Kwentong Kengkay

Oktubre 16, 2009

si kengkoy at ang skyway

Filed under: Kwentong Kengkoy — kengkay @ 12:12 hapon
Tags:

unang pasok ni kengkay sa skyway, nalito po kami. hindi namin alam kung saan kami daraan. pagkita na lang namin e nasa harap na kami ng e-pass only. kinalabit na kami ng mamang pulis at pinatabi. violation daw yun. yung taga lto dumating at kinukuha na ang aming lisensya. waaa!

mamang lto, bagong salta lang po kami sa skyway. parang awa nyo na po.

nakiusap. nakiusap. at may konting iyak na pakiusap pa. pinalaya din kami matapos akong mag-name drop. langya, nakakalito naman talaga dun sa skyway e dahil labo ng patakaran at di klaro para sa mga baguhan ang mga tatak nila. lalo pat di tonto ka sa maynila.

magmula nun, yung kasama ko, ayaw na pumasok sa skyway. kahit na sobrang trapik sa baba, tollway na lang daw sya. edi pasok si kengkoy. bakit naman daw ayaw naming mag skyway e mas mabilis daw dun.

sabi namin, o sige, lakasan na lang ng loob.

saan ba talaga ang labasan, koya?

saan ba talaga ang labasan, koya?


pasok kami ng skyway pero bago yon; idiniin ko na sa kasama ko — DAPAT DUN KA SA KANAN! cash tayo dapat at hindi e-pass.

edi sempre, si kengkoy ang pinakinggan ng mokong. at ang sinisigaw ni kengkoy sa kanya e — go to e-pass, left, left, left!!! waaaaa…

huli na ang lahat. sa e-pass na naman kami nabagsak. andyan na, nakita ko na ang pulis. nerbiyos na ako dahil ayokong ma aberya na naman.

ang kengkoy, cool lang. naglabas ng bente pesos at pilit na inaabot dun sa pulis skway.

‘ich bezahle doch’ sabi nya dun sa mamang skyway pulis. sempre di naintindihan. ‘hier, bitte.’ edi sempre di pa rin maintindihan.

e yung kasama namin hindi buksan yung driver window kasi nga shock na shock sya sa mga pangyayari. sa kanya na tumakbo yung mamang skyway pulis, litong lito na rin kasi siguro na ang sabi ‘ano tong bente pesos na to?’

e ang kengkoy, nalimutan na talaga mag inglis kasi nga pinagalitan ko na sila nung nagkamali sila ng liko e. sabi ko bahala na silang dumiskarte. edi tahimik si kengkay sa likod.

yung cashier sa skyway nalito din dun sa bente pesos. pati yung kasama namin lito din, edi mas lalong lito yung mamang skyway pulis. feel na feel pa rin ni kengkoy ibigay yung bente pesos na wala namang makaintindi sa kanya.

alam nyo kung para saan yung bente pesos? pambayad po ni kengkoy sa skyway. akala ng mokong e bente lang. ang tagal bago nagkaintindihan na 65 pesos ang bayad at mali ang pinasukan namin; at sempre di na kami hinuli dahil nga hindi na sila magkaindintihan.

skyway

skyway

ang tanong na lang nung pulis sa kasama namin: san ba kayo galing? san ba nagtatrabaho itong boss mo?

tapos nun, pinalaya na kami. imagine, kapag may kasama kang eng-eng at di nila maintindihan e walang sita-sita! hmpf!

pero sa totoo lang, yung nerbyos ko nauwi sa alumpihit na tawa. kasi naman, si kengkoy, patawa sa bente pesos nya ano!

P.S.

Ituloy po natin ang pagdarasal at ang pagbibigay ng donasyon sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Advertisements

29 mga puna »

  1. natawa ko. hahaha. kung alam kaya ni kengkoy na 65 ang bayad sa skyway eh doon pa rin kaya siya dadaan? o baka naman nagpapatawa lang. hahaha. šŸ˜€

    pero totoo yon. hindi naman talaga user-friendly ang mga streets sa manila.

    Komento ni a.r.d.y.e.y. — Oktubre 16, 2009 @ 3:13 hapon | Sagutin

    • ay kakalito talaga ang mga signs ng streets sa maynila. kaya takot akong mag drive dito e. feeling ko parating may bubulaga sa akin.

      Komento ni kengkay — Oktubre 17, 2009 @ 7:23 umaga | Sagutin

  2. ahahaha akala ko gusto nyang lagyan ang mamang pulis ng bente..kulang na kulang yun,hehehe

    Komento ni p0kw4ng — Oktubre 16, 2009 @ 5:51 hapon | Sagutin

    • ay, akala nga siguro ng pulis e lagay sa kanya yon e. imagine, sabit nung pulis sa kanya e ‘ano to? ano to?, mwahaha, andami siguro din nakakita nun kasi ang tagal naming nahinto e.

      Komento ni kengkay — Oktubre 17, 2009 @ 7:24 umaga | Sagutin

  3. hahaha natawa din ako…

    di naman eng-eng mommy kengkay. hahahahaha

    kaw talaga

    hehehe

    kamusta mommy kengkay?
    hehehe

    Komento ni jason — Oktubre 17, 2009 @ 12:48 umaga | Sagutin

    • sabi ko talaga dun sa kasama namin at dun kay kengkoy e paguumpugin ko silang dalawa kapag nahuli kami ng pulis e :=)

      Komento ni kengkay — Oktubre 17, 2009 @ 7:25 umaga | Sagutin

  4. kala ko lagay sa pulis yong P20. hahahahhahahah….

    Komento ni nina — Oktubre 17, 2009 @ 5:11 umaga | Sagutin

    • akala ng siguro ng pulis lagay sa kanya yon kaya litong lito siguro sya, hahaha

      Komento ni kengkay — Oktubre 17, 2009 @ 7:25 umaga | Sagutin

  5. tawa ako ng tawa. hahaha.

    gusto kita tuloy lalo ma meet ms.kengks šŸ˜€

    Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 17, 2009 @ 11:06 umaga | Sagutin

    • sa totoo lang, kapag nagkukwentuhan kami tungkol dyan? hiyang hiya din si kengkoy e, hahaha. pero pasalamat sila at di ko sila pinag-untog, hmpf

      Komento ni kengkay — Oktubre 17, 2009 @ 2:17 hapon | Sagutin

      • hahahaha. natatawa talaga ako.

        ok lang yan sabihin mo charge it to experience.

        hays…

        di ko talaga maimagine na hindi kayo makalabas jan. nextime magsama ng may kabisado. susma, alam mo naman sa Pinas mami kengks talaga sasakit ang bangs mo haha

        Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 17, 2009 @ 4:34 hapon

  6. ano ba yan aling kenkay, dapat pala sinama nyoko para alam nyo kung saan kayo lalabas… nyahahahaha… san ba kasi kayo pupunta tour lang sa skyway? hahaha

    Komento ni livingstain — Oktubre 17, 2009 @ 12:07 hapon | Sagutin

    • ay tama ka dyan, masarap sigurong mag tour ng skyway para malaman yung pasikot sikot ano? tara, sama ka!

      Komento ni kengkay — Oktubre 17, 2009 @ 2:18 hapon | Sagutin

  7. kawawa naman ako, hindi pa ako nakakadaan sa skyway na yan at siguro maliligaw din ako pag ako ang dumaan dyan, well siguro mag commute na lang ako if ever.

    Komento ni cindyrella — Oktubre 18, 2009 @ 8:15 umaga | Sagutin

    • kung pwede lang bumaba sa gitna ng skyway at pumara ng jeep e gagawin ko talaga, ahaha

      Komento ni kengkay — Oktubre 19, 2009 @ 10:53 umaga | Sagutin

  8. hehehehe…kala ko kung saan ang 20 pesos…..

    Komento ni blurosebluguy — Oktubre 18, 2009 @ 7:45 hapon | Sagutin

  9. heheh, at least there was something to laugh about the situation. pero seryoso, mahirap sa atin mag-drive dahil ang road signages at kahit pag-gawa ng kalye parang ‘di pinag-isipan. Minsan parang nilagay yung mga signages para lituhin ka at nang “kumita mga tao nila sa field” kaya ‘di ka magtataka kung bakit may aksidente minsan, kung ‘di minsan ay napakalimit.

    Komento ni Jim — Oktubre 18, 2009 @ 9:01 hapon | Sagutin

    • alam mo bang mas marami ang road signs sa alemanya dahil minsan sa isang kanto e sampu-sampu ang nakasukbit na road signs pero dahil malinaw ang pagkakaiba ng mga signs at dahil pinag aralan namin yun sa driving school ng hindi binabayaran ang makapasa kami — gets namin sila. pero sa pinas kasi pare-pareho ng kulay, ang liit ng signs, tapos minsan parang huli na bago mo mabasa yung signs kaya naman kaka nerbyos talaga dun mag drive

      Komento ni kengkay — Oktubre 19, 2009 @ 10:56 umaga | Sagutin

  10. Hanep sa style si Kengkoy! Hahaha! Kunyari siguro taga ibang bansa siya kaya iba ang pagsasalita niya. Alam mo naman ang ibang mga Pinoy kapag banyaga ang may kasalanan pinapalampas. Banyaga nga ba si Kengkoy?

    Komento ni Akrebley — Oktubre 19, 2009 @ 2:40 umaga | Sagutin

    • tunay ka dyan, nung kami ang nagkamali e surrender na daw agad yung lisensya. nung si kengkoy na e wala silang magawa dahil biglang nag-aleman ang aking banyagang si kengkoy šŸ˜€

      Komento ni kengkay — Oktubre 19, 2009 @ 10:57 umaga | Sagutin

  11. mommy kenkay! musta po? perstaym ko yata dito..hehe! hang kulet nio po tlg khit sa blog o sa personal! šŸ˜†

    biogesic!
    (ingat!)

    Komento ni precious — Oktubre 19, 2009 @ 4:49 umaga | Sagutin

    • uy, bakit perstaym ka lang dito? balik ka ulit!

      Komento ni kengkay — Oktubre 19, 2009 @ 10:58 umaga | Sagutin

      • syempre po teka teka back read ako…

        morning mommy kengs! šŸ˜‰

        Komento ni precious — Oktubre 24, 2009 @ 3:39 umaga

  12. about sa kwento, haha! sya nga nmn bgo kau sa skyway sna man lng malinaw pa sa sikat ni haring sun ang mga signs nila..(prng ung pics po..mjo malabo din..) joke! šŸ˜†

    Komento ni precious — Oktubre 19, 2009 @ 4:51 umaga | Sagutin

  13. wehehehe… boss mo na pala ngayon si kengkoy?! pero joking aside, baka balang-araw ay kailangan nang mala-skyway ang daanan natin kasi permanente nang baha yung first floor šŸ˜¦

    Komento ni taroogs — Oktubre 19, 2009 @ 9:02 umaga | Sagutin

    • ay, kakatakot yang sinasabi mo. sana maayos na nga yang mga daan para hindi maging swimming pool ang ating lalakaran

      Komento ni kengkay — Oktubre 19, 2009 @ 10:59 umaga | Sagutin

  14. haha kala ko yung ‘lagay’ sa mga pulis-pulisan lols. satin laging nakakalusot yung mga banyaga haywanderway

    Komento ni mumu — Oktubre 19, 2009 @ 1:21 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: