Kwentong Kengkay

Hunyo 22, 2009

fingerfood

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 4:19 hapon
Tags: , ,

di ba nakwento ko sa inyo na nagberdey kaming pareho ni kengkoy nitong hunyo? ngayon ay pasisilipin ko kayo sa naging handaan.

hirap ng naging desisyon namin. balak sana namin e magbarbecue party. kaso mo naman e sa dami ng bisitang balak naming imbitahin e parang hirap yata magbarbecue. mga 20 na adults kasi at 10 kiddies ang asa listahan. e dito mismong sa harapan ng bisita dapat magberbecue. dapat mainit pa kapag nilapag yung barbecue sa harap nila. sabi ko hirap yata nun. kawawa naman si kengkoy kasi sya ang taya kapag ganun.

naisip namin sa restaurant naman. dun sa pinuntahan namin ni pokwang nung nagliwaliw sya dito sa amin. kaso mo naman, mura nga yung pagkain; taob naman kami sa inumin. alam nyo naman, kasali sa mga party na ganyan e yung sekt o champagne para i-greet yung guests tapos sempre beer at wine sa buong oras na nakaupo sila. at sempre may mga gusto pang magkape-kape. nakakasakit ng ulo yung gastos. kasi isang bote pa lang ng beer e 2.50 oyro na agad ano. times 65 pesoses yun.

naisip namin yung kilala naming butcher. kasi meron syang catering service, tanong kami kung anong maganda. fingerfood daw. kasi kakaiba daw yun. yun daw ang uso ngayon. huh??? eheste, kakaiba ang fingerfood dito sa alemanya!!!! parang gusto kong sabihin, belaaat, basta sa pagkain una ang pinas, hehehe.

kasi sa atin tagal ng kilala yang fingerfood na yan di ba? dito ngayon pa lang nauuso yan. kaya naman feeling sikat yung butcher namin nung ini-explain yung tungkol sa fingerfood. sempre kunyari manghang mangha ako sa concept ng fingerfood. super excited silang dalawa ni kengkoy e.

anyway, nagbigay sya ng listahan. ngek, ang mahal! imagine ang budget sa fingerfood per person e 24 oyro. ngek, almost 2,000 pesoses per person! na shock ako, parang gusto ko na lang magpapansit at magputo. kahit na umagahin ako sa magprepara ano. mabuti naman at dahil suki na nya kami e natawaran namin yung kanyang presyo. kaya ayun, nung naghanda kami e fingerfood nga.

sikat ngayon ang pamilya kengkay! kami yata ang unang unang nagpakilala ng fingerfood party dito sa aming baryo! tuwang tuwa silang lahat. busog na busog. ibang klase daw ang aming handa. fingerfood 😀

sampol pa lang yan :D

sampol pa lang yan 😀

sa sunod na post ko mas maraming pechurs! antay lang at medyo busi busihan si kengkay sa mga araw na susunod.

Advertisements

16 mga puna »

  1. ay di pala natuloy don sa bundok? pero parang okay nga yang fingerfood na yan…akala ko kasi eh daliri talaga ang kukutkutin at puro kwento na ng mga litol kengkay ang kasunod,hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Hunyo 22, 2009 @ 5:35 hapon | Sagutin

  2. ngak kamahal naman yan per person mareng kengkay…dito sa italian restaurant dalawang tao na yan: pasta, meat, french fries at minsan may kape pa….ginto ba yang finger foods…baka naman parang main course na ha! o sya balitaan mo na lang ulit kami….

    Komento ni blurosebluguy — Hunyo 22, 2009 @ 6:17 hapon | Sagutin

  3. anyways kung natuwa ang mga guests…hmmm something special nga yan..abangan!

    Komento ni blurosebluguy — Hunyo 22, 2009 @ 6:18 hapon | Sagutin

  4. yummy! sa sarap ng handa mo kengks, ending niyan kahit ga-finger lang ang size ng food, ga-hita (leg) naman ang amount ng kakainin ng mga bisita mo. hehe.

    Komento ni frenchy — Hunyo 22, 2009 @ 11:12 hapon | Sagutin

  5. oo nga masarap finger foods dito.
    lalo na lumpiang shanghai
    cheese sticks
    tapos meron pa
    breded pork meatballs,

    basta ang dami at nagutom ako
    sa mga pagkain sa mesa.

    nakopo!!!

    Komento ni jason — Hunyo 22, 2009 @ 11:28 hapon | Sagutin

  6. huwaaaa..naglaway naman ako..mommy hehe..
    hmmm abangan ko mas maraming piks..

    Komento ni anakngpating — Hunyo 23, 2009 @ 2:55 umaga | Sagutin

  7. wow sikatchupoy pala si dadi kengkoy! hehehe belated hapi beerday nalang. mukhang ansarap, pero talag perstaym nila? hmm gagaya yan for sure!

    Komento ni Basti — Hunyo 23, 2009 @ 7:58 umaga | Sagutin

  8. uy ang pix, abangan namin. ano naman ang fingerfud na yan at sobrang mahal.

    Komento ni bernardumali — Hunyo 23, 2009 @ 8:29 umaga | Sagutin

  9. haha. i lab yu mami kengks. iba ka talaga. gusto kita i kiss sa sobrang katuwaan ko sa post mo na to. 😀

    Komento ni dencios — Hunyo 23, 2009 @ 12:38 hapon | Sagutin

  10. wow appy berthdey xnyo mami kenks…

    pagpalain pa po sana kayo….

    at sosyal an fingerfoods ha… cant w8 to c…

    Komento ni yhen — Hunyo 24, 2009 @ 2:48 umaga | Sagutin

  11. Hapi Bertdey Kengs! ^_^

    Stay pretty…

    Komento ni Snow — Hunyo 24, 2009 @ 4:50 umaga | Sagutin

  12. mommy kengs, for some weird reasons hindi ko maview yung pic.

    dahil ba mabagal ang connection ko ngayon?awww

    bakit hindi ka na nga lang nagpansit at puto?hehe

    Komento ni flamindevil — Hunyo 24, 2009 @ 9:15 umaga | Sagutin

  13. frankfurt.. frankfurt..
    di ba jan po tumira si cedie (ang batang prinsipe)?!
    hehe ^_________^

    Komento ni chennn — Hunyo 27, 2009 @ 1:09 hapon | Sagutin

  14. Hello Kengkay,

    Dito naman sa amin, laging sine-celebrate yan. Daming pagkain, barbecue rin paborito namin. 🙂

    Anyway, have a great week!

    Komento ni Sofie — Hunyo 30, 2009 @ 6:44 umaga | Sagutin

  15. hindi na siguro ako uuwi kung isa ako sa mga bisita nyo. hehehe. =) masarap atang kumain lalo na kung hindi ikaw ang mahuhugas ng pinggan. hehehe.

    Komento ni machongbutiki — Hunyo 30, 2009 @ 4:39 hapon | Sagutin

  16. nagutom ako sa fingerfood post na ito. 😀

    Komento ni docgelo — Hulyo 4, 2009 @ 4:13 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: