Kwentong Kengkay

Hulyo 27, 2009

beniya honpo

Filed under: Masarap sa Pinas — kengkay @ 2:03 umaga
Tags: ,

basta sa hanapan ng masasarap na kainan na hindi mahal pero busog at authentic — kahit na nakapikit ako e papayag akong sumama dun sa isang matalik na kaibigan ko.

alam nya kasi kung saan makakahanap ng tunay na pagkain na gawang instik, gawang hapon, gawang korea, at kung ano ano pang may kakaibang espesyal na luto. alam din nya kung saan mahahanap yung very affordable lamang. yun nga lang, ma sorpresa ka lang sa kung saan saang sulok ka nya dadalhin kasi talagang asa sulok sulok ng mundo talaga ang mga iyon. parang nag te-treasure hunting baga.

at ang mas masarap dun, masaya ang mga bulate kapag narating na ang mga kainan kasi talaga namang ang sarap po. ang tunay na pampasarap e yung hindi mabigat sa bulsa ang bayaran.

katulad nitong beniya honpo restaurant. kapag pinuntahan mo sya, akala mo kung ano lang sya. pero kapag pumasok ka sa loob, wala lang din, ganon lang, hahahaha. kapag umorder ka na, dun na ang excitement.

ang restaurant

ang restaurant


hindi ko alam kung ano ang oorderin ko e. ang daming nakapilang kasarapan. ang unang naisip ko e shake bento (168 pesos) o nori bento (148 pesos). pareho lang naman silang may rice, gyoza, hipon, karne, salad or side dish at soup pero may additional lang na salmon yung shake bento. dahil nagmamadali ang kasama kong makulit na little kengkay at gutom na daw sya. at sempre, kahit akala kong hindi nya magugustuhan yung pagkain e sya po ang halos makaubos ng bento. mabuti na lang may natirang sopas para sa akin, haysss

ang mga eksampol ng presyo? gyoza at 120 pesos, chahan (rice) at 120 pesos, mix fry bento at 220 pesos, tonkatsu bento at 168 pesos. meron silang beniya special bento na may sashimi tempura gyoza side dish (240 pesos) pero tuwing sabado at linggo lang sya available.

mura lang naman sila kumpara kung pupunta ka sa mga fine dining japanese restaurant. at orig ang lasa nya. in fact, kaya hindi masyadong kagandahan ang restaurant nya e dahil karamihan ng customers nila ay pa-delivery lang sa office o sa bahay ang gusto. at super dami daw ng orders nila.

nagbukas lang sila ng restaurant dahil may mga binebenta rin silang mga frozen food na kahit na frozen e amoy na amoy ko ang sarap. tumingin ako kasi baka meron akong mabili — kaso naman ngek, ang mahal po. pero prepared na yung mga tonkatsu, mga salmon, tuna etc. lulutuin na lang sya.

beniya honpo menu

beniya honpo menu


asan kanyo ang restaurant na ito? pag pumunta kayo isama nyo ako 🙂

beniya honpo
for delivery: 551-1212
opening hours: 10:30 am to 7 pm
Cartimar Avenue, Pasay City

Advertisements

14 mga puna »

  1. Naks! Mahilig ka din pala mag hunting ng restaurant.

    Komento ni Dennis — Hulyo 27, 2009 @ 9:09 umaga | Sagutin

  2. wow mokhang masarap. mahileg den aku sa hipon kasu mahal kasi e. padaan lang. pwede ba din makaipag ex links? tnx.

    Komento ni Chimmie — Hulyo 27, 2009 @ 3:13 hapon | Sagutin

  3. huwaw..paborito ko ang japoks fud…kaso lang engot ako sa mga pangalan nila…

    Komento ni p0kw4ng — Hulyo 27, 2009 @ 4:05 hapon | Sagutin

  4. wow sarap nyan..peborit ko yan…kaya lang dito sa roma,…..mahal ang mga japanese resto…dusA!

    Komento ni blurosebluguy — Hulyo 27, 2009 @ 8:08 hapon | Sagutin

  5. wowow nakakagutom naman … basta napupunta ko dito mommy keng lagi ako nagugutom haha

    panalo kasi mga kwento mo… pasay???

    malayo ko dyan waaaa!

    Komento ni naglalambingnacute — Hulyo 28, 2009 @ 12:41 umaga | Sagutin

  6. mukhang masarap dyan! sama nyo ako kapag kumain kayo diyan ha! 🙂

    Komento ni Snow — Hulyo 28, 2009 @ 3:11 umaga | Sagutin

  7. sama niyo din ako,hehe mkhang masarap nga,ilibri niyo na din ako,haha

    Komento ni hari ng sablay — Hulyo 28, 2009 @ 8:48 umaga | Sagutin

  8. sasama na rin ako hehe..

    nagbabalik ako ulit ate hehe..

    Komento ni anakngpating — Hulyo 28, 2009 @ 9:03 umaga | Sagutin

  9. mahilig po pala kayo sa mga iba ibang pagkain… ako hindi masyado eh 😀 medyo pihikan pero gusto ko din po itry dyan 😀

    Komento ni Lalaine — Hulyo 28, 2009 @ 3:06 hapon | Sagutin

  10. mommy kengs, dapat bayaran ka nila sa advertisement na to!haha

    hindi ako masyadong mahilig sa japanese food. korean food ok pa sakin. :p

    Komento ni flamindevil — Hulyo 28, 2009 @ 7:39 hapon | Sagutin

  11. hay der! namiss ko yapanis puds, lam mo bang I used to work sa yapanis resto kaya kaya ko lutuin mga yan. naglaway ako sa sashimi at maraming wasabi!

    Komento ni roni — Hulyo 28, 2009 @ 10:12 hapon | Sagutin

  12. dami na bago sa Pinas, I’m missing a lot na, kailangan na talaga bumisita ulit… if only I have the money! 😉

    Komento ni Jim — Hulyo 29, 2009 @ 1:11 umaga | Sagutin

  13. nakaka gutom naman po ang mga post nyo, puro food. at exciting din ang treasure hunting nyo ng restaurant. at gusto ko din yan pwede pa-deliver. try ko kung pwede pa-deliver sa paranaque. hehe.

    Komento ni Jason — Hulyo 30, 2009 @ 1:05 umaga | Sagutin

  14. sarap naman dyan ms kengks’.. medyo mura pa

    Komento ni sandi — Hulyo 30, 2009 @ 12:06 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: