Kwentong Kengkay

Mayo 7, 2009

halo-halo

Filed under: Kwentong Kengkay,Masarap sa Pinas,Panlasa,Pinas — kengkay @ 12:24 hapon
Tags:

at kapag super init ng panahon? ano ang inyong naiisip?

mag tampisaw sa dagat? maligo araw at gabi? lumagok ng ice tea o kaya e sago at gulaman ng ilang galon? magpaka-sawa sa ice cream? maglakad ng hubad ;D? o maglakwatsa sa loob ng de aircon ng malls? o mag antay ng ulan?

alam nyo ako ang una kong naiisip kapag sobrang init? eto:

ang walang katapat na halo-halo! grabe, gusto kong mag iwan ng baso sa bawat nagtitinda ng halo halo sa kanto kasi gusto kong malasahan ang kanilang ibat ibang sangkap na talaga naming kakatulo ng laway.

ang paborito kong sangkap: minatamis na saging at kamote, langka, macapuno, ube, leche flan, sago, gulaman o jelly, kaong at ice cream on top — kahit na walang yelo at gatas, hahahaha. at kasabay nyan e yung spanish bread ba o kaya naman kamote cue o kaya banana cue.

pero kapag naubos na ang sangkap e hindi ko na nauubos yung yelo at gatas, oks na ako dun. ang habol ko talaga yung laman šŸ™‚

hmmmm, tsalap tsalap talaga.

Advertisements

23 mga puna »

  1. buti na lang bago ako nabalik ng dubai e nakapaghalohalo ako twice pa sa Pinas. hehehe. sarap. sarap. sarap! teka ang laki naman nyan, naubos mo yan? haha

    Komento ni dencios — Mayo 7, 2009 @ 12:53 hapon | Sagutin

  2. ayos halo halo… sarap!!! kaso maulan na kaya malamig na eh.. baka pwedeng halo halong walang yelo sa tag lamig? hehehe

    Komento ni Lalaine — Mayo 7, 2009 @ 4:06 hapon | Sagutin

  3. hahahaha..nakakatakam naman mareng kengkay….miss ko tuloy siya….

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 7, 2009 @ 8:01 hapon | Sagutin

  4. naaalala ko yung declamation ni bitoy.

    “ang torbetet… blah blah* haha!

    Komento ni foobarph — Mayo 8, 2009 @ 1:51 umaga | Sagutin

  5. uy talagang nagchowking ah, hindi ko maenjoy ang halohalo ngayon dahil umuulan, walastik na summer. Sana hindi mainit sa pasko, mukhang bumabaliktad na ang panahon ngayon.

    Komento ni bernardumali — Mayo 8, 2009 @ 4:10 umaga | Sagutin

  6. love ko yan pero gusto ko yong shaved ice kasi minsa malalki yong ice eh.

    Komento ni nina — Mayo 8, 2009 @ 7:15 umaga | Sagutin

  7. tsalaaap! mainet na naman, wala na si emong makapagganyan mamaya!

    Komento ni joycee — Mayo 8, 2009 @ 8:06 umaga | Sagutin

  8. sarap aman nian ako kahit wala ng laman,yelo at gatas..kahit ice cream na lang masaya na ako..ahahaha

    Komento ni azul — Mayo 8, 2009 @ 8:27 umaga | Sagutin

  9. wow..tsalap tsalap naman šŸ™‚

    Komento ni sandijmartin — Mayo 8, 2009 @ 9:54 umaga | Sagutin

  10. sarap..naglalaway..

    Komento ni anakngpating — Mayo 8, 2009 @ 10:27 umaga | Sagutin

  11. Hmm.. May halo halo din ba sa ibang bansa? Mix-mix ba tawag nila dun? Haha šŸ˜†

    Gusto ko sa halo halo yung maraming leche flan at rice crispies ba yun? Sayang lang at may bagyo dito ngayon, di tuloy ako makapag-halo halo.

    Komento ni Neex — Mayo 8, 2009 @ 11:26 umaga | Sagutin

  12. wow nauhaw naman ako dito mommy kengks, ang sarap ng halo halo mo

    Komento ni jodi — Mayo 8, 2009 @ 11:34 umaga | Sagutin

  13. xmpre naman, yan ata ang ating PINOY STYLE..wala na talagang sasarap jan, buti nga jan ate..libre yelo.. hehehe.. šŸ™‚ mamumulot ka lang, di mo na kailangan ng ICE CRASHER.. hihi..

    Komento ni walongbote — Mayo 8, 2009 @ 3:06 hapon | Sagutin

  14. ui tsarap!!

    hapi moders dey!!
    achut…

    Komento ni aga — Mayo 8, 2009 @ 6:03 hapon | Sagutin

  15. yummy! masarap yan halu haluin at lalo na pag paubos na at gatas na lang yung natitira, tapos matamis pa, feel like im in heaven na! haha!

    Komento ni cindyrella — Mayo 9, 2009 @ 1:29 hapon | Sagutin

  16. wow ang sarap sarap! bigla ko tuloy naisip magpunta sa malapit na chowking, kaso ang lakas lakas ng ulan lately, parang di summer.

    Komento ni Basti — Mayo 9, 2009 @ 1:48 hapon | Sagutin

  17. Halo-halong greetings… Happy Mother’s Day!!!

    Komento ni kotsengkuba — Mayo 9, 2009 @ 6:05 hapon | Sagutin

  18. Happy Mom’s day too Raq!

    Komento ni Arlene — Mayo 10, 2009 @ 11:51 umaga | Sagutin

  19. happy mother’s day po! šŸ˜€

    Komento ni gudang — Mayo 10, 2009 @ 1:47 hapon | Sagutin

  20. happy mother’s day, mommy kengks. ang regalo ko sa nanay ko noong buhay pa siya ay card at bulaklak… at kinukupit ko ang pambili sa wallet niya sempre. hehe

    Komento ni utakmunggo — Mayo 10, 2009 @ 5:54 hapon | Sagutin

  21. saan ba merong masarap na halu-halo dito sa manila? wag lang chowking ha yung iba naman…please visit my blog also Deo’s Web Blog

    Komento ni Deo — Mayo 12, 2009 @ 5:44 umaga | Sagutin

  22. […] shoppingan, dapat may miryendahan. kahit na kulang na pera ko, nagpumilit pa ring mag chowking! halo halo time! muntik na kaming maglakad pauwi, hahaha. buti na lang may naka reserve na pamasahe sa isang bulsa […]

    Pasa ni shopping sa divisoria « Kwentong Kengkay — Mayo 29, 2009 @ 7:13 umaga | Sagutin

  23. i appreciate you putting together halo-halo Kwentong Kengkay I’m enjoying the posts. Would you think about a guest post on a web page I help run? Do you think that you could contribute? You’ll be able to see our post types at http://favoritmark.com/bookmarks.php/kelvintviv and absolutely we could be thinking about having you post an write-up or two on our blog, what do you believe? When you are interested let me know through the contacts page on our web site.halo-halo Kwentong Kengkay is an interesting name for a blog, keep up the effort, thanks, from Odessa Myers

    Komento ni Odessa Myers — Abril 27, 2011 @ 11:28 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: