Kwentong Kengkay

Hunyo 10, 2009

piestahan sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 10:40 umaga

unang una, maraming salamat sa mga napilitang pumansin sa akin at nagiwan ng pagbati. dun sa mga nalimutan bumati, pwede pa rin πŸ™‚

alam nyo ba na hindi lang pinas ang mahilig sa piestahan kundi pati na rin dito sa alemanya? halos yata lahat ng araw na pwedeng gawing piesta e gagawan nila ng paraan para maging piesta.

hindi lamang mga piesta ng patron at ng mga santo ang celebrated dito kundi pati na rin kapag simula at pagtatapos ng winter, spring, summer or fall; may piesta. kapag may ani, may piesta. kapag anibersaryo ng mga clubs, may piesta. ah basta, kanya-kanya silang gawa ng piesta. at hindi lamang isang araw ang celebrasyon, kundi minsan e buong linggo o isang buwan! tingnan nyo na lang yung octoberfest, di ba?

nitong nakaraang weekend e piesta nung sports club kung saan nagtatambling si kengkay at ang mga little kengkays. sempre, punta kami. hindi libre ang pagkain at inumin, dapat bilhin. pero dahil malilibre si kengkay sa gawang bahay, edi enjoy πŸ˜€

ang bilihan ng pagkain at inumin

ang bilihan ng pagkain at inumin

ayan na sila. kahit na malamig ang panahon e nagtitiyagang magpiesta sa labas. ano daw ang menu for today? steak with bread, steak topped with onions with bread, bratwurst with bread, feuerwurst (firewurst) with bread, french fries, at potato salad. ang inumin sempre ibat ibang klaseng beer at wine, wineschorle (wine na may kasamang sparkling water), apfelschorle (apple juice na may kasaling sparking water) juice at mineral water. self service at self ligpit din.

ang kweba para sa mga bisita ;D

ang kweba para sa mga bisita ;D

magkano daw ang pagkain? naglalaro between 1.50 – 2.50 oyro (mga 90 – 160 pesos) mura na di ba? ang laki pa ng portion. at ang mga inumin? parang ganun din ang presyo.hindi ko na napechuran yung pagkain at gutom na gutom na kami e. nakadalawang order pa nga kami, hehe

at dahil malamig at mukhang uulan, nagtayo rin sila ng mga tents kung san dun nagtatago ang mga tao. parang kweba di ba, hehehe. grabe, malamig sa labas pero pagpasok mo dyan sa tent na yan? super init. e kasi naman punong puno talaga ano.

sa loob ng kweba

sa loob ng kweba

ayan pa ang pechur sa loob ng kweba. makikita mo dyan, pati sina lolo at lola aba, tungga rin sila ng malalaking baso ng beer ano. parang tubig lang. sabi ko nga sa sarili ko, ako kaya maging ganyan din kapag lola kengkay na ako?

ubos na ang beer

ubos na ang beer

ayan si lolo namin. nakadalawang baso ng beer. si kengkoy din, kanya yung pinakamalapit na baso. ako? mineral water lang kasi nakatakong ako e. ayokong matapilok dahil naglakad lang kami papunta sa piestahan.

at bukas e makikipiesta kami sa fiesta filipina sa may malapit sa frankfurt. kung andun kayo, andun din kami. am sure masaya yon, ang mga bulate ko e nagsasayawan na:)

Advertisements

14 mga puna »

  1. eak with bread, steak topped with onions with bread, bratwurst with bread, feuerwurst (firewurst) with bread, french fries, at potato salad

    ang sasarap…

    pede ka pong mag pa LBC nyang mga yan

    pyesta!! wala po bang mga technicolored na itik na nilalako?? hahahah

    Komento ni jason — Hunyo 10, 2009 @ 11:04 umaga | Sagutin

  2. sobra naman pala hilig ng tao dyan sa piyesta, sabagay mga latino kase e di ba? ang piyesta kase dito sa atin sila din ang pasimuno dahil sinakop tayo ng mga espanyol nung araw..

    Komento ni jodi — Hunyo 10, 2009 @ 11:31 umaga | Sagutin

  3. Ang hirap nman po ipronounce nung mga german word n un.. lalo aqng ginutom! hehe

    Masaya talaga kapag may fiesta, sama-sama khit hindi mgkakakilala at syempre may kainan! :p

    Komento ni Joffred — Hunyo 10, 2009 @ 7:49 hapon | Sagutin

  4. nakatent talaga?

    kakaiba talaga ang buhay jan ms kengkay, at gusto kitang batiin dahil naka adap ka agad jan despite sa pag kakaiba ng kultura nila sa kultura natin… hehhee… thou nakita kong similarity ay ang pagsalo salo together.

    cge enjoy mo lang po πŸ˜‰ happy fiesta!

    Komento ni yhen — Hunyo 11, 2009 @ 2:55 umaga | Sagutin

    • naka-tent kasi medyo maulan ulan e. mahirap mag adapt lalo pat iba ang salita nila at iba ang weather.. pero sempre, iba ang pinay, di ba?

      Komento ni kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 6:11 hapon | Sagutin

  5. pero parang simple lang ang piyesta sa kanila? or at least, nasa isang lugar lang? wala yung makikikain ka sa kapitbahay mo. hehehe.

    Komento ni supersawsaw — Hunyo 11, 2009 @ 5:24 umaga | Sagutin

    • hindi pwede makikain sa kapitbahay kasi walang tao sa mga bahay at sa mga booths kumakain, hehe

      Komento ni kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 6:09 hapon | Sagutin

  6. award araw araw pyesta…ahehe

    Komento ni azul — Hunyo 11, 2009 @ 6:53 umaga | Sagutin

  7. Hello Kengkay!

    Fiesta na naman sa inyo? Mukhang di na natigil ang fiesta dyan a. Pero dahil magsa-summer na, uso na naman ang ihawan. Yipee!

    Komento ni Sofie — Hunyo 11, 2009 @ 5:25 hapon | Sagutin

    • kahit na umuulan nagiihaw na kami, kaya may sabaw minsan, hahaha. kanina nagpunta kami sa fiesta filipina sa dietzenbach, sarap ng pinoy food!

      Komento ni kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 6:08 hapon | Sagutin

  8. Sarap naman magfiesta jan, hinde ka nakabilad sa araw dahil may tent!

    Komento ni joycee — Hunyo 11, 2009 @ 6:55 hapon | Sagutin

  9. at least ang fiesta sa malibay, libre
    hehe

    Komento ni raft3r — Hunyo 13, 2009 @ 4:59 umaga | Sagutin

  10. wow.. okey pala fiesta dyan, simple lang pero rock sa pagkain πŸ˜‰

    Komento ni sandi — Hunyo 13, 2009 @ 6:54 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: