Kwentong Kengkay

Hunyo 14, 2009

ang kawawang kuneho

Filed under: Kwentong Kengkoy,Oyropa Ko — kengkay @ 8:48 umaga
Tags: ,

dumalo kami sa isang salo salo dito sa kabilang baryo nung isang linggo. isang kaibigang pinay na may asawang aleman. nakilala ko sila dahil nagbigay ako ng playtime english na kurso sa kindergarten kung saan naka enrol din ang kanilang panganay na anak. dun nagsimula ang aming pagkakaibigan.

gustong gusto kong pumunta sa kanila kapag may handa kasi tunay na pagkaing tradisyonal ang parating handa. at ang mas masarap, mahilig silang kumain ng matatamis na bagay at sempre, parating may handang matamis. kapag naghahanda sila, unang nasa lamesa ay ang mga cakes na homemade. gawa ni lola. kumbaga e, tea time muna.

cheese cake

cheese cake



apple cake with coconut flakes

apple cake with coconut flakes

alam nyo bang iba ang luto nila dito ng cheese cake kesa sa atin? dito kasi hindi kasing tamis ng sa pinas. atsaka mainit ang cheese cake dito kapag nasa lamesa. yung cheese cake kasi sa pinas e halos lahat naka refrigerate di ba? pero aaminin ko, paborito ko ang blueberry cheesecake sa atin. dito kasi walang ganung flavor e. kung meron man orange cheesecake o peaches o strawberry. gusto ko sana magpauso kaso di naman ako mahilig mag bake ng cakes, mahilig lang ako kumain ng cakes πŸ˜€

teka, kaya nga pala kami inimbita e dahil meron silang espesyal na pakatay. meron kasi silang mga kuneho na alaga at kung minsan, yun din ang espesyal na ulam nila. at alam nilang mahilig si kengkoy sa kuneho kaya imbitado kami. ako? ngek, ayoko po ng kuneho. nag request nga ako agad ng ibang ulam kasi alam nilang ayaw ko kumain nun. pero delicacy yan dito sa alemanya e. sabi nila parang manok daw. so sabi ko sa pinas meron ding palaka na lasang manok din daw pero ayoko rin tikman, hehe.

ang kawawang kuneho

ang kawawang kuneho

ano daw ang naging ulam ko? salmon — isda po. mas masarap. kaya nga lang, di ko maiwasang tingnan ang kuneho nilang ulam 😦 sabi ko nga kay kengkoy e sa pinas dapat tikman nya yung balut. ready daw sya kasi sa mexico e inihaw na locust daw e kinain na rin nya, nyeee.

kayo ba, anong special delicacy na ang natikman ninyo?

Advertisements

20 mga puna »

  1. Hehehe. Inay ako ay guilty sa pagkain ng kuneho. Nung bata pa ako ang lola ko marami shang kuneho and once inawhile inaadobo. πŸ˜€ and tama sila it does taste like chicken.

    Komento ni Mackay — Hunyo 14, 2009 @ 9:31 umaga | Sagutin

  2. awww! nung napulot ko si rogey (yung kuneho) sabi nung guard namin na egyptian, masarap daw yun sa saluyot!

    Komento ni partofyou — Hunyo 14, 2009 @ 10:46 umaga | Sagutin

  3. masarap ang kuneho mam kengkay. Ung nga lang, hindi kasi ako masyadong animal lover kaya na-take ku siya kainin and it really tastes like chicken. hahaha! I’ve tried eating gamu-gamo, salagubang, aso, at kung anik anek pang mga pinaglululuto ng mga ilokano kong kapitbahay. πŸ˜›

    Komento ni jiMboy — Hunyo 14, 2009 @ 12:41 hapon | Sagutin

    • teka, gamu-gamo?? pers time ko narinig yan ah… no lasa???? kuya jimboy??

      Komento ni jason — Hunyo 17, 2009 @ 3:48 hapon | Sagutin

  4. kahit ako e di ko kaya kainin yung kuneho na yan..kahit gaano kasarap yan..

    Komento ni jodi — Hunyo 14, 2009 @ 1:31 hapon | Sagutin

  5. ay syempre walang tatalo sa adobo,prito, o sinampalukang palaka sa atin di ba. Parang hindi ko rin ata kayang kumain ng kuneho. Minsan nakakain na rin ako ng aso sa mankayan benguet, mainit daw kasi sa katawan iyon, pero minsan lang yun, naawa ako. parang ang aso ko ang kinakain ko.

    Komento ni bernardumali — Hunyo 14, 2009 @ 2:13 hapon | Sagutin

  6. Naku kawawa nga. Masarap ba? πŸ™‚

    Komento ni Snow — Hunyo 15, 2009 @ 3:57 umaga | Sagutin

  7. hala di ata kaya kainin yan. dagang bukid masarap. ginagantihan ko sa pamamagitan ng buto na lang ang tira sa kanila haha

    Komento ni dencios — Hunyo 15, 2009 @ 7:30 umaga | Sagutin

  8. ako wala pa atang special maliban sa balut! sarap ng cake parang gusto ko tuloy bumista sa Goldilocks buheheh.

    Komento ni hitokirihoshi — Hunyo 15, 2009 @ 8:33 umaga | Sagutin

  9. grabe naman yan pati kuneho pala kinakain dyan sabagay dito nga e sabi mo nga rin palaka kinakain ng mga pinoy pero di naman lahat…

    Komento ni payatot — Hunyo 15, 2009 @ 9:14 umaga | Sagutin

  10. nakakaawa naman un rabbit. dapat iniwan na lang sa forest 😦

    waaah keyk! omg keyk! kaiinggit naman po ate kengkay! @_________@
    *PGng-PG wahaha*

    Komento ni chennn — Hunyo 15, 2009 @ 2:56 hapon | Sagutin

  11. hello ate kengs… πŸ˜€

    naku kawawa naman ang kuneho… parang hindi ko din matake kumain ng ganyan… naisip ko pa lang kawawa na… eh may alaga pa naman kami rabbit =(

    Komento ni Lalaine — Hunyo 16, 2009 @ 5:08 umaga | Sagutin

  12. nakatikim na ko ng palakang fried haha..
    pero ang kuneho parang di ko ata matetake yan..
    sawa pwede pa hehe..

    Komento ni anakngpating — Hunyo 16, 2009 @ 6:45 umaga | Sagutin

  13. mommy bisita ka sa ebahay ko tingnan mo ang EB ng girls bloggers hehe..saya sana nandun ka rin hehe..lalong masaya..

    Komento ni anakngpating — Hunyo 16, 2009 @ 6:45 umaga | Sagutin

  14. Never tried rabbit before…… Pero mukhang masarap yung cheese cake ha!

    Komento ni Callcenterguy — Hunyo 16, 2009 @ 8:54 umaga | Sagutin

  15. ay.. mahilig din aku s amatamis..talap tignan..msarap ba mami kengks yang cheesecake diyan??

    palaka palang ata ang delicacy na nkain q..yata

    Komento ni neto — Hunyo 16, 2009 @ 2:39 hapon | Sagutin

  16. tea time talaga?
    sosyal!
    hehe

    pero mukha ngang masarap yun cheescake nila
    penge!

    Komento ni raft3r — Hunyo 17, 2009 @ 11:43 umaga | Sagutin

  17. tinikman nyo po ba yung kuneho.???

    nakita ko pa lang yung kunehong nakahain sa mesa, naisip ko kagad mga hamster ko….

    wag po chef wag po!!!

    hehehehe

    Komento ni jason — Hunyo 17, 2009 @ 3:47 hapon | Sagutin

  18. hoy..bawal yan nhoo.prrusahn kau ni god

    Komento ni jecel — Hulyo 25, 2009 @ 6:45 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: