Kwentong Kengkay

Hunyo 11, 2009

anong maitutulong natin sa bansa?

Filed under: Pinas — kengkay @ 7:32 hapon
Tags:

happy independence day, mahal kong pinas!

ngayon ang tanong ko, anong mga bagay bagay sa tingin ninyo ang pwede nating maitulong para sa pagsulong ng ating bansa? mga maliliit na bagay na malaki ang pakinabang ng bansa? hindi mahirap kundi madali. pero sempre, kayo ang dapat magdesisyon, at si kengkay ganito ang nakita at ginagawa:

– bumili ng mga gamit na gawang pinas. alam ninyo naman kung saan pwedeng makakita ng mura pero de kalidad. divisoria, baclaran, taytay rizal o kahit saang palengke. sempre meron din naman sa SM o sa Levis, di ba?

– bisitahin ang pinas. kung kayo ay asa abroad, balikan ang pinas. madaming sulok sa ating bansa na magandang bisitahin. sa totoo lang, mas maganda pa rin ang beaches ng boracay at bohol kesa sa mga napuntahan ko na sa espanya, sa italya o sa pransya.

bayong ang gamit ko kapag namimili ako dito sa alemanya. maraming pwedeng ilagay, matibay pa.

– ipagmalaki ang pinas. kapag may nagtatanong sa inyong mga dayuhan ng tungkol sa pinas, aminin na may mga bagay na hindi maganda sa bayan pero mas maraming maganda sa ating bansa. totoo namang mas maraming ipagmamalaki sa pinas, di ba?

– bumili ng pasalubong na galing pinas. kakaiba daw ang mga native products natin, at walang kaparis kaya naman gustong gusto nilang makatanggap nito. pero ang paborito kong pasalubong e yung mga t-shirts na may mga litrato ng mga lugar sa pinas, kasi magiging walking advertisement yung may suot.

– huwag kalimutan ang ating kultura, ang ating tradisyon, ang ating salita at kung sino talaga tayo. sa aking mga anak at pati na kay kengkoy, kinukwento ko ang pinas. natikman na nila ang halos lahat ng pagkaing pinoy, paborito nila ang pandesal at si jollibee. marami silang alam na tagalog na salita sa umaga pa lang e nagaalis na sila ng ‘muta’. marunong silang gumalang– ang tawag ni bunso sa kanyang nakatatandang kapatid ay ‘ate’, marunong silang gumamit ng tabo, marunong silang mag sungka at magjackstone at kung ano ano pa.

– huwag mawalan ng pag-asa. basta’t may buhay, may pag-asa πŸ˜€

– ipagdasal natin ang ating bansa. naniniwala ako sa tulong ng Maykapal ay magiging matino rin ang takbo sa ating gobyerno.

– at oo, kung may pagkakataon na may boses ka para ayusin ang gusot sa ating bansa, magsalita. at kung may blog, isulat.

– nga pala, yung mga taga alemanya, bisitahin ang rizal park sa wilhemshaven.

kayo may maidadagdag ba sa aking listahan?

nga pala, berdey din ni kengkoy ngayon πŸ˜€

Advertisements

14 mga puna »

  1. LOL at pagtatanggal ng muta and paggamit ng tabo!
    Congratulations for raising your kids as Pinoys as ever. You’re such a domestic (Pinoy) goddess, naks!
    Mabuhay kayo mommy kengks!
    Mabuhay ang lahing Pinoy…

    Komento ni docgelo — Hunyo 11, 2009 @ 11:56 hapon | Sagutin

  2. Maging tapat sa pagbabayad ng buwis. Yun na sa palagay ko ang isa sa pinakamatinong maitutulong ko. Lagi kasi akong busy, wala akong panahon magrally or volunteer work. πŸ˜€

    Komento ni Vikki — Hunyo 12, 2009 @ 12:18 umaga | Sagutin

  3. ay yung mga ashtrays na yari sa wood na kinurbahan like for example[ari] hehehe sa baguio madami, gawang pilipino yan lol mabuhay ka pinoy!

    Komento ni TSI — Hunyo 12, 2009 @ 1:32 umaga | Sagutin

  4. happy independence day kengkay!

    idagdag mo na sa mga tindahan ang bench at ang pag bati sa mga kapwa pinoy sa blog world πŸ˜‰

    Komento ni annevdns — Hunyo 12, 2009 @ 1:51 umaga | Sagutin

  5. i-patronize natin ang gawang pinoy kase dyan tayo makakatulong sa bansa natin

    Komento ni jodi — Hunyo 12, 2009 @ 2:04 umaga | Sagutin

  6. pakisabi sa napakabait na si Kengkoy….Happy Birthday!! wish ko sa kanya eh maging masaya sana sya sa pupuntahan nyong luma pero bagong lugar!

    Komento ni p0kw4ng — Hunyo 12, 2009 @ 4:59 hapon | Sagutin

  7. happy independence day! this is a really good post. tama naman eh, dapat tangkilikin ang sariling atin at hindi mawalan ng pag-asa.
    and i want to go to that rizal park, too!

    Komento ni mayuichan — Hunyo 13, 2009 @ 12:19 umaga | Sagutin

  8. aprub sa akin tong post na ‘to! dapat talaga suportahan natin yung sariling atin. dapat bawasan natin yung pagbili ng mga bagay na gawa kung saan saan. hai.

    hephep hooray! hapi independence day!

    daan ka namn sa munting bahay ko. salamat!

    Komento ni .poOt! — Hunyo 13, 2009 @ 3:42 umaga | Sagutin

  9. Salamat sa pakikiisa sa Araw ng Kasarinlan… at maligayang kaarawan….

    A blessed weekend.

    Komento ni The Pople — Hunyo 13, 2009 @ 3:58 umaga | Sagutin

  10. tama ka
    pag-asa lang ang pwede natin panghawakan ngayon
    kaya ng pinoy yan
    there is still hop

    happy birthday ke kengkoy
    san ang celebration?
    may chicken joy ba?
    hehe

    Komento ni raft3r — Hunyo 13, 2009 @ 4:57 umaga | Sagutin

  11. mga mumunting bagay ay malaking tulong na sa bansa.. tulad ng pagsunod sa batas trapiko, pagsakay sa tamang sakayan at pgtawid sa tamang tawiran. wag mag tapon ng basura sa kalsada… πŸ˜‰

    Komento ni sandi — Hunyo 13, 2009 @ 6:56 umaga | Sagutin

  12. bukas ang independence day celebration dito sa Roma…pupunta nga ako….
    yung padala express ng mga ofw yun malaking tulong yan sa ekonomiya natin….

    Komento ni blurosebluguy — Hunyo 13, 2009 @ 7:11 hapon | Sagutin

  13. magbabayo ako ng palay para may bigas!!!

    1. pananatilihin kong malinis ang bahay. Sa bahay nagsisimula lahat. tama?

    2. bibili ako ng sapatos sa Marikina yung made in the PHILIPPINES.

    3. Ipagkakalat ko sa mga tao ang nalalaman ko tungkol sa ating mga bayani. Lalo na kay Jose Rizal

    4. Kukuha ako ng maraming pictures d2 sa Pilipinas at ipopos ko sa mga international
    forums.

    Bow.

    Komento ni jason — Hunyo 14, 2009 @ 5:52 umaga | Sagutin

  14. Last weekend nung nag celebrate ng independence day ang OFW’s dito sa Kuwait, kami ng nanay ko ay nagtinda ng mga bags na gawa sa katsa na may mga logo like “pinoy bags in Kuwait” at kung ano ano pang made in the Philippines. Hehehe.

    We are also proud of the Filipino delicacies kaya we try to serve only pinoy foods kapag may parties like papaitan, pancit and adobo. Sarap!

    I love your posts ever!

    Komento ni Mackay — Hunyo 14, 2009 @ 9:35 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: