Kwentong Kengkay

Mayo 29, 2009

shopping sa divisoria

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 7:13 umaga
Tags:

pwede ba, tigil tigilan na yang iskandalo na yan ano. mas masaya pang mag-shopping na lang, hehehe

sama kayo sa akin sa divisoria at may mapapala pa tayong lahat. butas nga lang ang bulsa. pero puno naman ang bayong. yun e kung alam ninyo kung saan pupunta at kung papano tumawad.

so are you ready? ganito yon. matagal na rin akong hindi nakarating ng divisoria ha. dati halos linggo linggo e karay karay ako dun ng nanay o kaya ng tatay ko. dun kami namimili ng mga paninda. dun kami namimili ng mga tela at gamit para sa aming tahian. at kaya kahit na taga-buhat lang ang beauty ko e sumasama ako dahil walang choice e dahil masarap magmiryenda sa mga turo-turo dun. hmm, naamoy ko pa ang mga sopas at mga pansit! yumm. naamoy ko rin ang pawis ko, heheh

nung huling uwi ko sa pinas nitong marso, aba naman, sempre hindi ko na sya pinalampas. gusto na naman sempre sumama ng buong barangay, pero pinigilan ko sila. sabi ko huminahon at mahirap maghanap ng pwesto sa turo turo kapag buong barangay ang magmiryenda.

ano daw dapat na costume kapag pupunta ng divisoria? parang yun sa baclaran din. isang shorts na maraming bulsa o kaya naman palda na maraming bulsa (para mabilis mag-sukat dahil karamihan e walang fitting rooms dun).

huwag na magdala ng pitaka kundi isuksok ang inyong pera sa ibat ibang bulsa. siguraduhing malalim ang bulsa ha. at iwan na rin ang inyong celfon. hindi nyo naman maririnig yan dahil sa ingay sa divisoria ano.

magdala ng malaking bayong para sa inyong isha-shopping. hindi ko na kasi pinalalagay sa plastik yung mga pinamili ko e, save da environment ang drama ko 🙂

at sempre, huwag kalimutang maglista ng gusto ninyong bilhin. ano daw ang asa listahan ko nung araw na yon? brip at pajama para kay kengkoy, underwear at pajama para sa mga little kengkays, toys para sa loot bags para sa berdey ni bunsoy, hello kitty at my melody stuff toys, leather bag (kuno), blusang itim, at gown para sa mga little kengkays.

sumakay kami ng jeep, huwag na magkotse at mahirap naman mag park dun ano. asa jeep pa lang e excited na ako no. feeling ko yung mga barya barya ko e nag-wawala na sa mga bulsa ko kasi alam na nilang iwawagwag ko sila sa divi. nung makita ko ang simbahan ng binondo, haysss… kumabog na ang aking dibdib. muntik na akong magpalpitate dahil sa ka-eksaytan.

at nung pumara na kami… yaaaaaaa! ang saya ng feeling! hindi ko alam kung saan ako unang pupunta. e ang alam ko lang dati e yung divine na may aircon at yung ylaya street ano. hinatak hatak ako ng kasama ko at huminahon daw ako. pero sempre, dahil sa may kanto pa lang ay may hello kitty na, nakipagbolahan na agad si kengkay.

dyan sa kanto na yan. may nakahilig na mga stuff toys nina hello kitty, my melody, at kung sino sino pa. mula sa higante hanggang sa sa pwedeng isuksok sa pitaka. yung nakita ko e 35 pesos daw isa. tinawaran ko, binigay ng 30 pesos kasi isang dosena naman ang binili ko.
pero bago kami bumili ng stuff toys e pumasok muna kami dito sa new divisoria mall. sempre naman dapat compare compare di ba? andito ang mga textile naman, may mga konting stuff toys din. pero sa totoo lang? mas mura ang tinda ni manang sa labas kaya dun ako bumili. pero nakabili ako sa new divisoria mall ng mga toys para sa loot bags. andito rin yung mga pajamas (250 isa at medyo namahalan pa ako pero dahil prinsesa ang nakaprint e binili ko rin) at undies ng mga little kengkays na sa 24 pieces e 250 lang ang bayad ko. at tinker bell pa ang design.

ayan ang loob ng divisoria mall. dyan din ako nakabili ng t-shirt (50 pesos isa), leder-leaderan na bag na talagang pinili ko yung walang tatak at baka mahuli ako ng branding pulis dito (250 pesos) at isang silk na blusa (250).

sa may labas nito, sa mga pasikot sikot, andun ko nakita yung gown na tig 350 isa. tinawaran ko na yon kasi 450 daw sya e.

dito naman sa labas ulit, dyan ako nakahanap ng pajama ni kengkoy (100 pesos isang pares) at ang kanyang brip na sponge bob (50 pesos). nakabili din ako ng sports bra na 3 por 100. pwede na yon dahil hindi naman ako madalas mag isports, hahaha. bumili din ako ng pambatang pitaka na tig-sampung piso isa. tinawaran ko pa nga sya kasi sabi ko marami akong bibilhin, na shock ba naman kasi daw sampung piso na nga lang daw isa tumatawad pa ako! pero sempre may libre akong isa 😀
at sempre hindi namin kinalimutan pumunta sa 12345 – eheste dun pala sa 168. daming pang loot bag dun! kaso mo dahil sya ang pinakahuling pinuntahan namin e medyo wala na akong barya sa bulsa. kaya yung laruan na lang ang tiningnan ko, at tinigasan ko na leeg ko sa mga bagay na temptasyon dun. pero nilibre ko yung kaibigan ko ng lotion na pampaputi — para namang may pag asa pa talagang pumuti, hahaha. pero sempre, pagbigyan 🙂

at dahil shoppingan, dapat may miryendahan. kahit na kulang na pera ko, nagpumilit pa ring mag chowking! halo halo time! muntik na kaming maglakad pauwi, hahaha. buti na lang may naka reserve na pamasahe sa isang bulsa ko.

umuwi kaming pumuputok ang aking bayong sa mga napamili ko. pramis, babalik ako sa divisoria.

Advertisements

23 mga puna »

  1. gusto ko rin pumunta dyan kaya lang wala ako kasama… kelangan ko n ng mg bagong t shirt pantalon at sapatos… umuulit ulit na costume ko sa opisina.. help me elp me hahaha

    nice. divisoria abangan mo ko!!

    Komento ni jason — Mayo 29, 2009 @ 7:35 umaga | Sagutin

  2. miss ko na ang divi….madalas kung daanan yan noong college days ko….

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 29, 2009 @ 8:43 umaga | Sagutin

  3. kengkay, bakit nagkaganito ang bahay mo o iba nakikita ko sa nakikita ng iba? I used to shop in Divisoria. Pag uwi ko, pupunta ako kasi bibili ako ng iba’tibang molds for my baking.

    Komento ni nina — Mayo 29, 2009 @ 10:41 umaga | Sagutin

  4. haha mommy pagbalik mo sama rin ako sa pag shopping hehe masarap bumili sa labas at sa 168 at xempre ang divisoria mall..
    namiss ko tuloy kasi jan ako nabili kapag malapit na pasko para sa mga inaanakis ko hehe..:)
    mommy bulong mo kung kaylan ang punta mo dito ha hehe..:)

    Komento ni anakngpating — Mayo 29, 2009 @ 11:31 umaga | Sagutin

  5. ingget ako. wahaha. di pa talaga ko nakadaan man lang sa divi O_O

    Komento ni nadine — Mayo 29, 2009 @ 11:48 umaga | Sagutin

  6. wow light topic naman. kapagod na nga ang mga hayden kho hehehe. o kelan ka uuwi ulit. tuloy ba?

    Komento ni bernardumali — Mayo 29, 2009 @ 12:40 hapon | Sagutin

  7. yup. gawain ko din yan tuwing nag didivi ako.. wala akong cp na dala, wla akong kwintas,, singsing or whatsoever para di ako pagmalang mayaman. dahil di naman talaga,. haha.. back to school na ang mga tao, kaya lipana na naman sa divi..

    Komento ni walongbote — Mayo 30, 2009 @ 4:49 umaga | Sagutin

  8. uy hàng out ko yàn, if nàsà pinàs àko, meron kmi kinàkàinàn dyn, chopstick, 100pesos nà pnsit bihon, for four people nà, sàràp
    then so shopping, àng dàming gàndà dàmit!!!!

    ok, got to go, dito màdàme, nàkàw pc blog làng to, hello from bàvàrià germàny;

    Komento ni francesca in france — Mayo 30, 2009 @ 7:17 umaga | Sagutin

  9. .. kakatuwa naman ang shopping spree mo keng sa divisoria.. nung college ako may tindahan dyan na mga reject na giordano at esprit- either may butas na maliit (pinapasulsi ko sa mama ko) or may hindi pantay na tahi na di naman halata. dun ako bumibili at kala ng mga classmate ko bili ko sa mall!

    Komento ni rob — Mayo 30, 2009 @ 11:05 umaga | Sagutin

  10. mommy kengs..alam ko na..EB sa divisoria..haha

    dyan ako namimili pag Pasko..mura na marami pang choices..

    Komento ni flamindevil — Mayo 31, 2009 @ 4:26 umaga | Sagutin

  11. di ka ba natakot habang naglilitrato ka sa divisoria???? ako, takot maglabas ng cellphone. ehehehe

    Komento ni skyllo — Mayo 31, 2009 @ 9:05 umaga | Sagutin

    • natakot din ako pero maliit lang yung camera ko at super pasimple lang talaga ang kodak na ginawa ko e, hehe

      Komento ni kengkay — Mayo 31, 2009 @ 10:02 umaga | Sagutin

  12. […] Older » […]

    Pasa ni enjoy mag-jollibee party « Kwentong Kengkay — Mayo 31, 2009 @ 10:05 umaga | Sagutin

  13. wow! si ms. Kengks’ nag Divisoria…daming mura dyan..konting ingat lang

    Komento ni sandi — Mayo 31, 2009 @ 10:17 umaga | Sagutin

  14. […] ng mga gamit na gawang pinas. alam ninyo naman kung saan pwedeng makakita ng mura pero de kalidad. divisoria, baclaran, taytay rizal o kahit saang palengke. sempre meron din naman sa SM o sa Levis, di […]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon | Sagutin

  15. […] kilo-kilong tela at damit na binili sa taytay, rizal; ang mga Christmas decors na bargain galing sa divisoria, ang tabo na binili sa baclaran, ang jeans leggings na tinawaran sa sidewalk, ang palayok na dala […]

    Pasa ni it’s time to support pinoy products « Kwentong Kengkay — Mayo 24, 2012 @ 8:42 umaga | Sagutin

  16. ndi mo masisisi ang mga taong naglagay ng mga karatulang nakita natin sa videong ito ng WOTL sapagkat sawa na sila sa pagiging inutil ng Pinoy hinggil sa mga bagay hindi naman dapat ginagawa sa pampublikong mga lugar.. . oo tama ka sa huling linya mo na ang pagbabago ay nagsisimula? sa pag-unawa pero kaakibat dapat nito ang pagsasapuso ng mga bagay na madalas na binabanggit sa ating mga eskwelahan o kahit man lang sa bahay: DISIPLINA. yan ang kulang sa mahigit NOBENTA PORSYENTO ng mga Pilipino…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Willa — Nobyembre 25, 2012 @ 1:25 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: