Kwentong Kengkay

Hulyo 29, 2009

dirty ice cream

Filed under: Kwentong Bulilit,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 6:50 umaga
Tags:

kapag nakakarinig ako ng tililing ni mamang sorbetero, parang gustong tumulo ng luha ko. naks naman, napakadrama daw ng dating, hahaha

kasi naman, yang mamang sorbetero na yan e kasali sa pang araw araw na buhay ko sa pasay ano nung aking kabataan. kapag naririnig ko yang tililing na yan e feeling ko ang sarap na ng buhay ko. inaantay antay ko yan.

lalo na kapag walang pasok, bago magtanghaling tapat e maririnig ko na ang tililing. nagtatakbuhan na kaming palabas ng bahay — minsan kapag may malaking natira sa baon e nagdadala ko ng sarili kong baso kasi mas maraming ice cream ang pwedeng ilagay dun.

pero kapag konti lang pera ko e yung pinipili ko e yung matamis na apa. ayaw ko nung orange na apa dahil hindi sya matamis, hehe. o kaya naman kapag oras ng merienda e pinapalaman sya sa tinapay.

at ang talagang kilala ko pa yung pinakasikat na mamang sorbetero sa baryo ng malibay — si mang pablo. dumarating yon na parating naka sumbrero. at super itim na nya talaga kasi babad sa araw. at sumisigaw sya parati ng ang ice cream daw nya ay may tatlong itlog! kaya naman kaming mga bata e sarap na sarap sa ice cream nya, hindi namin alam na may ibang ibig sabihin pala yung sinisigaw nya na yon kaya pala parating tumatawa yung mga vendors sa harapan nya 🙂

mamang sorbetero

mamang sorbetero

kaya naman nung nakarinig kami ng tililing ng dirty ice cream, pwede ko bang palampasin yon? tiningnan namin ang loob kung ano ang flavor — kulay ube, kulay orange at kulay green. sa alemanya e may tililing din ni mamang sorbetero pero may truck syang bitbit kaya iba ang dating nung dirty ice cream sa mga little kengkays. si bunso nagustuhan yung kulay green. naku po, hindi na muna ako pumili dahil alam ko namang ayaw nun ng abokado ano. ayun nga, ang pagkatapos kainin yung apa ng paibaba — ako din ang umubos. waaa!

pero sempre, gusto ko din naman tikman yung kulay orange na manga at yung kulay ube na ube — kaya pinalaman ko sya sa tinapay. aba, nainggit din ang mga little kengkays. inubos nila yung tinapay ko, waaa ulit! hehehe – pero sempre happy naman ako dahil super game silang maki-alala sa aking tililing ni mamang sorbetero.

sabi ko ang tawag dun e dirty ice cream. sabi naman nila bakit daw kinakain namin yun e ‘dirty’ daw — ngek, oo nga naman. e sabi ko naman, ah basta! hahahaha

tulungan nyo naman akong mag explain kung bakit pwedeng kainin yung dirty na ice cream, hahahaha

Advertisements

16 mga puna »

  1. base muna ehhe..

    Komento ni anakngpating — Hulyo 29, 2009 @ 8:47 umaga | Sagutin

  2. paano nga ba ehhe..tinawag syang dirty ice cream dahil sa labas lang sya nilalako tama ba un haha..

    hala di ko din alam basta ice cream na lang penge hehe..

    Komento ni anakngpating — Hulyo 29, 2009 @ 8:49 umaga | Sagutin

  3. dirty ice cream kase sabi yung dulo daw nung apa e… alam nyo na yun. hahaha

    Komento ni kotsengkuba — Hulyo 29, 2009 @ 10:11 umaga | Sagutin

  4. mommy kengs, dirty ice cream yun kasi hindi sya mamahalin. hehe

    bakit ako mas gusto ko yung orange na apa, pero dapat yung big size. kasi yung matamis na apa nauumay ako eh.hehe

    teka, ang pinakamasarap na apa yung brown ang color, medyo magaspang na parang netted ang design. gets? ang gulo.hahaha

    Komento ni flamindevil — Hulyo 29, 2009 @ 9:27 hapon | Sagutin

  5. kahit anong flavor ok sakin. kahit halo halo pa sila. pero sabi dirty ice cream daw ang tawag dahil, hindi naghuhugas ng kamay yung mamang sorbetero. hehe

    Komento ni Jason — Hulyo 30, 2009 @ 1:24 umaga | Sagutin

  6. dirty ice cream? bkit nga ba mommy kengks? hehe… hirap naman sagutin tanong na yun…

    cguro dahil na rin na eexpose siya sa dumi dahil iniikot lang siya ng mamang sorbetero… hehe

    Komento ni yhen — Hulyo 30, 2009 @ 8:09 umaga | Sagutin

  7. dirty ice cream = pinoy urban poor ice cream!
    basta masarap, wag na po natin imagine-nin kung panu ginawa hahaha! 🙂

    Komento ni chennn — Hulyo 30, 2009 @ 9:56 umaga | Sagutin

  8. hindi ako pinapakain ng mama ko ng ganyan nung bata ako. patago lang. hahaha. sarap eh. pero nung tumanda na ako, hindi na. naintindihan ko na kung bakit ako pinagbabawalan ng mama ko. dirty nga kasi siya. 🙂

    Komento ni darwin^^ — Hulyo 30, 2009 @ 10:09 umaga | Sagutin

  9. hmmm. hindi ko rin alam ang sagot kung bakit ganun..

    gusto sa apa yung matamis at malutong tapos cheese ang flavor nung ice cream… may pasimple pang.. “dagdagan nyo naman”

    Komento ni sandi — Hulyo 30, 2009 @ 12:04 hapon | Sagutin

  10. Maimumungkahing “sorbetes” ang itawag kaysa “dirty ice cream.” Masyadong mababa na ang tingin sa ating palamig, at para bang ang malinis lamang ay yaong gawa ng malalaking korporasyon.

    Kung sadyang marumi ang sorbetes, tiyak kong hindi magtatagal iyon at isusumpa ng taumbayan.

    Komento ni Roberto Añonuevo — Hulyo 30, 2009 @ 1:17 hapon | Sagutin

  11. (kamot sa ulo), di ko din alam kung bakit dirty ice cream ang tawag sa kanya. ewan ko ba. pero masarap sya talaga! favorite ko dati yung mangga at meron pang peanut flavor yata?
    yummy!!!!

    Komento ni Iska — Hulyo 30, 2009 @ 10:16 hapon | Sagutin

  12. dirty ice cream daw po kasi nilalako nga sa daan (na dirty). basta parang ganon po. 🙂 sa pagkakaalam ko, di naman talaga yon madumi. sana lang. nasa pinas kayo ngayon?

    Komento ni ness — Hulyo 31, 2009 @ 6:08 umaga | Sagutin

  13. wow! namiss ko yan!!!

    Komento ni Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD — Hulyo 31, 2009 @ 8:11 umaga | Sagutin

  14. Ako kakain ako ammaya nyan
    mag abang ako

    ang sarap nito kesa sa mga nabibili sa grocery.

    ewan ko ano bang nilalagay nila d2 at naaadik ako?

    nako!

    samahan pa ng monay at palamanan ng icecream ni manong..

    Komento ni jason — Agosto 1, 2009 @ 5:27 umaga | Sagutin

  15. Hello there!

    Kindly update your listings/blog rolls/ link list/ blog directories..
    pehpot.blogspot.com is now GOSSIP MOM

    MAKE OR BREAK
    now have its own domain:http://www.pehpot.com

    PLease update your listings and add or change the said blogs.. rest assured that your link/ blog is listed on both blogs..

    Thanks a lot and have a great week ahead of you!

    Make or Break

    Komento ni pehpot — Agosto 2, 2009 @ 11:47 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: