Kwentong Kengkay

Setyembre 23, 2009

telepon, telepon

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 1:02 hapon

alam nyo yung larong yan?

telepon, telepon, tats and run, so is you, run and run and go away… telepon, telepon… yung may skipping rope tapos tatalon, talon tapos dapat lalabas pag sinabing ran away…

wala lang, yun lang.

naisip ko lang yan kasi ganito yon.

kailangan ko tumawag sa credit card company… ang sabi sa kin ‘all circuits are busy now, please try your call later.’ mga ilang milyong beses ko na syang narinig, kasi nung biernes ko pa sya dina-dial e hanggang ngayon, mierkules na — all circuits are busy pa rin daw. baka naman hindi na nagbaba ng telepono yung huling kausap? ano sa tingin ninyo?

edi kapag may nangholdup sa inyo o kung may nag isnats ng wallet ninyo, papawisan kayo ng ga-munggo dahil baka isang taon na e di nyo pa napapacancel yung credit cards ninyo dahil all circuits are busy pa rin.

sa tingin ninyo, pagbabayarin kayo nung bills na hindi naman kayo ang gumamit ng cards? 

sa tingin ninyo, magbabayad naman kaya kayo?

tapos eto pa, pldt naman. nag ri-ring naman… kaya lang, parang walang alam yung mga kausap ko. kaya ring lang rin sila ng ring kapag kausap mo. kasi kung ano sabihin nung isa, kapag binalikan mo ulit, iba na naman sasabihin nung isa. e pareho lang naman yung tanong ko.

may sarili sarili silang kwento. parang… parang… inuuto ba nila ako? tanga ba talaga ako?

at kapag pumunta ka naman sa pldt ofis nila? kukuha ka ng number. ako ang nakuha ko 82, napansin ko ang huling number na nakapaskel e 50, so parang ang tagal ko yata mag antay ano? di naman… kasi di ko na naantay. e susunduin ko na mga little kengkay sa iskul, hindi pa rin tinatawag yung number ko e. ilang oras ako nag antay? dalawang oras lang naman.

nung umalis ako? asa number 71 pa lang sila. pwede pala magpicnic sa pldt ofis, o kaya magtinda ng barbecue o magkutuhan o magpapedicure sa tagal ng antay mo.

mantalang kapag mag apply ka e isang iglap, yun nga lang bago ka makabitan e, ilang milyong iglap din antayin mo. pa VIP na sila kapag customer ka na nila ganun!

telepon, telepon, tats and run, so is you, run and run and go away 😀

please—ipagpatuloy ang pagdasal para sa pamilya ni kengkay… ang sakit po talaga 😦

Advertisements

9 mga puna »

  1. kengkay….talaga naman….telepon na yan….anyways kaya ako napabisita dito sa bahay mo ay para sabihin sa iyo na patuloy pa rin ang pagppray ko sa iyo…in fact…nagsindi pa ako ng kandila sa blogsite ko…pwede pakikuha na ang kandila mo…..

    Komento ni blurosebluguy — Setyembre 23, 2009 @ 3:47 hapon | Sagutin

  2. hay yan ang pinakakaasar gawin..ang maghintay sa pila!

    kahit di ko alam ang pinagdadaanan nyo ngayon kengks..kasama ka sa mga dasal ko!

    Komento ni p0kw4ng — Setyembre 23, 2009 @ 5:43 hapon | Sagutin

    • pila dito, pila duon… wala ka ng magawa dahil antay pila ka na lang buong araw, haysss

      hindi pa ako ready ikwento, pero kapag ready na ako, malalaman nyo rin kasi dapat ninyong malaman e.

      Komento ni kengkay — Setyembre 24, 2009 @ 12:55 umaga | Sagutin

  3. KAYA MO yan mommy kengkay…
    God bless po…

    Komento ni shynyrd — Setyembre 24, 2009 @ 1:43 umaga | Sagutin

  4. hayy naku! PLDT sucks! yung internet namin laging down..

    tsk tsk tsk..PLDT talaga oh…

    Komento ni mr. sleepyhead — Setyembre 24, 2009 @ 6:08 umaga | Sagutin

  5. karaniwang sistema ng pinas yan mami kengks.

    nakakaburaot talaga.

    kaya hindi umaasenso!

    **

    ill keep praying for u.

    Komento ni dencios — Setyembre 24, 2009 @ 8:38 umaga | Sagutin

  6. haaay Pilipinas nga naman oo…

    nwei, my prayers are with you mommy kenks… 😉

    Komento ni yhen — Setyembre 24, 2009 @ 9:42 umaga | Sagutin

  7. nakwento mo na to sakin ate at pareho tayo pag pldt haha..
    kung ano ano pinag sasabi nila hang kulet hehe..

    Komento ni anakngpating — Setyembre 25, 2009 @ 4:20 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: