Kwentong Kengkay

Hunyo 5, 2009

manila, manila

Filed under: Kwentong Kengkay,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 3:30 hapon
Tags:

i keep coming back to manila…

hay, peram nga ng mikropono at feel na feel kong kumanta ngayong araw na to. masama na nga tingin sa akin ng mga little kengkays e. pero sigurado ako kapag binigyan nyo ko ng mikropono mas mabilis pa silang ngangawa ng kanta. may dugong karaoke eheste pinoy yata sila ano.

e bakit naman daw ako biglang napa emote ng tungkol sa maynila? kasi nagbubura ako ng mga pechurs sa aking digicam na hindi ko alam kung sino ang kumuha. pero nung tiningnan ko sila ulit, napansin kong sa maynila kuha ang mga pechurs na yun. sa tingin ko e mga little kengkays ang nagkodakan ng todo nung asa pinas kami e. ang hindi nila alam e ang mga pechurs nila e nagtural na natural na pinas!

eksampol na lang e itong kotse na to. swak na swak pa sya dun sa mga signages na doble doble pa kamo ha – please dont block the driveway na nga dun pa mismo nagpark sa tapat ng signage. pinoy na pinoy di ba?

at ang kasunod na pechur e si nokia roboter. na-alala ko kumain kami sa congo grill sa may mall of asia nung mapansin ng mga little kengkay na may umiilaw sa may sulok. e usyoso naman kaming magiina, halatang alien kami ano, hahaha. may ganyan pala sa pinas? hang galeng galeng naman. libreng baterya! bakit kaya walang ganyan dito sa alemanya? kainis naman, unfair, hehehe.

at eto naman ang inosenteng piktyuran lang habang naglalakbay kami sa mga barangay. ang isang neighborhood clinic. pero basahin mabuti yung karatula. kung ano ang pinagkaka-abalahan ng klinika nung mga panahon na iyon.

opo, para sa mga lalaki natin… na-alala ko yung kapatid kong lalaki, aba talagang nag suot po ng palda. pero bago pa yon, isang barangay na kalalakihan ang sumugod dun sa mamang gagawa nito sa kanyang bakuran. sigurado akong hindi sila sa klinika nagpunta ha. kasi hindi pa uso dati yong sa doktor nagpupunta. at ang alam ko, halos makalbo yung aming puno ng bayabas nung mga panahon na yon 🙂 pati nga yata ako nakinguya, hehe

Advertisements

19 mga puna »

  1. Awwww there really is no place like home, kyyut fechurs mammy!

    BTW, June 15 pa po ang berdei ko! Ikaw po ba kelan??? June ka din dibaaa?

    Komento ni joycee — Hunyo 5, 2009 @ 3:33 hapon | Sagutin

    • hahah, at least tama ako kasi may 5 😀 lapit na rin ako sa martes ang debut ko

      Komento ni kengkay — Hunyo 5, 2009 @ 3:41 hapon | Sagutin

  2. oist kailan bday mo? 9..16..23 o 30 ba? puro tuesday yan,ahahaha…

    kailan nga…magpapatahi na ako ng gown na gawa sa sausage para sa debut mo,hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Hunyo 5, 2009 @ 4:53 hapon | Sagutin

    • basta every tuesday berdey ko, matakaw ako sa regalo, hahaha.

      Komento ni kengkay — Hunyo 5, 2009 @ 4:59 hapon | Sagutin

  3. hayssss naku pinaalala mo na naman ang manila…haysssss…naku po…..

    Komento ni blurosebluguy — Hunyo 5, 2009 @ 7:10 hapon | Sagutin

  4. mommy kengks, june pala birthday mo. pakain ka naman hehehehe yup katuwa nga dahil marami ng free charging dito, hindi lang for nokia phones. sa mga moviehouse, and sa burger king and wendys meron din. hehehehe nagpromote.

    Komento ni bernardumali — Hunyo 6, 2009 @ 2:07 umaga | Sagutin

    • bakit ganun, dyan may free charging dito lahat may charging, hehe

      Komento ni kengkay — Hunyo 6, 2009 @ 10:33 umaga | Sagutin

  5. hahahaha… natuwa ako sa mga pic.

    Komento ni taympers — Hunyo 6, 2009 @ 6:15 umaga | Sagutin

  6. hap bertdey kegkay? Anong handa mo?

    Komento ni nina — Hunyo 6, 2009 @ 10:30 umaga | Sagutin

    • tenks, pero wa pa, parang walang darating na bisita e, nagboykot lahat, hehe

      Komento ni kengkay — Hunyo 6, 2009 @ 10:32 umaga | Sagutin

  7. there’s no place like manila….^_^

    Komento ni Beach Philippines — Hunyo 6, 2009 @ 1:08 hapon | Sagutin

  8. Nakew napakasayang gala naman. Edi sigurado pinagkaguluhan ang mga cute na cute na little kengkays ng buong baranggay tama ba?

    Happy birthday mami kelan nga ba ang totoong date?!!

    Komento ni Heleyna — Hunyo 6, 2009 @ 8:24 hapon | Sagutin

  9. impeyrnes mami kengks,photographer ang mga little kengks..hehe

    Komento ni flamindevil — Hunyo 6, 2009 @ 9:50 hapon | Sagutin

  10. may nakita rin po ako dun sa bagong SM sa Marikina. May charger sa halos 8 na klase ng cellphone nakahelera sa mesa. kaya
    lang kelangang bantayan ang charging. Libre sya…. kasi para sa file transfer ata ng isang photo botique.

    Komento ni jason — Hunyo 7, 2009 @ 9:14 umaga | Sagutin

  11. hehehe. ang pinoy nga naman. hindi marunong sumunod. hahaha!

    Komento ni Prinsipe ng Pangarap! — Hunyo 7, 2009 @ 10:06 umaga | Sagutin

  12. mommy teka san kayo galing pumasok ba kayo sa neigborhood clinic na yan ..ang lapit na ng chateau jan at malapit na rin jan ung tinutuluyan ko..at alam mo bang ung amo ko ang may ari nyan..huwaaaaaaaaa…nagulat ako at napiktyuran nyo yan..san nga ba kayo galing..coincidence ba itech ehhe…pramis mommy ang lapit na ng chateau jan hehe..

    Komento ni anakngpating — Hunyo 9, 2009 @ 9:00 umaga | Sagutin

  13. san ka mommy kengks? eb ulit?

    Komento ni foobarph — Hunyo 10, 2009 @ 9:41 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: