Kwentong Kengkay

Mayo 2, 2009

kilala nyo si amelia taytay?

Filed under: Pinas,Seryus — kengkay @ 7:41 hapon
Tags: ,
amelia taytay

amelia taytay

public service po tayo ngayon.

si kengkay e batang pasay, maliit ang mundo sa barangay namin. akala ko alam ko na lahat, mali po pala ako.

hindi ko alam na yung kapitbahay namin, yung mismong nakatira sa harap ng bahay namin, e nawawalan pala ng anak na babae.

ang anak nyang si amelia taytay. huli nyang nakita nung 1991, 18 years ago pa. galing daw sa qatar si amelia. nagtrabaho sa hyatt regency hotel dun. bumalik sa pinas para magpagamot.

matapos daw dumalaw sa doktor e hindi na sya nakita ng kanyang inay. ang huling sinabi nya sa nanay nya e pupunta daw sya sa london.

hindi alam kung nakarating nga ng london. hindi alam kung umalis talaga ng bansa. hindi alam kung ano na ang nangyari sa kanya. merong isang maliit na anak at asawa si amelia nung nawala sya. maaari kayang iwan na lang nya yung mga iyon ng ganon ganon na lang? hindi ko alam.

ang alam ko, natigatig ang aking damdaming nanay nung lumapit sa amin ang nanay nya na dala ang litrato ng kanyang nawawalang anak. nakiusap sya na tulungan namin syang hanapin. kung asa london man daw, mas malapit daw yon sa alemanya. baka daw pwedeng ipagtanong tanong ko. sabi ko sa kanya, ilalagay ko sya sa aking blag kaya eto na nga sya.

baka makatulong kayong napapadaan dito. kung kilala nyo sa, mag iwan ng komento dito sa aking post. alam nyo ang sabi nung nanay ni amelia? mahirap ang mawalan ng anak, kahit pa marami silang anak ko, ha-hanap-hanapin mo pa rin ang isang nawawala.sagot ko naman sa kanya e saludo ako at naging matatag sya kahit na ganon ang nangyari.

alam nyo bang naging boypren-boyprenan ko pa yung bunsong kapatid ni amelia at ni hindi ko man lang nalaman ang istorya na ito? sa totoo lang, marami rin palang walang alam sa kwento na ito dun sa aming barangay. pwes, ngayon e sana mas marami ang maka-alam at sana sa karamihan na iyon ay magkaron ng pagka-klaro kung nasaan na nga si amelia.

at amelia taytay, kung maliligaw ka man sa aking blag: umuwi ka na. inaantay ka ng nanay mo. sigurado kong parang pasko kapag muli ka nyang makita o marinig man lang ang boses mo.

Advertisements

25 mga puna »

  1. ang aga kong binasa…ang aga ko tuloy napaiyak…hmpp!

    umuwi ka na kasi amelia ng hindi na nag aalala sayo ang pamilya mo!

    bakit nga kaya?? ano kayang nangyari sa kanya?

    Komento ni p0kw4ng — Mayo 3, 2009 @ 4:29 umaga | Sagutin

  2. amelia taytay uwi kana..
    kawawa naman ang pamilya mo,
    nangungulila sa iyo.
    😦

    Komento ni dencios — Mayo 3, 2009 @ 5:19 umaga | Sagutin

  3. naku san kaya na sya?
    sana nga may makakita sknya at makapag sabi na hinahanap na sya ng pamilya nya..
    i hope may magandang balita na sa susunod mami kengkay..

    Komento ni anakngpating — Mayo 3, 2009 @ 6:09 umaga | Sagutin

  4. whaaaa..asan na kaya sya,,,,, hayaan mo ipoagtanong ko rin dito sa Roma…malay mo dito pala napadpad siya…

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 3, 2009 @ 9:12 umaga | Sagutin

  5. oo nag, umuwi ka na at sanakung cnu man ang nagtatago sayo eh ilabas ka na, sa nanay niya at pamilya, have faith po! pagdasal po natin siya..

    Komento ni cindyrella — Mayo 3, 2009 @ 10:26 umaga | Sagutin

  6. uy.. nakakalungkot naman.. ang ganda pa naman nya.. sana ay nasa mabuti syang kalagayan at makita na siya ng kanyang magulang..dahil masakit yun sa kanila..

    Senorita Kengks’ may tag at award ako sayo..

    http://sandijmartin.wordpress.com/2009/05/03/otso-otso-tag/

    Komento ni sandijmartin — Mayo 3, 2009 @ 11:14 umaga | Sagutin

  7. kawawa naman ang nany at pamilya nya sa paghahanap kay amelia… sana naman nasa mauting kalagayan sya… at sana paramdam na din sya sa kamag anak nya lalo na sa nanay nya…

    Komento ni Lalaine — Mayo 3, 2009 @ 11:24 umaga | Sagutin

  8. pasensya na po, ‘di ko po siya kilala pero mukha siya artista, ha?! πŸ™‚

    Komento ni Jim — Mayo 3, 2009 @ 2:03 hapon | Sagutin

  9. why not ask london phil embassy baka nag change passport na siya don and registered,

    Komento ni francesca in france — Mayo 3, 2009 @ 3:05 hapon | Sagutin

  10. 1991 ba kamo sya galing ng Qatar? Bagong bukas lang ang Hyatt dito. Noong 1991, Ramada (dating Sheraton) pa lang ata ang hotel dito. Wala pang mga mall noon at wala pa ring traffic.

    Pero sana ay makita na siya kung nasaan man sya.

    Komento ni nina — Mayo 3, 2009 @ 4:26 hapon | Sagutin

  11. sana ay sumulat pala sila sa reunions…yong show sa TV na naghahanap ng mga pamilyang nawawala…

    Komento ni nina — Mayo 3, 2009 @ 4:27 hapon | Sagutin

  12. 18 years?! hmm…ayokong mag-isip ng kung anu-ano dahil sabi nila habang may buhay eh may pag-asa, pero 18 years?! mukang very slim ang chances na magkita pa sila mami kengks. hindi naman sa nagpapakabarubal ako pero reality check lang.

    mas maganda siguro kung i-try rin ni mami ni amelia taytay na manawagan sa public service programs telebisyon at radyo. pasensiya mami, di ko xa namumukaan eh. sna nga eh balang araw, magkita sina amelia taytay at ang nanay niya. mahirap ngang mawalan ng anak. oo, alam ko ang feeling maski na ala pa kong anak. hehehe.

    Komento ni lio loco — Mayo 3, 2009 @ 10:27 hapon | Sagutin

  13. hmmmm sa loob ng 18 yrs naatim niang wag magparamdam sa anak nia?wel, sana lang ee safe cia..

    AMELIA TAYTAY may naghahanap seo..tama na ang taguan..

    Komento ni azul — Mayo 4, 2009 @ 2:42 umaga | Sagutin

  14. nene UMUWI KA NA!!! .. grabe ka di ka man lang nagpaalam, baka tinanan ka ng doktor.. joke lang.. Uwi na you.. MOTHER’s day na.. πŸ™‚

    Komento ni walongbote — Mayo 4, 2009 @ 3:17 umaga | Sagutin

  15. hmmm..nu kaya nangyari sa kanya…..
    sana ok lang xa.,…sana muwi na xa…

    kawawa naman nanay nya…. 😦

    Komento ni simplefula09 — Mayo 4, 2009 @ 3:19 umaga | Sagutin

  16. hala antagal naman na nawala… nakakalungkot… pero sana walang nangyaring masama sa kanya…

    nwei, tama ang sabi ni lio loco… habang may buhay may pag asa…

    Komento ni yhen — Mayo 4, 2009 @ 8:04 umaga | Sagutin

  17. this is sad..really sad.

    Komento ni flamindevil — Mayo 4, 2009 @ 11:35 hapon | Sagutin

  18. Ay grabe, sana mapadaan dito si amelia taytay o kahit sino pang makakilala sa kanya.

    Komento ni joycee — Mayo 5, 2009 @ 12:54 umaga | Sagutin

  19. 18 years ago pa nawawala? kawawa naman ang parents niya. kunin ko yung pic mami kengks. bigay ko sa reunions ng qtv. hinahanap nila yung mga taong nawawala.

    Komento ni joshmarie — Mayo 5, 2009 @ 5:52 umaga | Sagutin

  20. pano pala makokontak yung mga magulang ni amelia?

    Komento ni joshmarie — Mayo 5, 2009 @ 5:53 umaga | Sagutin

  21. ayoko ng mga ‘nanay stories’ na ganito.. kasi alam mo kung ano feeling kung mawalan ng anak! haay. teka, naisip kaya nila na icheck sa embassy ng British embassy (o sa Customs natin) kung lumabas nga siya ng bansa? I’m sure may records pa rin kahit matagal na..

    Komento ni iris — Mayo 5, 2009 @ 2:10 hapon | Sagutin

  22. naku, mahirap yan, ayoko man mag-isip ng masam pero nangyari na kasi ang ganito sa isang relative. namatay papa nya, at mama nya, kung saan saan sya hinanap, di man lang nagparamdam ng 20 taon, yun pala eh nakapag asawa at may anak ng iba, pero snaa ganun ang nangyari, at least di sya napahamak.

    Komento ni Basti — Mayo 7, 2009 @ 12:25 umaga | Sagutin

  23. ayyy.. kawawa naman mga naiwan, gayundin si amelia. sana magkita kita sila ulet.

    ipagdadasal ko.

    Komento ni choknat — Mayo 8, 2009 @ 4:36 hapon | Sagutin

  24. Please may you translate this article to English? I know Amelia, she is in good health.

    Komento ni g — Pebrero 20, 2015 @ 2:01 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: