Kwentong Kengkay

Mayo 19, 2009

maganda sa pangasinan

Filed under: Maganda ang Pinas,Pinas — kengkay @ 3:21 hapon
Tags: , ,

sino na nakarating sa pangasinan? itaas ang mga lakwatserong mga paa 🙂

ako kahit na nung maliit pa kami, dyan parati ang aming destinasyon. tatay ko kasi e taga mangatarem. kaya mangatarem e dahil maraming mangga dun. totoo naman. kaya kami halos tuwing bakasyon e napapadpad dun e dahil may mga ani ng mangga at sempre, ng bigas. karay karay namin sa inarkila naming jeep ang aming mga sako.

oy, malaki lupain namin sa mangatarem. nuon yon. hehehe. ngayon ewan ko kung ano na nangyari. ang tunay e ganito — kasi wala ng gustong magsaka at saka wala ng gustong mag alaga ng mga mangga kaya ayun; wala na rin. sayang talaga ano? matanda na kasi yung mga tiyo at tiya namin na dating namamahala e, wala ng gustong pumalit kaya ganun ang buhay.

pero eto at ipapakilala ko sa inyo ang dinalaw ulit naming pangasinan nitong nakaraang april. nakarating kami sa alaminos.

kapitolyo

kapitolyo

at sempre, nagbigay pugay sa kanyang kapitolyo na asa harap ng dagat. ang ganda dun!

pinoy na pinoy

pinoy na pinoy

at sempre bago kami makarating sa aming patutunguan ay may mga nakitang gustong parahin ni kengkay. ayan, ang mamang yan, gusto kong kalikutin lahat nung tinda nya.

mamang sorbetero

beach

malinis ang dagat at maganda ang buhangin. andun din si mamang sorbetero, kasunod ang mamang magbobola-bola.

at sempre ang mga bagong sungkit na laman ng dagat. ang sarap makiusyoso. pero mura ang mga tinda nila ha. kung pwede lang bili sabay ihaw sabay kain, edi join na agad.

ano po ang tinda ninyo?

ano po ang tinda ninyo?

sarap mag ihaw

sarap mag ihaw

pwedeng mag-camp

pwedeng mag-camp

bolo beach

bolo beach

bolo beach pa rin

bolo beach pa rin

pang bahay

pang bahay

at sa harap ng capitolyo, pwedeng mag camping daw! tinanong ko nga kung de aircon yung tents nila e, kaso hindi daw, hehehe.

at eto ang isang sikreto ng pangasinan, ang bolo beach. alam nyo bang kulay puti ang buhangin dito? at sempre, super linis. maraming mga resorts din na naka-abang sa inyong pagdalaw.

ang bolo beach ay nasa malapit sa hundred islands. impressive sya dahil malawak atsaka yun na nga, malinis. hindi nagpapigil si kengkay, nagtampisaw ako. sabi nga namin sa sunod na balik namin e talagang maliligo kami. bitin ang tampisaw e.

pasalubong

pasalubong

at huwag kalimutan sempre ang masarap na pasalubong. puto at kunsinta at kung ano ano pang matamis. pwede tikim at pwede tawad. o baka makulit lang ako kaya pwede ;D at alam nyo bang sikat ang pangasinan sa mga pang bahay na kasangkapan? mura dun atsaka iba ang gawa talaga. sayang nga lang at mahirap magbuhay papunta ng alemanya.

registered nurse

registered nurse

at isa sa mga tanawin na aliw na aliw ako talaga? etong mga placards na nakita ko sa mga bahay bahay na nadaanan namin, nung una akala ko e naduduling lang ako. akala ko announcement lang yon ng mga opis nila sa bahay. pero hindi pala. announcement yon na proud sila sa mga nakatapos nilang mga anak.

sunod sunod ko silang nakikita, halos lahat ng bahay. aba, namangha po si kengkay. kasi ibang klase ang kanilang pagpupugay sa mga taong naka tapos ng pag-aaral. talagang nakapaskel po ang pangalan at kung ano ang natapos nila sa kolehiyo.

may ibang bahay nga halos walang ng dingding kasi mga walong plakards ang nakakabit!

napansin nyo rin ba sila? parang gusto ko rin ng ganyan. matanong nga sa tatay ko na taga pangasinan kung bakit hindi nya pinaskel pangalan ni kengkay sa dingding ng bahay namin 🙂 hindi pa huli nag lahat, di ba?

criminologist

criminologist

sa sunod na post ko, ang hundred islands naman. abangan.

Advertisements

31 mga puna »

  1. madalas ako pumunta dyan sa Pangasinan…binabaybay ko yan mula mangatarem hanggang alaminos tapos…hanggang zambales….
    maganda ang mga beaches at mababait ang mga tao.
    gusto ko rin ang food..madalas nga food trip ako…hayyss sarap gunitain ang biyaheng pangasinan.

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 19, 2009 @ 4:30 hapon | Sagutin

  2. wow mami kengks…ang ganda ng mga pics..parang indi lang sa pinas..makapasyal nga…ahehehe.

    yung basket…pinoy na pinoy tlaga.

    Komento ni Maldito — Mayo 19, 2009 @ 7:35 hapon | Sagutin

    • di ba nung una baka o kalabaw ang nagbubuhat sa mga basket na yun? ngayon tricycle na 😀

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:45 umaga | Sagutin

  3. isa sa yan sa mga gusto naming puntahan ngayong taon na ito. ganda nga raw diyan lalo na ang mga beach! ^_^

    Komento ni Snow — Mayo 20, 2009 @ 12:47 umaga | Sagutin

  4. nakapunta na ako dyan kaya lang di naman sa mangatarem..sa villasis kami galing noon at puro kamo gulay tulad ng talong at kung anu ano pa

    Komento ni payatot — Mayo 20, 2009 @ 2:18 umaga | Sagutin

    • daming tanim nga sa pangasinan, miss ko ang kanilang manga

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:46 umaga | Sagutin

  5. (tataas ako ng kamay) akooooo!

    madalas din ako sa pangasinan! lalo na nung bata ako. laki kase sa pangasinan ang father ko.

    mangatarem, hindi ko masyadong kabisado, pero sa kauuan, maganda ang pangasinan!

    Komento ni eliment — Mayo 20, 2009 @ 7:20 umaga | Sagutin

    • sabi ko taas ang paa, hahaha

      tama ka, maganda talaga ang pangasinan.

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:49 umaga | Sagutin

  6. nakapunta na rin ako dyan minsan.. sa dagupan at hundred island.. ganda talaga!

    nakakatuwa yung mga picture, yung mga nagtitinda sa beach.. di ka na lalayo dahil andun na sila!

    Komento ni sandijmartin — Mayo 20, 2009 @ 10:02 umaga | Sagutin

    • oo nga, imbes na ikaw ang maglalakad para maghanap ng pagkain; ikaw ang dudumugin 😉

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:50 umaga | Sagutin

  7. mareng kengks, sa bolinao lang akong pinalad lumagi sa pangasinan. dati yun, nung college pa ako. dun kasi nakadestino yung isa naming barkada — sa marine science extension campus (yata) ng UP diliman. ang layong byahe — daig ang papuntang baguio! pero masaya! 🙂

    Komento ni taroogs — Mayo 20, 2009 @ 10:27 umaga | Sagutin

    • dati nagbi-biyahe kami ng mini bus mula manila ano, hahaha. alog pati kasu kasuan ko pero dahil masaya ang biyahe, good memories

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:50 umaga | Sagutin

  8. ang masasabi ko lang ay WOW. hanep mga napupuntahan mo ate kengkay. Sana maabot ko din yan!!

    Komento ni nadine — Mayo 20, 2009 @ 12:53 hapon | Sagutin

  9. mahusay ang larawan mo ng dilaw na bangka sa tabi ng bughaw na tubig at waring binabantayan ng payapang ulap! naks!
    kay ganda pala sa alaminos!
    nagawi na ako ng madalas sa manaoag at dagupan lalo na pag kami ay pupunta ng baguio, ngunit di pa nakapasyal sa lugar na ito.

    Komento ni docgelo — Mayo 20, 2009 @ 3:01 hapon | Sagutin

    • nyay, isa ka palang makata 🙂 kami madalas din sa manaoag at sa dagupan pero ngayon lang din nakalakwatsa sa mga beaches ng pangasinan

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:53 umaga | Sagutin

  10. Isa yan sa mga gusto kong puntahan this year, magaganda nga daw ang beach jan.. 🙂

    Komento ni joycee — Mayo 20, 2009 @ 3:07 hapon | Sagutin

  11. maganda din sa San Fabian mababaw lang hindi gaya sa Bataan na maraming nalulunod,syempre pa dadaan ka muna sa simbahan ng Manaoag,gaya ng ipinaskil mo yun pa rin ang tanawin na makapagpapaalala sa ating mga pinoy.

    Komento ni kwentulang marino — Mayo 21, 2009 @ 4:28 umaga | Sagutin

    • nakarating na nga ako sa san fabian, maganda nga rin dun. pero alam mo mas maputi ang buhangin sa pangasinan 🙂

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:56 umaga | Sagutin

  12. tama ka maraming magandang lugar sa pangasinan kasi panggalatok din ako taga malasiqui ako…

    Komento ni vk03 — Mayo 21, 2009 @ 5:05 umaga | Sagutin

    • kababayan ka pala ng tatay ko. am sure meron ka pang mabubulong na mas magandang lugar sa pangasinan

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:57 umaga | Sagutin

  13. .. di ba sa anda, pangasinan may nahukay na mga buto ng dinosaur dati?

    Komento ni sensoryreplays — Mayo 21, 2009 @ 5:29 umaga | Sagutin

    • parang may narinig nga akong ganyan. aba, ang lalim pala ng history ng pangasinan e

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 7:58 umaga | Sagutin

  14. Wow naman, neber pa ako nakarating jan eh hahaha gs2 ko nga mag travel travel but sa phil lng ksi feeling ko ang common na mag abroad pero d naiikot ang pinas hehe

    Komento ni Ms. CandyBlush — Mayo 21, 2009 @ 6:14 umaga | Sagutin

    • alam mo, bago ako umalis ng pinas, pinilit kong makalibot din ng pinas muna. nakalibot ako ng mindanao gamit ang kalabaw, tricycle, jeep, motorsiklo at ang aking mga paa. at sa totoo lang, mas maganda pa rin ang pinas kesa sa mga napuntahan ko na.

      Komento ni kengkay — Mayo 21, 2009 @ 8:01 umaga | Sagutin

  15. ai hinde pa ako nakapunta…pero maganda pala xa.. akala ko pangkaraniwang bayan lang..wow may alternative na pala sa boracay eh.. BOLO BEACH? tama ba ako.. hmmp..

    Komento ni walongbote — Mayo 21, 2009 @ 8:12 umaga | Sagutin

  16. taga mangatarem pala kau dati, malapit lang sa camiling di ba? Dun kasi ako nag aral sa camiling.

    Komento ni Taympers — Mayo 21, 2009 @ 10:42 umaga | Sagutin

  17. napakaganda talaga ng Pangasinan san ka man magpunta napaka ginoo ng mga tao..

    Komento ni edmark caberto — Agosto 13, 2012 @ 1:10 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: