Kwentong Kengkay

Oktubre 22, 2009

si kengkay at ang mga barangay halls

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 7:35 umaga
Tags: ,

ewan ko ba, sa tanang buhay ko e hindi pa ako nakadalaw sa mga govt offices natin dito sa pinas ng sobra sobra. pero dahil sa mga drama namin sa buhay ngayon e sa totoo lang, halos araw-araw e asa ibat ibang klase ng govt office ako napunta at eto ang mga kwento ko:

sa barangay hall — daming tao sa opisina ng ‘reklamo’. akala ko pipila pa ako. yun pala naman e mga tambay lang yong mga andun. o siguro mga tanod. o mga nagoopisina dun.

basta ang alam ko, nung nagtanong ako kung sino ang dapat kong kausapin sa reklamo ko ay nag-alisan silang lahat. nagbigay ng upuan para sa akin. kwento ko kung ano ang reklamo ko. lahat sila nakinig, hehehe. lahat sila may opinyon 🙂 at sempre, minsan, may kanya kanya ding kwentuhan. kakalito man, natapos din.

at sempre nung tapos na yung pa blotter ko, wala akong mahingi na kopya kasi kasisira lang daw nung xerox machine, waaa. yung pinaglagakan ko ng reklamo? aba pinabili ng yema nung matapos usapan namin, waaa ulit. sya kaya yung taong dapat kong kausapin, o dapat magpabili din ako sa kanya ng sopdrinks sa plastic 🙂 walang bayad ang pa-blotter dito.

sa sunod na araw naman….

sa susunod na barangay hall — dami ulit tao. nag alisan lang nung alam nilang may reklamo ulit. nagbalikan sila nung nalaman nilang kontrobersyal ang reklamo namin. daming nagbigay ng opinyon. daming nagkukwento. daming nakikinig. daming kanya-kanyang kwentuhan sa background ko. kakalito, kundi nga lang feel na feel ko ang reklamo ko e.

daming labas masok kasi kunyari hindi nakikinig. at least yung iba talagang pumwesto at nakinig ng lubusan. may nakapaskel na 20 pesos pa blotter. nalimutan nilang pabayarin kami kasi sobrang madrama talaga ang reklamo namin.

nakakatawa kasi nung pinasundo yung suspek… pilit na hinahatak yung nagtatrabaho dun sa barangay hall na kapitbahay daw para ituro yung bahay. edi sempre nagmura yung manang kasi daw bakit pa daw mangdadamay. e tama nga naman sya, di ba, hehe. so yung mga tanod ang sumunod, pinag uniporme muna para mas pogi sila.

pagbalik nung suspek kasama ng barangay tanods??? edi bungangaan, iyakan, nagmama-ka-awa. sumbatan. ay sa totoo lang… feeling ko nanonood ako ng telebisyon!

6 mga puna »

  1. welkam to the real tele serye ng buhay in pinas hahahaha

    naaliw ako sa mga wento mo ng escapade nyo, hope mag stay pa rin kayo kahit puro amf ang napagdaanan nyo 🙂

    Komento ni pusa — Oktubre 22, 2009 @ 9:22 umaga | Sagutin

  2. alam mo nman sa Pinas kengkay, madaming pasikot sikot ang klakaran.. ingat ka din sa mga manloloko kasi madami din sila nagkalat sa mga baranggay

    Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 22, 2009 @ 1:44 hapon | Sagutin

  3. hahahaha..ang buhay barangay parang isang malaking tv yan ng bayan…kung gusto mong malaman ang latest sa inyong barangay aba’y tumambay na …..

    Komento ni blurosebluguy — Oktubre 22, 2009 @ 6:29 hapon | Sagutin

  4. hehe… naalala ko tuloy yung experience ko sa mga bgy. hall (o outpost ba yun?) na ganyan. college pa ko’t talamak magyosi nun — kaya nahuli tuloy ng smoking sa jeep (dati bawal, ngayon hindi na yata)… dinala ako sa outpost para i-lista (blotter din ba yun?) pero in the end, nauwi lang sa “magkano ba meron ka? para matapos na to…”

    ansaya-saya noh?

    Komento ni taroogs — Oktubre 23, 2009 @ 2:26 umaga | Sagutin

  5. wahahha sana nandyan ako

    para nabidyuhan ko.

    teka ano yung reklamo?

    Komento ni jason — Oktubre 23, 2009 @ 3:49 umaga | Sagutin

  6. hindi ko nabalikan ang post na ito para mag-comment. ganyan talaga sa govt office. grabe no? buti nga may upuan. Naalala ko noong nag work ako sa DENR. Parang container van na ang office, wala pang silya. kaloka ever. Kulang na lang bumilli akong sariling office chair. at kapag friday – Flyday – wala kang aabutan!

    Komento ni nina — Oktubre 30, 2009 @ 8:01 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng puna