Kwentong Kengkay

Oktubre 23, 2009

wala daw volunteer sa DSWD, kaya bulok na mga donations (updated)

Filed under: Pasaway,Pinas — kengkay @ 6:19 umaga
Tags: , ,

UPDATE: ang kwentong dagdag sa sa kwento ni ella CLICK

UPDATE: ang kwentong volunteers para sa DSWD: CLICK sasama ako dito, sama kayo?

Hello guys, I just read this blog post from a blogger who recently volunteered to DSWD for the Ondoy “relief efforts”. Much of the story can be clearly seen through the photos that she posted on her blog. If you annot see the photos, I suggest you go to http://www.ellaganda.com/?p=1759 on your free time (outside of your office) so you’ll be able to appreciate this better. (isa po itong forwarded mail.)

Dear friends,

I’m asking your help to spread the word. Tulungan po ninyo akong ikalat ito. Beyond this, we should also demand action. I disabled a plugin so you can copy the photos of relief goods rotting in DSWD warehouses. You can link this post to your blogs, facebook, websites etc. You can also email the photos.

Philippine News (US based Philippine newspaper) will use this as its front page story this week. Every Filipino has the right to know where the tons of donations from the UN and other counties go. Kahit po nakakahiya sa mga nag-donate. Kung sa ganitong paraan, matutulungan natin ang mga nasalanta, then by all means, let’s do it.

For those who have the time, please try to volunteer sa DSWD warehouses. Getting in was not easy. A friend had to put in a word for us. Let’s see kung madali nang makapasok sa DSWD warehouse ang mga volunteers.

Please read on and good luck to us.

Ella

hindi ko na mabuksan yung post ni ella kaya kinopya ko na lang ito at nilagak dito sa aking blog para malaman ninyo kung ano ang istorya. sayang nga e kasi may mga pechurs na ebidensya pero ang kwento pa lang e maantig na rin kayo sa asar

(This post was last edited Oct 22, 12:30 pm)

Kahapon, tinanong ng Philippine News si DSWD Secretary Esperanza Cabral:

Editor of Philippine News: Why are the relief goods in DSWD warehouses not
moving?

DSWD Secretary Esperanza Cabral: Wala kasing volunteers.

This short interview was done over the phone. Philippine News wanted to hear her side pero ayaw niyang makipag-usap sa press. After four tries, pinasabi na lang niya ang maikling sagot na ito sa secretary niya – “Walang volunteers”.

I don’t want to accuse her of corruption but at the very least she is showing signs of being totally incompetent. We are in a state of calamity where every second counts. May namamatay araw-araw dahil sa sakit.

In my opinion, these deaths could have been prevented if Secretary Cabral had tried a little harder to do her job.

During the first week after the storm, lumabas ang “bayanihan spirit” ng mga Pinoy. “Makatulong lang kahi’t konti,” katwiran nila.

kung walang volunteers, ano ‘to, komiks?
—–
GMA asked world for donations
Our government begged the world for more donations. Sumagot ang buong mundo sa ating panawagan. In less than three weeks, dumaong ang mga barko, ibinaba mula sa mga cargo planes, i-diniliver ng mga trak at container vans ang sandamakmak na relief goods. Cash donations were in the millions of dollars.

But these donations must be coursed through DSWD

Nagpalabas ng directive ang pangulo. Individuals, private companies and other nations were ENCOURAGED to send their donations to DSWD. I blogged about it here and the video of her announcement here .

This PGMA directive sounded suspicious to me then. Now I know why. Here’s the story.

A group of eight people, your ate Ella included, went to one of DSWD warehouses to help in repacking relief goods. We know they need volunteers pero hindi namin akalaing WALANG TAO TALAGA SA LOOB NG WAREHOUSE!

As in sa isang humongous warehouse (1000++ sq.m) NA PUNONG-PUNO NG RELIEF GOODS HANGGANG BUBONG, ISANG DSWD employee lang at ISANG SECURITY GUARD ang tao!!

Kailangang magpa-register at i-schedule ang volunteering
1) UNICEF Registration (as a volunteer)

The warehouse can only take as much as 50 volunteers at a time or per shift. Here you will find that there is a 4-hour shift, and an option for a 6-hour shift for the volunteers to indicate their availability.

What “volunteers”? Nasaan?

Aside from the 8 of us? Nope, there was nobody there. Bakit kailangan ang scheduling? Feeling hindi ba magkamayaw at nagu-unahan ang mga volunteers?

I know somebody who wanted to volunteer many times. She was always bumped off, laging nirere-schedule kasi “there were too many volunteers” daw. At tuwing Sunday lang daw puwede. What the hell is going on here?

Nakatambak ang donations ng UNICEF sa warehouse, local and international
Mga banig na dapat ay nahihigaan ng mga nasalanta. Mga imported camp beds na hindi na yata masisilayan ng mga biktima. Mga kumot na hindi naman nakabalot sa katawan nila. At mga pagkaing hindi sumasayad sa sikmura nila.

The relief goods are not going anywhere
We arrived at about 8 am and left by midafternoon and yes, you guessed it right. Kami pa rin ang tao bukod sa isang DSWD employee sa loob ng warehouse maghapon. Walang ibang dumating.

The relief goods are not moving. By the way things look, they are not going anywhere. Hindi maglalakad mag-isa ang mga donations na ito papunta sa mga evacuation centers.

YOU THINK?? WTF is the matter with these people? Mag-iisang buwan na mula nang masalanta ang mga kababayan natin. ISANG BUWAN!! Do you mean “do not delay ang dati nang delayed”?? Shet.

Anong ginagawa ng mga donations na ito sa warehouse?? APAT na warehouse ang nasa loob ng compound na ‘yon! APAT na warehouse na punong-puno ng inaalikabok na relief goods! Relief goods na ayaw yata ibigay sa mga nasalanta. Halatang-halata.

LET THE PICTURES DO THE TALKING (hindi na po nakuha ni kengkay lahat ng pechurs na orig!)

Note: Pinagbawalan kaming kumuha ng pictures sa loob ng warehouse. I wonder why.

walangtao
“Not a creature was moving, not even a mouse.” Parang haunted warehouse ang dating. May multo na yata. (mas nakakatakot ang multong buhay, nyayy)

potsandpans-1<
Daig pa ang tindahan sa Divisoria sa dami ng naka-stack na kaldero (ang bait talaga ng mundo sa pinas ano?)

closeup
(Close up ng Coleman camp beds sa previous photo) Hindi ito kasama sa ni-repack naming goods. Para sa mga “special victims” kaya ito? Ire-repack kaya ang mga “imported” camp pads na ito ever? (pamaskong handog siguro)
banig
Sabagay, may BANIG naman para sa “ordinary victims”. Ito ang kasama sa inimpake namin. Sayang ‘yung imported. (baka daw ma-putikan kaya wag muna ibigay…sana)

kumot
jica
Ano kaya ang laman nito? Hindi rin pinabuksan. Pang-special victim din kaya ito? (teka, dito nga pala galing ‘yung mga kumot) at ang Mahiwagang mga kahon from Japan Aid. (baka para sa sunod na bagyo???)

laruan
Marami ito, mga laruang kasinlaki ng tao. Hindi nakunan ng pic kasi nasa tabi ng sikyo. (baka kasi hindi kasya sa sako??? o baka naman para kay santa claus??)

porkandbeans
PORK AND BEANS? Yup, you’d think kasama ito sa relief bag. Pork and beans lang ‘to, puwede na sigurong ipamigay, Naaah! “Imported” pork and beans from Spain po ito. Sorry, hindi pa rin included (pamasko din siguro, pos espeysyal okasyon)

lamanngkaldero
Now let’s take a look at what a victim will get from DSWD; Look Ma, sampung lata ng sardinas! How generous! Kaldero ang unang ilalagay sa sako. Sabong panglaba (bar soap) at sampung sardinas sa ilalim. Siyam na sabon sa gilid ng kaldero. Local goods lahat syempre. Tapos papatungan ng isang tuwalya at isang pack ng sanitary napkin.

tinatahi
Sisiksikan ng tatlong rolyo ng kumot(?) ang blue water jug tapos ipapatong sa kaldero sa loob ng sako. Last but not the least, lalagyan ng dalawang banig.

Sabay tatahiin na ang sako. O di ba, parang asong tinapunan ng buto ang mga nasalanta? Eniwey, busog naman sila sa SAMPUNG lata ng Mega sardinas.

YOU THINK?? WTF is the matter with these people? Mag-iisang buwan na mula nang masalanta ang mga kababayan natin. ISANG BUWAN!! Do you mean “do not delay ang dati nang delayed”?? Shet.

Marami pang pabubulukin

Wow! May bagong shipment na naman! At the rate DSWD is moving, next year na madi-discover kung ano ang laman ng mga kahong ito.

nutri biscuit “The first of two of the largest high-energy food shipments from the United Nations World Food Program (WFP) arrived in the country two days ago for victims of storm “Ondoy” and typhoon “Pepeng.”

The biscuits were fortified with essential vitamins and minerals for supplementary feeding to children, pregnant women and the elderly in evacuation camps. Another 100 tons of biscuits will arrive on Oct. 24, in a continuing effort to provide food assistance to flood victims.

Sige, ideretso ‘nyo ulit ‘yan sa DSWD warehouse. Para AMAG naman ang abutin ng biskwit… at sapot ng gagamba.

Conclusion

Sa maghapon namin sa warehouse,nakagawa kami ng 150 sacks of relief goods. 150 bags of relief goods lang ang lumabas sa warehouse na ‘yon that day. At nandoon pa rin sa loob ang mga imported relief goods, safe, sound and packed as the day they arrived.

Nakisakay kami palabas sa isang DSWD delivery van. Gusto sana kaming ihatid ng driver hanggang Makati pero wala raw siyang sobrang gasolina. Ibinaba na lang niya kami sa gitna ng EDSA. Millions of dollars in donations, walang extrang pang-gasolina.

Susulpot din siguro ang laman ng mga mahiwagang kahon at mapapasakamay din ng mga tao…sa ARAW NG ELEKSYON. O mabibili na nila ang mga imported goods na ‘yon sa mga puwesto sa Quiapo at Divisoria.

Suggestions lang po sa DSWD:
· Alam ‘nyo palang walang mag-volunteer sa inyo, bakit hindi kayo mag-hire ng mga tao? Bayaran ‘nyo ng arawan para mag-repack. Ang daming walang trabaho, makakatulong pa kayo. Hindi naman malaking kabawasan ‘yon sa bilyong pisong donasyon na natanggap ninyo.

· Isa pa, gaano ba karami ang mga sundalo natin? Hindi ba puwedeng ipagawa sa kanila ‘yan? Baka isang araw lang, tapos na ang problema ‘nyo · Bakit hindi ‘nyo ibigay ang trabaho sa mga NGO, churches, private
charities, TV stations? I’m sure they are more than willing to help. Time is of the essence. Huwag kayong suwapang. Obvious ba, hindi ‘nyo naman kaya.

Kung talagang gugustuhin ninyong makarating agad sa mga kawawang biktima ang mga donasyong ‘yon, nagawa ‘nyo na ‘yan. Maraming paraan…kung talagang gusto ‘nyo lang.

You are the government. You have the power, the resources and the money. You just have to really care.
———-

kung totoo lahat iyan at sana ay hindi — eto masasabi ko, ganyan na ba kabulok ang utak ng mga taong nakaupo sa gobyerno natin?

alam na nga kung gaano karami ang napinsala, alam na nga kung gaano karami ang may nangangailangan, alam na nga na may mga pwede palang ibahaging mga gamit na galing nga sa donasyon….

tapos iniipit pa rin? binubulok? pinababayaan? ginugutom ang mga tao? tinitiis ang bayan? ginagago tayo?

mukhang gusto pang gawing regalo sa pasko? o baka naman balak nilang iuwi sa bahay nila? o ibenta sa ukay ukay para ang perang makuha e pang gastos sa sunod na eleksyon?

ang sama sama nyo naman dyan sa DSWD.

kawawa naman kayo, kasi ngayon palang sinusunog na ang mga kaluluwa ninyo.

huwag nyo sana ipamana sa mga anak ninyo, sa mga apo ninyo — ang kasamaang nakatatak sa puso ninyo.

pero sana hindi totoo…ano sa tingin ninyo?

Advertisements

19 mga puna »

  1. baka balak magtayo ng DSWD ng tindahan sa Divisoria..ahahahaha

    Komento ni p0kw4ng — Oktubre 23, 2009 @ 3:30 hapon | Sagutin

  2. para ngang tsanggean..

    mall of asia in the making!

    baka naman mabulok sayang o kaya naman ma diffused/dissolved ng kusa dahil sa panahon!

    Komento ni jason — Oktubre 24, 2009 @ 1:28 umaga | Sagutin

  3. nakakalungkot talaga…

    Komento ni ging — Oktubre 24, 2009 @ 2:16 umaga | Sagutin

  4. aw…

    Komento ni shynyrd — Oktubre 24, 2009 @ 10:32 umaga | Sagutin

  5. walang volunteer kasi kulang sila sa advertisement na kailangan nila ng volunteer…
    naku gabaan na lang sila…

    Komento ni shynyrd — Oktubre 24, 2009 @ 10:35 umaga | Sagutin

  6. wala akong masabi, i just feel sad and makes me wonder, for sure,kung hindi nila yan ipapamigay sa mga nasalanta ay either mabubulok lang yan or ibebenta nila. tsk tsk!

    Komento ni cindyrella — Oktubre 24, 2009 @ 4:52 hapon | Sagutin

  7. Baka balak magtayo ng DSWD ng ukay-ukay kaya hindi pa ipinamahagi at nabubulok ang mga donation.

    Komento ni Cocoy — Oktubre 25, 2009 @ 3:57 umaga | Sagutin

  8. nabasa ko to sa blog ni ate ella..
    grabe nga imported pa ung ibang relief na binigay ng ibang bansa pero bilang na bilang lang ung nilalabas nila at ibinibigay grabe..
    tsk tsk..
    ang panget isipin na ipinag dadamot nila ang mga dilata na kailangan ng mga nasalanta..
    ano gagawin nila dun pabubulukin ibebenta ..
    sows..nakaka asar ang dswd ..badtrip sila..

    Komento ni lovely — Oktubre 25, 2009 @ 10:51 umaga | Sagutin

  9. kengs, nàgising àng gobyerno dàhil sà blog ni ellà. I spreàd her blog thru my blog.

    I think yung mgà imported goods, ibebentà nilà sà ukày ukày when december comes, àhihihihhi!

    Komento ni francesca in france — Oktubre 25, 2009 @ 2:09 hapon | Sagutin

  10. Tindi talaga ng gobyerno natin ngayon! Pati ba naman yung para sa mga nasalanta ayaw pa rin ibigay. Sa dami ng mga willing mag volunteer baka wala pang isang linggo naipamigay na nila yan. Puwede naman sila makiusap sa media na ipagbigay alam na kailangan nila ng volunteers, walang kahirap-hirap dagsa agad sa kanila ang maraming tao! ASAR!!!

    Komento ni Akrebley — Oktubre 25, 2009 @ 10:55 hapon | Sagutin

  11. nakakahiya…

    Komento ni brokenform — Oktubre 26, 2009 @ 8:59 umaga | Sagutin

  12. Sa tingin Ko ipamimigay din yan. Sinisigurado lang na maipamigay ng maayos ang mga donasyon. Mababait lahat ng nasa gobyerno lalo na sa sinasabi nyong DSWD. Lahat yan Relihiyoso pati lahat nasa gobyerno ng napakaganda at napakaayos na bansang Pilipinas. Lahat ng natutunan nila sa kanilang pag sisimba ay di lang nila ginagawa pag oras ng pagsisimba kundi isinasabuhay nila sa bawat sandali ng kanilang buhay kahit sa loob at labas ng kanikanilang trabaho. Alam nila na ang tanging paraan lang upang umunlad ang Pilipinas ay ang pagmamahal sa kapwa at sa bansa. At yan ang ginagawa nila s a bawat araw ng kanilang panunungkulan. Kaya kita nyo umuunlad na mabilis na ang Pilipinas. Sana mabasa nila ito para naman mapuri natin sila kahit sabi nyo wala sila ginagawa. He he he he he. Aray Ko.

    Komento ni Michael — Oktubre 26, 2009 @ 12:04 hapon | Sagutin

    • kinilabutan ako sa sinabi mo…wahahah

      Komento ni duskfading — Oktubre 27, 2009 @ 11:59 hapon | Sagutin

  13. putangina nila. sana sila ang sunod na mamatay sa bagyo. pasensya nalang kay Lord pero galit talaga ako sa mga taong SAKIM.

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 26, 2009 @ 9:37 hapon | Sagutin

  14. stupid stupid corrupt people!

    nakakainit ng ulo.

    baka nga ipamigay yan sa eleksyon tapos kunwari bigay ng candidate.

    Komento ni flamindevil — Oktubre 26, 2009 @ 10:31 hapon | Sagutin

  15. my gahd…. parang mas matindi to kesa sa effect ni ondoy at pepeng ah….

    dapat kc ung mga iresponsableng tao, sila na lang ung mga natabunan ng landslide…

    Komento ni duskfading — Oktubre 28, 2009 @ 12:00 umaga | Sagutin

  16. pucha talagang government natin! leche flan talaga!!!

    Komento ni Kazandro Yuzon — Oktubre 28, 2009 @ 7:48 umaga | Sagutin

  17. ung eservices ng dswd nahack pinagpopost yung mga picture na yan,nilagyan pa ng 24/7 DSWD grocery soon to open. Naasar admin ng dswd nag maintennance sila sa eservices.

    Komento ni JuanDelaCruz — Nobyembre 3, 2009 @ 2:32 hapon | Sagutin

  18. I am working on making a blog like wala daw volunteer sa DSWD, kaya bulok na mga donations (updated) Kwentong Kengkay. I still have a way to go, and certainly do not yet have the visitors you appear to get. if you can, please give me some comments on http://www.delicious.com/benjamin_rachelle as I know it demands a tune up. Nice web-site, sincerely, Odessa Weeks

    Komento ni Odessa Weeks — Abril 27, 2011 @ 11:29 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: