Kwentong Kengkay

Hulyo 21, 2009

good morning towel

Filed under: Kwentong Kengkoy,Pinas — kengkay @ 1:20 umaga
Tags:

good morning towel

good morning towel

am sure kilala nyo ang good morning towels.

kulay puti sya. hindi sya bath towel. kasi maliit lang sya. pero mas malaki sya sa bimpo.

tapos parating may kasaling chinese karakters yung good morning na tatak nya. kasi naman, translation lang din yon.

yung mga nilalako sa kalsada. yung mga nakasalansan sa mga sidewalk. yung mga nakabarandal sa mga palengke.

sikat na sikat yan sa mga parating nasa ilalim ng araw. para pampahid ng pawis, para pang lagay sa likod at mawala ang pawis.

yung mga mamang busy sa construction sites, yung mga nanay na may mga anak na bulinggit, yung mga tambay sa kanto, yung mga nagiinuman sa kanto, ung mga nag kukutuhan sa hagdanan, yung mga nag a-outing… alam nyo bang si kengkoy e nagpabili din ng good morning towels?

nainggit, hehe. bili ako sa libertad, pasay. kinse ang isang tuwalya. ngek, ang mahal pala nun. tinawaran ko pa ha kasi ang unang bigay e bente isa e.

ayun, sabit sabit na rin nya ang good morning towels nya sa balikat kapag asa pinas kami. feeling pogi na rin sya. nainggit naman ang mga little kengkays. bili na naman ako sa palengke sa malibay, pasay. kinse rin isa. ayun, tatlo silang may good morning towels.

ayaw naman maglagay ng tuwalya sa likod nila. kasi daw hindi naman daw sila beybis. atsaka hindi daw komportable. sabi ko antay lang kayo, pag nasanay kayo – hahanap-hanapin ninyo ang good morning towels ninyo πŸ˜€

Advertisements

13 mga puna »

  1. momie kengks sowie nayun lan nkadaan,,,

    mejo hiatus mode sa pagblog,,,,hehe

    hehe ginagawa kong bath towel dati yang goodmorning towel hehe

    Komento ni simplefula09 — Hulyo 21, 2009 @ 3:13 umaga | Sagutin

  2. ..yeah, meron ako nyan ate nung grade one ako. hehe.

    ..napadaan lang . πŸ˜‰

    Komento ni joan — Hulyo 21, 2009 @ 3:42 umaga | Sagutin

  3. madami kaming ganyan πŸ˜€ pansapin din sa likod kadalasan:D musta po ate kengks πŸ˜€

    Komento ni Lalaine — Hulyo 21, 2009 @ 7:12 umaga | Sagutin

  4. ganda nga yan marami kang mapapag gamitan..

    musta naman dyan kengks! ingat lagi at sana masaya at okay na kayo dyan!

    Komento ni p0kw4ng — Hulyo 21, 2009 @ 7:22 umaga | Sagutin

  5. hahaha mommy keng pamilyar nga sya sa akin haha πŸ˜†

    at tama lahat nang mga sinabi mo dun ko din nakikita lahat yun good morning towel na yan πŸ˜‰

    Komento ni naglalambingnacute — Hulyo 21, 2009 @ 8:10 umaga | Sagutin

  6. hmmmm tama ba ang hinala kong nasa pilipinas ka na naman?

    Komento ni bernardumali — Hulyo 21, 2009 @ 8:59 umaga | Sagutin

  7. haha.. ganyan din aking bimpo, palagi akong may dala nun.

    Komento ni sandi — Hulyo 21, 2009 @ 10:08 umaga | Sagutin

  8. LOL nung bata ako kengkay meron din ako niyan. i guess culture nga talaga ang good morning towel LOL

    Komento ni prinsesamusang — Hulyo 21, 2009 @ 11:40 umaga | Sagutin

  9. Bakit kaya goodmorning towel ang tawag no? Bakit hindi goodafternoon or goodnight? πŸ˜€

    Komento ni MCBOY — Hulyo 21, 2009 @ 12:16 hapon | Sagutin

  10. Ahaha.. Pero di ako lumaki ng may good morning towel sa likod. πŸ˜‰

    Komento ni Ampness! — Hulyo 22, 2009 @ 12:45 hapon | Sagutin

  11. Naku suki ako niyan, gamit-gamit din yan ng anak ko…hehehe… πŸ™‚

    Komento ni Snow — Hulyo 23, 2009 @ 2:59 umaga | Sagutin

  12. “kunin mo nga un godmorning..”
    bidang-bida po sa mommy ko yan, kahit ordinary bimpo e gudmorning na rin ang bansag. hehe.

    Komento ni chennn — Hulyo 24, 2009 @ 10:39 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: