 umaga | Sagutin

  14. Ahaha.. Helpful ang mga tips mo mommy Kengks. Susundin ko to pag nagpunta ako dun. 😉

    Komento ni Neex — Mayo 2, 2009 @ 2:27 hapon | Sagutin

  15. ako naman ang tip ko, mag-skirt or leggings. para kung may magustuhan na damit eh madaling mag-fit. hehe.

    matagal-tagal na rin ako di namimili sa divi or jan. wala na kse mapag-lagyan sa mumunti naming bahay e. tsk tsk.

    Komento ni antuken — Mayo 3, 2009 @ 4:46 umaga | Sagutin

  16. nanay ko rin maka-baclaran pero ako pag bilihan maka-divisoria. tama ang mga tips mo ate at yung tawaran eh susundin ko yan ng bonggang-bongga.

    ako kasi pag di ko type ang presyo, nilalayasan ko kaagad kahit gandang-ganda ako sa product. pero sayang din noh! maganda nga rin ang mga gown sa baclaran. diyan ko nga pala binili yung pinang-graduation ko noong grade 6.

    mabuhay at makulay ang pamimili at pagpunta ng Baclaran.

    Komento ni hitokirihoshi — Mayo 5, 2009 @ 3:35 umaga | Sagutin

  17. taytay?
    sounds family
    hehe

    ikaw, ha
    nawawala ka na rin
    di kana bumibisita sa the deadbeat club
    hehe

    Komento ni raft3r — Mayo 5, 2009 @ 8:55 umaga | Sagutin

  18. teka
    seryoso
    nickname nya ba ay emy?

    Komento ni raft3r — Mayo 5, 2009 @ 8:56 umaga | Sagutin

  19. pucha
    maling post pa nakomentan ko
    hehe
    para ito sa missing person
    pasensya na, pogi lang
    nyahaha

    Komento ni raft3r — Mayo 5, 2009 @ 8:57 umaga | Sagutin

  20. […] hindi lang divisoria at baclaran ang maaari nyong bisitahin para makipag-tawaran at […]

    Pasa ni shopping sa taytay, rizal « Kwentong Kengkay — Mayo 5, 2009 @ 8:57 umaga | Sagutin

  21. Baclaran? try ko rin nga mag shopping dito minsan.

    Komento ni Millionaire Acts — Mayo 5, 2009 @ 11:48 hapon | Sagutin

  22. murang mura talaga sa baclaran, kaya ang daming tao araw araw… kaso marami ding masasamang loob na nagkalat. kaya ingat ingat talga ang mga tao at mamimili.

    Komento ni Basti — Mayo 7, 2009 @ 12:27 umaga | Sagutin

  23. […] turo kapag buong barangay ang magmiryenda. ano daw dapat na costume kapag pupunta ng divisoria? parang yun sa baclaran din. isang shorts na maraming bulsa o kaya naman palda na maraming bulsa (para mabilis mag-sukat dahil […]

    Pasa ni shopping sa divisoria « Kwentong Kengkay — Mayo 29, 2009 @ 7:13 umaga | Sagutin

  24. […] na gawang pinas. alam ninyo naman kung saan pwedeng makakita ng mura pero de kalidad. divisoria, baclaran, taytay rizal o kahit saang palengke. sempre meron din naman sa SM o sa Levis, di […]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon | Sagutin

  25. The Baclaran Phenomenon is the incredible number of people who come to the Redemptorist Church in Baclaran every Wednesday to make the Perpetual Novena to Our Mother of Perpetual Help. It is estimated that at least 100,000 devotees come on regular Wednesdays, reaching about 120,000 on the First Wednesday of each month. The biggest turnout of the year is on Ash Wednesday. The crowd for that day simply defies estimate.

    Baclaran Church Official Website

    Komento ni baclaran church — Disyembre 27, 2009 @ 6:52 hapon | Sagutin

  26. gud day po kindly send me some samples ng wedding dress pls para hindi na ako pupunta sa baclaran

    Komento ni rhon — Nobyembre 10, 2011 @ 10:04 umaga | Sagutin

    • hi ron, sana nga ganyan lang kasimple ano? kapag nag request ka ng sample e meron ngang magpapadala sa iyo 😀 kaso hindi ganyan ang buhay e. kailangan medyo kumayod ng konti. kung malayo ka sa baclaran, sigurado ko merong tindahan na malapit sa inyo na merong mga wedding dresses. magtanong tanong ka lang.

      Komento ni kengkay — Nobyembre 10, 2011 @ 12:52 hapon | Sagutin

  27. HELLO GUD DAY PO MY MINIMUM ORDER POBA SA BACLARAN?

    Komento ni ARRAH — Disyembre 5, 2011 @ 10:57 hapon | Sagutin

    • hi arrah, walang minimum order sa baclaran 😀 pero kapag gusto mong wholesale price, am sure may minimum order. punta ka na lang dun para makasigurado.

      Komento ni kengkay — Disyembre 6, 2011 @ 9:34 umaga | Sagutin

  28. […] sad to say, my parent’s business closed and is reduced to a simple shoe repair shop here in Baclaran. I’m the eldest and i have 3 annoying younger sisters. Tetet is the eldest among them and she […]

    Pasa ni No internet | deadpoetism — Abril 15, 2012 @ 4:17 umaga | Sagutin

  29. […] sa taytay, rizal; ang mga Christmas decors na bargain galing sa divisoria, ang tabo na binili sa baclaran, ang jeans leggings na tinawaran sa sidewalk, ang palayok na dala galing batangas, ang sungka na […]

    Pasa ni it’s time to support pinoy products « Kwentong Kengkay — Mayo 24, 2012 @ 8:42 umaga | Sagutin

  30. ang sarap ma-snatch-an sa baclaran lalo na sa LRT.WHOOOOOOOOOOOO

    Komento ni Via molina — Agosto 30, 2012 @ 3:25 umaga | Sagutin

    • masarap ngang ma snatch, bakit? ako ilang beses ng nakikisiksik sa baclaran, sa divisoria, sa pasay, sa tutuban at kung saan pang lugar. dahil maingat ako sa mga gamit ko, hindi pa ako nasnatch. nagkaron ng dalawang pagkakataon na sa loob ng jeep ay nalaslasan ang bag ko, pero bago makuha ang wallet ko ay na-ramdaman ako ang balak ng mokong kaya hindi rin nakuha ang gamit ko. ingat lang talaga dapat.

      Komento ni kengkay — Agosto 31, 2012 @ 9:27 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: