Kwentong Kengkay

Mayo 10, 2009

araw ng mga nanay

Filed under: Kwentong Kengkay,Seryus — kengkay @ 1:19 umaga
Tags: ,

alam nyo dati, nung narealize ko na kung gaano kalahaga sa akin ang nanay ko… sempre nung bata pa tayo basta alam lang natin na kailangan natin nanay natin pero kung gaano sila kalaga e medyo matagal tagal pa bago sya talaga pumasok sa kukote natin….

alam nyo kung ano ginagawa ko kapag araw ng mga nanay? kapag uwi ko galing sa eskwela, dadaan ako sa may libertad sa pasay — andun yung mga tindahan ng rosas. depende sa naipon kong baon, yun din ang iuuwi kong bugkos ng rosas para sa kanya. take note ha, sa gabi ako dumadaan kasi sempre malapit na malanta yung mga bulaklak atsara malapit sila magsara atsaka malapit na matapos ang araw ng mga nanay — kaya naman pwede akong tumawad.

oo, nung mga araw na yon e kuripot na rin ako, hehehe. pero dahil hindi alam ng nanay ko kung magkano yung mga rosas, sempre tuwang tuwa na rin sya sa bigay ko. nanay ko sya ano. kapag nanay ka e dapat matuwa ka sa lahat ng inuuwi sa yo ng mga anak mo, wag lang mag uwi ng tunay na sakit ulo πŸ™‚

nung nagkatrabaho na ako, sempre mas malaki na ipon ko, aba naman, nag-oorder na ako ng regular meals sa jollibee nun ano. feeling mayaman na ako kapag naka-fastfood kapag lunch time. ang binibigay ko sa nanay ko? imported chocolates naman. five gibs yun dun galing sa aking opismayt na nagbebenta ng kung ano anong anik sa opis. pero sempre, hindi pa rin yon alam ng nanay ko. kaya sarap na sarap sya sa tsokolateng bigay ko.

nung asa thailand ako? nagpapadala ako ng pera kapag mother’s day. actually, kahit naman hindi mother’s day nagpapadala ako ng pera, hehehe. at nung andito na ako sa germany? ay, nagpapadala ako ng regalo nya sa mother’s day pasko pa lang. ang mahal yata ng balikbayan box πŸ˜€ pero sempre tumatawag ako. kaya lang ngayon ang gusto na nyang kausapin e ang mga apo nya. ano pa nga ba. magkaron kaya ng lola day, hmmm.

at ang mga little kengkays at si kengkoy parating may regalo din sa akin kapag araw ng mga nanay. sabi ko nga sa kanila kahit na wag bumili, ang gusto ko lang e maging mabait sila sa araw na yon. pero sempre kunyari lang yon, nakakakiliti din yatang alam mong may tinatago silang sikreto sa yo, hehehe. kaya excited ako parati kapag umaga ng araw ng mga nanay.

kayo, ano ang binibigay nyo sa nanay nyo kapag araw nila? share naman.

Advertisements

29 mga puna »

  1. kengkay happy mother’s day sayo at sa nanay mo at sa lahat ng nanay sa buong mundo! salamat po!

    Komento ni prinsesamusang — Mayo 10, 2009 @ 2:14 umaga | Sagutin

  2. I agree Kengkay. Napakaimportante ng ina sa buhay ng bawat tao. Ako rin, mahal na mahal ko ang Mama. Kaya heto, mas lalo kong nararamdaman ang importansya ng pagiging mother na naging isang mommy na rin ako…

    Happy Mother’s Day sa iyo Kengs!

    Luvs,

    Snow xoxoxo

    Komento ni Snow — Mayo 10, 2009 @ 3:37 umaga | Sagutin

  3. kengkay hapi mudra’s day sayo at sa nanay mo!

    sensya na ha hindi pa ako makatawag…nagbubusi busihan pa ako eh,hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Mayo 10, 2009 @ 4:09 umaga | Sagutin

  4. happy Nanay Day Kengkay πŸ™‚

    Komento ni scart — Mayo 10, 2009 @ 4:15 umaga | Sagutin

  5. HAPPY MOTHER’s DAY! momie kengs and sa nanay mo poh!

    Komento ni IKAY — Mayo 10, 2009 @ 6:09 umaga | Sagutin

  6. ang gift ko sa katapusan pa pag sahod pero tatawag ako mamaya para i greet sya πŸ˜€

    parang napaaga pala ang post ko about mom’s day at iba na ang new post ko ngayong araw. haha

    neweys ms.kengkay HAPPY MOTHER’s DAY sayo! here’s my big huuuuuuuuuuug!

    Komento ni dencios — Mayo 10, 2009 @ 6:16 umaga | Sagutin

  7. hi po! happy mother’s day. naaliw naman ako sa post ninyo. =)

    Komento ni Prinsesa ng Drama — Mayo 10, 2009 @ 9:06 umaga | Sagutin

  8. happy mother’s day, kenks
    sobra cool mong nanay
    saludo ako sayo
    cheers!

    Komento ni raft3r — Mayo 10, 2009 @ 9:27 umaga | Sagutin

  9. Hapi mothers day sayo at sayong nanay..

    Komento ni sandijmartin — Mayo 10, 2009 @ 10:33 umaga | Sagutin

  10. nanay kengs, happy happy mother’s day. Isa ka sa mga nanay nanayan ko dito sa blogosphere. sayang lang at di tayo nagkita sa eb nyo nina KK at malen. All the best Mommy kengs

    Komento ni bluepanjeet — Mayo 10, 2009 @ 12:04 hapon | Sagutin

  11. Happy mother’s day! Late na ko.heheheh!

    Komento ni antipatika — Mayo 10, 2009 @ 12:22 hapon | Sagutin

  12. ang galing mong anak at nanay! happy mother’s day!

    Komento ni roni — Mayo 10, 2009 @ 3:03 hapon | Sagutin

  13. happi mudra’s dey mommy kengkay! ikaw ang nag-iisang mommy kengkay ng bayan lol

    Komento ni bernardumali — Mayo 10, 2009 @ 3:22 hapon | Sagutin

  14. hapi mother’s day sau….at sa nanay mo …at sa lahat ng mga nanay!

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 10, 2009 @ 4:41 hapon | Sagutin

  15. araw ng mga nanay, so pahinga tayo;sila linis luto noh! pero di pwede eh, tau pa rin;

    buti ka pa me nanay pa kengks kaya make the most of it while andyan pa silΓ ;

    Komento ni francesca in france — Mayo 10, 2009 @ 4:51 hapon | Sagutin

  16. happy mother’s day kengkay!

    Komento ni annevdns — Mayo 10, 2009 @ 11:15 hapon | Sagutin

  17. maligayang araw natin sis!

    Komento ni marikenya — Mayo 11, 2009 @ 12:25 umaga | Sagutin

  18. happy mother’s day mami kengkay hehe..at sa mommy mo..
    ako po umuwi ng sabado ng gabi tapos maaga gumising bumili ng 1 pink roses,saka po 1 mini cake pag uwi nibigay ko kay nanay..hehe saka ko sya binati..sarap ng piling kasi natutuwa sya..

    Komento ni anakngpating — Mayo 11, 2009 @ 3:54 umaga | Sagutin

  19. belated happy mother’s day kengkay!

    Komento ni empress — Mayo 11, 2009 @ 7:49 umaga | Sagutin

  20. Belated Happy Nanay’s day!

    Komento ni callcenterguy — Mayo 11, 2009 @ 9:17 umaga | Sagutin

  21. hi ate kenks..happy mothers day po.

    Komento ni eli — Mayo 11, 2009 @ 9:55 umaga | Sagutin

  22. Happy belated mother’s day to you Ms. Kengkay!
    Mabuhay po kayo! =) Aliw magbasa ng mga posts nyo.

    Komento ni docgelo — Mayo 11, 2009 @ 12:24 hapon | Sagutin

  23. Ate Kengs… pahabol po… Happy Mother’s Day! =)

    Komento ni Lalaine — Mayo 11, 2009 @ 4:32 hapon | Sagutin

  24. belated happy Nanay’s day ate Kengkay πŸ™‚

    Komento ni karmi — Mayo 11, 2009 @ 7:17 hapon | Sagutin

  25. belated happy mother’s day momi kengks

    ako laging sulat bigay ko dati sa kanya..kapos pa kasi ako non..nung nagkawork ako lahat ng magandahan ako bibilhin ko para sa kanya..

    Komento ni azul — Mayo 12, 2009 @ 1:46 umaga | Sagutin

  26. belated happy mother’s day ate kengkay.

    godbless!

    Komento ni Joffred — Mayo 12, 2009 @ 3:51 umaga | Sagutin

  27. happy mothers day sa lahat.

    Komento ni Banxietyy07 — Mayo 12, 2009 @ 6:11 umaga | Sagutin

  28. happy mother’s day mami kengks!

    hindi kasi ako showy kaya hindi ko man lang magawang magporward maski na happy mother’s day quote man lang. pero alam ng mami ko na lahat ng pagsasakripisyo ko ngayon eh para sa kanila ng utol ko.

    p.s. nagpapadala rin ako ng pera tuwing mother’s day. at maski na hindi mother’s day. akinse’t katapusan. buwan buwan. hehehe.

    Komento ni lio loco — Mayo 12, 2009 @ 9:27 umaga | Sagutin

  29. […] kasi nga araw ng mga nanay kaya ang boss dapat e yung mga little kengkays. teka muna, bakit parang mali yata […]

    Pasa ni ang aming nanay’s day « Kwentong Kengkay — Mayo 14, 2009 @ 1:07 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: