Kwentong Kengkay

Agosto 11, 2009

abroad o pinas?

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:30 umaga

bakit daw?

wala lang. curious lang ako sa magiging sagot ninyo.

kung mabibigyan kayo ng pagkakataon na pagandahin ang buhay ninyo sa parehong lugar na ito –alin ang pipiliin ninyo? at bakit?

abroad ba?

o pinas?

bakit abroad?

bakit pinas?

walang kopyahan ๐Ÿ˜€

Advertisements

55 mga puna »

  1. Waaw. Totoo ba to? Ako ang first commentor? wehehe.

    Ako pinas pa din (hinga ng malalim), kasi sino ang magpapaunlad at magmamahal sa pinas kundi tayong mga pinoy. Kahet puro corrupt ang mga leader naten… haay.. oh well…

    Komento ni duskfading — Agosto 11, 2009 @ 3:15 umaga | Sagutin

  2. AKO pinas pa rin..

    naka ugat na ko dito..

    nandito ang mommy daddy kapatids lolo lola relatoves
    nandito ang kama ko ang unan ko ang kwarto ko
    nandito ang kusina kubeta sala at bubong ko
    nandito ang kapitbahay ko ex-klasmyts ko
    nandito ang newly found frends ko
    nandito ang buhay ko
    dito lang
    nandito sa Pinas..

    kung mag aabroad ako pano
    ko sila dadalhin dun?

    Komento ni jason — Agosto 11, 2009 @ 3:43 umaga | Sagutin

  3. kung mapapaganda naman pala ang buhay ko dito. eddie dito na lang ako ate kengkay kasama ko pa ang mga mahal at kalaro ko sa buhay este yung mga friends ko. iba pa rin yung komportable at magkakasing kultura kayo. pwede pa naman ako paminsan-minsan dumalaw sa iba’t ibang bansa ( kung papalarin.)

    tingin ko naman ang pinaka-major o initial na reason bat nag-aalisan ang mga Pinoy sa ‘Pinas ay dahil sa hirap ng buhay. at maraming umiiyak sa tuwing lilisan sila sa may NAIA. hehehe

    Komento ni hitokirihoshi — Agosto 11, 2009 @ 3:47 umaga | Sagutin

  4. kung ako lang ang may mapagkakakitaan sa pinas upang mapaunlad ko ang pamumuhay ng aking pamilya mas pipiliin ko na ang magstay sa pinas

    Komento ni Mars / Kulot — Agosto 11, 2009 @ 4:40 umaga | Sagutin

  5. Kung maunlad lang sana ang pinas,d2 nlng. Pero magbulagbulagan man tayo, ang katotohanan n walang asenso d2, un ang dahilan para mas piliin k0ng magsilbi sa ibang bansa.

    Komento ni Jeniffer — Agosto 11, 2009 @ 4:54 umaga | Sagutin

  6. May punto ang bawat isa, depende sa prayoridad at ng mga kasama mo sa buhay, sa mga plano ninyo, sa mga pangarap mo. Alam naman natin sa ‘pinas na slim ang chance na maging successful ang isang tao, kahit mga propesyonal na nagtapos ng may honors at mga nakapag-masters ay nahihirapan pa rin magkaroon ng komportableng buhay dahil maraming kakumpetisyon walang trabaho, may trabaho man hindi sapat ang pasweldo.
    Sa isang bagong gradweyt na inhinyero na hindi topnotcher sa boardexam ay mahihirapan makapaghanap ng trabaho, kung papalarin man ang sweldo na ibibigay ay nasa 8T- 10T yan ay kung nasa siyudad ka, pero sa probinsya ay mas mababa pa diyan.
    Sa isang taong may pangarap sa buhay at nais magkaroon ng komportableng buhay ay alam niya na hindi sapat ito kaya makikipagsapalaran siya sa ibang bansa.
    Sa totoo lang may mga sakripisyo talaga kahit na anong piliin mo sa dalawa, naniniwala na tuloy ako na hindi mo pwedeng makuha parehas ang Pagmamahal at yaman, laging meron kang pakakawalan.

    IRONY.

    Komento ni tagamasid — Agosto 11, 2009 @ 5:56 umaga | Sagutin

    • hindi mo pwedeng makuha parehas ang Pagmamahal at yaman, laging meron kang pakakawalan

      .sumasang-ayon ako ng makalibong beses.

      Komento ni partofyou — Agosto 11, 2009 @ 8:56 umaga | Sagutin

  7. pinas syempre.

    kaya ka lang naman pumupunta sa abroad dahil kulang/walang pag-unlad dito eh. eh kung ok naman dito, bakit aalis ka pa? me balut ba don sa ibang bansa?

    Komento ni siyetehan — Agosto 11, 2009 @ 7:29 umaga | Sagutin

  8. Kung Pilipino, talagang dapat sa Pilipinas,
    pero me mga pagkakataong di maipaliwanag ng mabilisan,
    personal man, pampamilya o paggiging makabayan ang dahilan,
    Guhit ng palad di maiwasan, pero teka, bakit naging tula na yata ito?

    Personally, ipon lang ako ng pambisnis, tas sa pinas ko na itutuloy ang kalahati ng buhay ko.

    Komento ni partofyou — Agosto 11, 2009 @ 8:36 umaga | Sagutin

  9. AYAN, DI ko tiningnan ang comment ng iba para makasagot ako ng sarili ko.

    Una, kung may trabaho lang dito sa pinas na ayos ang sweldo at hindi sakto lang na pambayad ng tax, ng bahay at pambili ng pagkain, taz pambigay sa nanay, taz may kasamang pangluho. Bukod sa call center JOBS. At kung tama lang sana ang pasweldo dito. Hindi ako mag-aabroad.

    Pero dahil sa nararamdaman ko na kulang ang pagtumbling, pagluha ng dugo. Pagpapawis ng ilang timba. Pakikipagbuno sa trapik ng 3 oras. AT tumataas ang pangangailangan mo habang tumatanda ka at tipong parang gusto mong libutin ang mundo in instant. Napag isip isip kong mag abroad, kung may opportunity.
    HMMM, gusto kong mag abroad dahil gusto kong tulungan ang nanay ko maabot mga pinapangarap niya. Gusto kong mag abroad bago ako magasawa. Para may maipundar naman ako para sa magiging pamilya ko. Ayun lang po. Salamat. Bow!

    Komento ni shynyrd — Agosto 11, 2009 @ 8:46 umaga | Sagutin

  10. syempre naman sa pinas pa rin ako, wlang polusyon, walng kurakot, walng tsismosa, wlang hilig sa telenovela o rally ang mga pipol…erase erase!..

    hehehe joke lng. but seriously, syempre pinas pa rin. dito nako lumaki eh. and2 and family and friends ko..tsaka baka mamiss ako ng mga umaaway sken! ahaha..

    Komento ni precious — Agosto 11, 2009 @ 11:18 umaga | Sagutin

  11. tsaka bka ma3tay ako kakaisip sa mga iiwanan ko d2 sa pinas…mjo EMO kc ako eh….la la la la la…
    kumanta?! hehehe

    Komento ni precious — Agosto 11, 2009 @ 11:20 umaga | Sagutin

  12. ako talaga, pinas ang gusto kong isagot — kasi nandito ang lahat ng mahalaga para sa akin. buti sana kung pwede kong isama ang mga mahahalagang tao, bagay at lugar na ito sa pag-abroad ko.

    that being said, kung talagang gipitan na at wala na akong makitang kahit ga-hiblang pag-asa… abroad na lang beybeh ๐Ÿ˜ฆ

    Komento ni taroogs — Agosto 11, 2009 @ 11:48 umaga | Sagutin

  13. given the chance, syempre mag stay ako sa pinas mami kengks.

    there’s no place like home.

    Komento ni flamindevil — Agosto 11, 2009 @ 10:21 hapon | Sagutin

  14. Napadaan lang po…

    Ako Pinas pa rin, kung saan ako nasanay at kung saan ako nagsimula…nagkataon lang walang chance para pagandahin ang buhay sa Pinas kaya, abroad muna ako…

    Pero sana mabigyan tayo lahat ng pagkakataon no?, wala na sigurong OFW na binubugbog o nire-rape o ang matindi pa, pinapatay ng amo

    Komento ni LordCM — Agosto 11, 2009 @ 11:16 hapon | Sagutin

  15. Gusto ko pa rin sa Pinas! If ever magaabroad man ako either for short period of time lang tipong matry lang buhay magwork sa ibang bansa.

    Pero to settle down and start a life. Sa Pilipinas kong MINAMAHAL PA RIN AKO!

    Komento ni Dorm Boy — Agosto 12, 2009 @ 4:08 umaga | Sagutin

  16. kung sakaling kaya naman at may pera talaga, sa Pinas ako.

    andito lang ako sa abroad para magtrabaho at ipon.

    Komento ni dencios — Agosto 12, 2009 @ 4:45 umaga | Sagutin

  17. Syempre pilipinas pa rin mommy keng…

    Kung bibigyan ka ng pagkakataon na may magandang trabaho at sapat sweldo para mabuhay mo ang pamilya mo,, syempre dito pa rin sa pilipinas kong mahal..

    maganda ang mga tanawin ..

    Magaganda at gwapo

    magagalang

    hospitable

    san ka pa?? dito pa din ๐Ÿ™‚

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 12, 2009 @ 6:31 umaga | Sagutin

  18. pilipinas..

    pero depende kung sakaling mag karon ako ng opportunity na makapag trabaho dun..baka tanggapin ko mag iipon lang ako at pag nakaipon..mabilasang uuwi din ako dito lahat kasi nandito na at sanay ako sa klima dito hehe..

    dito na lang kasi ate..kung ok naman sa 2 chikiting di ba hehe..

    Komento ni anakngpating — Agosto 12, 2009 @ 7:24 umaga | Sagutin

  19. xempre pinas..pero gusto ko rin namang maranasan kung pano mamuhay sa ibang bansa..siguro dun ako huhugot ng karanasa at inspirasyon para makatulong sa pagpapaunlad ng pinas!

    Komento ni The Lady in Green Ruffles — Agosto 12, 2009 @ 8:02 umaga | Sagutin

  20. Depende sa sitwasyon. Minsan kasi may mga bagay na dapat piliin kahit di mo gusto.

    Pero sa sitwasyon ko ngayon, sa Pilipinas ang gusto ko. Hanggat kaya ko dito, dito lang ako.

    Komento ni Jason — Agosto 12, 2009 @ 11:52 umaga | Sagutin

  21. Hi raquel, sa pinas pa rin ako, anyway, we’re going to settle there for good in two years, masarap mamuhay, kasama ang pamilya, ang cost of living mas mababa compare dito at saka yung body pampering andyan lahat, yon nga lang ipon muna dito sa abroad

    Komento ni an2nette — Agosto 12, 2009 @ 5:22 hapon | Sagutin

  22. Hi Kenks, been awhile.

    For me, at the moment abroad. I started working here na kasi after college. To work and save, help my family then work and save for more. If I were to settle down, Pinas is a place to live syempre (I think that’s when I retire na siguro). Ika nga “there’s no place like home”, “home is where the heart is” pero it doesn’t really matter where we live naman or what country we like to work, as long as na di natin nakakalimutan where we came from, then you will know where you can place yourself, right?

    Komento ni K.noizki — Agosto 13, 2009 @ 4:15 umaga | Sagutin

  23. ako ate sa pinas pa din… kahit anu pa sabihin nila eh love ko ang pinas! yun lang. bow! ๐Ÿ˜€

    Komento ni Lalaine — Agosto 13, 2009 @ 11:05 umaga | Sagutin

  24. Hindi ko muna binasa ang mga tugon ng iba para hindi maapektuhan ang aking kasagutan.

    Kung ako ay may pagkakataon na pagandahin ang aking buhay sa Pilipinas o bansang dayuhan; mas nanaimin kong mabuhay sa aking bansang sinilangan. At baka ako ay makatulong pa sa Kanyang kaunlaran. Pero hindi ko rin masisisi ang iba kong kababayan, kung sila ay nakikipagsapalaran, sa labas ng Perlas ng Silangan.

    Magandang araw sa iyo Ginang Kengkay ๐Ÿ™‚

    Komento ni boypulubi — Agosto 13, 2009 @ 11:20 umaga | Sagutin

  25. PINAS ๐Ÿ™‚

    andito po kasi ang home ko ๐Ÿ˜€

    Komento ni tsenn` — Agosto 13, 2009 @ 1:26 hapon | Sagutin

  26. Pinas pa din ako dito na ko mamamatay andito lahat ng mahal ko eh. ๐Ÿ™‚

    Komento ni joycee — Agosto 13, 2009 @ 3:38 hapon | Sagutin

  27. nag aalab ang balitaktakan dito mommy kengkay hehehe

    Komento ni jason — Agosto 14, 2009 @ 2:30 umaga | Sagutin

  28. Ako po Pilipinas pa rin, di dahil mahal ko ang Pilipinas, kundi dahil nandto lahat ng mga mahal ko. kung wala na sila dto, baka magdalawang isip na ako… pero madami sila, kaya malamang di mangyari ung pagdadalawang isip ko.. hehe!

    Komento ni binx — Agosto 14, 2009 @ 4:42 umaga | Sagutin

  29. Honestly hindi ko alam, kasi hindi ko pa naman na experience tumira sa ibang bansa so mahirap mag compare. Pero kung magkaroon kami ng pagkakataon i’ll grab the chance, para bigyan ng option ang mga anak, magkaroon ng malawak na experience sa ibang mga bagay, culture, para maraming matutunan maging guide sa pagiging mabuting tao.

    Komento ni chona — Agosto 14, 2009 @ 6:30 umaga | Sagutin

  30. Hi ms. Kengks’, dito pa rin ako sa atin sariling bayan.. dahil naririto ang aking pamilya at kaibigan na siyang nagpapaganda ng aking buhay ๐Ÿ˜‰

    Komento ni sandi — Agosto 14, 2009 @ 10:31 umaga | Sagutin

  31. pinas ako! Not because of being nationalist or whatever, it’s just that I love it here. I haven’t had a taste of how it feels in there, but my happiness is based on the people around me who I love and that’s my friends and family. Most of them are here so I’ll stay. ๐Ÿ˜€

    Komento ni cornolio — Agosto 14, 2009 @ 1:52 hapon | Sagutin

  32. magandang tanung yana ah…

    sbi nga nila isa sa mga pinakamagandang tirahan ay ang pinas
    dahil sa ang mga tao dito ay masayahin at friendly at kung masagana
    naman ang iyong buhay iba p din ang lupang pinagmulan mo, kya pinas tayo!
    sana maayos lang ang politika! lol

    Pero masarap din ang mangibang bayan at maeksperyensya ang kultura ng ibang bansa,
    iba pa din ang kaw mismo ang nakakaranas kesa sa nababasa lang sa mga nakalimbag.
    bakasyon lang siguro ๐Ÿ˜‰

    Komento ni vhincent — Agosto 15, 2009 @ 1:00 umaga | Sagutin

  33. ako naman………..dito na lang sa bayan ko ngayon.

    Kung mayaman lang sana kami, sana kung maganda ang hanap buhay ko noon sa dyan pa ako,
    na kung magkasakit familya ko at ako..makapasok agad sa Ospital—-“without down payment”,
    kung sana mga kapatid ko meron magandang hanap buhay, kahit tapos na sila….meron nga wla pa ang sweldo, ubos na……..kasi ang liit.

    Bakit ako lalabas sa Pinas?……….

    kung pareha lang sana dito, na parang equal ang treatment ng tao…..may pera at wala………..
    na sana kung wla akong trabaho, makain, wlang tinirahan……
    meron tutulong, kahit na sasabihin Hard 1V or supported by the govยดt…….
    hindi ako mahihiya, kasi tinulungan ako.

    magkasakit ako dito, meron ambulance car na matawagan,
    meron doctor na mag-care sa akin,
    makapasok sa ospital agad,
    touch and Care by the doctors without MONEY DOWN FIRST………

    na sana kung wla akong wrks or na-football ako sa works,….meron nagbigay sa akin kahit kaunti for my daily needs,
    hanggang meron na man akong wrks. or they help me to find another job.

    dyan na ako sa pInas……….I love pinas very much, mahal na mahal……kaya paano kung magkasakit ako, walang mamakain, walang tutulong………..walang pera?????

    kaya, ngayon makasabi ako, Germany na talaga ako………….

    I think this very well before i do changed my Citizenship-…..before I signed to be a German……….umiyak din ako, iyak na iyak na lahat na “agos” ng luha ko, lumabas, kasi………Akoยดy Pilipina……..

    Pero………..

    Naisip ko lahat…….at meron na akong familya dito at 2 anak……..

    Papers lang ang Citizenship ko, pero PINAY NA PINAY PA RIN AKO::::::
    KILOS; DIWA; PUSO, DIWA at MUKHA KO!……….

    I miss and love Pinas very much………..kaya lang walang kasiguroan ang buhay ko dyan…………hindi ako makatulong sa Familya ko………..

    Sorry to say………..Pinas or Abroad………..

    I Love Pinas………..pero mag-PRACTICAL na lang ako…………Germany.

    PINAS, i do my best to visit YOU now and then, If Godยดs Will………….

    Akin lang ito………..personal experienced ko sa buhay……………

    ako pa rin, VK-Mahalkaayo………..pure bisaya, nakatira sa Germany,….Puso, Kilos, Isip, Diwa, Mukha…………Pinay pa rin.

    Komento ni vk — Agosto 15, 2009 @ 6:37 hapon | Sagutin

    • sumasangayon ako…

      kung sa pinas ay nagiging pantay lang ang mayaman o mahirap katulad dito sa ibang bansa…

      Komento ni mousmous — Agosto 18, 2009 @ 3:45 umaga | Sagutin

  34. haba nang sinundan kong comment ngayon..hehe

    Komento ni flamindevil — Agosto 15, 2009 @ 6:44 hapon | Sagutin

  35. ako, simple..pinas pa rin
    bakit? dahil pilipino ako…

    Komento ni alaehboi — Agosto 16, 2009 @ 11:35 umaga | Sagutin

  36. ako rin..syempre dito sa pinas.
    wala nang sasarap pa dito sa sariling bansa natin.
    nandito ang mga kaibigan, pamilya, at syempre..dahil naniniwala akong ang pinoy ay para sa pinas!

    Komento ni ELIment — Agosto 16, 2009 @ 1:17 hapon | Sagutin

  37. Pinas pa din e, pero kung talagang mas mapapabuti sila sa ibang bansa e pede na din. kupkupin mo na nga ako.

    Komento ni Callcenterguy — Agosto 17, 2009 @ 1:40 umaga | Sagutin

  38. Kung mabago ang sistema, Pinas. Pero sa ngayon, mas maganda magsimula sa ibang bansa, may security sa lahat ng aspeto, sa Pinas, mahirap man sabihin, maayos ang isa pero ‘di ka naman sigurado sa empleyo mo o kahit sa seguridad (socially at physically) ay mahirap talaga.

    Komento ni Jim — Agosto 17, 2009 @ 5:09 umaga | Sagutin

  39. mami kengks..kung ako ang pipillin sa pinas ako…ika nga, theres no place like home..its just a matter of way to find success here.naks..nagsabi.

    Komento ni Maldito — Agosto 17, 2009 @ 6:10 hapon | Sagutin

  40. There is no place like home kengkay! Pilipinas kong mahal pa rin ako… ๐Ÿ™‚

    Komento ni Snow — Agosto 18, 2009 @ 1:02 umaga | Sagutin

  41. Kung ang tanong ay – kung parehong may pagkakataon sa Pinas at sa abroad…saan ko nga ba nais pagandahin at paunlarin ang buhay ko?

    Ang masasabi, GUSTO ko sa PINAS dahil ako’y PILIPINO. Masaya ako dito at andito ang mga kinalakhan ko…ngunit sinubukan ko at ako’y hindi nagtagumpay dahilan sa napakaraming factor na hindi ko naman kayang baguhin. Dahil ang sistema, evolving, hindi kaya ng isang tao lang. Maaring simulan ko o ng kapatid ko o ng kaibigan ko ang pagbabago, pero sa mahigit 80 milyong taong nakatira dito, paano mo mababago ang bawat Pilipino? Kaya naman naging hindi maganda ang sistema ng pamumuhay sa Pilipinas ay dahil na din sa mga “negative traits” ng mga Pinoy (ningas kugon, crab mentality, walang palabra de honor, colonial mentality, selfishness, greed, etc. etc.) Aminin man natin o hindi isa o dalawa ay nasa mga katangiang tinataglay natin. Kung hindi natin minana ang kaugaliang yan, hindi ganyan ang Pilipinas.

    Kaya sa ngayon, pinipili ko munang paunlarin ang buhay ko sa abroad. Hindi ko masasabi kung ako’y babalik, dahil gusto ko man ngayon, maaring bukas ay iba na ang pananaw ko. Ang magagawa ko na lang ay ipadasal ang bayan kong sinilangan…

    Komento ni mousmous — Agosto 18, 2009 @ 3:41 umaga | Sagutin

  42. ako po sa abrod. kase kailangan ko madami pira para sa pamilya ku kaya dun na lang ako.

    Komento ni Chimmie — Agosto 18, 2009 @ 7:52 umaga | Sagutin

  43. i never really wanted to live or work abroad. ang nanay ko antagal na ako pinu-push to go abroad. para magka-$$$$. sabi ko unang-una hindi ko pinangarap tumira abroad. pangalawa, di ako mage-enjoy kung wala ang pamilya ko sa paligid ko. pangatlo, gusto ko ang buhay ko dito. pagod sa trabaho, pero pag gusto mo lumabas at mag-unwind, isang tawag lang sa mga kaibigan, pwede. di tulad sa abroad na lonely at kayod marino para makaipon. at huli sa lahat, baka maubos ang dugo ko kaka-ingles. hahaha. gusto ko mag-abroad para mamasyal lang. hehehe.

    Komento ni antuken — Agosto 18, 2009 @ 7:47 hapon | Sagutin

  44. Arte maganda na rin yong may cross breed no, tingnan mo ako Tisay. LOL. Try nyo namang mag Dora Explorer no, nationalista nationalista ala namang malasakit sa tao, ano yon. Magpakatotoo na lang, di pa nga nasusubukan ayaw na. Basta ako magpayaman ako sa ibang bansa, promise ambunan ko kayong lahat.lol

    Komento ni chona — Agosto 19, 2009 @ 3:50 umaga | Sagutin

  45. PINAS!!! hahaha sabi nga ng tatay ko, kahit na mahirap sa Pilipinas at nakatungtong ka na sa ibang bansa, Pilipinas pa rin ang hahanap-hanapin mo! hahaha I do believe that wherever Filipinos may be in the globe, there will always be a part in their hearts that was left in the Philippines. ๐Ÿ™‚

    Komento ni piapot — Agosto 19, 2009 @ 7:19 umaga | Sagutin

  46. […] Isinalansan sa: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:27 umaga huy, umaalab ang diskusyon sa abroad o pinas ha. sori di ako maka sagot pero kasi laki ng problema ko. atsaka ko na […]

    Pasa ni mambobola « Kwentong Kengkay — Agosto 19, 2009 @ 8:31 umaga | Sagutin

  47. hmm… kung ba meron din magagandang chances sa pinas e di sa pinas pa rin dahil makakasama ko pa nanay ko….pero sa realidad e mahirap ang buhay sa tin. kahit kayod kalabaw na e hirap pa ring umangat kaya marami pa rin ang umaalis.

    umalis ako sa pinas dahil nais kong magturo….at naku, sa pinas e mamumulube ka talaga kung mag-te-titser ka dun. e wala pa naman akong talent sa sales kaya di ako pwedeng magbenta ng yema, pulburon o tinapa sa mga studyante.

    pagkaalis ko e sabi ko sa sarili ko na babalik din ako kagad basta makaipon ng kaunti kanya lang… hayan… ang napangasawa ko naman e hindi taga sa tin kaya mukhang matatagalan pa bago kami magretire at tumira forever sa pinas.

    Komento ni myla — Agosto 26, 2009 @ 1:56 hapon | Sagutin

  48. howdy admin. i must say that you simply have a very nice blog(abroad o pinas? Kwentong Kengkay) and i was genuinely impressed with it.i’m new to blogs and i would love to know other blog writers and learn from their website. My blog(http://www.und3rdogs.com/bookmarks.php/tioukoikii) is very new and i am still learning to work with it. i hope i will get to learn a whole lot from blog writers like you. cheers for this well-written post.

    Komento ni Evan Sellers — Abril 27, 2011 @ 11:24 umaga | Sagutin

  49. Do you people have a facebook fan page for abroad o pinas? Kwentong Kengkay? I searched for 1 online but couldn’t come across it, I’d love to become a fan!

    Komento ni Serina Thomas — Abril 27, 2011 @ 3:00 hapon | Sagutin

  50. Para sa akin dito pa rin ako sa ating bansa. Mas may mahal ako sa sariling bayan kesa ibang tao aking pagsilbihan. Una , dapat nating bigyang depinisyon kung ano ba talaga ang gusto natin sa buhay, Yung desire natin. Kung ano ba para sa atin ang ibig sabibin ng tagumpay at kung Saang direction tayo tutungo. Kase kapag naisagot natin ito, malamang pwedeng sa pinas o abroad ang tagumpay na gusto mong makamtan. Ikalawa, mas masarap ang matamis Ang tagumpay kapag dito ka sa inang bayan umasenso kesa ibang bansa. Alam natin emerging economy pa tayo, ibig sabihin , ang tao dito ay papuntang 2nd world to First world ,ibig sabihin lahat o halos ng populasyun ay nasa mahirap,kaunti ang middle class at konteng konte ang mayayaman. Ang ibig sabibin nito maraming puwang o spaces sa pagiging mayaman dito sa ating bansa. Mas yayaman tayo dito kapag nakita Lang natin kung saan ang daan papunta dito. At kung naging mayaman man tayo dito maraming kababayan ang matutulungan natin matupad din ang pangarap nila. Ikatlo, para sa akin , ang tunay na kayamanan ay nanggagaling sa ating sarili. Saan ka Mang Lugar nandidito sa ating puso ang tunay na kayamanan. Ang mabuting paghawak ng pera kung saan ito gagastusin, pag iimpok ay Isa ring susi sa tagumpay. Ang pag yaman ay Hindi nasusukat sa Dami ng pera,ariArian o kaibigan, para sa skin ang kayamanan ay kapag naibigay mo.ang tagumpay sa iyong kapwa ay Isa ito sa pagiging tagumpay mo rin. Minsan ang pging mayaman ay nakikita ng Pilipino na tagumpay,pero ang tinatawag na tagumpay(success) ay nag dedepende ito sa bawat puso ng tao.

    Komento ni migz faustino — Hulyo 12, 2014 @ 8:54 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: