Kwentong Kengkay

Nobyembre 3, 2009

piknikan sa sementeryo

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 4:17 umaga
Tags: ,

naligaw yata ang cinderella, snow white at lilifee sa lupa :)sabi ko na nga kay kengkoy at sa mga little kengkays e…

masaya kapag undas sa pinas. kaso lang, ma-trapik! tapos nagkaron pa ng bagyo… so wala talaga kaming kaplano-plano. nawala ang plano, yun yun!

nauna na yung halloween ko dun sa barangay hall at ipinagtanggol ko ang puri ko laban sa may piano at may mercedes benz naming landlor 😦

dapat nga nung halloween, pinagpipilian namin yung diamond hotel (kasi may kakilala ako dun na gusto ko din makachika ulit) o kaya dun sa enchanted kingdom (kasi di pa nakakapunta dun mga little kengkays). pero dahil sa bagyo, umayaw kami. pero dahil nawala naman ung hangin at ulan, nagkaideya akong kulitin ang isang kaibigan na nakatira sa isang village na alam kong may trick or treat, at dun na nga kami nag-gala. ang aking cinderella at snow white ay nakapaguwi ng isang damukal na kendi na halos lahat e hindi nila kilala, heheh. tulad ng mga kending kulay ube 🙂

nung undas naman, sarap na ng tambay namin sa bahay. kaso mo naman… biglang naisip ko, masaya ngang makaranas sila ng undas sa pinas di ba? at dahil may short cut sa amin papuntang manila memorial park; at alam kong tradisyon na may piknik dun parati — niyaya ko sila. umayaw si kengkoy dahil medyo masama pakiramdam niya. gusto sumama ni bunso basta may dalang sasakyan. gusto sumama ni panganay kapag magtricycle kami. urong sulong ang mga little kengkays.

ang ending? dahil sa magta-tricycle kami e sumama yung mga bata. brooom, broom nga naman e. medyo naligaw kami sa manila memorial. kasi naman lampas na yatang sampung taon nung huling nakarating ako run e. pero dahil madaming mabait na pinoy, as opposed sa mga manlolokong ganid, may naghatid sa amin. ang palatandaan ko e dun sa harap ng puntod ni dindo fernando. sikat sya dati pero ngayon e halos wala ng makakilala sa kanya, waaa. mabuti na lang may isang mamang naka-alala sa kanya. sinamahan pa kami! salamat po.

nakita ko rin ang dapat naming puntahan. surprise guests kami sa piknik sa sementeryo. sa sobrang surprise nila, walang dalang ingles, wahahaha. takot na takot kausapin yung mga bata. pero enjoy din naman silang dalawa.

tuwang tuwa sila na may mga nagtitinda ng ice cream sa sementeryo. na may piknik sa sementeryo, daming pagkain. na pinayagan ko silang makilaro ng psp sa mga kuya-kuyahan nila dun. meron pa ngang nagpasikat at nagmagik magik pa, ahahah.

pag uwi nga namin, ang saya ni bunso; tanong nya sa papa nya kung bakit daw hindi sya sumama sa party sa sementeryo! kasi naman, ang undas sa alemanya? ganito: click

Advertisements

15 mga puna »

  1. Hello Kengkay,

    O di ba, masaya talaga sa Pinas. Araw ng mga patay e may party. Ibang-iba nga naman dito. Siguradong nag-e-enjoy ang mga anak mo. Bawat araw yata mayroon silang bagong natutunan at nalalaman. Kaunting ingat lang, kaya niyo yan dyan. Maging laging alisto ka na lang lagi sa bawat galaw ng ibang tao. Sa bukada ng kanilang mga bibig. 🙂

    Marami ka pa ring puwedeng mapagkakatiwalaan dyan. SA uulitin, kaunting ingat lang. Nauntog ka na di ba? Gusto mo bang mauntog uli? 🙂

    Have a great week!

    Komento ni Sofie — Nobyembre 3, 2009 @ 7:38 umaga | Sagutin

    • yun nga ang problema e, wala kang peace of mind kapag parati mo na lang iisipin na naloko ka na, mag-ingat na kayo sa bawat kilos ninyo. wala ka ng katahimikan kasi aakalain mo lahat na lang may ibang agenda. ayaw ko ng ganung buhay 😦 naniniwala kasi ako dati na lahat ng tao mabait e, dapat lahat may karapatang pagbigyan… kaso naman marami pa rin palang gahaman sa mundo.

      alam mo, alam naman nating mga pinay na may asawang dayuhan ang mga dapat nating ikilos kapag asa pinas tayo e. kaso may mga taong mala-ahas talaga ang dating. si kengkoy e matagal ko ng inuulit sa kanya kung tama ba yung mga deals nya dun sa pastor-doktor; oo daw. sempre sya ang banker, alam nya kung ano dapat nyang ikilos sa mga ganyang deals. at tiwala naman ako sa asawa ko at dapat, suportahan din kahit papano.

      matagal na akong may mga tanong, matagal na akong nauntog; ang kaso, itong si kengkoy, untog na untog na nga, ayaw pa ring ialis ang ulo sa pag-kakauntog. matigas ang desisyon nya na dito na kami. great weekend? sa sabado ang huling pagkikita namin ng aming dating landlord sa barangay hall, ayoko na, sa totoo lang. isa pa sila sa mga taong may sariling mundo 😦

      Komento ni kengkay — Nobyembre 3, 2009 @ 11:53 umaga | Sagutin

      • Pasasaan bat matatapos rin ang problema mo. Kaunting tiis lang. At least nalaman mo, so alam mo na ngayon. Dahil alam mo na, maingat ka na sa susunod. Naniniwala naman akong likas sa tao ang pagiging mabait kaya lang paminsanminsan meron talagang kasamaang ugali, yong nga lang sa eksperyensya mo, nasobrahan naman ng sama yong iba. Hang on there, Kengkay!

        Komento ni Sofie — Nobyembre 3, 2009 @ 3:38 hapon

      • naku sofie, akalain mo bang sunod sunod na batok ang mangyari sa amin dito sa pinas. kakapraning lalo pat ikumpara mo yung katahimikan ng buhay namin sa alemanya. pero tama ka, matatapos din yan. salamat

        Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 3:47 umaga

  2. haha.. tama ka ms kengs’ para ngang piknik ang dating…reunion na rin ng mag kakamag-anak. Mabuti ipinagbabawal na yung malalakas na sound system…

    Komento ni sandi — Nobyembre 3, 2009 @ 10:24 umaga | Sagutin

    • namiss ko nga yung mga nagkakaraoke e, hehe. kaya pala, dahil pinagbawal na.

      Komento ni kengkay — Nobyembre 3, 2009 @ 11:53 umaga | Sagutin

  3. ay tama ka ang undas sa europa hindi kasing saya at kasing garbo sa pinas….sabi ko nga sa mga kaibigan ko …sa amin may karaoke pa hahahahahah

    Komento ni blurosebluguy — Nobyembre 3, 2009 @ 12:35 hapon | Sagutin

    • ibang klase talaga mag celebra ng undas sa pinas ano? naku e yung mga moseleum pa lang e malulula ka na, papano pa kaya pag nakita mo yung kainan! tapos may kantahan pa, majhong at kara krus ehehe

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 3:49 umaga | Sagutin

  4. Hi, mukhang enjoy ang mga bata this time, we’re here sa Pinas also, sana magkita tayo kapag weekend pag walang pasok ang mga little kengkays, malapit lang kami sa enchanted kingdom

    Komento ni an2nette — Nobyembre 3, 2009 @ 1:15 hapon | Sagutin

  5. Its good to hear that your kids enjoy the Undas tradition, very festive kasi ang atmosphere, like a family reunion with matching foods hahahaha, and your kengkays love the tricyles pala hahahaha. Then definitely they will enjoy Xmas and New Year too.

    A blessed Tuesday to you and your family.

    Komento ni The Pope — Nobyembre 3, 2009 @ 4:17 hapon | Sagutin

    • love nila ang undas. di nga nila namalayan na mga nitso pala yung mga buildings at bahay daw na sinasabi nila e, hahaha. paborito nilang sumakay ng sidecar at tricycle at jeep. ayaw lang nila ang bus dahil hindi pa daw sila umaandar e tumatakbo na, hehe

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2009 @ 3:51 umaga | Sagutin

  6. ay ayokong mag undas sa alemanya..kakaiba..hehe

    sa pinas kasi mami kengks, ang undas parang nagiging family reunion kaya masaya. buti naman nag-enjoy ang mga little kengkays mo at nagkaroon kayo ng bonding time with the family. 😀

    Komento ni flamindevil — Nobyembre 4, 2009 @ 3:59 umaga | Sagutin

  7. oo nga nung tumawag ako sa bahay nung undas ang ingay ng chikahan haha.

    cute ng mga little kengkays! haha

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 4, 2009 @ 5:52 hapon | Sagutin

  8. nag trick or treat din kami ng pamilya ko sa mall nga lang sa makati. ang cute ng mga little princesses mo… tama ka mamy kengks na piknikan nga sa sementeryo pag undas, reunion pa. saya talaga sa pinas kahit araw ng patay, buhay na buhay ang celebration. 😀

    Komento ni docgelo — Nobyembre 4, 2009 @ 11:20 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: