Kwentong Kengkay

Setyembre 8, 2009

dir krispy kreme

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:52 umaga
Tags:

gusto ko lang naman sanang mag-uwi ng pasalubong sa mga little kengkays ko. at ang pinakamalapit sa amin nung pagkakataong iyon ay ang krispy kreme.

halahating dosenang original glazed for take-out at isang pirasong sneakers classic original na paghahatian namin nung kapatid ko ang order. patikim lang naman. ang huling punta ko sa krispy kreme e nung marso pa. isang dosenang glazed naman ang binili ko at isa lang ang natikman ko πŸ˜€

mabalik tayo sa ngayon.

pagpasok ko pa lang sa krispy kremeΒ napansin ko na yung mga tambay. sosyal sila kasi may mga laptop. tambay na may laptop, huh! nakita ko kasi pala may wifi. napansin ko rin yung mga taob na na inumin at yung mga mumo ng donuts sa tabi ng mga tambay na sosyal. napansin ko rin na bawat isang tambay na sosyal e tigisang plato ng donut at isang inumin.

naisip ko lang… kung may laptop ako? bakit ako tatambay sa libreng wifi? kapag may pera ako bumili ng laptop, may pera din ako magpalagay ng internet sa bahay o gumamit ng broadband. kung wala akong pera pambayad ng internet; edi mas wala akong karapatang bumili ng laptop. pwera na lang kung pagamit ng kumpanya yung laptop o pahiram lang ng isang mabuting uto-utong kaibigan, edi isa din akong sosyal na tambay, hehehe. opps, biglang bumigay sa huli ano? heniway…

pumili kami ng donuts. dami ng tao. pila kami. dami ng tao. ang tagal ng kahera. dami ng tao. pila kami. antay kami. sa dami ng taong yon; sempre naman courtesy na buksan dapat nila yung isang kaha di ba? kasi naman dami ng tao. pila kami. atsaka bibili naman kami di ba? magbabayad naman kami.

sempre naman hindi ganon ang nangyari. aba naman, uuwian ko lang naman ang mga little kengkays e. pero hindi ko sila pag-aantay ng ganon katagal para lang uwian sila ng donuts na ang mahal na nga ng presyo e ang parang VIP pa kung antayin ko i-serve sa akin. buti sana kung libre.

masarap din naman ang mr. donuts at dunkin donuts, mas mura pa.

pila kami. antay kami. dami tao. isa pa rin ang kahera. ang bagal pa.

nainis si ako. sabi ko sa kahera ‘ms. pakicancel na yung order kong glazed, tenks.’ at sabay walk out.

nashock si kahera. may i look lang sya sa akin. may i look din yung mga nakapila.

ako? may i not look back na.

goodbye krispy kreme. goodbye original glazed.

dieta si kengkay at napagalitan ako ng mga little kengkays kasi wala daw akong pasalubong. kinuwento ko sa kanila ang nangyari sempre at nagpalitan kami ng kuro-kuro. at yun ang naging pasalubong ko sa kanila… ang bonding time πŸ˜€

Advertisements

24 mga puna »

  1. nakana base ako

    walang aangal nako!!!

    Komento ni jason — Setyembre 8, 2009 @ 6:28 umaga | Sagutin

  2. pati po mga starbucks at coffeebean tambayan na rin po ng mga nagleleptep at
    isang order ng coffee only.

    GANUN!!

    ahahah ang taray pala ni mama kengkay

    hahaha di nakapalag ang krispykreme crew
    naks!!

    thats mah mama!

    πŸ˜€

    eheheheh

    kamusta na po??

    Komento ni jason — Setyembre 8, 2009 @ 6:54 umaga | Sagutin

  3. wahehehe…

    panalo ka talaga mommy kenks… taray…

    ganun sana…

    kawawa naman little kenkay wala clang pasalubong…. isantabi daw po muna ang pagtataray para may pasalubong… ehhe

    Komento ni yhen — Setyembre 8, 2009 @ 9:16 umaga | Sagutin

  4. hahaahhaha! tama ka mommy kengks… kung may laptop, may pambayad ng internet sa bahay, di ba? teka, teka… hindi umepek ang appeal ng krispy kreme sayo ng ganun katodo at nagawa mong isnob sya? hehehehe!

    paging krispy kreme… be sensitive…. pagkain pa naman ang sineserve…

    Komento ni ifoundme — Setyembre 8, 2009 @ 10:30 umaga | Sagutin

  5. ayaw ko din ang matagal na paghihintay sa linya, (o kung sosyal : queue, hehehe) mainipin kasi ako.
    tama lang ginawa nyo, ms. kengkay… nagawa na din namin ng misis ko iyan, madaming beses na.

    Komento ni docgelo — Setyembre 8, 2009 @ 3:23 hapon | Sagutin

  6. hi mamakengkz! kamusta po? πŸ˜€ tenks po sa meri krismas nyo nung dec08 pa haha πŸ˜€ .. agree ako tungkol dun sa laptop, bakit ba kelangan dalhin sya sa mga ganyang lugar? bagal kaya ng wifi haha dun na lang ako sa bahay kasi mabilis internet πŸ˜€ .. gusto ko din ng krispykreme, wala kasi nyan dito.. may dunkin, kakabukas lang pero wala silang choco butternut 😦

    Komento ni lilmiz — Setyembre 8, 2009 @ 6:08 hapon | Sagutin

  7. naku ako mommy kenks, ayaw ko ng kwento pasalubong lang talaga. hehe

    ahays, ang swerte naman ng mga tambay na yan free internet. parang ‘yong kilala ko lang yan. sobrang ganda ng cellphone pero walang pang load. nakikitxt. haha

    Komento ni eli — Setyembre 9, 2009 @ 2:52 umaga | Sagutin

  8. ay, nagwalk-out ang mommy kengs! ang shoray, may i not look back talaga!

    minsan yan nga problem sa krispy kremes, ke haba ng pila at ang tagal. di ko alam kung slow lang talaga service nila o ano. but with or with out pasalubong, im sure bongga ang bonding moments with little kengkays.

    nice to see you nga pala nung EB… kahit din man tayo masyadong nakapagkwentuhan. sana may next time pa πŸ™‚

    Komento ni Winkie — Setyembre 9, 2009 @ 3:34 hapon | Sagutin

  9. yay, sana kaya ko rin ang ganyang moment.. ahehehe

    ayos…

    Komento ni shynyrd — Setyembre 10, 2009 @ 3:57 umaga | Sagutin

  10. Fav ko yan krispy kreme, madalas kong kainin when i was working abroad.

    Komento ni TSI — Setyembre 10, 2009 @ 2:07 hapon | Sagutin

  11. joray ni mami o!!

    hinde mo man sila napasalubungan ng donut, mas masarap naman ang pasalubong mo sa kanila,, weee. πŸ™‚

    Komento ni joycee — Setyembre 10, 2009 @ 6:14 hapon | Sagutin

  12. Masarap talaga ang krispy kreme kaya lang medyo diyeta ako sa pagkain ng matamis dahil bawal…hehehe… πŸ˜‰

    Komento ni Snow — Setyembre 10, 2009 @ 11:50 hapon | Sagutin

  13. Ang taray ng ate ko, hahaha.
    teka lang, andito ka ba sa pinas?

    Komento ni imom — Setyembre 11, 2009 @ 1:08 umaga | Sagutin

  14. whahaha… firstime ko dito miss kenkay, at parang hindi ako mag gogoodbye sa mga sulat mo.

    yung friend ko din natatawa sya sa mga nakatambay sa kopi shop para makapag internet…

    gusto ko ng krispy kreme kasi may libreng isang donat… hahaha

    Komento ni livingstain — Setyembre 11, 2009 @ 4:10 umaga | Sagutin

  15. pa tumbling muna dito mommy kengaky
    miss na kita

    naks

    gumaganoon ang hamster

    Komento ni jason — Setyembre 11, 2009 @ 8:39 umaga | Sagutin

  16. joray ni mami o!!

    hinde mo man sila napasalubungan ng donut, mas masarap naman ang pasalubong mo sa kanila,, weee. :)…

    Komento ni Auch — Setyembre 12, 2009 @ 5:49 umaga | Sagutin

  17. at talagang may i walk out drama mo mare..heheheheh..minsan kailangan talagang mag-inarte..ako trip ko rin minsan hehehehehe…musta na…..salamat pala at nagkita tayo…imagine….

    Komento ni blurosebluguy — Setyembre 12, 2009 @ 6:33 umaga | Sagutin

  18. Ang badtrip tlaga pag ganun. Ung ibang KK branch naman, pag nakita nilang mahaba na ang pila..ung store supervisor na mismo ang nagbubukas ng vacant na kaha at sia mismo kumukuha ng order…

    sayang napakasarap nga naman talaga kasi ng mga donuts nila dun…parang dinadasalan muna ng 12 madre sa sobrang heaven ang sarap.

    Komento ni aperockstar — Setyembre 12, 2009 @ 3:45 hapon | Sagutin

  19. kengks ok na sakin ang pandesal mo πŸ˜€

    pasosyal lang sila wala namang pera haha

    Komento ni dencios — Setyembre 12, 2009 @ 4:17 hapon | Sagutin

  20. sana inirapan mo na rin yong kahera.hahaha

    Komento ni taympers — Setyembre 13, 2009 @ 7:08 umaga | Sagutin

  21. krispy kreme, anay sa laman! ibagsak! ibagsak!! ibagsak!!! (ang presyo. hehe)

    Komento ni taroogs — Setyembre 14, 2009 @ 9:30 umaga | Sagutin

  22. buti nga yong tambay na nakita may binili naman…yong iba tambay lang talaga, hihingi pa ng libreng tubi πŸ™‚ hay naku, minsan talaga kakainis sa tin. haba ng pila, ang tagal bago ka ma-entertain.

    Komento ni nina — Setyembre 18, 2009 @ 6:47 umaga | Sagutin

  23. […] umikot ang paningin kasi dun pala kami napapwesto sa dessert station, yum! chocolate fountain, krispy kreme, ice cream, basta lahat ng nakasakit ng ipen […]

    Pasa ni proud gate crashers :D « Kwentong Kengkay — Marso 25, 2010 @ 1:15 hapon | Sagutin

  24. Oh My God! Have? mercy on us! I hope noone notices he’s a pinoy…….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Valarie — Nobyembre 24, 2012 @ 4:58 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: