Kwentong Kengkay

Agosto 4, 2009

paraaaaa

Filed under: Pinas — kengkay @ 7:18 umaga
Tags: ,

kapag mahiyain ka, sa tingin mo makakapag commute ka ng matino?

makakarating ka sa patutunguhan mo ng matino?

e di ba bawat sakay mo ng dyip, ng bus, ng sidecar, ng trisikel kahit nga ng taksi e… baba ba ka?

papano kung mahiyain ka. papano ka papara?

langya.

samahan pa ng mga sasakyan na sobrang lakas yung stereo nila.

nung mga sasakyan na maiingay ang mga pasahero dahil sabay sabay na nagdadakdakan, kundi man sa mga katabi nila e sa mga celpon nila.

nung mga potpot, pitpit, beep beep sa kalye.

nung mga naglalako sa kalye. ng mga gumagawa sa kalye. at kapag may bata pang umiiyak?

nakow! kung nagkaron ka man ng lakas loob at napa-para ka ng mahina, e walang makakarinig sa yo.

kapag mahinhin ang para mo e baka sa sunod na bayan ka na bumaba.

kung sabayan mo naman ng padyak e baka akalain e may pinapatay ka lang na insekto.

kailangan kasi pag pumara ka e yung tipong ‘saklolo’ ang sinisigaw mo.

malakas at mariiing paraaaaaa!

may ibang super hinhin ang nagagawa na lang e magdabog dahil ang layo na ng binabaan nila. yung iba naman minumura yung drayber. pero anong magagawa e dapat ngang matuto tayo sumigaw ng para na talagang titigil yung nagmamaneho. at dapat may timing para dun mismo sa harap kung san gusto nating bumaba huminto yung drayber.

si kengkay? ay kinakausap ko na yung mga katabi ko at inuuto iiniengganyo ko na sabayan ko sa pagsigaw ng madiing paaaraaa. parang chorus line baga ๐Ÿ™‚

sabay sabay tayo — ah wan, ah tu, ah tri — paaaaraaaaaaa!

ganun lang yon, hahahaha.

sempre wag kalimutang magpasalamat dahilย kakailanganin mo ulit ang chorus line na yon.

Advertisements

47 mga puna »

  1. paraaaaaaaaaaaa

    hahaha galing ng teknik ni mommy keng hihi

    ako man nahihirapan din pumara kasi mahiyain din ako

    pero pag lalampas nako wala ng hiya hiya

    isang malakas na PARAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ๐Ÿ˜†

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 4, 2009 @ 7:50 umaga | Sagutin

    • nakakawala talaga ng hiya pag naisip mo kung gaano kalayo ang lalakarin mo, hehe

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:40 umaga | Sagutin

  2. PARAAAAAAAAAAA!!!! Nailagay na rin pala kita sa links ko…

    Komento ni Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD — Agosto 4, 2009 @ 8:23 umaga | Sagutin

    • ekk, ako ang lumampas ng di kita nalilink, sige consider it done ๐Ÿ˜€

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:41 umaga | Sagutin

  3. hehe..

    ako para talaga kung para ayoko kasi lumagpas at mag lakad ng malayo hehe..lalo na pag madaming dalahin at mabigat hehe..:)

    Komento ni anakngpating — Agosto 4, 2009 @ 8:49 umaga | Sagutin

    • ay yun naman ang masakit, bigat ng dala tapos mega lakad pa, waaa

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:41 umaga | Sagutin

  4. sabi nga sa jeep:

    ‘ang sitsit ay sa aso
    ang para ay sa tao.’

    ayus mami kengks. :p

    eto pa,

    ‘chicks na white cover,
    pang-alis ng hangover.’

    Komento ni flamindevil — Agosto 4, 2009 @ 10:25 umaga | Sagutin

    • basta driver, sweet lover – yun ang pamatay dun, hahaha

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:41 umaga | Sagutin

      • kamusta? ngayon lang ulit ako nakapag ikot.

        Ako, eto favorite ko:

        “Wag ka bukaka, baka tayo mabangga”

        heheheh! winner yan ๐Ÿ™‚

        Komento ni Antipatika — Agosto 6, 2009 @ 12:55 hapon

  5. pag ako pumarang may kasamang tiger look haha

    Komento ni dencios — Agosto 4, 2009 @ 12:58 hapon | Sagutin

    • aba, at para kanino naman daw yung tiger look na yun, ha? ๐Ÿ˜€

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:42 umaga | Sagutin

  6. aku magaleng aku pumara.. hihi nalagay na keta sa links ku. tnx.

    Komento ni Chimmie — Agosto 4, 2009 @ 2:40 hapon | Sagutin

  7. 1,2,3
    paraaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

    naku ako kahet maliit talagang nilalakasan ko para marinig ng drayber!

    Komento ni joycee — Agosto 4, 2009 @ 4:13 hapon | Sagutin

  8. Eh kamusta naman yung mga jeepney driver dito sa amin na ubod ng bingi. Nakakinis na minsan pero iniisip ko na lang na baka pagod na si manong at ang isip eh andun na sa uulamin niya mamaya.

    Komento ni bebeninadoodles — Agosto 4, 2009 @ 8:55 hapon | Sagutin

    • hahaha, alam ko yang sinasabi mo. lalo na pag oras ng tanghalian o kaya ng hapunan, ang gusto na lang nina mamang drayber e makarating sa hapag kainan at wala ng marinig

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:45 umaga | Sagutin

  9. nyahahaha…

    tama tama! dapat tyempuhan mo din ang pagpara!

    depende rin kasi sa bilis ng patakbo ng nagmamaneho..

    baka pag binigla mo ang pagpara, baka mapunta kayong lahat sa harap! har har!

    dapat tamang tyempo at lakas ng loob sa pagpara!

    hehehehehe ๐Ÿ˜‰

    Komento ni junice — Agosto 5, 2009 @ 1:41 umaga | Sagutin

    • kapag biglang preno ay nagkakaron ng espasyo yung mga nakaupong pangkalahati lang ng pasahe ang bayad, ehehe

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:39 umaga | Sagutin

  10. hi momi kengks!sori now lang ako nakadalaw..tagal kong di nakabalik dito..nakakamiss tuloi..

    at astig pala ang style mo ng pag para..ako naman naiinis sa siopauQ pag pumapara.napakahina kasi ng boses sarap kulutin ng dila..ahahay

    Komento ni azul — Agosto 5, 2009 @ 2:56 umaga | Sagutin

  11. kaya ako, dun ako umuupo sa malapit sa driver para di ko na kelangan sumigaw. hahha!

    Komento ni Jason — Agosto 5, 2009 @ 4:01 umaga | Sagutin

  12. Napadaan lang po! Pumara saglit at bumaba sa blog mo! Nice one! Add kita sa link ko.

    http://dormboy.wordpress.com

    Komento ni Dorm Boy — Agosto 5, 2009 @ 5:51 umaga | Sagutin

  13. pag yung mga patok na dyip na byaheng marikina ang masakyan mo, siguradong di ka maririnig pero ayos ang mga yun, malakas ang sound pero pag kelangan mo ng pumara, push the button para huminto

    Komento ni Mars / Kulot — Agosto 5, 2009 @ 5:58 umaga | Sagutin

    • ay oo nga, may mga ibang biyahe ng dyip na push the button, o kaya naman ring the bell ๐Ÿ˜€

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:43 umaga | Sagutin

  14. Magaya nga strategy mo mommy Kengkay next time. Hehehe

    Ako nga sumisigaw talaga ako magnagpapara eh. Pero minsan ang nakakainis eh narinig ka na ngang pumara, hindi parin humihinto yung jeep.

    Komento ni Ampness! — Agosto 5, 2009 @ 6:27 umaga | Sagutin

  15. bohahaha. nako eto nga problema ko dati kasi mahiyain ako. hehe e ngayon di na ko masyado nagjijip pero pag sasakay ako sisiguraduhin ko lagi na sisigaw talaga!

    Komento ni nadine — Agosto 5, 2009 @ 6:45 umaga | Sagutin

  16. Ako papaswit nang malakas, kasi pag sigaw, baka pumiyok ang tono ko hehe. Nauso nuon yung buzzer o โ€˜blinkerโ€™ sa may dashboard ng drayber… wala na.
    Halu, napasyal lang, nakatabi kasi kita ng comment sa isang ka-blog. Bakit kaya ekako nagdisapir din ang mga avatar ni kengkay paris ng sa akin.

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 5, 2009 @ 12:15 hapon | Sagutin

    • ay, nawala na pala yung blinker at buzzer? baka selected metropolis na lang, hehe

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:59 umaga | Sagutin

  17. nyahaha
    nakakamiss mag-commute
    malakas din akong pumara, eh
    at dahil maginoo ako (ata)
    pati yun mga miss na mahiyain na bababa, ako ang pumapara para sa kanila
    ;P

    Komento ni raft3r — Agosto 5, 2009 @ 12:38 hapon | Sagutin

    • ay, baka nakasama ka na rin dati sa chorus line ko? hahaha

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:59 umaga | Sagutin

  18. aw, may eksena naman, natarayan ako ng isang pasaherong malaking mama

    NEXT TIME MISS, SAY IT LOUD..

    Eh hello, ang lakas ng ulan, at may pagkabingi yata talaga si Manong..

    Malakas kaya boses ko.

    Di ko na lang binalikan si MAMA, dahil laki wankata nya eh. togoinks..

    Komento ni shynyrd — Agosto 5, 2009 @ 1:43 hapon | Sagutin

  19. katuwa ka talaga ate.. ako malayo pa sinasabi ko na agad na “mama para lang po sa may ____(kung saan ako baba)” hehe.. para hindi na ako makalimutan eh uulitin ko kapag malapit na ako bumaba. =)

    Komento ni Lalaine — Agosto 5, 2009 @ 5:04 hapon | Sagutin

    • ganyan din ako sa mga konduktor naman ng bus, ilang ulit ko sasabihan, kaya minsan sa asar nila e kunyari di na nila ako naririnig, waaaa

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:01 umaga | Sagutin

  20. hello mami kengks. musta po?

    nakow, problema ko dati ang pagpara. ๐Ÿ™‚ kapag malapit nako lagi akong kinakabahan. bingi kasi lagi ang napapatapt sakin na driver. hahhaa. lagi akong lumalampas.

    Komento ni JOSHMARIE — Agosto 5, 2009 @ 11:21 hapon | Sagutin

    • hahaha, ako kinakabahan din ako lalo na kapag malelate na ako o kaya kapag gabi na. kaya kailangan ko parati ng chorus line sa pagpara

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:02 umaga | Sagutin

  21. haaay naku, brings back memories ng biyahe namin around Metro Manila. Nightmare! mula sa bastos na taxi driver at sa sinabi mo’ng style ng mga jeepney driver. mahirap pero minsan enjoy, nakaka-miss din, mantakin mo?! nami-miss mo rin ang ‘organized’ chaos, i.e., commuting around Manila… uyy, baba na ako… PARAAAAAAA… ๐Ÿ˜›

    Komento ni Jim — Agosto 6, 2009 @ 2:07 umaga | Sagutin

    • di ba sa thailand naman, dun sa mga probinsya nya, e sigaw din ang pagpara? wala rin silang buzzer e

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:03 umaga | Sagutin

  22. sa jeep po malakas boses ko

    madalas ko ginagawa

    katok sa kisame, tapos
    ma sa tabi lang po
    para

    ang haba no?

    di pa pumapalya yan mommy kengks

    hehehe

    Komento ni jason — Agosto 6, 2009 @ 3:46 umaga | Sagutin

    • ay minsan kasi mataray yung drayber at sasabihing – baka ho mabutas yung bubong ng dyip, hehehe

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:04 umaga | Sagutin

  23. paraaaaaa!

    ayun, kapag talagang hindi marinig at lumalayo na ako sa babaan ko, medyo tumataas na ang boses ko..

    Komento ni sandi — Agosto 6, 2009 @ 10:30 umaga | Sagutin

  24. gago pinoy xa! at siguro di mo malaman na marami ring mali sa mga pilipino? hindi tayo perpekto pinapakita nya yon pero pinapakita nya at the same time that we can laugh at our mistakes! hnd mo lng siguro maintindihan? imulat mo mata mo malalaman mong totoo ung mga sinasabi nya dito at matatawa ka na lng? din sa sarili mo….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Dannette — Nobyembre 24, 2012 @ 4:48 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: