Kwentong Kengkay

Hunyo 7, 2009

botohan sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 3:20 hapon
Tags: ,

ngayon ay botohan sa alemanya.

dumating sa smail post yung kani-kanilang mga papel kung saan sila boboto at andun na rin yung listahan ng mg kandidato mga dalawang linggo bago magbotohan. kaya naman ngayong umaga, namarkahan na ni kengkoy yung kanyang listahan para ihulog na lang at pumirma sa botohan. madaling natapos.

ang listahan

ang listahan

yun na nga lang, kapag may nakitang kakilala e sempre, chikahan muna. at ang topic? sempre hindi tungkol sa halalan. kundi tungkol sa buhay buhay, tungkol sa panahon, tungkol sa kapitbahay 🙂

teka nga pala, hindi porke halalan dito e mapupuno na ng posters ang bawat pader. hindi po. meron po silang tinatayong mga poster walls na kung saan dun pwede mag paskil ng kanilang mga pechurs. at dun lang talaga sila nagpapaskil. kasi bawat paskil dito e dapat may tatak ng city hall. at hindi rin sila magastos sa mga pinamimigay na kung ano anong papel, basta nagpapadala lang sila sa mga bahay bahay tapos na yun. karamihan na e sa mga dyaryo at mga circulars na lang nag eemote.

ang mga kandidato

ang mga kandidato

at meeting di avance? wala pa akong naririnig na ganyan. iba ang drama dito. grillfest o barbecuehan. parang piesta ng mga kanya kanyang partido. at sempre, binibili yung mga binabarbecue at yung gusto nilang inumin. hindi libre, hehehe. pinupuntahan naman sila ng kahit na hindi nila kapartido kasi sempre, gustong gusto nilang kumain ng barbecue dito e. sarap naman kasi lalo na kapag summer time.

at ang botohan e sa mga eskwelahan din, mula umaga hanggang gabi. pero isang classroom lang ang ginagamit. e kasi naman ibibigay na lang yung boto at pipirma di ba? ganun lang kabilis.

sa botohan

sa botohan

at pagkatapos ng botohan? kinagabihan e alam na nila agad kung sino ang nanalo. simple lang di ba? e bakit nga naman nila papahirapan sarili nila. e gusto na nilang umuwi ng bahay.

sana maging ganyan din sa pinas ano?

Advertisements

18 mga puna »

  1. mukhang malabo yata sa pinas ang ganyan mami kengks.

    –sya nga pala wlaa pa akong update dun sa friend mo. 😦 medyo ngarag kasi ako ngayon. meron na bang naging update mula dun sa iba pang tumutulong maghanap? ingat jan sa alemanya mami kengks

    Komento ni joshmarie — Hunyo 7, 2009 @ 4:36 hapon | Sagutin

  2. tama si joshmarie, napakaimposible mangyari ang ganyan dito sa pinas.. sa dami ba naman ng mga mandaraya… tsk.

    Komento ni Basti — Hunyo 7, 2009 @ 6:59 hapon | Sagutin

  3. hmmm kahapon ang botohan dito sa italya nagsimula na rin…pero ayon sa aking kaibigan…kokonti lang daw ang bomoto….di tulad sa atin masaya …maraming tao at parang piyesta!

    Komento ni blurosebluguy — Hunyo 7, 2009 @ 7:53 hapon | Sagutin

  4. todày sundày botohàn din,dito here sà frànce, pero di pà àko cit ng frànce kàyà ligtàs àko, hehe.
    Pero si lolo, got some 20flyers to reàd, he didnt even look.
    He is fed up of election, they dont solve ànyhting dàw nàmàn.

    Komento ni francesca in france — Hunyo 7, 2009 @ 10:36 hapon | Sagutin

  5. kung ganiyan ang botohan satin di sana hassle O_O at wala pa patayan at patayan ng kuryente. Hahahah.

    Komento ni nadine — Hunyo 7, 2009 @ 10:51 hapon | Sagutin

  6. parang mghuhulog ka lng ng sulat ang botohan no? hehe

    sa pilipinas? ahh mtagal pang mgyayari yan.

    Komento ni Joffred — Hunyo 8, 2009 @ 2:37 umaga | Sagutin

  7. asteeg! iba talaga pag mature na yung demokrasya sa isang bansa — hindi na automatic na nagdududa ang electorate na may pandarayang magaganap (gaya dito satin. hehe)

    sinong party po binoto mo, mareng kengks? CDU, SPD, FDP, Die Linke, The Greens?

    Komento ni taroogs — Hunyo 8, 2009 @ 4:41 umaga | Sagutin

    • pinay pa si ako 🙂 sa tingin ko si kengkoy nag CDU e, pero am not really sure

      Komento ni kengkay — Hunyo 8, 2009 @ 10:40 umaga | Sagutin

  8. hello po…

    i would like to invite you to join PEBA contest.

    kindly visit http://pinoyexpatsblogawards.com/

    and click the guidelines tab for more information…

    salamat po….

    Komento ni A-Z-E-L — Hunyo 8, 2009 @ 4:51 umaga | Sagutin

  9. oo nga ms kengkay mukang mas maganda yung ganyang way ng botohan… mas simple mas maganda.

    sa Pinas kasi kumplikado, palibhasa kumplikado din ang sistema hehe…

    at isa marami kasi matatalino dito sa Pinas kaya ayawa patalo… hehe

    Komento ni yhen — Hunyo 8, 2009 @ 9:16 umaga | Sagutin

  10. sa amen sa bayan ng marilao nalalaman din agad kinagabihan. ewan ko alng sa ibang bayan 🙂

    Komento ni dencios — Hunyo 8, 2009 @ 9:26 umaga | Sagutin

    • aba, kitams, may pag-asa ngang maging maayos. ayan na nga at ang marilao e matino pala.

      p.s. alam mo bang tambayan naman yang marilao nung college? dyan kami sa palengke ng marilao nag-aalmusal, hehehe

      Komento ni kengkay — Hunyo 8, 2009 @ 10:42 umaga | Sagutin

  11. wow… ang ganda nga kung ganun ano? organized at wala ng emote-emote pa. very practical. di pa ganun kagastos.

    siguro mga 1000 years from now, baka pwede nang maging ganun ang botohan dito sa pinas. hehehe…

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Hunyo 8, 2009 @ 12:23 hapon | Sagutin

  12. ibang klase nakakatuwa at nakakainggit naman talaga. hindi pa talaga tayo ganun kaorganize at kacivilize pagdating sa ganitong mga bagay.

    Komento ni prinsesamusang — Hunyo 8, 2009 @ 10:56 hapon | Sagutin

  13. Sana naman maging ganito sa Pinas. Oh well. 😦

    Komento ni Snow — Hunyo 9, 2009 @ 4:06 umaga | Sagutin

  14. haaay… nkakainggit nman jn.. sana ganyan ka-disiplinado ang mga tao d2.. sa bagay, mas-mature nman kc ang gobyerno nila. kung baga sa bata, ang pinas, nasa puberty stage pa rin. malayo n rin ang narating nilang mga aleman.. mula sa pagiging katutubo at barbaro noong unang panahon. hanggang s Nazi era. at ngaung modernong panahon…. sana lang, di magtagal ng ilang daang taon bago mag-mature ang pilipinas. sana nman di n tyo palaging nka-sandal kay Uncle Sam. kung ang South Korea nga, mahirap na bansa din nung 1980’s.. ang Dubai, fishing village lng mga 50 yrs ago.. Gnun din nmn halos ang Singapore. Sana nmn, bago ako mamatay, maranasan kong maunlad din ang Pilipinas. I want it all to happen in my lifetime! wacha think?

    Komento ni musicparadox — Hunyo 11, 2009 @ 4:57 umaga | Sagutin

  15. haaay… nkakainggit nman jn.. sana ganyan ka-disiplinado ang mga tao d2.. sa bagay, mas-mature nman kc ang gobyerno nila. kung baga sa bata, ang pinas, nasa puberty stage pa rin. malayo n rin ang narating nilang mga aleman.. mula sa pagiging katutubo at barbaro noong unang panahon. hanggang s Nazi era. at ngaung modernong panahon…. sana lang, di magtagal ng ilang daang taon bago mag-mature ang pilipinas. sana nman di n tyo palaging nka-sandal kay Uncle Sam. kung ang South Korea nga, mahirap na bansa din nung 1980’s.. ang Dubai, fishing village lng mga 50 yrs ago.. Gnun din nmn halos ang Singapore. Sana nmn, bago ako mamatay, maranasan kong maunlad din ang Pilipinas. I want it all to happen in my lifetime! wacha think? haaay!

    Komento ni musicparadox — Hunyo 11, 2009 @ 4:57 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: