Kwentong Kengkay

Hunyo 1, 2009

powkie meets kengki = EB

Filed under: EBihan,Kwentong Kengkay,Mabait ang Pinoy — kengkay @ 7:54 hapon

finally, sa hinaba-haba ng utuan namin sa blag at sa telepono e nagkita-kits na rin — si powkie at si kengki. dyaraaan. dahil nga bulag si kengkay e ilang beses na palang kumaway kaway siya e hindi ko pa rin sya mapansin, hehehe. mabuti na lang e makatawag pansin ang itsura naming dalawa kaya alam naming kami na nga ang dapat na magkita šŸ™‚

ayan na sya, si super powkie!

ayan na sya, si super powkie!



di ba sabi ko nga kapag may bisita dito sa amin ay dapat handang gawin ang lahat šŸ™‚ o ayan, unang unang gawain nya? makipag laro sa mga little kengkays. nangamote sya sa sungka, hahaha

seryus, natatalo kasi sa sungka

seryus, natatalo kasi sa sungka

pagkatapos namin syang pamahingahin ng isang minuto, kasama pa dun yung sungka championship ha — dinala namin sya sa isa sa mga paborito naming restawrant sa bundok. paborito namin kasi ang mura ng pagkain pero sangkaterba ang laman ng plato. eto mga kinain namin. sarap po talaga. hati pa nga kami ni powkie e, kasi pareho naming gustong kainin pero kakahiya naman kung sabay.

seryus na naman, gutom na kasi e

seryus na naman, gutom na kasi e

at dahil nabundat, nag strolling muna kami sa bundok. kunyari lang yon, kasi ang tunay na puntirya e posing posing. ayan, kita nyo ang mga propesyonal na photographers?

laban kayo sa mga paparazzis?

laban kayo sa mga paparazzis?

at sempre, dinala namin ang aming bisita sa kastilyong buhangin sa kapitbahay. baka kasi may natutulog na prinsipe e sa kanyang halik lang magising, hehehe

ang prinsesa powkie

ang prinsesa powkie

okay, unang araw pa lang yan. sa sunod na post ko ay ang aming lakwatsa sa heidelberg at sa rizal park ng alemanya. sempre naman, may rizal park dito ano.

Advertisements

23 mga puna »

  1. Nakanaman si Powkie! Buti naman nag-meet na kayo. Aabangan ko ang mga susunod pang kwento sa Meet n Greet na ‘yan. = D

    Komento ni The Gasoline Dude — Hunyo 1, 2009 @ 9:54 hapon | Sagutin

  2. wow talagang sa Alemanya yan ah..

    galing sa sungka ng lil kengkay

    ano po yung dinodrowing nila dun?

    Komento ni jason — Hunyo 1, 2009 @ 10:59 hapon | Sagutin

    • para hindi mainip ang mga kids sa restaurant e nagbibitbit si nanay kengkay ng papel at crayola šŸ™‚ yun lang yun

      Komento ni kengkay — Hunyo 2, 2009 @ 4:49 hapon | Sagutin

  3. napadpad at nakibasa

    Komento ni peachkins — Hunyo 2, 2009 @ 1:01 umaga | Sagutin

  4. Huwaw ka-inggit naman talaga ako sa mga naka-EB. Tayong 2 hindi pa nagme-meet!

    Hi Kengs, kumusta ka na? ^_^

    Komento ni Snow — Hunyo 2, 2009 @ 2:19 umaga | Sagutin

  5. kahit nasan ka talaga momi kengks laging may ka-eb..yan ang sikat!

    hehe

    Komento ni azul — Hunyo 2, 2009 @ 2:44 umaga | Sagutin

  6. wow ang galing naman… ang dating sa net lang nagtatagpo nagkakatagpo na rin sa personal…

    kainggit… šŸ˜‰

    Komento ni yhen — Hunyo 2, 2009 @ 2:48 umaga | Sagutin

  7. hehe aantayin ko naman ang EB natin mommy wait mo ang isisigaw ko one of this days sa bahay ko hane hehe..
    baka sakaling makasama ka hehe..

    wow sungka sana makalaro ko rin sila hehe..
    may rizal park andun ba si jose rizal mommy..

    Komento ni anakngpating — Hunyo 2, 2009 @ 3:05 umaga | Sagutin

  8. galing aman momie kengks,,,,,,

    tc po šŸ˜›

    sana tayo din may e.b

    Komento ni simplefula09 — Hunyo 2, 2009 @ 3:34 umaga | Sagutin

  9. kakaibang adventure nanaman yan hihi. sungka! nakakamiss tuloy laruen XD

    Komento ni nadine — Hunyo 2, 2009 @ 5:49 umaga | Sagutin

  10. ang saya naman šŸ™‚

    Komento ni sandi — Hunyo 2, 2009 @ 8:45 umaga | Sagutin

  11. kengkay..sasabihin ko ulit…salamat ng marami..enjoy ako sa company ng buong pamilya..sana may kasunod pa ulit,hihihi sa pinas naman!

    hugs at kisses sa buong pamilya!

    Komento ni p0kw4ng — Hunyo 2, 2009 @ 10:26 umaga | Sagutin

  12. eb lang ng eb
    hehe

    astig yun pix, ha
    parang super excited sya
    hehe

    Komento ni raft3r — Hunyo 2, 2009 @ 10:27 umaga | Sagutin

  13. iba na talaga ang sikat ah! sana mapadpad ako ng alemanya one of these days…..

    Komento ni blurosebluguy — Hunyo 2, 2009 @ 11:39 umaga | Sagutin

  14. naks naman at sa ALEMANYA talaga. eh sosyalan naman pala ang laban. hahaha! asan na ang kasunod???

    Komento ni Prinsipe ng Pangarap! — Hunyo 2, 2009 @ 11:52 umaga | Sagutin

  15. wahaha, natalo si powkie sa sungka! mas magaling mag-kandirit ang little kengkay, hahaha!

    Komento ni roni — Hunyo 2, 2009 @ 1:14 hapon | Sagutin

  16. Uwe na kayo ulet dito para Grand EB naman weee…

    Komento ni joycee — Hunyo 2, 2009 @ 2:24 hapon | Sagutin

  17. Di ko pa na-try mg meet and greet chorva. Sana me maka-meet din ako. Pisbol tayu dito sa kanto. :))

    Komento ni jiMboy — Hunyo 3, 2009 @ 3:05 umaga | Sagutin

    • okey, mamyang hapon. gusto kong sauce e yung maanghang šŸ˜€

      Komento ni kengkay — Hunyo 3, 2009 @ 10:01 umaga | Sagutin

  18. mami kengs..kelan mo padala plane tiket ko?hehe

    Komento ni flamindevil — Hunyo 3, 2009 @ 10:21 umaga | Sagutin

  19. […] Older » […]

    Pasa ni sa heidelberg naman « Kwentong Kengkay — Hunyo 3, 2009 @ 10:29 umaga | Sagutin

  20. […] park sa alemanya nakakahiya mang aminin, kung hindi pa dumating dito si pokwang e hindi ko pa mabibisita si lolo jose. e halos kabitbahay ko lang naman sya dito. kaya naman […]

    Pasa ni rizal park sa alemanya « Kwentong Kengkay — Hunyo 4, 2009 @ 12:53 hapon | Sagutin

  21. […] namin sa restaurant naman. dun sa pinuntahan namin ni pokwang nung nagliwaliw sya dito sa amin. kaso mo naman, mura nga yung pagkain; taob naman kami sa inumin. alam nyo naman, kasali sa mga […]

    Pasa ni fingerfood « Kwentong Kengkay — Hunyo 22, 2009 @ 4:27 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: