Kwentong Kengkay

Setyembre 26, 2009

baha

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:20 hapon

kailangan namin ng temporary home, for rent or pa-ampon 🙂 please leave a comment or email me. salamat po.

binaha din po kami.

naiwan pa naman sina kengkoy at mga little kengkays magisa sa bahay.

maimagine nyo kaya ang shock nila nung nakita nilang lumutang ang ref? at biglang tumumba?

nung makitang mapuno ang buong first floor ng bahay ng tubig baha?

nung hindi makaluto dahil nga baha na ang buong kusina at pati mga pagkain e lumulutang na rin?

wala kasi ako dahil gustong dalawin ang isang pinsan na asa ospital. na stranded kami sa pasig dahil sa flash flood. 9 hours kaming andun.

nakamonitor lang ako sa bahay namin. hirap ng ganun.

nakauwi kami pero gapang ang sasakyan.

paguwi ko…ayun. gapang din ako sa baha. wala na sa loob ng bahay, sa kalsada na lang.

pero ang mga kasangkapan. halatang nagsilutang kasi wala ng ayos. basa ang hagdan pataas at sempre, daming gamit na nakakalat.

wala na ring mabilhan ng pagkain.

pero pasalamat pa rin ako at tulog na ng mahimbing ang pamilya ko. bukas na ang kwentuhan namin.

ngayon eto, sino ang may alam ng bahay na matirhan? kailangang iwan na namin itong bahay namin ngayon. kung sino may alam, paki email ako o paki iwan ng comment dito. salamat po.

at sa buong Pilipinas, magdasal po tayo na cleansing lamang itong nangyari sa atin. ang tubig ay naglilinis, di po ba? eto pang isang mabilisang post tungkol dyan.

Advertisements

12 mga puna »

  1. Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw sa bahay ni Kenkay.
    Medyo naging abala lang tayo.

    Lumipat na pala ako ng bahay.

    Ito ang addy:

    Balitang Candelaria
    http://eclarino.ning.com

    Komento ni Cocoy — Setyembre 26, 2009 @ 10:55 hapon | Sagutin

  2. I hope things work out fine keng. Ingat kayo. Hugs sa mga little kengkays.

    Komento ni imom — Setyembre 27, 2009 @ 12:05 umaga | Sagutin

  3. sana makahanap agad kayo ng malipatan. Ingat.

    Komento ni ging — Setyembre 27, 2009 @ 2:28 umaga | Sagutin

  4. Good to know safe ang buong pamilya. Sana ay makahanap agad kayo ng bahay. Stay safe.

    Komento ni Lynn — Setyembre 27, 2009 @ 5:11 umaga | Sagutin

  5. Hello po! Sana you’ll find a temporary haven na as soon as possible and that the rain would stop so people can repair the damages and because pinoy’s are resilient, they can get on with their lives.

    Yngat po!

    Komento ni Mackay — Setyembre 27, 2009 @ 7:54 umaga | Sagutin

  6. naku mommy kengks, maliit lng po ung house namin baka ang mga little kengks lang magkasya. hopefully po, makahanap na kau malilipatan.

    Komento ni binx — Setyembre 27, 2009 @ 8:05 umaga | Sagutin

  7. Wish I can help kengs.Kung dito lang yan,inampon ko na kayo!! BTW,try mo tong link na to,

    http://cavite.olx.com.ph/houses-apartments-for-rent-cat-363

    Not sure kasi sa budget at preferences, I’d suggest google na lang.Hindi ko alam kung alin aling lugar ang hindi affected eh.It will take time ito pero ganito,para hindi masyado ma waste time mo sa paghahanap,tulungan kita sa pag-hahanap online,email mo sa akin mami kengs preferences & budget.Then,will enlist the contact person at handy nos.to your mailbox.Para call ka na lang ng call.

    Ingat raquel!My prayers for you & your family ((hugses))

    Komento ni cheh — Setyembre 27, 2009 @ 1:59 hapon | Sagutin

  8. kahit nagbabasa lang ako, kinikilabutan din ako sa nagyari sa bahay nyo.

    thank God at safe pa rin kayo…i will include you po in my prayers….

    Komento ni Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD — Setyembre 29, 2009 @ 12:32 hapon | Sagutin

  9. Hello! I am one of your avid readers. Hindi pa tayo nag meet and hindi din magkakilala, gusto ko lang basahin lagi ung blog mo. No, hindi ako stalker ha hehe. Mommy din ako gaya mo kaya madami ako napupulot sa blog mo. Anyway, saan particular area ba ang target mo? Taga-Laguna kasi ako. Hindi affected ang area namin. Baka matulungan kita kung Laguna area. Let me know. =)

    Komento ni Rhea — Setyembre 30, 2009 @ 3:42 umaga | Sagutin

    • hi rhea,

      salamat sa tulong ha! masyado malayo ang laguna dun sa school ng mga bata e. pero sabi nga ng mga friends ko dun e wala daw baha sa karamihan ng areas ng laguna. nakahanap na rin kami ng bahay 🙂

      Komento ni kengkay — Oktubre 9, 2009 @ 12:49 umaga | Sagutin

  10. aww, mabuti at ligtas pa din kayo, ingat kayo dyan. Perhaps its God’s reminder to everyone that we should all be changing our minds about our way of lives…

    I’ll be praying for all of you.

    Komento ni mousmous — Oktubre 2, 2009 @ 3:42 umaga | Sagutin

  11. ate kengks! dito na pala kayo sa manila naka-base? huli na talaga ako sa balita. kamusta kayo?

    Komento ni iris — Oktubre 11, 2009 @ 8:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: