Kwentong Kengkay

Oktubre 28, 2009

lahat ba ng pinoy manloloko?

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 7:06 umaga
Tags: , ,

parang awa nyo na, sagutin nyo ang tanong kong ito:

lahat ba ng pinoy manloloko?
kasi sa totoo lang, magmula nung nagpasya kaming umuwi ng pinas; to stay here for good — hinahanap ko pa ring yung ‘good’ e.

alam nyo naman na sa bawat post ko dito nung nagsimula ako ay positibo ang mga nakalagay dito. mga kwentong feel good para sa pinas, mga kwentong goodwill sa pinas at sa mga tradisyong pinoy… parang nawawala yung pagiging positibo ko e. nakakawalang gana.

unang-una.

yung doktor-pastor na nagpumilit na mag stay kami dito for good sa pinas; yung doktor-pastor na tutulungan daw kami sa business namin; yung doktor-pastor na wala daw kaming problema dahil kayang kaya nya lahat? pwes, isa syang mapantasya. nabigyan sya ng pera, pinakain namin buong pamilya nya, lahat ng hingin nya pinagbibigyan namin… anong ginawa nya? ang lahat nung proyektong nilatag nya sa amin ay wala, pantasya lamang din. peke ang mga land titles, peke ang proyekto..

ang masama nun? may nakuha sya pera sa amin. ang mas masama nun? hindi namin alam kung doktor nga pa sya, kung pastor nga ba sya pero nagpapa-praktis sya. ang masama nun? wala syang pakundangang gamiting ang pangalan ng Diyos sa lahat ng proyekto nya, sa lahat ng kilos at pananalita nya. ang masama nun? hindi na namin alam kung asan sya. ang masama nun? hanggang ngayon siguradong nakapanloko pa rin sya. yun ang dahilan dahil dito. pero sa blog ko na to, ibubulgar ko sya. dapat na syang matiklo dahil matagal na nyang ginagawa ito at marami na syang pamilyang nasira dahil sa mga panloloko nya.

pangalawa.

deceitful landlords. yung bahay kung saan kami unang nagrenta? lumulubog sa baha. wala pang ondoy, lumubog na sya sa baha. konting ulan lang, baha na. pano pa kaya nung nag-ondoy? bumabaha pa lang may mga nasisira nng gamit. kaya nung ondoy, di ba nga lahat ng kasangkapan namin nasira? na-trauma ang mga little kengkays. ang masama nun, yung bahay lang namin sa buong kapitbahayan ang lubog nung ondoy. at ang sabi samin nung may-ari? hindi daw bumabaha dun. ang mga may-ari, ang tagal na naming tinatawagan, bibigyan ng sulat; nagmamakaawa kami na makipagusap sa amin. ayaw nila. busy daw sila. kaya ngayon, pinabarangay ko sila. ayun, abangan ang susunod na kabanata.

pangatlo.

yung anak na babae ng maid namin kasama ang kabibigan nyang menor de edad, pinapasok sa isang canteen daw sa probinsya. ang kinabagsakan? sex den. kung hindi pa namin sila sinundo dun at pinilit na iuwi e hanggang ngayon andun pa rin sila at oo, may naiwan pa dun. tutok na tuok din ako dito dahil yung mga biktima e halos no read no write.may susunod na kabanata din ito.

pang-apat.

may isang taga-pldt na tutulungan daw kaming i-transfer yung phone lines namin sa bagong bahay namin. binigyan namin ng pera. nanghingi din ng mga gamit na na-damage ni ondoy. binigyan din namin. ngayong pina-follow up ko na yung phone lines? wala na akong marinig sa kanya. wala ng text back. wala ng phone calls. naloko na naman ba ulit kami? sana naman hindi. pero dalawang linggo ng tahimik e. hmmm

kami ba ang eng-eng sa mga bagay na yan? madali ba kaming utuin? ano sa tingin ninyo?

marami bang pinoy talaga na manloloko? iconvince nyo naman ako na maganda ngang tumira dito sa pinas. kasi sa totoo lang? hindi pa yan ang buong kwento. marami pa. at oo. ibubunyag ko din ang mga pangalan ng mga lintek na yan!

Advertisements

72 mga puna »

  1. it’s so sad na ganyan ang nangyari sayo mommy kengks. at dahil hindi ako nakakabisita malimit, ngayon ko lang nalaman na andito ka na pala.it’s good to know that you’re here, pero sad na ganyan ang mga nangyayari sayo.

    i’ll pray that whoever that demonyong doktor-pastor na yan e mamulat na sa mga panlolokong ginagawa nya at ibigay na ang mga ni-pramis nya sa inyo.

    advice ko lang mommy kengks, always go to the offices (like yung sa pldt nyo). kse kahit dito, may mga kakilala rin ako na nagwo-work sa lto, tutulungan ka irehistro ang sasakyan mo. tapos kilala mo talaga ha. eh ikaw naman magbibigay ng mga papeles at pera. pero narehistro ba? hindi.

    hindi lahat ng pinoy manloloko mommy kengks. pero maraming pinoy manloloko nga. nakakalungkot ano? san ka nags-stay? my #s still the same mommy kengks, text me your number ha.

    don’t lose hope. god is good.

    Komento ni antuken — Oktubre 28, 2009 @ 7:34 umaga | Sagutin

    • simple lang ang pagpasok namin ng pinas kasi nga hindi ako sigurado dun sa papasukin namin. ayan na nga, sumabog na ang katotohanan na wala pala kaming karapatang mag ‘for good’ dito dahil panay pantasya pala ang offer sa amin. nakakalungkot talaga.

      ang kainis pa nito; ang dami na nilang naloko pero mga taong naloko nila wala ring ginawa kaya dami pang naloko. kaya ako ready na akong magbulgar dahil binigyan ko na ng pagkakataon pero wala pa rin. ayaw kong mas dumami ang biktima nila dahil buhay ang sinisira nila.

      Komento ni kengkay — Oktubre 28, 2009 @ 12:10 hapon | Sagutin

  2. tanggapin na natin yan kengkay, MARAMING PILIPINONG MANLOLOKO. nakakainis. pinagkakatiwalaan mo tas gagaguhin ka lang, kaya nextime bago maglabas ng pera dapat lahat ng posibleng mapagtanungan ay kalkalin na.

    nanggigigil ako sa mga nanloloko sa kapwa. kasi may experience din kameng ganyan. kaya yung sumunod na ay talagang mahigpit na kame lalo na ako kasi mahigpit ako sa pera lalo kung ang involve ay hindi lang ako kungdi pamilya ko din at future namin.

    sa pldt? nako. mga putris mga tao dyan, daming mga manloloko kaya ingat sa paglabas ng pera.

    yung bahay na nirentahan nyo dati, san ba yan? at baka makakuha ako ng bahay jan at maloko lang din ako.

    mommy kengks patawarin mo ako, pero gusto ko silang mapunta lahat sa impyerno!

    laban lang!

    Komento ni dencios — Oktubre 28, 2009 @ 7:49 umaga | Sagutin

    • ayaw kong paniwalaan yan dati, pero ngayon naniniwala na ako. ang sakit na sa personal experience pa talaga pero nangyari na yan. dapat lang na ituwid sa pamamagitan ng pagsumbong, pagsampa ng demanda. at sempre, ibulgar kung sino sila. lalaban talaga ako. hindi ako papayag na sirain nila ang buhay namin…

      yung sa bahay? huwag ka mag-alala, ikukwento ko rin yan ng buong buo. kasi ayaw kong may maperhuwisyo pa dahil lang sa hindi nila pagsasabi ng totoo. na binabaha ang bahay kahit na high tide lamang.

      Komento ni kengkay — Oktubre 28, 2009 @ 12:12 hapon | Sagutin

  3. Hi!
    ingat lang ms. kengkay. May iba talagang tao ang mahilig magsamantala sa kabaitang ginagawa sa kanila

    Komento ni sandi — Oktubre 28, 2009 @ 8:58 umaga | Sagutin

    • hindi ko maintindiha kung super naive ko pa, super tanga ko ba o super bait lang talaga namin at naging ganyan kami katanga. pero ayan na nga, kailangan na lang ituloy ang laban; kung ano man ang dapat gawin.. gagawin.

      Komento ni kengkay — Oktubre 28, 2009 @ 12:12 hapon | Sagutin

  4. minsan nsa tao rin po ang pagkakamali, cguro khit saang lugar maraming mangloloko. Pede po sana bgo nagdecide na tumira sa dating inuupahan, nagtanung tanung muna mga kalapit n bhay kung ok b tlgang manirahan sa lugar na yun, tulad ng kung diba nagbabaha..iwasan din pong magbigay ng pera sa mga taong di tlga lubos na nakikilala pa..minsan po kc ang pagkakamali nsa tao rin na naloloko, dahil cla ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga taong mangloloko na lokohin cla. wag nalng po kayo agad agad magtitiwala.

    Komento ni joan — Oktubre 28, 2009 @ 10:41 umaga | Sagutin

    • nagtanong kami sempre kung bumabaha ba yung bahay. ang sagot nga e hindi daw. kahit na nakita na nila yung pictures nung unang baha, hindi pa daw nangyayari yung pagbaha na yon. pero nung nagkwentuhan ang mga kapitbahay at ang mga sidecar drivers at kahit na yung laundry shop sa may kalayuan ay alam na alam na nila ang istorya ng bahay. bumabaha daw dun. in short? hindi sila nagsabi ng totoo.

      Komento ni kengkay — Oktubre 28, 2009 @ 12:15 hapon | Sagutin

  5. Kengks! Gulat ako sa nabasa ko. Wala ka na sa Germany? Bakit? Makapag-backread nga. Tagal ko na din kasing hindi nakabisita dito.

    Mahirap talaga magtiwala sa mga panahong ‘to. Lalo na sa Pilipinas. Madami kasing naghihirap, kaya siguro kumakapit sa patalim.

    Siguro mas maganda kung maging maingat na lang kayo sa sunod.

    Komento ni The Gasoline Dude — Oktubre 28, 2009 @ 1:38 hapon | Sagutin

    • hindi dahilan ang paghihirap para gumawa ng masama sa kapwa. at minsan, kahit na anong ingat ninyo, dahil ibang klase na nga ang mga panloloko sa yo — talagang mahuhuli ka sa bitag e. ang magandang gawin talaga? umiwas, umalis…. haysss

      Komento ni kengkay — Oktubre 29, 2009 @ 1:34 umaga | Sagutin

  6. Hello, Im so sorry to hear your stories. Ang masasabi ko lang masyado kang prone sa mga manloloko kasi foreigner ang asawa mo. Don’t trust too much at si doctor-pastor huwag mo muna i-blog. Ipa-imbestigador mo. Did you complain sa NBI already? You should and thats the best move you can do at this point lalo na kung malaki-malaki ang naloko sa’yo. Due diligence, kenks pag pera ang usapan. Imbestigahan mo at never ever magbitiw ng pera kapag di ka sigurado. At wag susuong sa business kung di napag-aralan.

    Huwag ka masyado nagpapadala sa mga sweet talk. Yang mga manloloko naman na yan pag naramdaman na hindi ka nila maiisahan, lalayo din yan. Diba anong sabi sa financial management? If it’s too good to be true, then it must be. Talasan mo ang pakiramdan mo. Malalaman mo naman base sa pikikipag usap mo kung pinapasakay ka lang o sincere. Watch out sa mga taong iba-iba ang sinasabi at yong sobrang confident sa sinasabi nya. Besides, ang mga taong totoo ang intensyong tumulong, they will tell how to do things and will not offer you to do it in exchange for money. Saka yong mga mapamilit masyado – wag ka magpapapilit, malamang nanaloloko lang yon. Good Luck. Kaya mo yan. There are only lessons to be learned.

    Komento ni nina — Oktubre 28, 2009 @ 4:47 hapon | Sagutin

    • tama ka dyan nina. makita pa lang nila ung asawa kong foreigner, akala nila mayaman na kami. hindi ko muna ilalagay dito ung pangalan nung dok-pastor na yon dahil nga may mga ginagawa pa akong ibang bagay. may kinausap na akong lawyer, nakipagusap na rin ako sa NBI, and i plan to talk to some people sa media. kasi sa totoo lang, hindi lang kami ang biktima nya, marami pang ibang pamilya na winasak yan.

      that dok/pastor malupit, kasi he’s using the name of God pa. daming natutuhan, at oo, alam ko, malalampasan din namin ito.

      Komento ni kengkay — Oktubre 29, 2009 @ 1:37 umaga | Sagutin

      • alam, kagabi ko pa iniisip parang narinig ko na yong doctor-pastor na yan. hindi ko rin matandaan parang may na-feature na kasi sa imbestigador na nagpapanggap na pastor at ginagamit ang pangalan ng Diyos sa panloloko. Pero baka akala ko lang yon kasi kung nahuli na sya, hindi ka na dapat naloko.

        Komento ni nina — Oktubre 29, 2009 @ 2:38 hapon

      • naku, ayan na nga, ang dami kasing ganyang raket na kumkikita sila dahil nga ginagamit ang pangalan ng Diyos e. hindi pa ako tapos, nangongolekta pa ako ng ebidensya kaya hindi pa ako kumikilos. antay lang.

        Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:41 umaga

  7. Keng, alam mo na ang opinyon ko tungkol dyan. Sorry to say this, it’s good to visit pero I cannot see myself going back and staying there for good. At kung iniisip mo na magandang lugar na magpalaki ng mga anak dyan, NOT! Wala na ring moralidad sa Pinas. Nakikita mo ba ang naglalakihang billboard ng mga pelikulang local dyan? Mas malaswa pa sa mga rated R sa Europe or Amerika. Ipasadiyos mo na lang ang nawala sa inyo at magimpake at bumalik na kayo sa Germany for your kids sake.

    Komento ni Jessica — Oktubre 28, 2009 @ 11:05 hapon | Sagutin

    • you have convinced me to go back, ang mahirap i convince yung asawa ko. i told him i am giving us until december this year. kapag wala talaga… balik muna kami ng alemanya. at least dun libre ang edukasyon ng mga bata. at tama ka, mas controlled dun ang exposure ng mga bata sa mga bagay bagay na hindi pa dapat nilang makita.

      Komento ni kengkay — Oktubre 29, 2009 @ 1:39 umaga | Sagutin

      • May mga pinsan akong half-Americans. Their parents decided to raise them in the Philippines at wala naman problem. They grew up well. Depende rin kasi kung saang lugar sa Pinas ka mag-settle down. Kailangan talaga magandang community.

        Komento ni nina — Oktubre 29, 2009 @ 3:17 hapon

      • alam mo nina, hindi naman yung community nag problema sa pinas talaga e, kasi kung matutukan mo yung mga anak mo at maganda yung nakikitang eksampol, magiging maganda din naman ang buhay nila. kaso mo nga kapag ganitong makita pa lang yung dayuhan mong asawa e ‘panloloko’ na agad at pagkakaperahan agad ang isipin nila; yun ang nakakadismaya dun.

        Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:42 umaga

    • Totoo kailangan tutukan pero for me, important ang community kasi malaki rin ang influence ng community.

      Komento ni nina — Oktubre 30, 2009 @ 7:54 umaga | Sagutin

  8. mam kengkay i’m very sorry to hear those stories… grabe namam yang dr/pastor na yan, hindi na po ba option na bumalik kayo sa germany? sa totoo lang ang mga pinoy dito atat na atat magmigrate kung magkakaroon ng pagkakataon.. mas maganda po magpalaki ng bata sa ibang bansa..bisitahin nyo nalang po kaming mga kababayan nyo…tutal may naitutulong pa din naman po kayo kahit nasa malayo kayo thru sa blog nyo.. mas mabibigyan nyo po maganda kinabukasan mga bata sa germany.. yun po ang totoo.. piece of my mind lang po.. thank you..

    Komento ni belle — Oktubre 28, 2009 @ 11:38 hapon | Sagutin

    • option pa naman na bumalik kami ng alemanya. sabi ko nga ready na rin kaming i accept na talo kami dito sa pinas e. kaso mo, bibigyan pa namin ng chance. ganyan kamahal nung asawa ko ang pinas. kung ako lang, atsaka na kapag malalaki na ang mga bata e. tama ka, peace of mind ang kailangan at hindi ko na yan makita dito sa pinas. salamat sa pagiwan ng komento.

      Komento ni kengkay — Oktubre 29, 2009 @ 1:41 umaga | Sagutin

  9. hi mommy kengks,
    kalungkot naman ‘to pero oo, maraming mapagsamantalang pinoy sa dayuhan man o kapwa pinoy kaya lagi kang mag-ingat lalo na galing ka sa ibang bansa at may asawa kang foreigner. Siguro dapat, ikaw muna laging haharap sa mga kausap mo. Alam mo naman dito sa’tin. Pag alam na galing sa ibang bansa o nakapag asawa ng dayuhan, ang iniisip agad maraming pera. Ingat palagi, i check ang record, ang title at lalong mag -ingat sa mga easy money lalo na sa ilang networking business.
    Though ang tingin ko pa rin, marami pa ring matitinong pinoy. Nasa ibang bansa sila ngayon at hindi nakatiis dito hehehehe

    Komento ni bernardumali — Oktubre 29, 2009 @ 12:40 umaga | Sagutin

    • ayan, hindi na rin ako matino kasi bumalik ako ng pinas, hehe.

      sa totoo lang, spotlight talaga kapag may asawa kang dayuhan. spotlight sa mga mandurugas!

      Komento ni kengkay — Oktubre 29, 2009 @ 1:42 umaga | Sagutin

  10. bakit bad ang pinoy? meron po akong kontribusyong paliwanag dyan, sana makatulong sa pag-unawa, may pinagmulan kasi ang masamang kultura ng pinoy, kulturang sarado/katoliko,kristiano – merong mother of all viruses na puminsala sa puso at isip ng ating mga ninunong sinakop at inabuso ng mga Kastila, karamihan ay mga prayle. ipinamana nila ang bulok na pulitika galing sa mapamuksang bacteriang dala dala ng mga mersenaryong katolikong kastila – kumalat ang polusyon sa isip at kaluluwa ng mga indio – naisasalin ang virus hindi sa nakabukang sugat – laway, dugo, halik, gunting, nail cutter, kundi sa pamamagitan ng misa, libro, publikasyon mass media, akademya, simbahan, hay naku, at ang pinakatalamak na may sakit ay ang utak ng mga makata at writers na tagapagkalat ng virus na mapaminsala sa tao, kuntra mamamayan dahil ang kulturang dala ni magellan ay kultura ng mga hari.

    ano po ang lunas sa polusyon ng kulturang metapisikal at mapaminsala sa kanularan ng isip at pamumuhay ng tao? anti-virus! kailangan ng mga batang scientist na mag-imbento ng anti-virus, at hindi gagaling ang “kasamaan” o sakit ng pinoy sa pamamagitan ng dasal-dasal, pagpapamisa o pagpunta sa simbahan kong linggo at sa nagkalat ng mga kultong born again.

    iniimbita ko po kayo sa kuntra krusada wordpress para magpaulan ng idea at reklamo sa buhay-kalingang-pinoy.

    Komento ni tomagulto — Oktubre 29, 2009 @ 2:19 umaga | Sagutin

    • waka akong masabi sa iniwan mong komento 🙂 pero sige, dadalawin ko ang iyong kuntra krusada

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:44 umaga | Sagutin

  11. maraming manlolokong pinoy, mareng kengks. pero marami ding mga mabubuti. ang problema, mas nababalita yung mga manloloko — mas dramatic kasi yung ginagawa nila 😦

    pero ingat palagi kasi “magnet” talaga ng mga kawatan/skamador ang mga expats gaya ni kengkoy.

    sad, shameful, but true nevertheless.

    Komento ni taroogs — Oktubre 29, 2009 @ 6:43 umaga | Sagutin

    • sad, sad, sad. dapat kasi ipamalita para hindi na sila muling manloko pa

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:45 umaga | Sagutin

  12. uportunista, pwede. sa syudad, uportunista halos lahat ng tao, lalu na pag ang dating mo eh well to do. pero sa kumonidad na hidi masyadong siksikan, magagara at maluluwang na bakuran, hidi ganun ang opinyon ko sa mga tao. pag nagpakita kang madali kang humugot ng pera, aabusuhin ka. pero kung ang ka-transaksyon mo eh ka-level mo, hindi naman siguro ganun. importanteng malaman ang pampinansyal na kinalalagyan ng taong ka-transaksyon, estado ng pamilya, etc. kelangan din kakilala mo ang maraming kamag-anak nila.

    Komento ni roni — Oktubre 29, 2009 @ 7:26 umaga | Sagutin

    • I have to agree, roni although kahit anong level may manloloko pa rin. and yes, importante malaman mo ang background ng taong kausap mo.

      Komento ni nina — Oktubre 29, 2009 @ 3:06 hapon | Sagutin

      • importanteng mag background check ka talaga. due diligence at kung ano ano pang dapat na imbestigahan. walang personalan. naninigurado lang

        Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:49 umaga

    • alam mo roni, ipinakita nung doktor pastor ang lahat ng lupa nya, ang mga properties nya, ang mga kakilala nya. sa huli na lang namin nalaman na hindi pala totoo lahat yon. pinakilala nya kami sa buong pamilya nya, in fact, kung minsan nga e buong araw na silang dun nakikikain sa bahay namin. kilala namin buong pamilya. kaya akalain ba naming lolokohin kami ng ganun? kasi nga walang takot din sya na nilahad buong pamilya, di ba?

      atsaka kami naman, simpleng tao lang kami. hindi kami magarbo. ang naging puntirya talaga e dahil dayuhan ang aking asawa.

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:48 umaga | Sagutin

      • kengkay, sendan na lang kita ng PM.

        Komento ni nina — Oktubre 30, 2009 @ 7:52 umaga

  13. Tanong: Lahat ba ng mga pinoy manloloko?

    Sagot: Hindi pa,kasi nanjan pa tayo :D. May mabuti may masama at ginawa yun para balansehin ang mundo…

    Minsan nakakaasar at nakakayusok ng dibdib kasi parami nang parami ung mga pinoy na nagiging manloloko nakakahabag pero naniniwala parin akong balang araw magiging sibilisado tayo maghintay lang tayo ng mga taong maaaring makapagbago sa bansang to.

    Pansin ko lng. simula nang nag stay kayo sa pinas parang hindi na kayo naging malamigin at kalmado @_@

    nakakabahala sa mga little kengkay ang ganitong bagay, hindi sila sanay sa kulturang pinoy 😦

    tamang pag-iingat lang po payong sanay na sa iba’t-ibang klase ng tao sa pinas.

    P.S Hayaan mo’t pagnakita ko yang doctor-pastor na yan sasampalin ko ng tsinelas ko yan nang magtanda naman 😀

    Komento ni Jex — Oktubre 29, 2009 @ 9:13 umaga | Sagutin

    • napansin mo pala, nawala ang pagiging malamigin ko; pagiging kalmado kasi mahirap ko ng hanapin ang aking peace of mind. pero i am trying my best dahil andyan ang mga little kengkays.. alam nila kung ano ang nangyari pero sempre, to what extent, hindi nila alam. mahirap i explain pa. pero kapag malaki na sila, ikukwento ko lahat yan. at sana matino na ulit utak ko nun 🙂

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:50 umaga | Sagutin

  14. Hohonga pala nakalimutan kong sabihin na pa NBI mo yung doktor-pastor na yun o kaya pa media mo mukha kasing marami na talagang naloloko yan… pag na media yan papalaminate ko ung mukha n’ya lalagay ko sa gate namin.

    lalagay ko…

    WAG TULURAN!
    ,,,
    o(@_@)o

    ~DOCTOR-PASTOR~

    Komento ni Jex — Oktubre 29, 2009 @ 9:23 umaga | Sagutin

    • NBI na sya, antay ko pa ang aksyon nila e. pero susunod ang media na.

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:51 umaga | Sagutin

  15. That was really unfortunate. It’s sad but true, I think we should divert the psychology na lang.

    Komento ni Rocky Garcia — Oktubre 29, 2009 @ 12:02 hapon | Sagutin

  16. Matagal na akong di nakakabasa ng posts mo, tama ba ang pagkaintindi ko? nasa Pinas na kayo?

    Komento ni richi lynn nunag — Oktubre 29, 2009 @ 3:55 hapon | Sagutin

    • asa pinas na kami at etot naglilimahid sa problema 😦

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:53 umaga | Sagutin

  17. Hiatus kuno ako pero hindi ako makatiis dito sa post mo. Nakakalungkot naman naging kapalaran ng pagbabalik bayan mo kengs!pwedeng ((ma-hugs)) muna kita bago komento ko patungkol dito? Heto rin ang isa sa aking kinatatakot ang mabigo at maloko ng ibang tao.Nandito pa nga lang kami sa alemanya,marami ng gustong magtangkang bilogin aming mga ulo.Masaklap pa nito mga kadugo ko lang din kaya,mas masakit siguro yun kaysa ibang tao ang gagawa nito sa iyo di ba? Kala nga kasi ng ibang tao riyan sa atin na ang pera sa ibang ay pinupulot lamang sa kalsada.Malungkot pero marami ang ganyan kakikitid ang mga utak kaya kulang ang iyan sa konsensya at takot sa karma.Kilala mo ba si Ms. lukaret? Nitong taon din sila nagtangkang mag for good sa atin,bitbit na nila mga gamit.Marami naging problema at alingasngas sa pagpapatayo sana nila ng bahay at clinic sa atin.Nawalan sila ng gana dahil sa mga nasabing problema kaya napagdesisyonan na lang nila na bumalik dito sa Germany after 4 months ata sa atin.Ang sabi na lang nila sa sarili siguro hindi pa napapanahon.

    Hindi pa naman siguro huli upang makapag isip isip kayo na mag impake pabalik?

    Tungkol sa iyong tanong,kung lahat ng pinoy ay manloloko? ang sagot riyan,tingnan na lang natin hugis at taas ng ating mga daliri,magkaiba sila di ba? ganyan din tayo mga pinoy, magka iba!hindi magkatulad.Siguro ang sunod sunod na kamalasan naranasan mo riyan sa atin ay mga pag subok lamang at dala ng tadhana.Malamang magagandang bagay naman papalit nito sa iyo sa mga darating na araw! Huwag mawalan ng lakas at pag asa kengs!

    Komento ni cheh — Oktubre 29, 2009 @ 7:59 hapon | Sagutin

    • cheh, i am trying my best. ayokong sumuko pero… iba talaga. alam ko yung kay lukaret, hindi ko alam kung may ginawa sya dun sa panloloko sa kanya. ako itutuloy ko ito dahil ayaw kong may mabiktima pa ulit. sana nga dumating na ang bagong umaga.

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:55 umaga | Sagutin

  18. naku, ano ba naman yan, halos kararating nyo pa lang dyan, puro bad experiences na kaagad ang nababasa ko dito. ingat po lagi, lalo na foreigner si kengkoy. kaya din ayaw kong dalhin palagi si frenchguy dyan, dahil feeling ko, lolokohin lang kami palagi. kahit nga tong mga girls ko, ingat ako palagi kung andyan kami, feeling ko kikidnapin.. ewan, wala lang siguro akong tiwala sa kapwa ko pinoy.

    Komento ni analyse — Oktubre 29, 2009 @ 8:37 hapon | Sagutin

    • alam mo analyse, tama ka. ilang buwan pa lang kami, sakit na ng ulo. ewan ko ba… pero naniniwala akong magbabago rin ito. yun nga lang, tama ka din na iiwas si frenchguy… iba kasi talaga ang dating kapag may kasama kang dayuhan e, kukuyugin ka talaga.

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:57 umaga | Sagutin

  19. ay ang lungkot naman 😦

    hindi naman po siguro lahat. bagaman at madaming manloloko, may mga nagsisikap ding gumawa ng mabuti sa kapwa.

    Komento ni eli — Oktubre 29, 2009 @ 11:52 hapon | Sagutin

    • nainis lang ako talaga kaya ko nilahat. alam ko naman may mga mabuti, kaya nga kami andito pa rin e dahil may mga sumusuporta sa amin, pero kasi mas marami ang gustong mangotong.

      Komento ni kengkay — Oktubre 30, 2009 @ 2:58 umaga | Sagutin

  20. If I were you, try to convince your husband to go back to Germany. Believe me, your kids are better off living there than our country. Sad to say, but it’s true.

    Komento ni Lee M — Oktubre 31, 2009 @ 1:49 umaga | Sagutin

    • hi lee m, kakalungkot isipin ano? ewan ko ba.. pagtitiyagaan namin hanggang wala ng lakas.. at least alam naming may ibang bansa kaming babalikan.

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 4:11 umaga | Sagutin

  21. HINDI MANLOLOKO ANG MGA PINOY!!!! Sinong nagsabi sayo? I am so proud nga sa mga kababayan kong mga Pilipino eh. Mababait, di magnanakaw, mahal nila ang kapwa nila Pilipino, hindi sila nangungurakot sa kaban ng bayan, tsaka mahal nila ang bansang Pilipinas.

    JOKE LANG! Niloloko lang kita. Kaw, naman masyado kang nagpapaniwala sa akin. Manloloko din kaya ako!!! hahahahaha. Peace!!!

    Komento ni NEIL LORD GUITANG — Oktubre 31, 2009 @ 1:54 umaga | Sagutin

    • hehehe, salamat sa joke time 🙂 kaya naman labs ko mga pinoy e…

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 4:08 umaga | Sagutin

  22. ang pinas mahal na mahal namin kaya kahit my ga oportunidad na makatira kami sa abroad for good tanggi na iling pa kami.
    si mader napakabait na tao, pero parating inaabuso, tumutulong kami pero pag natulungan na gusto ng kunin lahat sayo lol.
    ganyan din kami daming ganyang experience, manila man o probinsya wala ng pinagkaiba, wala na yung mga taong tutulong ng tutoong tulong, tutulong kunu pero ang totoo iba ang intensyon.
    mula sa pagawa ng bahay, pakabit ng telepono, pagawa at pakabit ng deepwell, pakabit ng instilasyon ng koryente, pagpapapintura ng bahay, mga nagiging kasambahay, lahat yan naloloko kami, nakakasawa na hehe (drama ko no) kaya nga sabi ko hala sige na tawagin ng walang kapwa tao pero tama na, pero minsan dimo maiiwasang may masira sa bahay, kukuha ka nanaman ng taong gagawa, makakatagpo ka nanaman ng mga mapagsamantala, kaya masisisi ba minsan kung palagi nalang natin isipin at maniguro tayo palagi sa mga kinukuha nating taong gagawa at kukumpuni sa bahay, kaya kahit na nga mahal sinusunggaban na natin basta lang maayos at di manloloko, pero saan pa ba merong matino na di manloloko?
    sorry pero kahit dito sa ibang bansa dimo maaasahang yung mga pinoy ang dadamay sayo, dito maraming mga pinoy na sila pa mismo manlolokot magsasamantala sayo,kaya minsan kahit gusto mong tumulong sa tao, wag nalang haayan mo nalang, tiisin mo nalang, kasi baka umaarte lang at manloloko pala.

    Komento ni lee — Oktubre 31, 2009 @ 4:05 umaga | Sagutin

    • kakalungkot isipin ano? pero sa ibang bansa marami din namang lokohan, ang problema nga lang, dun madali ang hustisya. dito nga naikot ko na ang pulis, barangay halls, nbi, at kung ano pang dapat pagsumbungan pati si santa claus — pero ayun, pera at panahon mo pa rin ang mauubos pero di mo alam kung may mangyayari 😦

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 4:10 umaga | Sagutin

  23. Hi! sad to hear that, kahit saan naman yatang lugar may manloloko, mas marami nga lang diyan, hope to see you soon, email kita para magkausap naman si kengkoy mo at si papa ko, next time ingat na lang

    Komento ni an2nette — Oktubre 31, 2009 @ 6:24 umaga | Sagutin

  24. I am really sorry to hear your misfortunes sa pag-uwi mo ng Pinas, and you are doing the right thing, you deserve justice kaya’t dapat ngang ireklamo sila para di rin makapanloko ng ibang tao. Dapat maging maingat tayo, huwag agad magtitiwala basta-basta especially kapag pera ang pag-uusapan.

    But I guess not all Pinoys ay manloloko, we still have heroes out there who have remained anonymous lending a hand, helping the needy during the calamities.

    A blessed weekend to you.

    Komento ni The Pope — Oktubre 31, 2009 @ 6:57 umaga | Sagutin

    • marami namang pinoy na matino… yun na nga lang, nangingibabaw talaga ang mga sira ulo 😦

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 4:07 umaga | Sagutin

  25. Sorry po sa mga nangyari mga bagay na katulad nyan, hindi naman po lahat ng tao dito sa pinas manloloko… I hope po mahuli na yun doctor na pastor po para po matapos na ang kanyang panloloko.

    Komento ni Gabriel — Nobyembre 1, 2009 @ 9:46 umaga | Sagutin

    • hi gab, sana nga matapos na yan. pero sa totoo lang, papano matatapos e ni hindi nga nya aminin na nanloko nga sya e 😦

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 4:06 umaga | Sagutin

  26. […] na yung halloween ko dun sa barangay hall at ipinagtanggol ko ang puri ko laban sa may piano at may mercedes benz naming […]

    Pasa ni piknikan sa sementeryo « Kwentong Kengkay — Nobyembre 3, 2009 @ 4:17 umaga | Sagutin

  27. Hello Kengkay,

    Nakakaloka ‘tong titulo ng artikulo mo. Pareho tayong pinay/pinoy kaya alam kong alam mo ang sagot dyan. Hindi tayo kagaya ng tinutukoy mo. Alam ko naman kung ano ang ibig mong sabihin pero nakakaloka pa rin. 🙂

    Minsan nakakawalang gana talaga pero may tiwala pa rin ako sa ibang mga pilipino. May tiwala ako sa pamilya ko at mga kaibigan ko. May tiwala pa rin ako na ang mga kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.

    Kung sana lahat ng tao lalo na ang mga magulang ng mga kabataan may prinsipyo at paninindigan at ayon sa kabutihan. Dahil sila ang gagabay sa ating mga kabataan hindi lamang mga guro sa paaralan at mga taong nakapaligid sa ating bakuran.

    Gayonpaman, naniniwala pa rin ako na marami pa ring mga magulang sa atin ang may prinsipyo at dignidad at maganda ang pagpapalaki sa kanilang mga anak. Nasa anak na ngayon ang desisyon kung ang kagandahang asal ba ang kanilang susundin o dikta ng pera at pagkagahaman ang kanilang pananaigin.

    Ang mga tao sa mundo ay hindi pare-pareho, mapa-pilipino man o banyaga. Kahit saan ka magpunta, may mabuti at may masama. Nagkataon lang na dyan ka sa Pilipinas nagawan ng hindi kagandahang asal.

    Magtiwala sa dapat pagkatiwalaan ngunit alaming mabuti ang ugali ng bawat tao, maka-Diyos man o hindi. Dahil maraming tao ang nagdudunung-dunungan at nagpapanggap lamang. Kaya mag-ingat sa mga mapagpanggap at mapagsamantala.

    Minsan hindi sukatan na makilala mo lahat ng miyembro ng pamilya kung sila ay bagong kakilala. Puwedeng may mabuting ugali ang mga magulang niya, mga kamag-anakan niya at mga kaibigan niya ngunit hindi ito makakapagbigay ng seguridad na mabuting tao rin ang ang bagong kakilala. Minsan hindi rin kasi tutuo ang kasabihang kung ano ang puno ganoon din ang bunga dahil ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang ugali at dahil tayo ay hindi pare-pareho.

    Gabayan ka nawa ng Diyos sa iyong pakikibaka.

    P.S.
    Feeling ko puwede na akong magkaroon ng blog sa wikang pilipino. 🙂 Pinagpraktisan ko tong blog mo e. 🙂 Have a great week, Kengkay! Hello na lang kay Kengkoy at sa little Kengkays.

    Komento ni Sofie — Nobyembre 3, 2009 @ 7:26 umaga | Sagutin

    • totoo ka dyan, ibat iba tayo. kaya ibat ibang klaseng manloko, hehehe. yung iba joke joke lang, yung iba, hayok na hayok naman. haysss. ewan ko ba… pero salamat sa pagiwan ng komento dahil sa maniwala ka at sa hindi, nakakatulong!

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 4:05 umaga | Sagutin

  28. mare, tulad ni mama cheh akoy nasa blogation,pero sobrang bigat ng pakiramdam ko ng mabasa ko ang post mo at diko rin matiis na hindi magcomment. alam ko kung gano ka positive about our nation, sa totoo lang sayo ako kumukuha ng lakas ng loob para ganahan at lalo pang mahalin ang bansa natin. pero dahil narin sa mga maliliit na experiences ko sa mga manloloko at mapag samantalang kababayan natin nakakawalang gana talga. diko mapigilan magisip at magtanong komo ba dayuhan ang natisod natin akala nila limpak limpak na pera, nakaka panghina ng loob at nakaka dismaya. tama yang desisyon mong lumaban, para matigil na ang manloloko ng taong yan…pinag darasal ko kayo lagi,

    p.s. sa totoo lang matutuwa at mapapanatag ang loob namin kung babalik nalang kayo dito, pero kung ano man ang desisyon mo, susuportahan ka namin..god bless!!!

    Komento ni lilaybulilay — Nobyembre 3, 2009 @ 6:34 hapon | Sagutin

    • ay naku lilaybulilay… hindi kita kinakalabit kasi ayaw kong madismaya ka kasi nga ibang klase itong nangyari talaga sa amin. malay ba naming yung mga tao na winewelcome kami sa ibat ibang simbahan at nakapag-udyok pa kay kengkoy na magsimba e yun pala ang demonyo sa tabi namin? ibang klase talaga. lalaban muna ako dito. atsaka na ako magpapakasaya sa alemanya kapag tapos na ang laban namin. just continue praying for us.

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 4:03 umaga | Sagutin

  29. seryoso, ingat. maraming tanga na nakikisakay sa gulo ng gobyero at hirap ng buhay para magka “lisensya” na manloko ng kapwa.

    Komento ni Jon Cabron — Nobyembre 4, 2009 @ 3:44 hapon | Sagutin

    • sa totoo lang, jon, hindi ko nga alam kung super eng eng ba kami o super bait. but in the end, tanga na rin kasi naniwala kami ng basta basta 😦

      Komento ni kengkay — Disyembre 1, 2009 @ 11:54 hapon | Sagutin

  30. hi ate kengkay nahuli ako dito sensya na po..

    i hope ok kayong lahat sa bagong bahay nyo..

    miss u ate..pag may time punta kayo ulit dito ha..

    ingats po palage,..,

    Komento ni lovely — Nobyembre 11, 2009 @ 7:07 umaga | Sagutin

  31. New here! I know your story is not funny but made me smile. with a sound… tsk! tsk! tsk! you have no idea kung ano ka-daming manloloko. Pero alam ko na if its good to be true…most likely it is not true. Sorry to hear your story. Kahit saan kung pera na ang pag-uusapan, aaligid aligid na kaagad ang mga hayuk sa pera. Pero ang pinakamagaling sa character ng iyong istorya is big time ang pangalang gamit na panloloko “Doktor na” “pastor pa!” who could say no? Try me… doktor of the deviniting ispirilitsugas…(sori about that, di ko lang mapigilan)…

    Komento ni darbs — Nobyembre 14, 2009 @ 3:04 hapon | Sagutin

    • doktor na, pastor pa — sobrang daming good credentials ano? na kaka overwhelm!

      Komento ni kengkay — Disyembre 1, 2009 @ 11:56 hapon | Sagutin

  32. And this is the main reason I love kwentpngkengkya.com. Incredible post.

    Komento ni Darnell — Marso 9, 2010 @ 9:44 hapon | Sagutin

  33. […] sa amin dito sa pinas. hunyo 2009 kami umuwi, nalindol agad ang buhay namin. naloko ng isang pastor doktor dahil sa mga pekeng titulo at bogus na business […]

    Pasa ni pagninilay « Kwentong Kengkay — Abril 1, 2010 @ 5:35 umaga | Sagutin

  34. Mga problema ng mga tao ngayon. Malaki ang problema puro loko ng loko parang wala na nagagawa ang pilipino tapos nanloloko pa sila!?

    Komento ni hellojohnisaac — Hulyo 5, 2017 @ 12:26 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: