Kwentong Kengkay

Mayo 31, 2009

enjoy mag-jollibee party

Filed under: Kwentong Bulilit — kengkay @ 8:53 umaga
Tags: ,

tanungin ninyo si kengkoy at ang mga little kengkays, super enjoy sila sa jollibee talaga. kunyari pa daw si kengkay, pero enjoy din naman ako. masaya na, sulit pa. oy, hindi ako binayaran ng jollibee ha, pero kung may magbibigay ng gift certificate e tatanggapin ko po 🙂

ang mga little kengkays, pagbaba pa lang ng eroplano sa NAIA at nakita na nila si jollibee e tumutulo na agad laway nila. binibilang na nila yung mga nadaraanan nilang jollibee (at mcdo sempre). ewan ko ba, iba talaga ang dating ng bubuyog kesa ng clown e.

kaya naman bawat uwi namin e meron kaming jollibee party. kahit na walang may berdey, karamihan ng family reunions naman e sa jollibee, hindi lang pampamilya kundi pang isports pa. super sulit na, tapos wala pang kalat na liligpitin. at masaya lahat kasi busog tapos may uwi pang laruan at lobo.

ayan ang mga little kengkays, muntik ng liparin ng lobo. inuwi lahat ng lobo at pinamigay sa mga batang lansangan. nga pala, yan ang gown na binili ko sa divisoria.
at sempre may kasaling keyk ng red ribbon. yung maliit lang ang ang pinili ko, kasi naman sa experience e halos busog na lahat kapag iuumang ang keyk kaya sayang lang o kaya naman e inuuwi na lang yung keyk.

nung unang nag jollibee party kami e shock na shock si kengkoy kasi daw ang lakas ng musik, ang daming tao na maiingay din, tapos ibang klase daw yung mga palaro kasi hindi lang mga bata ang kasali kundi pati mga matatanda. at ang tuwang tuwa sya, lahat sumasali daw.  game na game. e naman ano, pamilya at kaibigan yata ni kengkay ang andun, edi lahat cowboys and cowgirls. at sempre, may prepared presentation pa ang mga bata, song and dance number.

kagabi imbitado kami sa isang mag-asawang pinoy at aleman, pinanood namin yung video ng jollibee party ni bunsoy. tuwang tuwa ang mga tao kasi daw ibang klase daw talaga ang magparty sa pinas.

kasi unang una may musik (dito kasi walang musik kapag may party, at baka magreklamo ang mga kapitbahay sa ingat at dumating ang mga pulis).

pangalawa, game na game daw kasi lahat ng bata at matanda (nakita pa naman nila na nagsasayaw si kengkoy at kengkay pati na mga nanay at tatay ko, eekkkk baka madiscover kami nito, hahaha.)

pangatlo, ang dami daw pagkain (kahit na ispaghetti, hamburger, french fries at coke lang ang handa). sempre, parang madami na yon dahil sama sama sila sa trays, hehe. pero nakakabusog na rin sila kahit na simple ang handa.

pang-apat, ang mura daw ng jollibee party, na totoo naman. kasi dito mapapansin nyo na ang party room ng mcdo e sa isang maliit na kwarto lang na between 6-10 kids lang. walang upuan na pang matanda 🙂 at sempre, mahal po ang party package. wag nyo ng itanong at hindi ko na rin inalam. basta ang isang happy meal dito e around apat na oyro ang isa.

ang dahil dumating ang VIP guests namin na si mr bean at sponge bob, mas lalong nag enjoy ang mga bata pati sempre mga matatanda, hehe. bawal kasi magdala ng ibang mascot sa jollibee kaya inayos na lang namin na sa hotel lobby kami antayin ni mr bean at sponge bob, nagpaalam ako sa hotel, ok daw.

ang kaso mo, hindi na nagkasya si sponge bob sa elevator ng hotel. ang haba kasi ng ilong e, hehehe. kaya sa hotel hallway na lang kami inantay. super shock ang mga bata nung nakita nila. sikret kasi e. pero pagkatapos ng shock nila e ayun, hatak hatak na nila si mr bean (na nalimutan ang kanyang teddy bear) at si sponge bob. at nagsayaw pa kanyo ang dalawang VIP guests namin sa kanta ni beyonce na single ladies. paboritong kanta ng mga little kengkays kasi 😀

ang saya saya po talaga. sa berdey ko imbitahin ko din si mr bean at si sponge bob ;D sige na nga, pati na rin kayo!

Advertisements

20 mga puna »

  1. “inuwi lahat ng lobo at pinamigay sa mga batang lansangan” (Wala akong masabi dito… Taas kamay ko sa nagturo sa kanila nyan)

    woowwww na shock ako dun sa mascot na mr. bean at spongebob.. matagal ko ng gustong mayakap si spongebob LOL

    Sa Jollibee.. Bida ang sarap!!!

    Komento ni jason — Mayo 31, 2009 @ 8:59 umaga | Sagutin

    • hahaha, si spongebob delikado yakapin at baka matusok ka ng ilong nya 😀

      ang mga little kengkays bukas ang mga mata nila kasi nakikita nila ang diprensya ng mga bata dito sa alemanya at ng mga bata sa pinas 😀

      Komento ni kengkay — Mayo 31, 2009 @ 10:04 umaga | Sagutin

  2. masaya talaga ang bonding sa jolibee….kaya ganyan katagumpay yan kasi magaling ang kanilang marketing strategy at saka ang taste ng food swak sa pinoy…

    Komento ni blurosebluguy — Mayo 31, 2009 @ 4:09 hapon | Sagutin

    • pang pinoy talaga ang lasa, kaya ayaw ng mga little kengkays ang lasa ng ispaghetti — pero sempre dahil nakikisabay sa mga bisita, kain na rin sila ;D

      Komento ni kengkay — Hunyo 1, 2009 @ 12:06 hapon | Sagutin

  3. jollibee talaga ang dabest pagdating sa kainan ! Sarap iih, tska pag sa mga nangingibang bansa hinahanap daw talaga jabi. Namangha ako gusto ko nian spongebob!!!!!! peburit ko kasi weh, hahah saya siguro ng mga anak mo XD

    Komento ni nadine — Mayo 31, 2009 @ 11:02 hapon | Sagutin

  4. nakakatakot kasi si ronald mcdonald ee..si jollibee ang kuyuuut ..hehe

    dito talaga sa pinas pag sinabing party pambata man o pangmatanda siguradong masaya..weeee.

    momi kengks ako din ba imbayted sa party mo..

    Komento ni azul — Hunyo 1, 2009 @ 3:19 umaga | Sagutin

  5. nakow, mareng kengks, naalala ko nung unang umattend ng isang bday party sa jollibee ang aking dear dawter (2 pa lang siya yata nun) — nagiiyak dahil natakot sa mascot! hehehe

    Komento ni taroogs — Hunyo 1, 2009 @ 7:19 umaga | Sagutin

  6. pang masa kasi ang jollibee.. pinoy na pinoy 🙂

    Komento ni sandi — Hunyo 1, 2009 @ 7:50 umaga | Sagutin

  7. parang gusto ko rin ng jollibee party 🙂

    Komento ni nina — Hunyo 1, 2009 @ 9:50 umaga | Sagutin

  8. Hagalpak ang tawa ko dun sa hindi nagkasya si Spongebob sa elevator dahil sa haba ng ilong. LOLz

    Na-miss ko tuloy ang Jollibee.

    Komento ni The Gasoline Dude — Hunyo 1, 2009 @ 10:07 umaga | Sagutin

    • sa totoo lang, sa sobrang haba ng ilong nya? patagilid maglakad si sponge bob!

      Komento ni kengkay — Hunyo 1, 2009 @ 12:05 hapon | Sagutin

  9. mommy kengkay, ang bagets naming si gabby na magpa-five years old sa october pa naman ay lokong-loko kina mr. bean at spongebob! maari nyo bang i-share kung saan sila nakontak o maaring imbitahin? tuwang-tuwa ang anak ko ng makita ang picture ng mga VIP guests mong mahaba ang ilong, LOL, na nakatira sa pinya sa ilalim ng dagat! hihihihi…

    opkors, jollibee is love!

    Komento ni docgelo — Hunyo 1, 2009 @ 11:57 umaga | Sagutin

    • uy, oo naman, i share ko sa yo kung saan banda sa ilalim ng dagat ang pinya ni sponge bob, hehehe. ibubulong ko sa yo sa email kasi tatanong ko muna dun sa aking bunsong kapatid. barkada nya si sponge bob at mr bean e, sya naman si bananas in pajamas, hahahaha

      Komento ni kengkay — Hunyo 1, 2009 @ 12:04 hapon | Sagutin

  10. awww ang saya-saya naman nyan mami, sana nakapunta kame hehe.

    di ko nga din alam baket wiling-wili ang mga bata kay jabee eh iskeyri kaya ang mga bubuyog hihi.

    nakakatuwa naman mga bebe mo, they’re super bait para ishare sa mga batang lansangan ang mga lobo.

    God bless you & your family Mommy Kengkay! 🙂

    Komento ni joycee — Hunyo 1, 2009 @ 6:22 hapon | Sagutin

  11. hello!
    warm greeting from BMX lover ^_^

    Komento ni BMX wallpaper — Hunyo 2, 2009 @ 1:53 umaga | Sagutin

  12. may mga bagay tlga parin sa pinas na wala sa ibang lugar na tlga nmang nkakamiss kpag malayo ka..hehe

    Komento ni neto — Hunyo 2, 2009 @ 4:26 umaga | Sagutin

  13. […] ko ang pinas. natikman na nila ang halos lahat ng pagkaing pinoy, paborito nila ang pandesal at si jollibee. marami silang alam na tagalog na salita sa umaga pa lang e nagaalis na sila ng ‘muta’. […]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon | Sagutin

  14. howdy admin. i must say that you simply have a very nice blog(enjoy mag-jollibee party Kwentong Kengkay) and i was really impressed with it.i am new to blogging and i would like to know other bloggers and learn from their website. My blog(http://eaglebookmarks.com/user/history/vondaruadn/) is pretty new and i’m still learning to work with it. i hope i will get to know a great deal from blog writers like you. cheers for this well-written post.

    Komento ni Mollie Lowery — Abril 27, 2011 @ 11:29 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: