Kwentong Kengkay

Mayo 27, 2009

si kengkay at si doktor kho

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinay Scandal Daw — kengkay @ 4:23 hapon
Tags: ,

i have a confession to make…

may naging relasyon din ako kay doktor kho…

nakilala ko si doktor kho nung nagtrabaho ako sa isang establisimyento na nagbibigay ng saya, nagdudulot ng aliw, nagbibigay ng kaligayahan sa bunganga, tiyan at sa puson… sa establisimyentong pwedeng pahingahan, pwedeng languyan ng kasayahan… dun maraming hinahating-gabi. dun maraming binabati pati ang kinabukasan, minsan pa nga e ilang araw, ilang linggo at ilang buwan dun tumitigil ang mga tao.

normal at pormal ang pagkakakilala namin ni doktor kho. pinakilala ako nung isa sa mga naka-ta-taas sa akin. binigay ko ang aking mga palad. shake hands baga.

may pagkakataong nagkakasama kami sa lamesa sa oras ng kainan. nagkakasama na rin kami sa mga karaoke bars. napapatambay sa siksikang mga bars. minsan naman napapadpad sya sa aking pwesto kapag may kailangan sya. at ako man ay dinadala ng aking mga paa sa kanyang sariling apat na sulok kapag kailangan ko sya. parating may tao sa kanyang lugar. labas masok kung sino sino.

ang alam ko parati kaming hello at goodbye. mabait naman syang tao kasi. mabilis ang ngiti. mahilig bumati. naging talagang super close lang kami sa isat isa nung may pangyayari sa establisimyento na hindi kami maka-uwi ng bahay. dun halos kami sa loob ng establisimyentong iyon. sabay sabay kumain, sabay sabay mag relaks, sabay sabay mainip, sabay sabay gustong mawala ang inip.

sa mga ganyan yata talaga nagkakadebelopan… alam kong may mga video na gumagala sa mga araw na yon. mainit na ang relasyon namin sa loob ng establisyementong iyon. minsan nga sabay sabay pa kaming nanood ng mga na-video na mga pangyayari e. tuksuhan pa nga. may mga nagrereklamo. may mga napapa-iling. may mga nagpapakyut. yung iba sumisigaw pa nga. ah basta ako tahimik lang. masaya naman nung mga araw na yon. kasi naging very close lahat lahat. kahit pa may video na sumisingit.

ngayon ang tanong e — lalabas din kaya ang video na yon sa mga nakakalat na video ni doktor kho?

kung di ko pa naka-chat kanina yung isang kasali dun sa mga mainit init na araw na yon, hindi ko maalala na may relasyon din pala kami ni doktor kho. at sana wag nya ako batukan kapag nabasa nya ito.hahahaha

kayo ano sa tingin ninyo;D

hmpf! tigil tigilan na nga yang drama na yan sa mga sekswal exploitations ng mga tao. eto tanong ko lang ha – yung mga nanood ng video na yon — bakit kaya ninyo pinanood? ano kaya nakuha ninyo? ewan ko, ako na intriga ako pero hindi ko pinanood yan. alam ko kung anong kaya ko sa mga pribadong gawain. hindi ko kailangang maki- usyoso sa iba. pribadong gawa ng mga tao yon, mga kababayan. hindi yon para sa buong mundo, kahit pa man may nag download. ewan ko, wala lang, ganun lang si kengkay πŸ™‚

pero sempre, hindi ko mapigilan maki ride sa popularity ng iba, hehehe. ayan, napilitan tuloy si kengkay na mag confess ng mga bagay na gusto nyang itago. hehehe, actually, ibang doktor kho naman yung tinutukoy ko… pero sempre hindi ko sabihin kung anong establisyemento yon at baka mabatukan ako nung ka chat ko. sikret na lang muna, unless pilitin nyo ako! plis pilitin nyo ako.

Advertisements

34 mga puna »

  1. hahahahahha….pauso din ang kengkay….halos di na talaga ako makahinga habang binabasa ko ang post na ito….yun pala ang ending! toinks ka dyan!

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 27, 2009 @ 6:01 hapon | Sagutin

  2. oi, pinipilit kita mommy kengks..ilbas mo na kung ano establisimiyento yan

    Komento ni payatot — Mayo 27, 2009 @ 10:45 hapon | Sagutin

  3. ako rin… actually may nag-alok sa akin ng video pero tinanggihan ko. curious din naman ako, pero tama na siguro yung malaman ko sa salitan at balita ang laman ng mga iyon.

    babae din naman ako, at napi-feel ko talagang nadudurog ang mga ina at pamilya ng mga babaeng bumuyang-yang sa mga video na ‘yan.

    payo na lang talaga eh, magpaka-safe sex. bukod sa dapat sure ka sa desisyon mo, dapat ding tingnan kong safe na walang camera sa paligid at i-check kung hindi aning ang mate mo. wahhhh

    ayo Kho!

    Komento ni hitokirihoshi — Mayo 28, 2009 @ 2:16 umaga | Sagutin

    • sa totoo lang, kung matino ang utak, hindi papayag na gawin yang i-video ang mga gawaing dapat e pang pribado lamang kasi ano bang balak nila pagkatapos nun?

      Komento ni kengkay — Mayo 28, 2009 @ 6:26 umaga | Sagutin

  4. ahehe momi kengks talaga woh..

    kaya ako di naglagay ng entry tungkol jan..yaan ko na lang sila dun..ahehe

    Komento ni azul — Mayo 28, 2009 @ 2:35 umaga | Sagutin

  5. nakakaloka ang post mo kengks.. pero tama ka bakit nga ba kailangan panoorin ang mga pribadong video na yon. sa totoo lang di ko talaga pinanood yan kahit halos lahat ng mga ka opisina ko eh na panood na. wala naman ako mapapala sa kung panoorin ko …hehehe busilak ano?

    Komento ni empress — Mayo 28, 2009 @ 3:04 umaga | Sagutin

  6. honesty talaga e hindi ko pa napanood ang buo nyan… ung sasayaw sayaw lng si kat at kho ooops hanggang dun lang talaga kaya ko @_@

    palagay ko sa isyu na to… walang parehong may sala, wala naman siguro may gusto ng kahihiya sa sarili…

    naniwawala ako na may tao sa likod nito….

    ahaha tita kengs diba sa UST k rin nag aral?

    ahahahhahahahahaha

    natatawa ako sa post mo na to @_@

    Komento ni jex — Mayo 28, 2009 @ 3:58 umaga | Sagutin

    • pramis ha, hanggang dun lang! oo, klasmeyt ba tayo ng iskul?

      Komento ni kengkay — Mayo 28, 2009 @ 6:28 umaga | Sagutin

  7. Amp! muntik na kong maniwala. Kala ko iintayin na din kita mag salita sa “The Buzz” e. Papa authograph sana ko kay Kris. πŸ˜›

    Komento ni Callcenterguy — Mayo 28, 2009 @ 5:05 umaga | Sagutin

  8. haha ang kulet hehe…:)
    kamusta naman un hehe..
    talagang nag confess si mommy..
    may confidential na EB bulong ko sayo ate kung kaylan sama ka ehhe..:)

    Komento ni anakngpating — Mayo 28, 2009 @ 5:15 umaga | Sagutin

  9. kala ko totoo at lalabas ka sa TV.

    Komento ni jason — Mayo 28, 2009 @ 5:45 umaga | Sagutin

  10. nakakaloko yun ah. Hahaha aba sino yan dr kho mo ate!

    Komento ni nadine — Mayo 28, 2009 @ 5:52 umaga | Sagutin

    • sikret muna kung sino yung doktor kho na yon kasi…kasi…

      Komento ni kengkay — Mayo 28, 2009 @ 6:29 umaga | Sagutin

  11. may relasyon din kami ni doctor kho..naging mag ka schoolmate kami… pero di kami nagkaabot… wahahaha!!! mayabang siya sobra…pero idol ko parin siyA! ahahaha!!!

    Komento ni wei vines — Mayo 28, 2009 @ 7:55 umaga | Sagutin

  12. ahahaha kengks kung di mo nakwento di ko malalaman yang scandal na yan…naintriga tuloy ako at pinanood ko lahat,ahihihi

    ang masasabi ko lang…biktima lang lahat sila…sa iba’t ibang klase nga lang!

    Komento ni p0kw4ng — Mayo 28, 2009 @ 8:05 umaga | Sagutin

  13. aha! may storya ka rin pala sa kanya ha? πŸ™‚

    Komento ni sandi — Mayo 28, 2009 @ 8:59 umaga | Sagutin

  14. whew! akala ko kung ano na, nakikiuso sa mainit na uso, galing ng kwento maam

    Komento ni orphicpixel — Mayo 28, 2009 @ 5:35 hapon | Sagutin

  15. hahahaha!

    achut.

    :))

    Komento ni aga — Mayo 29, 2009 @ 12:21 umaga | Sagutin

  16. hahaha..ate kinks palagay ko ini-edit pa yong video nyo, nilalagyan pa ng sound epeks saka sound track. hehehe

    Komento ni ELIment — Mayo 29, 2009 @ 1:55 umaga | Sagutin

  17. aha,,,,si momoie kengks din pala,,hehe
    tc alweiz

    Komento ni simplefula09 — Mayo 29, 2009 @ 2:42 umaga | Sagutin

  18. sumsasbay si ms kengkay… nwei, kung ako lang aminado naman akong pinanood ko dahil narin sa curiosity…

    yun bang teorya ng to see is to believe… hehe… kaya ayun.. at oo aaminin ko wala nga akong napala at least for some reason mkakarelate ako sa mga taong pinag uusapan ito.. hehehe…

    kung tatanungin ako kung nag enjoy ako, hindi din dhl pareho lang itosa mga nakita kong iba png scandal… nagkataon lng na celebrity…

    nwei, mamatay dina ng isyu na to sa tamang panahon ms kenks… people just love 2feast on other’s lives.

    Komento ni yhen — Mayo 29, 2009 @ 4:04 umaga | Sagutin

  19. hhehehe…ikaw talaga kengs…pero in fairness, gusto kong tapunan ng holy water yang si hayden kapag nakita ko siya para mangisay! ^_^

    Komento ni Snow — Mayo 29, 2009 @ 8:15 umaga | Sagutin

  20. akala ko naman si kho talaga.
    bwahahah.
    napanuod ko na yun, may nakuha naman ako.
    nabasag ang curiosity ko.
    hahaha

    Komento ni AA — Mayo 29, 2009 @ 11:05 umaga | Sagutin

  21. .. saan ba makakakuha ng uncut na version nyan at masilip.. ^_^

    Komento ni rob — Mayo 30, 2009 @ 10:52 umaga | Sagutin

    • naipalabas na sya nung 1997, pero bakit kaya hindi nag react si bong r dun, hahaha

      Komento ni kengkay — Hunyo 3, 2009 @ 10:00 umaga | Sagutin

  22. mahal na kita ms.kengks πŸ˜€

    Komento ni dencios — Hunyo 3, 2009 @ 7:29 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: