Kwentong Kengkay

Oktubre 31, 2009

volunteer ako ng DSWD

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 2:34 umaga
Tags: ,

sila ang mga klasmeyts kong volunteers sa DSWD kagabi…

ang mga magagandang volunteers tulad ko, hehe
kahit na bumabagyo na kagabi, kahit na ayaw akong payagan ng buong pamilya ko, kahit na takot din akong abutan ng bagyo sa labas ng bahay… ay nagpunta pa rin ako sa DSWD sa may airport.
packing time
ayan sila, ang sisipag di ba? katulad ko sempre.

nagpramis kaso akong pupunta e. kaya dapat punta ako di ba?

hindi mahirap hanapin ang warehouse ng dswd kasi sa kung alam ninyo yung our lady of the airways parish church sa may mia road, papuntang airport po yan, dun mismo sa kabilang kalye ang dswd warehouse. nakalagay naman yung signage e. unang-unang gate po sya sa kalye na yon.

halos mag-aalas otso na ng gabi ng dumating kami. sempre, trapik dahil sa undas; at trapik dahil sa umuulan.

dapat kapag nagpunta kayo dun, magtanong. kasi kundi, matetenga lang kayo.

unang gawin, mag register sa guard. pangalawa, pumasok sa kaloob-looban dahil andun ang warehouse. at dun meron kayong papel ulit na pipirmahan. tapos nun, tuturuan kayo kung alin ang dapat ninyong gawin – por ehemplo – kami sa isang mahabang lamesa – may plastik bag, may plastic ng bigas, may beef loaf, may carne norte, may noodles. kanya kanyang pwesto.

may taga bukas ng plastik bag. tapos taga lagay ng bigas, ng isang beef loaf, ng dalawang carne norte, ng beef at chicken noodles, tapos sempre isasara yung plastic at ibabalumbon para sa pageempake nito. tulong tulong lang… halos di nga kami magkakakilala pero okay na okay ang team work namin.

mahigit isang oras lang ako andun dahil nga nangungulit mga little kengkays. pero sa totoo lang, isang oras na yon, ang dami na naming naibalot. ibang klaseng team work kasi e.

yung iba daw dun halos dalawang oras na. masakit na daw mga katawan nila pero game pa rin sila. mga isang dosenang volunteers siguro ang andun kagabi. pero kasi, nagsiuwian na yung mga nakararami. saludo nga ako sa mga nagpaiwan kasi inabot daw sila ng alas onse! at bumabagyo pa yan ha. confirmed report yan kasi isa yung kapatid ko at mga ka-ofismeyt nya sa mga nagpaiwan e. kaya nauto pa nya akong bigyan sila ng pang jollibee, hehehe

ang sabi nung mga tao dun, kailangang-kailangan nila ng volunteers. marami pang ibabalot. kapag di gumalaw yon e talagang mabubulok. araw araw daw mula 8 am e bukas na sila. oo, kahit sabado o linggo! kaya punta na kayo. kahit isang oras lang, marami na kayong magagawa, pramis!

basta ako, babalik ako! in fact, dadalhin ko mga little kengkays para mabukas mga mata nila sa mga ganyang bagay bagay.

Advertisements

17 mga puna »

  1. o BASE perstaym ko to wohohho

    Komento ni jex009 — Oktubre 31, 2009 @ 7:59 umaga | Sagutin

    • Si Big Kengkoy? ‘ndi sasama ? hihih 😀

      okey banding yun sa pamilya…

      Komento ni jex009 — Oktubre 31, 2009 @ 8:03 umaga | Sagutin

      • ay, ayaw nga akong payagan magpunta dahil daw sa bagyo e. pero sa sunod na araw, isasama ko din sya

        Komento ni kengkay — Nobyembre 3, 2009 @ 3:52 umaga

  2. ay talagang mabubulok…sana marami pang sumamang volunteers….

    Komento ni blurosebluguy — Oktubre 31, 2009 @ 9:56 hapon | Sagutin

    • tama ka, sa sobrang dami ng nakaabang pa dun at mga dumarating pang donasyon, kailangan ng volunteers talaga

      Komento ni kengkay — Nobyembre 3, 2009 @ 3:52 umaga | Sagutin

  3. wow, ganda naman ng experience na yan. masabi nga mga dabarkads yan ng makatulong.

    Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 1, 2009 @ 2:22 hapon | Sagutin

  4. ito ang pambalanse sa nauna mong post, mareng kengks… kung may mga manlolokong pinoy, marami din naamang mga nagmamalasakit sa kapwa. mabuhay ang bolunterismo! 🙂

    Komento ni taroogs — Nobyembre 2, 2009 @ 5:33 umaga | Sagutin

    • mabuhay ang bolunterismo! at yung isang post ko? sa totoo lang, dismayado pa rin ako 😦

      Komento ni kengkay — Nobyembre 3, 2009 @ 3:53 umaga | Sagutin

  5. I admire you. WIsh I have the time to do so. Sa ngayun dasal lang kay ko ibigay e. Sana magka time na ko.

    Komento ni Callcenterguy — Nobyembre 2, 2009 @ 6:10 umaga | Sagutin

  6. wow! im happy for you! pwede rin kaya kami?

    Komento ni rllqph — Nobyembre 3, 2009 @ 1:42 umaga | Sagutin

    • kahit sino pwede. basta pumunta lang sa takdang oras atsaka ready na magpawis at magbanat ng buto. kahit dun na lang kayo magparegister!

      Komento ni kengkay — Nobyembre 3, 2009 @ 3:54 umaga | Sagutin

  7. Hello Kengkay,

    Good job! Sana marami pa ang magvolunteer. Marami pa ang nangangailangan, sunod-sunod na apat na bagyo ba naman. Kakaloka!

    Komento ni Sofie — Nobyembre 3, 2009 @ 7:28 umaga | Sagutin

    • kasi naman, kulang din ang dswd, kung lagyan ba nila yung signage ng warehouse nila sa labas na kailangan nila ng volunteers, edi mas marami pupunta. kaso mo kailangan mo bang mag check sa internet para lang malaman ang mga bagay bagay na ito e. pano yung ibang walang internet di ba?

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 3:59 umaga | Sagutin

  8. OMG may ba orbs ang picture…

    Komento ni otep — Nobyembre 4, 2009 @ 8:23 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: