Kwentong Kengkay

Hulyo 31, 2009

kapag ayaw mo kumain…

Filed under: Kwentong Kengkay,Pasaway — kengkay @ 7:03 umaga

di ba kapag ayaw mo kumain, dapat wag mag- order.

o kaya naman, mag sabi na agad na hindi ka kakain.

o kaya naman sabihin mo lang kung ano ang kaya mo kainin.

o kaya naman sabihin mo lang kung ano ang gusto mong kainin.

o kaya naman mag eksyus ka na kapag oras na ng kainan.

o kaya naman, ipa-abot mo sa ibang tao na may gusto nun.

o kaya naman, ipabalot mo para sa mga taong mas nangangailangan nun.

hindi yung…. binigyan ka ng pagkain. tinanggap mo naman.

pero hahayaan mong lumamig na lamang sa iyong harapan.

hindi mo naisip na baka may isang tao na hindi nabigyan.

baka may isang taong gutom na gutom.

baka may isang taong mas nangangailangan nyang pinalalamig mong pagkain.

baka may isang taong magkakaron ng sigla at lakas na manggagaling dyan sa isang platong pagkain na pinalalamig mo sa iyong harapan.

at napansin ko rin… hindi mo man lang pinabalot yung pagkain.

parang hindi mo yata nakikita yung mga batang namamalimos sa lansangan. yung mga taong natutulog sa daan.

alam mo, pwede mong ibigay sa kanila yon. tatanggapin nila yon ng lubos lubos ang pasasalamat sa yo.

buksan ang mga mata, ang isip, ang puso.

pero hindi e. ano kaya ang nasa loob mo nung mga oras na yun?

hindi porket libre yung binigay sa yong pagkain e may utang na loob ka na dun sa nagbigay nun.

hindi porket may pambili ka e pababayaan mo na lang na ganun.

hindi porket dieta ka e ididieta mo rin ang katabi mo.

hindi porket nag iinarte ka e dapat magutom ang kapitbahay mo.

hmpf – asar ako talaga ha. gusto ko ng kalabitin yung gumawa nyan at sermonan ng todo-todo (oo nga, nag sermon na nga pala din ako ngayon, hehehe).

mabuti na lang may isang mamang nagtanong sa kanya kung pwedeng ipabalot yung pagkain nya. kasi sa totoo lang, kung di nya gagalawin yon hanggang umalis sya e baka hindi lang kalabit ang gawin ko sa kanya… pati kamo sya ipapabalot ko kasama nung mga pagkaing hindi nya ginalaw, hmpf ulit.

ay sori, naglalabas lang ng sama ng loob at hindi ko lang nagustuhan yung nakita ko talaga. kayo ba magugustuhan nyo ang ganong ugali?

ano daw ang gagawin ko sa kanya?

Advertisements

19 mga puna »

  1. tama yung gagawin mo..iapabalot ang pagkain kasama sya at ipakain yung pagkain sa mga walang makain at ipakain sya sa mga asong gala!

    nakakaasar talaga yun! hmm mukhang masaya na ang kengkay sa bagong lugar ah….

    Komento ni p0kw4ng — Hulyo 31, 2009 @ 9:00 umaga | Sagutin

  2. Dapat ipinapabalot ang pagkain at pinapadala dito sa Singapore tapos naka-address sa ‘kin. Basta ‘yung hindi napapanis ha. LOL

    Komento ni The Gasoline Dude — Hulyo 31, 2009 @ 9:47 umaga | Sagutin

  3. pano yan..

    mukang kelangan kong paulit ulitin at i absorb lahat ng mga katagang sinabi mo.

    kasi tanggap ako ng tanggap
    kasi nahihiya akong tumanggi.
    kasi naisip ko effort nya at hirap
    kasi mahirap tanggihan ang grasya.

    pero ill try. hehehe

    Komento ni jason — Hulyo 31, 2009 @ 12:15 hapon | Sagutin

  4. madaming batang nagugutom..isa na ko dun hehe..

    bigay na lang nya sakin ung pinalamig na pagkain nya..

    she/he’s so maaksayadow hehe..maiisip nya rin yan..galing ni mommy mag pangaral..:)

    Komento ni anakngpating — Hulyo 31, 2009 @ 1:00 hapon | Sagutin

  5. kaloko yun ah..

    nag aaksaya ng pagkain..

    nagugutom pa man din ako ngayon.. toinks

    hai, kung alam niya lang kung gaano kasarap kumain.

    baka naman kasi najejerbaks, kaya di na makakain.. ahehehe

    padaan po..

    Komento ni shynyrd — Hulyo 31, 2009 @ 9:53 hapon | Sagutin

  6. hay mali talaga ang tumanggap ng pagkain kapag hindi ka naman kakain…

    tamang ipabalot mo na din siya at ipakain sa mga nagugutom…masama nag nag-aaksaya ng grasya…pribilehiyo na natin ang may pagkain tayo sa araw araw, kung sasayangin lang eh baka sa iba ibigay ni Papa Jesus ang mga biyaya niya di ba?

    Komento ni mousmous — Agosto 1, 2009 @ 12:39 umaga | Sagutin

  7. hahahaha! natatawa ako run sa parteng pati siya eh ipapabalot nio.

    nga naman. napakaraming batang hindi kumakain. mas mainam kung ibigay niya ang pagkaing hindi niya ginalaw sa kanilang higit na nangangailangan.

    baka nga magtampo pa ang grasya sa kaniya sa susunod na gawin niya un. tsk tsk.

    huling comment muna mami kengks. babalikan ko ‘tong blog na to after 10 months, pag CPA na ko. hehehe. ingatz po lage! Ü

    Komento ni lio loco — Agosto 1, 2009 @ 4:56 umaga | Sagutin

  8. yun mga ganyang pagkain minsan pakipadala din sa oman, nagugutom kaya ako dun

    Komento ni Mars — Agosto 1, 2009 @ 6:21 umaga | Sagutin

  9. haaay naku tama ka mommy kengks… may mga ganyang tao talaga… di vinavalue ang mga binibigay sa kanila, cguro they hv der own reasons/excuses pero di pa rin talaga tama yun.

    kung ako naman yun tatanggihan ko nalang… 😉

    Komento ni yhen — Agosto 1, 2009 @ 7:24 umaga | Sagutin

    • agree ako dyan. may mga taong hindi kontento sa binibigay sa kanila. so sad talaga. 😦

      Komento ni Snow — Agosto 1, 2009 @ 7:55 umaga | Sagutin

  10. naku tama lang mommy keng na ibalot mo din yang nag iinarte na yan.. arteh??? 😆

    nakigalit din eh no??

    mahirap nga naman talaga ang buhay ngayon

    at wag magsayang ng pagkain.. sus naman…

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 1, 2009 @ 7:56 umaga | Sagutin

  11. ako laging ubos! nako ang daming nagugutom tas may ganyang tao pa din… hmmm

    Komento ni dencios` — Agosto 1, 2009 @ 9:20 umaga | Sagutin

  12. hi ..favor naman po pa update naman po ng url ko
    http://www.anakngpating.com/

    salamat..hugs..lovely po hehe.,..

    Komento ni anakngpating — Agosto 1, 2009 @ 12:27 hapon | Sagutin

  13. naku ha. maarte siya. dapat kinonyatan mo na lang … eng epal. hahahaha! makasarili.

    Komento ni Prinsipe ng Pangarap! — Agosto 2, 2009 @ 7:53 umaga | Sagutin

  14. baka naman tulala sya, madaming iniisip, hindi makakain. pero sana man lang nitake out na lang nya. at madameng pwedeng pagbigyan dyan. hindi ba sya makapag isip ng paraan?

    Komento ni Jason — Agosto 2, 2009 @ 8:37 umaga | Sagutin

  15. Natatawa ako ng bahagya sa una pa lang ng istoryang ito kasi dami kong experience that this long wall of text tells. hayy naku, maraming pinoy na ganito.

    Komento ni Philippines — Agosto 2, 2009 @ 6:05 hapon | Sagutin

  16. finish! ayan ubos ko na ‘yung mga chichiria ko.

    Komento ni Random Student — Agosto 2, 2009 @ 6:25 hapon | Sagutin

  17. walang gana…

    kaso sayang yung pagkain…daming nagugutom na pwedeng pagbigyan nun

    Komento ni sandi — Agosto 6, 2009 @ 10:38 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: