Kwentong Kengkay

Agosto 6, 2009

ipitin mo

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 7:30 umaga
Tags:

ay kwentong dyip na naman ito. ganito kasi yon e.

sumakay ako ng dyip. kasama ko si panganay. feel lang ni panganay mag dyip. at gusto ko rin ipa-feel sa kanya kung papano magdyip sempre naman. kasali yon sa pagiging pinoy di ba?

heniway, dahil medyo hapon na nun, medyo uwian na ng iskul, ng opis, at nung mga tumatakas sa trabaho 🙂 — medyo punuan.

kapag ganun halos napupuno na ang dyip kahit na sa isang kanto pa lang sya tumigil.

sakay ng sakay. dahan dahan ang takbo ng dyip.

yung mga pasahero naman sempre urong don, urong dito.  hilahan ng mga kasama.

dalii, dito tayo, ganun! yung iba paurong sa drayber side, yung iba naman dun sa babaan side. kanya-kanyang paboritong pwesto.

ngayon may umakyat na mamang macho.

may espasyo pa naman. tuloy sya sa loob ng dyip. tingin-tingin sya.

e dahil yung ibang mga pasahero ay hindi pa naka-pwesto, sempre minsan dapat makiusap ‘paurong naman po.’ ganun para makahanap ng espasyo.

aba hindi ganon ang ginawa ni mamang macho.

pasok – tingin – at padabog na bumaba ulit!

nainis sya kasi daw ang arte daw nung mga tao sa loob ng dyip.

inirapan kaming lahat, waaa.

inis talo nangyari. edi nagkatinginan ang mga tao sa dyip.

nagkangisian. at nagkatawanan na.

sabi nung isa ‘ay, baka malaki ang balakang nya at di na sya kasya.’

sabi nung pangalawa ‘ay, ang arte naman, macho pa naman sya.’

sabi nung pangatlo ‘ay, kasi naman hindi magsalita e, tingin lang ng tingin.’

sabi naman nung pang-apat ‘ay baka ayaw ipitin.’

sabi naman nung pang-lima ‘ay, lalaki ba talaga yun?’

hahaha – minsan iba din talaga ang simula ng chikahan ano? nagkaron ng comedy relief dahil lang sa mama iyon.

anyway, isa sempre ako sa mga sumabat. ano sa tingin ninyo ang sinabi ko?

ang makahula lilibre ko ng jollibee 😀

Advertisements

22 mga puna »

  1. hehehe… yan ang iniiwasan kong mangyari sakin… ang akusahan ng pasehero na ayaw umurong at magpaupo. kaya kahit medyo “well-endowed” ako all around (sa tagalog — bilug-bilogin), upong bentisinko pa din me palagi 🙂

    Komento ni taroogs — Agosto 6, 2009 @ 9:40 umaga | Sagutin

  2. “baka may pigsa?” – kengkay

    “baka napoopoopoo?” – little kengkay

    hahahaha.

    Komento ni dencios — Agosto 6, 2009 @ 9:58 umaga | Sagutin

  3. dapat kasi upong mahinhin..

    ano ang iyong sinabi? hmmm.. “arte siya…”

    Komento ni sandi — Agosto 6, 2009 @ 10:27 umaga | Sagutin

  4. wahahahaha isa siyang girl…

    Komento ni Fr. Felmar Castrodes Fiel, svd — Agosto 6, 2009 @ 12:44 hapon | Sagutin

  5. “baka meron..” 😀
    hahaha! basta aku ayaw ko sa

    barker: oh dalawahan na lang, kabilaan pa yan..

    late kung late, wag lang mukang panapal-butas, ehehe 😀

    Komento ni chennn — Agosto 6, 2009 @ 1:38 hapon | Sagutin

  6. “ay baka ayaw ipitin.” for sure kaw nagsabi neto hehehe!

    http://dormboy.wordpress.com

    Komento ni Dorm Boy — Agosto 6, 2009 @ 11:40 hapon | Sagutin

  7. hahaha, nakakatuwa naman ang eksenang iyon. ordinary pero may saltik.

    ano nga ba sinabi mo? hmmm

    “baka bayot si macho?!” hehehe

    Komento ni hitokirihoshi — Agosto 7, 2009 @ 1:03 umaga | Sagutin

  8. wahahaha! ako din sasabat kung nandon ako ahaha

    kalalaking tao…

    ” baka bakla?” tama ba mommy keng??

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 7, 2009 @ 2:19 umaga | Sagutin

  9. baka bakla nga! hehehe

    Komento ni shynyrd — Agosto 7, 2009 @ 5:29 umaga | Sagutin

  10. malamang eh nakaipit na ang dapat ipitin at ayaw ng maipit pa,hehehe

    Komento ni p0kw4ng — Agosto 7, 2009 @ 8:06 umaga | Sagutin

  11. bat di na lang sya mag taxi para, atlist dun maluwag hehe..

    si panganay- tulala lang hehe..:)

    musta sa dalawa ate at kay kuya kengkoy..

    Komento ni anakngpating — Agosto 7, 2009 @ 9:18 umaga | Sagutin

  12. wahaha, ang saya naman nun

    Komento ni The Lady in Green Ruffles — Agosto 7, 2009 @ 9:32 umaga | Sagutin

  13. feeling ko ate ang sinabi mo, “sana nakiusap siya, pwde naman dito eh” sbay turo sa kandungan mo..hahaha
    ay nako..naaadik na naman ako..hehehe

    pa link ate! sbay gnon?! hehehehe..

    Komento ni precious — Agosto 7, 2009 @ 9:57 umaga | Sagutin

  14. I missed you all!!!
    Pasensya na kung ngayon lang ako lumitaw.Nasa ospital ako nagpahinga.

    Komento ni Cocoy — Agosto 7, 2009 @ 7:01 hapon | Sagutin

  15. “Ipitin mo!”

    “Itali mo”

    “Ibuhol mo”

    sana my tumama sa tatlong sagot ko.

    Ewan ko ba! ‘ndi naman sa nagyayabang ako ha…

    AKO LANG ATA ANG MACHONG HINDI MAARTE!

    😀

    Komento ni jex sah'pahk — Agosto 8, 2009 @ 1:59 umaga | Sagutin

  16. hihihihi…. ankuletz..

    ano ba kasi nisabi mo?? hehehe

    kulet ko..

    Komento ni junice — Agosto 8, 2009 @ 10:46 umaga | Sagutin

  17. Lumipat na ang Cocoy’s Delight sa malaking bahay.
    NO ID, NO ENTRY

    Paregister para makapasok.

    Invite ko na rin ang lahat na nandito.
    Meet and greet some of my friends at kababayan doon.Meet some beautiful ladies and handsome guys.Hehehehe!

    Ito ang site:

    http://eclarino.ning.com

    Komento ni Cocoy — Agosto 8, 2009 @ 11:45 hapon | Sagutin

  18. ako, sasabihin ko: mama, taxi kayo, sama akooohhh!!!!
    kulet ng kwento, lol

    Komento ni francesca in france — Agosto 9, 2009 @ 8:37 hapon | Sagutin

  19. may nanalo na ba ate kengks?

    hula ko, yung panghuli! haha. kakatuwa naman yun. parang scene sa isang movie 😀

    Komento ni iris — Agosto 9, 2009 @ 11:05 hapon | Sagutin

  20. baka ayaw maipit? hahahha malamang eto linya mo.

    Komento ni bernardumali — Agosto 10, 2009 @ 12:19 umaga | Sagutin

  21. Ikaw yung pag apat! wahahaha.
    Hi kengkay, miss you na! may mag eemail sa iyo, ako ang salarin. Yan eh kung hindi pa ako naunahan ng iba. Sa dami ba naman ng fans mo di va. :))

    Komento ni imom — Agosto 18, 2009 @ 9:52 umaga | Sagutin

  22. Bayot nga kasi puwede naman siya sana sa estribo, di ba macho siya?

    Komento ni madz — Disyembre 1, 2011 @ 5:14 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: