Kwentong Kengkay

Nobyembre 7, 2009

larong rubber bands o goma

Filed under: Kwentong Bulilit — kengkay @ 11:41 umaga
Tags: ,
marunong kayo nyan?

marunong kayo nyan?

Andun ako sa palengke ng libertad, pasay ng may mapansin ako sa may gilid na tila nagtatago. Na excite ako kasi kilala ko pala sya…

Nilapitan ko at muling nakipagkilala… sa mga ibat ibang kulay na rubber bands o goma!

Sila ang halos e kalaro ni kengkay nung sya e batang-bata pa. Kayo? Naging bahagi ba sila ng buhay ninyo?
Ay, talaga naman, nung nakita ko sila bigla kong nakita ang mga mukha ng mga little kengkays. Sempre naman, pagkakataon na naman para maipakita ko ang eksampol kung bakit masaya ang aking kamusmusan ditto sa Pinas.

Bila agad ako, mura lang sila. Ang dami pa. Pag uwi ko ng bahay binigay ko agad sa mag little kengkays. Di nila alam kung anong gagawin nila dun. Kasi ang alam nila dun e pang-palumbon lang ng mag papel o kung ano pang gamit na hindi dapat umalpas.

Panahon na para malaman ninyo ang ibang gamit ng rubber band, sabi ko.

Kaya naman ang simula ng turuan e kung papano sila magtirintas nito para gawing skipping rope o pang luksong lubid. Sa totoo lang, nanginig din ako kasi parang hindi muna ako nagpraktis bago ko sya pakitaan ng gilas ko e. Mabuti na lang, alam pa rin ng mga daliri ko!

Ang bilis matuto ni panganay. Dalawang subok lang e kuha na nya. Si bunso marunong na rin kaso mo dahil panay kulay pink ang gusto nya e medyo hindi sya makaconcentrate sa kahahanap ng kulay pink, hehe.
Nakabuo kami ng halos apat na mahahabang pang luksong lubid. Sempre ano pang pwedeng gawin sa tali na yun?

Edi pang larong tinikling. Itatali sa magkabilang dulo yung rubber band na nakatirintas. May dalawang tatayo at sila ang magiging poste para sa nakataling rubber bands. Tapos kapag game na, merong magtitinikling. May mga variations yung movements, na may kasamang bilang. Taya ka kapag napilipit yung paa mo sa goma.

Sinubukan namin yon, pero tawa lang ng tawa ang mga bata. At kapag sila na ang game, naiiyak naman sila sa inis kasi nakakalito daw. Di nila alam e champion ang nanay kengkay nila dun dati. Walang nagmana sa akin, ganun!

Yung ibang rubber bands na tinirintas e ginawa naming pang sabit sabit sa bahay, dekorasyon daw! At yung iba naman? Ginawang wig ng mga bata, hehehe.

Isang araw namang ayaw na nilang magtirintas daw ngalay na daw sila, tinuruan ko sya gumawa ng mga shapes sa pamamagitan ng paggamit ng isa o dalawa o tatlong kombinasyon ng goma sa kanilang mga daliri. Di ba ang una dun yung stars? Tapos yung parang sapot? Actually, yun na lang alam ko ngayon.

May alam pa ba kayong shapes? At may alam pa ba kayong pwedeng gawing laro sa rubber bands? Share nyo naman!

Advertisements

20 mga puna »

  1. ang gumawa ng shapes,ang hindi ko natutunan sa paglalaro ng goma… ang alam ko lang ay ilaban ito sa aking mga kalaro.. minsan binabalahan ko ng maliit na papel tapos pipitikin na parang pana..ayun, aray nila 😉

    Komento ni sandi — Nobyembre 7, 2009 @ 12:10 hapon | Sagutin

  2. wala bang ganyan sa inglatera ate? nung bata kami nilalaro din namin yan ng mga pinsan ko. pustahan pa.hahaha…

    gusto ko makita si bunsong kengkay. hehe

    Komento ni taympers — Nobyembre 8, 2009 @ 10:48 umaga | Sagutin

  3. mommy kenks… papromote po ha…

    SHOUT YOUR LOVE FOR RICE!

    http://yhen1027.wordpress.com/2009/11/09/shout-your-love-for-rice/

    Komento ni yhen — Nobyembre 9, 2009 @ 10:30 umaga | Sagutin

  4. hahahaha

    cute! di ko masyadong nalaro ang goma

    Komento ni dencios — Nobyembre 9, 2009 @ 11:14 umaga | Sagutin

  5. hahahaha

    cute! di ko masyadong nalaro ang goma. pero masya talaga iyan. naimagine ko tuloy ang hapines while playing with little kengkays 😀

    Komento ni dencios — Nobyembre 9, 2009 @ 11:15 umaga | Sagutin

  6. ay pinaalala mo naman sa akin ang mga laro ng ating kamusmusan…exciting..hahahahahaa…….magawa nga minsa dito sa roma……sabay skipping rope sa harap ng coliseum ….wheheehehehheeh!

    Komento ni blurosebluguy — Nobyembre 9, 2009 @ 8:00 hapon | Sagutin

  7. i miss my chilhood memories ..
    musta na kaw ate kengkay..

    Komento ni lovely — Nobyembre 11, 2009 @ 6:34 umaga | Sagutin

  8. ciao kengs, musta na? lam mo spammer yata yung comment sa blog ko na ginamit yung link ng mommy blog mo. sabi dun email daw kita, email naman ako pero di ka sumagot kaya sabi ko manloloko ata yun. ingat kasi baka hina hack nila email mo, mahirap na…

    Komento ni lovelyn — Nobyembre 11, 2009 @ 7:25 umaga | Sagutin

  9. kengks…di ko makita email mo kaya dito na lang….may balak ka bang ipabili dito? uwi ako sa dec…please email me kung may papabili ka ha…

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 11, 2009 @ 11:58 umaga | Sagutin

  10. ahehehe naalala ko nung bata pa ako.

    madami kami laro sa goma. meron ung pitikan, dapat matakluban mo ung goma nung kalaban.

    meron ung pagbubuhulin mga goma tapos sisipain hanggang makalas. kung sino makakalas, xa ang panalo.=)

    Komento ni timangkey — Nobyembre 12, 2009 @ 2:23 umaga | Sagutin

  11. mami kengks turuan mo sila ng paggawa ng star,double star,bahay ni tarzan at kung anu pa

    pwede rin yang pang 10,20 na laro..pwedeng pang chinese garter

    dami nga namang gamit ng mga goma no.

    i’m sure enjoy mga little kengkays nyan. 😀

    Komento ni flamindevil — Nobyembre 12, 2009 @ 9:09 hapon | Sagutin

  12. uy marunong akong maglaro niyang rubber band game kahit ngayon. 🙂

    Komento ni Snow — Nobyembre 14, 2009 @ 4:37 hapon | Sagutin

  13. Hahaha! Galing a! Anak ko nga tinuruan ko din. natutong mag patalsik ng goma. Hayun ang sakit tuloy. hahahaha

    Komento ni callcenterguy — Nobyembre 16, 2009 @ 2:39 umaga | Sagutin

  14. ang ang saya naman. okay kapag nahumaling sa ganyang mga laro ang mga bata mura na walang gastos pa sa kuryente. hehe

    ako ang alam ko yong shape ng bahay ni kengkoy saka double star! oh ha. kahit nakapikit pa. haha

    Komento ni eli — Nobyembre 16, 2009 @ 3:31 umaga | Sagutin

  15. Ayyyy nilaro ko yan nung bata pa ko!

    Kaso HS na ko nung natuto ako gumawa ng star eh! Yung mga gamit ni Batman nagawa ko din yuN!

    Komento ni joycee — Nobyembre 16, 2009 @ 2:23 hapon | Sagutin

  16. may isa pang laro na naalala ko gamit ang goma…ung ‘DAMPA’.. hahaha…

    Komento ni aperockstar — Nobyembre 17, 2009 @ 10:59 hapon | Sagutin

  17. gusto ko 2loy blikan ung kabatan kung di postcard goma ang laruan,gnagwa ko kc baril yan nun..hihi

    Last Blog’s..Combines Two Faces Into One!

    Komento ni whitepaige — Nobyembre 18, 2009 @ 7:06 umaga | Sagutin

  18. ako postcard ang laro ko..hahah

    Komento ni iamronel — Marso 31, 2010 @ 6:13 umaga | Sagutin

  19. […] pala, marunong din silang gumawa ng chinese garter sa pamamagitan ng goma. eto ebidensya. Like this:LikeBe the first to like this post. Mag-iwan ng […]

    Pasa ni Parol na Goma « Kwentong Kengkay — Disyembre 9, 2011 @ 8:49 umaga | Sagutin

  20. 800+ ung goma ko laban tayo dang kalan o shootan labasan ano palayuan ng tira ung tira ko kasing haba ng jeep

    Komento ni rafraf — Nobyembre 23, 2012 @ 12:56 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: