Kwentong Kengkay

Mayo 16, 2009

tropeyo

Filed under: Kwentong Kengkoy — kengkay @ 7:14 umaga
Tags:

kapag may tropeyo ang isang tao, di ba super proud sya? sempre naman iba yata ang feeling ng may panalo.

yung iba nga halos araw araw e pinupunasan. yung iba naman nakatago sa de-susing aparador. yung iba naman naka display sa sarili nilang silid. yung iba naman may walk in closet para sa kanilang tropeyo.

ako walang tropeyong maipagmamalaki kundi ang aking dalawang tropeyong parang trumpo kung mangulit, ang aking mga little kengkays. hehe. pero si kengkoy? nakow… ewan ko ba, nagkalat ang tropeyo niyan.

dati nga kasi syang car racer di ba? sumasali sa lahat ng pabilisan. bumili ng mga piyesa ng kanyang kotse at sya din mismo ang nag aareglo ng kanyang kotse. halos araw araw e asa ilalim sya ng kotse at nagkukutingting. at sempre kapag may race e kung saan saan din sya nakakarating. hila hila nya ang kanyang camping gears. kasi dati di pa uso nun ang bahay na asa sasakyan, kung ano man tawag dun 🙂

yan ang sampol ng mga tropeyo ni kengkoy nung isa pa syang car racer. marami syang ganyan. umabot na sa dalawang daan. yung iba kung saan saan na nagkalat. yung iba asa karton. yung iba lalagyan na ng ballpen. yung iba lalagyan ng jolens ng mga little kengkay. yung iba ginawa ko ng vase.  yung iba nilagyan ko ng mga kandila. yung iba tinapon na kasi may kalawang na.

at kasali dyan, may mga news clippings din sya. may mga fan mails din. may mga photo ops. sa totoo lang, ang sarap basahin sana, kaso mo sempre iba na ang amoy, hehe. sabi ko itago nya at baka magkainteres ang mga little kengkays sa mga istorya nya sa buhay.

sempre ang pangarap ni kengkoy e isa sa mga anak namin e magkainteres sa car racing. ano sa tingin ninyo? ang mukhang may interes e ang aming si bunsoy. gustong gusto nya ang mabilis. meron syang sariling de motor na motorsiklo at kung magpatakbo sya e akala mo naman kung sinong sanggano ng kalye. sempre ako naman, oks lang. basta ba alam nya ang gusto nya at sempre, mag ingat silang mag ama. dahil kapag may nangyari e pag-umpugin ko sila, hehehe

Advertisements

13 mga puna »

  1. hehe talaga mami si bunso ang mukang nakikita nyong gagayahin si dadi kengkoy hehe..
    pwede naman po eh kasi pwede naman sa babae ang car racing at malay mo mami sya na ang mag uuwi ng mga tropeyong tulad nyan kay dadi kengkoy di ba hehe..:)

    Komento ni anakngpating — Mayo 16, 2009 @ 7:59 umaga | Sagutin

  2. ayan at may pinagmanahan naman pala…hehehehhe…pero higit sa lahat ang tunay na tropeyo mo ay kailanman at kahit saanman dapat ipagmalaki…..little kengkays…saan ka pa dyan….
    para sa best mami (at siopao)…este nanay sa mundo ng mga litle kengkays…mabuhay ka!

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 16, 2009 @ 8:20 umaga | Sagutin

  3. Naku kengkay, your hubby must have been a very good racer grabe sobrang dami niyang tropeo!

    Hmmm, your little bunso might become an F1 racer in the future ha! hahaha…magiging celebrity mommy ka nun malamang…

    Komento ni Snow — Mayo 16, 2009 @ 8:47 umaga | Sagutin

  4. walang katulad naman ang iyong tropeyo ms. kengks’…ang mga little kengks’!

    Komento ni sandijmartin — Mayo 16, 2009 @ 11:05 umaga | Sagutin

  5. ang dami palang tropeyo ni lolo kengkoy ano? pero pinaka maganda pa rin ang tropeyo mo..buti na rin at di ka na kumukuha ng mekaniko tuwing may sira ang kotse mo

    Komento ni payatot — Mayo 16, 2009 @ 11:40 umaga | Sagutin

  6. talaga naman palang maipagmamalaki ang iyong si kengkoy na super galing sa car racing. wow!
    siguro ang bunsoy mo’y magiging sing-galing ng kanyang ama. katuwang sundan ang mga susunod na kabanata.

    Komento ni docgelo — Mayo 16, 2009 @ 12:57 hapon | Sagutin

  7. basta kung saan ang gusto ng mga anak natin ay duon dapat tayo. suporta lang pero tulad nga ng nasabi mo kelangan INGAT sa lahat 😀

    btw astig nga ang car racing at for sure babagay yan ke bunsoy 🙂

    Komento ni dencios — Mayo 16, 2009 @ 4:23 hapon | Sagutin

  8. okay ang hilig nila ah, car racing!! hehe!! wala ka bang balak mag anak ng kengkoy junior? hehe!! ^^

    Komento ni cindyrella — Mayo 16, 2009 @ 5:12 hapon | Sagutin

  9. wow, interesàdo siyà tàyàk sà Càr Ràce, Grànd Prix ng Monàco, this coming week nà, puntà siyà, màsàyà to, kàsi zigzàg àng roàds ng Monàco streets, exciting…

    Komento ni francesca in france — Mayo 17, 2009 @ 6:38 umaga | Sagutin

  10. sarap kaya ng feeling ng may tropeyo ka,lalo na’t pinaghirapan mong makamit ang tropeyong napanalonan mo..:))..galing mo naman ms.kengkay..=p

    Komento ni CPA Board Exam — Mayo 17, 2009 @ 1:55 hapon | Sagutin

  11. tama, basta ingat lang nga ang mag ama mo sa pagmamaneho.

    at sana magka tropeyo nga si bunsoy! hehe.

    Komento ni Ax — Mayo 18, 2009 @ 5:13 umaga | Sagutin

  12. tama ka mommy kengkay, ang maganda sa tropeyo mo, hindi naluluma, habang tumatagal, tumataas ang value 🙂

    Komento ni bernardumali — Mayo 18, 2009 @ 8:19 umaga | Sagutin

  13. yan ang pinakamagandang tropeo. higit sa ginto at pagdating ng araw…dadami pa yan–yan ay kapag naging lola ka na..hehe

    pwede magpa-ampon? 😉

    Komento ni eliment — Mayo 19, 2009 @ 3:14 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: