Kwentong Kengkay

Setyembre 14, 2009

tulog na taksi drayber

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 7:04 umaga
Tags:

minsang nakipagkita ako sa mga makukulit na mga ka-blag ko at umabot kami ng dilim dahil sa saya; muntik ng magkalimutan umuwi, heheh.

kaya lang sempre, may nag-aantay na little kengkays kaya alas dies ng gabi e cinderella na ako. may mga makiki-sali pala sa aking pag-alis at nag-share na din kami ng taksi. mabuti na lang dahil nalimutan ko pala ang aking salamin sa mata kaya naman bulag ako sa dilim.

sakay kami ng taksi. isa sa harap, dalawa sa likod. paglabas pa lang sa kalye ng taksi e naririnig ko na syang naghihikab. paglabas pa lang ng taksi e muntik na kaming may makaskas na sasakyan. pero akala ko yung isang drayber ang may kasalanan.

chikahan sa loob ng taksi pero parang nakakahilo yata yung pagmamaneho nung drayber. o baka ako lang yon kasi nakainom ako ng coke? ewan ko ba. pero nung bumaba na si hamster e parang lalong naaalog yata ang utak ko. halos kalabitin na nung taksi namin yung malaking truck na bumabaybay ng matulin sa EDSA. sabay pa nun e ang mga hikab at pagiinat ng drayber. nyayyy.

sabi ko tuloy kay joycee e bumaba na kaya kami? gusto kong umuwi ng bahay ng buo katawan at pagiisip ko ano.

at dun na po nagsabi ang taksi drayber ng ‘mam, baka pwedeng sabay na lang kayong bumaba? kasi inaantok na ako e.’ nyayy ulit! help! hindi naman kami pwedeng basta na lang bumaba dahil madilim na yung mga lugar na dinadaanan namin.

pero nung nakakita kami ng maliwanag na lugar e bumaba na rin kami. sinabihan ang taksi drayber na uminom muna ng kape bago tumuloy sa kung saang byahe. pero sa loob-loob ko lang, gusto ko syang iwagayway na parang bandila dahil sa dagang nilagay nya sa dibdib ko. grrrrr.

kayo ba, may mga ganyang karanasan na rin? at ano ang ginawa ninyo?

Advertisements

12 mga puna »

  1. naku naman!

    hindi mo naman masisi si manong drayber dahil gusto nyang kumita,

    pero kung buhay naman ang maaaring maging kapalit… tsk tsk

    madalas ako mag taxi pero sa awa ng Diyos wala pa naman, pero kung pag uusapan ang mga garapal madami na!

    suwertihan lang talaga pag may mababait na Drayber.

    salamat at nakauwi kayong nasa mabuting kalagayan 🙂

    Komento ni otep — Setyembre 14, 2009 @ 8:18 umaga | Sagutin

    • ay, sising sisi ako dyan sa drayber kasi kung gusto nya kumita, dapat ayusin nya ang sarili nya. mangdadamay pa sya. dapat kung alam nyang antok na sya, tigil muna sya byahe di ba? papano sya kikita kung sira ang taksi nya at bali buto nya?

      Komento ni kengkay — Setyembre 16, 2009 @ 1:24 umaga | Sagutin

  2. nyay katakot nga yun ganyan mami kengks! nakasakay na rin ako nyan may isang lalaki katok katok sya sa bintana ng taxi na sinasakyan ko kinabahan ako kala ko holdaper or sumtin yun pala kinakatok nya yun driver ng taxi kasi tulog na!!! waaahhh buti nakauwe pa rin ako pero sabi ko sa driver wag na sya pickup pasahero kung ganun antokers na sya baka makadisgrasya lang

    Komento ni pusa — Setyembre 14, 2009 @ 8:31 umaga | Sagutin

    • ay talagang nagpahatid ka pa hanggang bahay nyo ha. kung ako yun baba na agad ako sa maliwanag na lugar

      Komento ni kengkay — Setyembre 16, 2009 @ 1:24 umaga | Sagutin

  3. wala pa naman mami kengks.

    buti na lang at hindi na din ipinilit ng drayber.

    at buti at hindi mo din siya sinaktan hahaha

    kung ako yan ibibili ko siya ng yosi at mag break muna siya

    Komento ni dencios — Setyembre 14, 2009 @ 9:10 umaga | Sagutin

  4. aysus…at ito pala ang kwento ng pag-uwi ninyo…hehehehhe…..mas mabuti na rin na pinababa kayo….iwas disgrasya …..mami kengks …nakabalik na po ako dito sa roma….sana nasa mabuting kalagayan kayo dyan….
    naaalaala ko pa rin ang ating mga pinag-usapan….

    Komento ni blurosebluguy — Setyembre 14, 2009 @ 12:08 hapon | Sagutin

    • adventure pa rin ang paguwi namin, hehe. sabi ko nga sa yo, medyo okay na kami. pero mas okay kung patuloy ang paggagabay ng dasal para sa amin, salamat!

      Komento ni kengkay — Setyembre 16, 2009 @ 1:26 umaga | Sagutin

  5. Katakot yang mga antukin na taxi driver Kengkay. Iwas ako sa ganyan, usually kapag nakakita akong taxi driver na ganyan – bumababa ako. 😦

    Komento ni Snow — Setyembre 15, 2009 @ 3:40 umaga | Sagutin

    • minsan hindi mo rin kasi agad maramdaman e. lalo pat gabi na at tutulog-tulog ka na rin, hays

      Komento ni kengkay — Setyembre 16, 2009 @ 1:26 umaga | Sagutin

  6. Ekshuli mas natakot ako para sa kanya mami, gusto ko syang samahan bumili ng kape para magising-gising sya.

    Nakauwe kaya sya ng maayos??? Waaah.

    Komento ni joycee — Setyembre 15, 2009 @ 1:53 hapon | Sagutin

    • mabuti nga ikaw natakot para sa kanya, e sya kaya hindi natakot para sa sarili nya? sana naman nakauwi sya ng maayos at dapat magtanda na sya sa mga ganong gawain.

      Komento ni kengkay — Setyembre 16, 2009 @ 1:27 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: