Kwentong Kengkay

Hunyo 24, 2009

berdey ni rizal sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 8:01 hapon
Tags: ,

atsaka na yung pechurs ng fingerfood dahil may chika akong iba.
nagpunta kami ng consulate ng pilipinas sa frankfurt nung isang linggo. napadaan kami dito sa higanteng babaing kumakaway. kita nyo sya?

sa frankfurt

sa frankfurt


kung hindi pa kami naligaw sa consulate, hindi pa namin mababasa itong nakapaskel na ito: announcement para sa selebrasyon ng berdey ni gat jose rizal. binasa ko kay kengkoy, gusto ko kasi pumunta kaso naman puno na ang schedule namin sa mismong sabado na yon…
ang announcement tungkol sa berdey ni rizal

ang announcement tungkol sa berdey ni rizal


aba, anong saya ko nung sabihin nya na pupunta daw kami! yipeee. sempre naman, ngayon ko lang nalaman na parati pala nilang pinaghahandaan ang berdey ni rizal lalo pa at meron ngang jose rizal park dito sa alemanya. bakit kaya hindi sya masyadong alam ng ibang tao? sa internet nga hindi ko sya nakita e. sana sa sunod mas laganap ang balita tungkol dito.
ang bandila

ang bandila


ayan na nga. kahit super busy at may dalawang ka-date na nung araw na yon e punta pa rin kami sa joze rizal park sa alemanya. isang tingin pa lang e alam na naming puno na ang parking. ang daming tao. at ayun na nga at nakawagayway na ang ating bandila.
longganisa, pansit at lumpia ang handa

longganisa, pansit at lumpia ang handa


at dahil hindi kami kumain ng tanghalian, diretso kami agad sa kainan. ang sarap agad ng nakita ko. si kengkoy nakakita agad ng kakainin nya; mantalang ang mga little kengkays e naghanap ng barbecue na paborito nila. dahil wala, masaya na rin sila sa manok nilang order.
pwede magtake home ng hopiang mungo at baboy

pwede magtake home ng hopiang mungo at baboy


at may matamis din. nalimutan ko nga mag take home e, hayyss
dinuguan

dinuguan


ang una kong nakita at nagustuhan ay ang dinuguan. masarap talaga sya. bakit kaya kaya nilang magluto ng masarap ng dinuguan mantalang ako hindi 🙂
yan ang aming kinain

yan ang aming kinain


kanya-kanyang plato na po ang pamilya ni kengkay. katabi namin ay mga halo halong pinoy/aleman pamilya din. ang nakakatuwa e marunong magsalita ng tagalog yung mga aleman. ngek, mas malalim pa nga sila magtagalog kesa sa akin no. ang unang tanong nila sa akin e kung marunong ba daw magtagalog mga anak ko. sabi ko naman, sempre. tuwa naman sila kasi dapat lang daw na marunong din magtagalog kahit na asa alemanya sila.
may matamis din, kasama sa mga cakes yung kutsinta

may matamis din, kasama sa mga cakes yung kutsinta


kita nyong ubos agad yung cassava cake? kaya kutsinta na lang ang kinain ko.
simula na ng ceremony

simula na ng ceremony


bago magsimula ang ceremony, talagang pinatigil yung pagtitinda. kasi daw dapat lahat magparticipate sa program.
simula na ng programa

simula na ng programa


sa totoo lang, ang daming tao. at lahat sila nakatayo habang matapos ang buong programa.
nag alay din ng bulaklak

nag alay din ng bulaklak


kasama sempre ang pag aalay ng bulaklak. sila ang mga knights of rizal dito sa alemanya.
kodakan

kodakan


ayan, kodakan.

mahaba pa sana ang programa. meron pang cultural show na gustong gustong makita ng mga little kengkays kaso mo kailangan na naming pumunta dun sa aming ka-date e. na miss tuloy nila ang makita ang tinikling. gusto daw kasing nilang matuto nun. pramis ko sa sunod na uwi nila sa maynila, bibilhan ko sila ng bamboos. sinong marunong magtinikling at maturuan ang mga little kengkays? taas ang mga kamay!

Advertisements

21 mga puna »

  1. wow..exciting naman pala ang celebration…..at dmi ng food..kakagutom!

    Komento ni blurosebluguy — Hunyo 24, 2009 @ 8:13 hapon | Sagutin

  2. wow! happy na, birthday pa ni parang pepe ah. hehe daming handa!

    sarap ng dinuguan. >drooling<

    tama ang mga aleman, kahit nasa ibang bansa ka hindi mo tlga dpat kalimutan ang sarili mong wika.

    Komento ni Joffred — Hunyo 24, 2009 @ 9:38 hapon | Sagutin

  3. sarap ng dinuguan..hu hu hu..namiss ko tuloy ang dinuguan sa bacolod..ahe he he..

    magkabertdey kami ni rizal…sana ako indi rin bariliN!ha ha ha

    Komento ni Maldito — Hunyo 24, 2009 @ 11:49 hapon | Sagutin

  4. yep^

    magkaka bertdey kaming tatlo nila rizal
    tsaka ni maldito’

    bat ang daming pagkain???

    sino gumastos sa handaan yung mga kamag -anak ni rizal dyan? diba may naiwan pa syang relatives ??

    Komento ni jason — Hunyo 25, 2009 @ 1:13 umaga | Sagutin

  5. bakit kaya ganun na lang ang paglaganap ni rizal sa buong mundo, kahit ata saan ka magpunta meron syang rebulto…

    Komento ni jodi — Hunyo 25, 2009 @ 3:04 umaga | Sagutin

  6. Ang sosyal naman talaga ni rizal, hanggang alemanya nagbe-berthday!

    Komento ni Snow — Hunyo 25, 2009 @ 4:08 umaga | Sagutin

  7. hmp bakit hindi man lang naibulong ni lolo jose na may celebration pala sya nong niyakap ko sya??? bakit??

    Komento ni p0kw4ng — Hunyo 25, 2009 @ 11:13 umaga | Sagutin

  8. bat ang daming hopia

    nakaka panglaway naman

    yan GABUNDOK na hopia

    mga hopia come to jason!!!

    Komento ni jason — Hunyo 25, 2009 @ 11:11 hapon | Sagutin

  9. ay bongga pala ang celebration jan ni jose…nakakatuwa aman..yung dinuguan mukhang masarap talaga..grabe nagugutom na ko..

    Komento ni azul — Hunyo 26, 2009 @ 3:45 umaga | Sagutin

  10. nakakatuwang isipin na sa alemanya kung saan naglage si rizal noon, malaki pala ang pagpapahalaga nila sa pambansang bayani natin. swells up my pride of being a pinoy! happy bertdei pambansang chickboy! hehehe.

    Komento ni lio loco — Hunyo 26, 2009 @ 4:33 umaga | Sagutin

  11. saya-saya naman! sarap ng dinuguan at hopia. hmmm

    buti ganyan ang reception diyan kay rizal. sumalangit nawa! iba talaga ang feeling kapag kinilala ang kapwa Pinoy mo sa ibang bansa.

    mabuhay!

    Komento ni hitokirihoshi — Hunyo 26, 2009 @ 6:51 umaga | Sagutin

  12. ang daming pagkain…nagutom ako..
    mabuhay si rizal ///

    Komento ni anakngpating — Hunyo 26, 2009 @ 9:13 umaga | Sagutin

  13. uy, ang sarap naman ng mga pagkain.. haha kumpleto may hopia pa.

    ang galing!

    teka, almusal muna ako 😉

    Komento ni sandi — Hunyo 26, 2009 @ 9:56 hapon | Sagutin

  14. ang sarap ng pagkain nanlaki mata ko…

    Komento ni joyo — Hunyo 29, 2009 @ 8:53 umaga | Sagutin

  15. hehehe nakakagutom naman po. buti pa si rizal may birthday party at ang daming handa 😉

    Komento ni Nortehanon — Hunyo 29, 2009 @ 2:09 hapon | Sagutin

  16. nakakatuwa talaga tuwing ina-acknowledge ng ibang bansa ang mga naging kontribusyon ng lahing pilipino sa mundo. 🙂

    mabuhay ang mga dati at bagong bayani!

    Komento ni taroogs — Hunyo 30, 2009 @ 5:54 umaga | Sagutin

  17. ang galing naman at hanggang dyan eh may celebration ng bda ni rizal :D.

    Komento ni Lalaine — Hunyo 30, 2009 @ 9:11 umaga | Sagutin

  18. happy bday hero kong Rizal.. in fairness ang galing naman dyan sa alemanya… talgang may celebration pa! nakakataba ng puso .. ang sarap talaga maging pilipino 🙂

    at mommy keng mas nakakataba yan dinuguan.. hmmm na miss ko tuloy magluto nyan 🙂

    Komento ni naglalambingnacute — Hunyo 30, 2009 @ 10:16 umaga | Sagutin

  19. Buti pa sa Alemanya, bongga ang birthday party ni Lolo Pepe. Sarap ng food!

    Komento ni Salve — Hulyo 3, 2009 @ 1:52 hapon | Sagutin

  20. grabe di ko alam na may ganito.. pero at least malapit naman kayo dyan sa park, pero para sa longanisa at dinuguan eh dadayunhin ko na yan…:) ganon eh..

    Komento ni Toni — Hulyo 12, 2009 @ 3:38 hapon | Sagutin

  21. happy bday hero kong Rizal.. in fairness ang galing naman dyan sa alemanya

    Komento ni cimonk — Mayo 20, 2010 @ 10:04 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: