Kwentong Kengkay

Mayo 24, 2009

scammers sa harrison plaza

sa totoo lang, nung bata pa si kengkay, dito kami halos parati sa harrison plaza. malapit lang kasi sa bahay namin. atsaka jeep lang andun ka na.pwede pa nga lakarin kapag naubusan ng pamasahe 😀

at nung asa unibersidad ako, dito rin kami madalas tumambay sa harrison plaza. kasi nga isang sakay lang din ng jeep. pwedeng dalawang klase lang ang takbuhan, hehehe.

maganda kasi dito sa harrison plaza. kahit anong sakay ng jeep pwede daanan. taft o mabini o malate. mula baclaran hanggang caloocan. pwede rin LRT kaso mo layo lang ng lakaran pero meron namang orange na jeep na CCP di ba? o kaya sidecar.

ang isa pang pinaka-unique feature nito ay andito ang rustan’s at ang SM. pero ngayon e yung grocery na lang ng rustan’s yata ang andito. pero ang masarap sa grocery, bukas sya hanggang alas gis ng gabi! ang harrison plaza e bukas mula 9 hanggang 9 – walang sawang tambayan at shoppingan.

kaya lang, nitong bumalik kami ngayong 2009; parang iba na yata ang dating ng harrison plaza.

unang pasok ko, may humarang na sa akin na isang bading at chinika chika na ako. may libre daw sa tindahan nila at kung meron oras daw ako ay pwede ko ng kunin yung libre na yon atsaka may ipapakita daw sya sa akin. at dahil natuwa ako sa kulitan naming dalawa, sumama naman ako — karay karay ko ang buong barangay (nanay, tatay, si bunsoy at isang kaibigan).

ayan, pumasok kami sa isang tindahan na puno ng kung ano anong tinda. pinaupo ako sa isang massage chair at dun na ako tuluyang inuto. binigay yung regalo sa akin (isang thermometer) at may binigay na ticket sa akin. nanalo daw ako ayon sa ticket. may tumawag pa daw na taga-main opis nila para isigurado na wala akong kamag anak dun sa mga tao nila. kinausap pa kamo ako. at biglang may fax daw na dumating na mas marami pa daw akong panalo. ang mga napanalunan ko? isang massage chair, isang facial massage set, at isang water heater. nilabas na nila lahat yon. kung saan ba daw isasakay.

hahaha, feeling ko winner talaga ako! pero sa totoo lang, feel na feel ko ang paguuto sa akin. pero dahil ang sarap ng pagkaka-upo ko sa massage chair e nagpauto pa ako ng konti. sanay akong makisakay yata.  libre yata yung masahe ano. naka-abang na yung mga napanalunan ko, tinutulak na palabas nung isang mama. lahat nung tao sa tindahan sa amin naka focus, feel na feel nila ang pang uuto nila sa akin. naichika ko kasi na galing kami ng alemanya at eng eng sa maynila.

ang mga nanay at tatay ko gusto ng umuwi at nagpapasalamat na, yung kaibigan ko naman panay ang bulong sa akin na scam ang niluluto sa harap ko, si bunsoy naman gusto ng mag jollibee. tapos biglang tayo na ako, sabi ko o sige ilabas na yang mga napanalunan ko at gutom na kami.

sempre, bawal yon. kailangan daw ng credit card ko muna, waaaaa! lintek na regalo yan oo, may bayad. sempre nung nagkalabasan na ng bituka, tumayo na ako sa massage chair (naka off na rin kasi e). kumaway na lang ako sa kanila at nagpasalamat sa kanilang entertainment.

sa totoo lang, nung binalita ko yang mga pangyayaring yan sa ibang tao? marami na nga daw ang na-iscam dyan sa harrison plaza. karamihan daw yung mga koreano at hapon; at maraming mga balikbayan na mga may edad na rin ang nauto nila. may isang pinay pa nga daw na pinabalik yung mga ‘regalo’ kuno sa tindahan dahil ba naman nagbayad ang nanay nya ng halos kalahating milyon dahil sa ‘libreng’ scam na yon. kundi daw nagwala yung pinay e hindi daw talaga ibabalik yung mga gamit.

kaya better watch out kayo. ang matindi pa dito, dolyares ang presyo ng kanilang mga tinitinda!

hindi ko alam kung pwedeng isumbong sa tambol mayor ang mga pang uutong ginagawa nila ha. pero dahil nga kukuyugin ka nila, may mga taong bibigay na lang para lang mawala sila sa bitag ng mga scammers na yan. imagine sasabihin nila e libre, regalo, nanalo, premyo — yun pala naman bitag yon para ibigay mo ang iyong credit card.

just be aware.

at sabihan ang mga balikbayan na may balak na mamasyal sa harrison plaza para hindi sila ma-iscam.

Advertisements

39 mga puna »

  1. awww uso nga daw ang ganyan ngayon, kunwari nanalo lang tapos marami na ibebenta sayo, mas malaki pa ang magagastos mo kaysa sa napanalunan mo. tsk. gimik talaga para kumita ng pera, ganun na ba kawalang kunsensya ang mga tao ngayon???

    Komento ni Basti — Mayo 25, 2009 @ 3:33 umaga | Sagutin

    • sa totoo lang, kung nagoyo ka ng ganyan, maintindihan ko kasi talagang kukuyugin ka nila e. lalo na kapag mag isa ka lang. hindi mo ma realize na yung libre pala na yon e mas mahal pa nagastos mo. sana naman ma-monitor ito ng mga opisyal sa pinas

      Komento ni kengkay — Mayo 25, 2009 @ 7:02 umaga | Sagutin

  2. hahaha. nako ms.kengkay niyari mo sila. kala nila ikaw mayayari nila haha. galing mo talaga! 😀 ingats na lang sa mga kabayan natin na Balikbayan! wala naman tayong magagawa e, magsusulputan talaga ang mga kupal na yan. haha

    Komento ni dencios — Mayo 25, 2009 @ 5:11 umaga | Sagutin

    • ang kawawa talaga yung iba na nadedenggoy nila. imbes na maganda ang bakasyon sa pinas e nagiging lugi sila, hayss

      Komento ni kengkay — Mayo 25, 2009 @ 7:03 umaga | Sagutin

      • wala pang update ms.kengks? 😀

        Komento ni dencios — Mayo 27, 2009 @ 12:26 hapon

      • huy, dencios, wag ka maingay at natutulog ako, hahaha

        Komento ni kengkay — Mayo 27, 2009 @ 12:51 hapon

  3. naku mami kenks, nabiktima din ako nyan nung umuwi ako ng pinas..sa ibang branch nga lang..sa may robinsons imus ako nabiktima..feel na feel ko pa naman nung una, tapos nung hinihingan ako ng credit card natauhan ako..sabay paalam sa kanila..ang galing nila mambola promise..

    Komento ni LoV — Mayo 25, 2009 @ 6:52 umaga | Sagutin

    • magaling talaga sila mambola. kaya nga epektib ang mga panloloko nila e. pero pwede namang gamitin ang pambobola nila sa magandang paraan di ba? hay ulit

      Komento ni kengkay — Mayo 25, 2009 @ 7:04 umaga | Sagutin

  4. ay naku nakakakita na ko ng ganyan sa sta.lucia east grand mall mami..
    meron nga silang mga give aways muna..tapos saka kanila kakausapin un eh ung nakikita ko lang naman at naririnig dahil halos katapat ng tindahan na pinapasukan ko ung luger na piwestuhan nila..
    scam talaga dahil may bayad at sasabihing libre o premyo dahil sa nanalo ka..
    ang daming mga manloloko talaga,,magnanakaw pati pla..
    at ang gagaling pa mamboka ng mga nag aalok sayo..grabe madalas bading talaga ang tauhan nila…bakit kaya?

    Komento ni anakngpating — Mayo 25, 2009 @ 7:38 umaga | Sagutin

  5. sintomas talaga ang pagdami ng mga scammers, mareng kengks, ng isang lipunang naghihirap — di lamang financially kundi pati values-wise. parang andali na ngayong manloko ng kapwa… madaling i-rationalize yung scams as being merely “marketing gimmicks” 😦

    Komento ni taroogs — Mayo 25, 2009 @ 7:40 umaga | Sagutin

  6. dami nga ganyan, di ko alam kung bakit pinapayagan ng management ng building na manatili sila… di ba nila alam?

    Komento ni sandi — Mayo 25, 2009 @ 8:59 umaga | Sagutin

  7. the same thing happened to me in 2007(?) i remember feeling overwhelmed, ang bilis nangyari. at ang galing nila. team effort talaga. i wasted mga seguro 30 minutes din inside their shop. but when they asked for my credit card, nagdalawang isip na ako. and it all seemed too good to be true. kaya di rin ako kumagat.

    ewan kung pano nakatagal yang panggagantso nila jan? wala bang nagrereklamo? limot ko na ang pangalan nung shop, it’s a home equipment shop. orange logo ang marecall ko.

    Komento ni jun.anteola — Mayo 25, 2009 @ 9:04 umaga | Sagutin

  8. may nag offer din sa amin ng ganto when I was in Alabang,. tsk tsk.

    btw, hello from achi V’s blog. 😉
    -shobe

    Komento ni Shobe — Mayo 25, 2009 @ 10:50 umaga | Sagutin

  9. yung kaibigan ko naman sa Bangkok na-scam. bumbay naman naka-loko, kunwari, kuwento-kuwento then ask kung may dollars then titingin lang sa wallet and ‘di mo na talaga mapapansin ang bilis ng pangyayari–parang magic! naka-pitik ng ilang daang dolyares mula sa kaibigan ko yung kumag, kahit ayaw pakita ng kaibigan ko yung pitaka niya. well, kahit ano’ng lahi,marami scammers, pinakasikat lang mga Nigerian, yata. 🙂 eheheh..

    Komento ni Jim — Mayo 25, 2009 @ 12:22 hapon | Sagutin

  10. Hi ate kengks!
    Aba dpat pla tlaga mg-ingat. Dapat s unang hirit p lng nila pgdudahan n, kc unang una paanu ako mananalo e wala naman ako sinalihan n raffle o palaro s knila, tas pg tlga credit card n usapan e kaduda duda. Buti n lng nkwala k s knila, dti s foreverliving mga 2 hours bgo ako nakalaya. HS classm8 p nggoya s kin, kesyo namiss dw at mgkita kmi asus.

    Komento ni Eyna — Mayo 25, 2009 @ 3:26 hapon | Sagutin

  11. ang dami na talagang scammer kahit saan meron nyan kahit sa internet, sa txt message..

    hays!

    wala nang ibang paraan jan kundi tamang pag-iingat na lang talaga… @_@

    Komento ni jex — Mayo 25, 2009 @ 6:33 hapon | Sagutin

  12. hahahahah huli ka na sa balita mareng kengkay…kahit sa mag sikat na mall..marami na rin nyan….di lang sa harisson…patnubay po ang kailangan!

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 25, 2009 @ 7:02 hapon | Sagutin

  13. Tsk kahit san talaga may mga manloloko. Mga walang magawa sa buhay!

    Komento ni joycee — Mayo 25, 2009 @ 10:58 hapon | Sagutin

  14. ang tagal ko ng hindi nagagawi ng HP. extension din namin yan nung college. magpa-picture sa concepts 😀 at manood sa bagong bukas noon na super cinema :D. na-miss ko tuloy yung teriyaki bun sa rustans. at habang kumakain ka e nanonood ka sa gumagawa ng tinapay.

    ganun na pala dun ngayon. sayang naman. kawawa ang mga nabibiktima. buti na lang, sila ang nayari mo mami kenks.

    Komento ni bem — Mayo 26, 2009 @ 12:51 umaga | Sagutin

  15. hmmm, marami pa rin palang scammers sa harrison. hay…

    Komento ni Snow — Mayo 26, 2009 @ 4:02 umaga | Sagutin

  16. hay naku..bakit ba may mga taong ganyan. mabuti nalang at bright ang ate kenks!

    Komento ni ELIment — Mayo 26, 2009 @ 4:35 umaga | Sagutin

  17. hehehe nag work kaya ako sa ganyan pre needs insurance naman…

    Komento ni empress — Mayo 26, 2009 @ 7:25 umaga | Sagutin

  18. scam nga po yan mommy kengks at buti naman di ka nila nadale

    Komento ni payatot — Mayo 26, 2009 @ 1:06 hapon | Sagutin

  19. Grabe na talaga dyan sa Harrison Plaza. Dyan din kami madalas mag shopping noon nung bata ako. Habang tumatanda ako. Pa grabe ng pagrabe yang mall na yan. kakapanghinayang kasi, maraming happy memories family ko regarding Harrison. Tsk…tsk

    Komento ni callcenterguy — Mayo 26, 2009 @ 3:59 hapon | Sagutin

  20. aowa ba yan? muntik na rin ako. parang danvil plans grrrr hindi mag-trabaho ng maayos grrrr ulit

    Komento ni atty. yei — Mayo 27, 2009 @ 5:26 umaga | Sagutin

  21. mommy ko muntik ng madale ng Family First sa SM. Binigyan sya ng payon at meron pa raw complimentary prizes sa office nila. Pinapunta mommy ko dun sa office. May mga inaalok na kung ano ano sa kanya, mga pipirmahan, At sabi daw ng nag iinterview sa kanya na pakipatay daw ang celphone. WTF anong dahilan? Nilayasan nung mommy ko yung agent.

    Komento ni jason — Mayo 27, 2009 @ 5:53 umaga | Sagutin

  22. O_O grabe naman yun. Dami na talaga manloloko sa mundo , salamat sa paalala ate :>

    Komento ni nadine — Mayo 27, 2009 @ 11:18 umaga | Sagutin

  23. muntik na rin pong mabiktima sila mommy ko nyang mga scams. aowa naman po, dun sa isang branch ng tropical hut. hiningi pa po un id ng daddy ko.

    buti na lang, muntik lang un, wahaha
    sa huli, umuwi kaming may 3 mugs..
    pwede na 🙂

    Komento ni chennn — Mayo 27, 2009 @ 3:12 hapon | Sagutin

  24. .. ingat lang, marai manloloko sa hirap yata ng buhay nagyon. basta ako, pag asa manila at nasa kalye lagi ako kunwari nagmamadali.. kahit may tumawag pa ng pangalan ko di ko papansinin!

    Komento ni rob — Mayo 30, 2009 @ 10:56 umaga | Sagutin

  25. Medyo iba naman yong na-experience ko. Nagbebenta sila ng massage chair tapos nag try kami ni huuby. Aba, pinipilit kami bumili to the point na ginagamitan na kami ng emotional black mail. Kesyo kailangan daw makabenta para ma-promote yong sales lady. Hay…eh sa mahal noong chair – wala naman kami pambali kahit maghapon kami magkulitan.

    Komento ni nina — Marso 15, 2010 @ 10:22 umaga | Sagutin

  26. pansin ko lang – official translation ba ng e-mail eh sulatroniko?

    Komento ni nina — Marso 15, 2010 @ 10:22 umaga | Sagutin

  27. kanina may tumawag samin nanalo daw kami, napili daw telephone number, buti na lang pinasa sakin ng nanay ko yung phone. may binigay saming code para daw makuha namin yung price, parang ang ingay ingay dun sa place niya at pinalalakas nya yung boses ko dahil di daw nya marinig. Nung tapos na syang magsalita na libre daw at walang babayaran, no money involve, etc., ako naman ang nagsalita kasi feeling ko scam na to. tanong ko sa kanya, bakit kami napili e di naman kami sumali dyan, sabi nya pinili daw based sa mga old telephone numbers. Anong puwede naming makuha? Marami syang sinabi, nakalimutan ko na yung iba, tanda ko lang yung home entertainment system, saka door bell, so feeling ko pag pumunta kami dun, malamang doorbell lang ang price na ibibigay nila. Depende daw sa code na binigay sa akin kung ano makukuha kong price. Nakakainis gusto ko nang ibaba yung phone dahil alam ko na talaga na scam lang to at saka parang di marunong makipag-usap ng matino yung babae kausap ko, parang nakikipag-usap lang sya sa kanto nila, parang di professional, saka boses nya pa lang di ko na ma-take.

    Anyway buti na lang di ko binaba dahil sinabi nya yung place na dapat kong puntahan para daw makuha ko yung price…ang place…ARISTA – HARRISON PLAZA 2nd Floor.

    Kaya mga kapwa ko pinoy, wag na wag kayong magpapaloko sa mga tumatawag sa inyo at sasabihin na nanalo kayo ng free gift etc., e di naman kayo sumali in the first place.

    Wag na wag din kayo pupunta sa mga mall na ganito na pinapayagan ang mga business ARISTA, na may kakaibang marketing strategy/panloloko, na matagal na nilang ginagawa. Parang napanood ko na nga to sa IMBESTIGADOR e, di ko lang matandaan yung company name. Lalo na sa mga senior citizen na mag-isa sa mall, naku kayo target ng mga yan, lalo na kung may credit card ka.

    Thank you sa nag-post ng topic na to, maliliwanagan na ang mga consumers sa mga kakaibang panloloko na ginagawa ng iba. Search ko google Harrison Plaza scam, kaya nakarating ako dito.

    2009 pa pala tong post mo, e 2011 na, ibig sabihin buhay pa rin sila. Dapat maitawag na sila sa DTI.

    Komento ni Graduate of University of Experience — Oktubre 2, 2011 @ 5:32 umaga | Sagutin

  28. Buhay pa po ang Arysta/Arista!!!! kakatawag lang sa akin ngayon! Please MAGINGAT PO ANG LAHAT!!! Huwag na huwag po tayo papaloko!!!

    Komento ni glen — Hulyo 24, 2017 @ 3:16 umaga | Sagutin

  29. Just got a call from Arysta too, got my name and said to claim prizes at the Arysta shop in Harrison Plaza near Tambunting, gave a “reference number” said the mother company was Vylon (?) Informations a distributor of telephones. Told to contact Camille Castro with tel # 8347316. Also said to claim the “prize” immediately, because it was only until 7pm the next day.

    So yes, this scam is alive and well

    Komento ni Disgruntled — Setyembre 13, 2017 @ 5:48 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: