Kwentong Kengkay

Hunyo 4, 2009

rizal park sa alemanya

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 12:53 hapon
Tags: ,

nakakahiya mang aminin, kung hindi pa dumating dito si pokwang e hindi ko pa mabibisita si lolo jose. e halos kabitbahay ko lang naman sya dito. kaya naman hinanap namin sya sa internet. nakita naman, dito sa bayan ng wilhelmsfeld. ang akala ng marami e sa mismong heidelberg nakikita si rizal, tama naman sila na dun nag aral si lolo jose; pero hindi sya dun tumigil, kundi sa wilhelmsfeld nga.

at nung hunyo 1964, nagkaron ng jose rizal strasse sa alemanya. ang pinakaunang kalye sa labas ng pinas na pinangalan kay gat jose rizal.

kalye jose rizal

kalye jose rizal



dyan sa kalye na yan matatagpuan din ang bahay kung saan sya tumira habang nag aaral sya sa heidelberg. sa totoo lang, tatlong oras syang maglalakad bago makarating sa unibersidad nya sa heidelberg ha. imagine!

naging tirahan ni rizal

naging tirahan ni rizal

sa bahay na yan sya nakitira sa isang pastor na naging mabuting kaibigan din nya. kaya naman dyan din sya nagtagal. ginagawa ang bahay e. hindi ko alam kung privately owned o pwedeng bisitahin dahil nung nagpunta kami at nag pechuran e nagtakbuhan palabas ng bahay yung mga karpintero πŸ˜€ mahiyain yata e.

ang rizal park sa alemanya

ang rizal park sa alemanya

yung rizal park naman ay matatagpuan malapit lamang din sa kanyang naging bahay. itinayo ito nuong 1978. ang mga bato na nakapaligid sa kanya ay simbulo ng mga isla sa pilipinas.

ang mga ulo ng kanyang mentors

ang mga ulo ng kanyang mentors

nakapalibot sa kanya ang mga taong tumulong sa kanya. tulad ng kanyang mga naging guro.

ang mga ulo ng kanyang mga kaibigan

ang mga ulo ng kanyang mga kaibigan

ang mga naging kaibigan nya.

ang istorya ng rizal park sa alemanya

ang istorya ng rizal park sa alemanya

mayrong inglis na translation na hindi parating nakikita sa mga parke dito sa alemanya.

si powkie at si rizal

si powkie at si rizal

sempre dapat may pechur si powkie kasama si lolo jose

sino mas kyut sa amin? ;D

sino mas kyut sa amin? ;D

at pati na rin si kengkay, kaya lang ayun at sumingit si bunso na akala mo kung sinong fan ni lolo jose. sempre pinakilala ko sa mga little kengkays kung sino si rizal.

nagtampisaw na po

nagtampisaw na po

mabuti na lang pinakilala ko muna sila dahil hindi nakatiis sa init ng araw e biglang nagtampisaw po sa fountain ni lolo jose. akala mong nakawala sa baha. mabuti na lang e okay lang kay lolo jose πŸ˜€

Advertisements

23 mga puna »

  1. ehehehe ANg galing ng adventures nyo ni ms. pokey.

    pano ba pumunta dyan??

    yung mga bata nagtampisaw sa mini pool. wala bang sumita?? hahah

    yung last picture nga parang resort.

    Komento ni jason — Hunyo 4, 2009 @ 1:09 hapon | Sagutin

    • naku, kapag super init dito? wala ka ng makikitang parte ng mga fountains dito kasi punong puno na ng mga taong nagtatampisaw πŸ˜€ basta hindi lang masyadong wild ang laro, oks lang

      Komento ni kengkay — Hunyo 4, 2009 @ 1:25 hapon | Sagutin

  2. Wow anggaling noh, binigyang pugay din nila jan si Ka Pepe, im proud of him! Wuhuu!

    Komento ni joycee — Hunyo 4, 2009 @ 2:34 hapon | Sagutin

  3. wow salamat for sharing these!
    just in time for our independence day next wk.
    naks! anyway maiba po ako, ms. kengkay pag gutom po kayo punta kayo sa site ko. LOL. thanks!

    Komento ni docgelo — Hunyo 4, 2009 @ 3:35 hapon | Sagutin

  4. kengkay pumayag nga si lolo jose na magtampisaw ang mga litol kengkay pero tingnan mo naman ang tingin…parang pinag iisipan na ni lolo jose kung saan ikukulong ang dalawa,hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Hunyo 4, 2009 @ 4:48 hapon | Sagutin

  5. hahahaha..kakatuwa naman pala itong adbentyur nyo ni pokwang…..damipiktyuran ha…..

    Komento ni blurosebluguy — Hunyo 4, 2009 @ 6:56 hapon | Sagutin

  6. idol ko talaga si rizal kaya natutuwa ako at na-feature mo siya dito sa blog mo ms.kengkay… may pren akong german sa kabilang site aba idol niya si rizal and he knows a lot about rizal lalo na nung nasa germany pa sya… πŸ˜‰

    Komento ni Philmor — Hunyo 5, 2009 @ 2:36 umaga | Sagutin

    • wow!meron ba kayong kwento ni rizal na di pa nala2gay sa book?pashare naman po^^thanks

      Komento ni bombo — Enero 21, 2010 @ 6:35 umaga | Sagutin

  7. Huwaw, ang ganda. Super proud ako dyan kay Rizal kasi he made a difference to the Pilipino. unlike ngayon, puro pera lang gusto ng mga tao sa politics. πŸ˜‰

    Komento ni Snow — Hunyo 5, 2009 @ 3:41 umaga | Sagutin

  8. huwaw ang galing naman heheh..
    kaya pala ang talino ni rizal hehe..
    ang cute talaga ng little kengkays..

    Komento ni anakngpating — Hunyo 5, 2009 @ 4:44 umaga | Sagutin

  9. waw, napagaralan po namin yan sa rizal subject ko last last sem, hihi πŸ™‚

    anu po ba nais niong ibulong ko senyo?! ^___^

    Komento ni chennn — Hunyo 5, 2009 @ 9:52 umaga | Sagutin

  10. saludo talaga ako kay Gat JR. gang alemanya iginagalang sya. cyempre, kahit paano ay nakakadagdag sa proud points ng pinoy yan.

    Komento ni ELIment — Hunyo 5, 2009 @ 10:34 umaga | Sagutin

  11. kakatuwa naman ang pagpapahalaga nila sa ating pambansang bayani.

    haha..natawa naman ako dun sa little kengks’ πŸ™‚

    Komento ni sandi — Hunyo 5, 2009 @ 10:56 umaga | Sagutin

    • Way to use the inerntet to help people solve problems!

      Komento ni Almena — Setyembre 2, 2011 @ 4:23 umaga | Sagutin

  12. wow!! gusto ko din pumunta dyan!! waaahhh~~!!ngaun ko lang nakita yung pinag aaralan namen! hahah!! tnx πŸ˜‰

    Komento ni wei vines — Hunyo 5, 2009 @ 11:01 umaga | Sagutin

  13. ibang klase talaga tong pambansang chickboy na ‘to. tanyag maski saan magpunta. makes me proud to be a filipino! *sarap ng feeling*

    Komento ni lio loco — Hunyo 5, 2009 @ 1:23 hapon | Sagutin

  14. hello kengkay!

    weve linked you too!

    many thanks!

    Komento ni we love languages — Hunyo 6, 2009 @ 2:07 umaga | Sagutin

  15. Wow Ang saya naman. Salamat po sa istorya, sana makapaglakbay din si boyboypalaboy diyan sa Alemanya ng makapagmano kay idol.
    Mabuhay po kayo sa pagpapakilala kay Idol Jose sa mga anak ninyo.

    Komento ni tagamasid — Hunyo 6, 2009 @ 3:39 umaga | Sagutin

  16. proud ako na umabot diyan ang katanyagan ni lolo jose. at sobrang nahiya ako sa 40 minutes na nilalakad ko araw araw compared sa 3 hours niya. haha

    Komento ni utakmunggo — Hunyo 7, 2009 @ 11:36 umaga | Sagutin

  17. Galing, may ganyan pala! Ang linis, di tulad ng tunay na Rizal Park sa Manila πŸ˜›

    Komento ni Christianne — Hunyo 8, 2009 @ 2:32 hapon | Sagutin

  18. […] – nga pala, yung mga taga alemanya, bisitahin ang rizal park sa wilhemshaven. […]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:35 hapon | Sagutin

  19. […] ko lang nalaman na parati pala nilang pinaghahandaan ang berdey ni rizal lalo pa at meron ngang jose rizal park dito sa alemanya. bakit kaya hindi sya masyadong alam ng ibang tao? sa internet nga hindi ko sya nakita e. sana sa […]

    Pasa ni berdey ni rizal sa alemanya « Kwentong Kengkay — Hunyo 24, 2009 @ 8:01 hapon | Sagutin

  20. […] po ay asa wilhelsmfeld. sa isang maliit na baryo na malapit sa heidelberg. duon ay mayroon syang jose rizal park, at meron […]

    Pasa ni Happy Birthday daw, Lolo Jose? « Kwentong Kengkay — Disyembre 30, 2011 @ 12:00 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: