Kwentong Kengkay

Mayo 12, 2009

sungka

Filed under: Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 6:30 hapon
Tags: ,
sungka

sungka

alam nyo ba kung ano ang isa sa mga bitbit ko nung galing kami sa pinas nitong nakaraang buwan? pwes, ang sungka!

ilang beses ko ng binalak na bumili pero parati kong nalilimutan. o kaya naman kung may makita naman ako e super mahal naman. e laruan lang yon ano. dapat walang karapatang lumampas ng isandaang pesoses kapag laruan lang, hehehe

pero nung kami e nagliliwaliw sa palengke ng malibay at may napansin akong sungka sa isang kanto, karay karay ko si bunso at nagkipag-baratan ako sa sungka. sabi ni manang e 200 pesoses daw. nyeee, sabi ko kay manang – basta ba ginto yung pato e bibilhin ko agad yan, hehehe

natawa si manang, akala nya e joks ko lang yon. e sabi ko kay manang ang mahal naman. e biglang nag isprakening height itong si bunsoy ko. hmpf, nabisto tuloy na may lahi akong puti. kaya imbes na tawaran ko sya ng isandaan e ginawa ko na lang 150 pesoses. ayaw pa daw pero bumigay din dahil nagpakyut sa kanya si bunso ko. nung inuwi ko sa bahay namin e ito namang si nanay ko e nagulat, kasi daw hindi daw magandang laro ang sungka dahil may ‘patay’ daw.

hay si nanay ko naman, sabi ko edi ibahin ang tawag. kaya ngayon kapag naglalaro kami ng sungka ang tawag namin e ‘ubos.’ o de vah, kanya kanyang tradisyon lang yan 🙂

ngayon halos araw araw, gabi gabi e nagsusungka kami. nung una nga nalimutan ko pa ang rules e. pauso na lang ako. hanggang nung magtagal tagal na e na-alala ko na rin. enjoy ang mga little kengkays. ang hinuhuli na lang namin e si kengkoy kasi ayaw sumali at dadayain daw namin sya, bakit kaya alam nya? hehehe

Advertisements

17 mga puna »

  1. alam mo ba na yon din ang unang pumasok sa isip ko…larong-patay…hahahahha…
    pero in fairness masayang laro talaga yan…mabuti naman at naituro mo sa mga little kengkays….

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 12, 2009 @ 7:45 hapon | Sagutin

  2. hmmmm…di ko alam bakitpo?panung patay?

    basta ko enjoi na enjoi ako pagnaglalaro ng sungka..

    Komento ni azul — Mayo 13, 2009 @ 2:08 umaga | Sagutin

  3. uy kakamiss nag sungka. mas mura ata sa quiapo pero atleast hindi ka na lumayo.

    Komento ni bernardumali — Mayo 13, 2009 @ 2:53 umaga | Sagutin

  4. namiss ko rin yan,hindi totoo un ang alam ko bawal kapag sa tapat ng bahay kasi masusunog daw kapag naglaro ka ng ganun hehe,..kasi kami naglalaro nyan kapag may patay hehe..nakakamis nga yan mahal talaga ung pato at ang binabayaran jan mami kengkay hehe..:)

    Komento ni anakngpating — Mayo 13, 2009 @ 3:04 umaga | Sagutin

  5. ang alam ko nilalaro daw yan tuwing may patay.

    hehe napaka-superstitious talaga.

    wla nman msama sa paglalaro nyan. larong pinoy talaga.

    Komento ni Joffred — Mayo 13, 2009 @ 3:32 umaga | Sagutin

  6. isa lang masasabi ko, mahal ko ang sungka!

    Komento ni dencios — Mayo 13, 2009 @ 7:36 umaga | Sagutin

  7. pssst!
    sali ka sa contest ko!
    dali!
    =)

    Komento ni raft3r — Mayo 13, 2009 @ 10:12 umaga | Sagutin

  8. nong nasa denmark ako nakakita ako ng laro nila na parang sungka din…magkaiba lang ang hugis ng kahoy pero sungka din talaga…

    Komento ni p0kw4ng — Mayo 13, 2009 @ 11:16 umaga | Sagutin

  9. sarap laruin nyang sungka.. minsan buto ng sampaloc ang gingamit namin

    Komento ni sandijmartin — Mayo 13, 2009 @ 1:06 hapon | Sagutin

  10. Uy mukhang nagenjoy ang mga bebe kengkays jan ah! Bihira nalang naglalaro nyan ngayon noh???

    Komento ni joycee — Mayo 13, 2009 @ 4:36 hapon | Sagutin

  11. naalala ko kwento ni annabelle rama:

    hindi daw sila nag hihirap khit walang pelikula si eddie gutierez ksi as proof pag nag lalaro sila ng sungka, hindi bato ang ginagamit, kungdi,

    diamonds ni annabelle rama hahahaha

    gayahin natin lol

    Komento ni francesca in france — Mayo 13, 2009 @ 9:55 hapon | Sagutin

  12. hahaha..sakto!

    ate kenks, alam mo ba ng sungka rin ang post ko ngayon! ayos ah. hehe ‘

    turuan mo kaya ng sungka ang mga aleman

    Komento ni ELIment — Mayo 14, 2009 @ 3:07 umaga | Sagutin

  13. ..hello po. napadaan lang.

    ..enjoy ko posts mu. hehe

    ..link po kita. ^^

    Komento ni jonald18 — Mayo 14, 2009 @ 12:02 hapon | Sagutin

  14. wahehehe. speaking of sungka. naalala ko. ung hinayupak kong itay ay tinapon ba naman ung sungkang binili ng nanay ko.. aba ilang linggo ko ung iniyakan.

    malas daw. swerte tuloy ng kapitbahay ko. pinulot nila. pero hinde ako pumapayag tuwig gabe pag umalis na sya kinukuha ko pa din un no……..

    Komento ni tina — Mayo 14, 2009 @ 12:42 hapon | Sagutin

  15. oonga parehas kayo ni eli, may post din sya about sungka! nakaka miss nga e. favorite ko yan noon.

    Komento ni Jason — Mayo 15, 2009 @ 8:54 umaga | Sagutin

  16. […] nakatatandang kapatid ay ‘ate’, marunong silang gumamit ng tabo, marunong silang mag sungka at magjackstone at kung ano ano […]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon | Sagutin

  17. […] sa baclaran, ang jeans leggings na tinawaran sa sidewalk, ang palayok na dala galing batangas, ang sungka na binili sa palengke ng malibay, ang shawl na galing baguio, atbp. palayok […]

    Pasa ni it’s time to support pinoy products « Kwentong Kengkay — Mayo 24, 2012 @ 8:42 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: