Kwentong Kengkay

Nobyembre 19, 2009

ilang SM pa ba ang kailangan natin?

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 7:07 umaga

naalala nyo ang listahan ng mga paboritong shopingan ni kengkoy? number wan dun e yung SM.

sa ngayon, medyo nagdadalawang isip na kami sa pagkapaborito nyang yan. kasi naman, sa bawat kanto may SM na.

bawat liko mo na may trapik, tanungin mo kung bakit matrapik; kasi po malapit na tayo sa SM.

ang SM naging kabute na. kung saan saan nagsusulputan.

kapag papunta ka ng paranaque at las pinas galing ng maynila? ilang SM madaanan mo? hindi ko alam kung may SM carriedo pa, pero andyan ang SM harrison plaza, SM mall of asia, SM sucat, SM bicutan, SM southmall, SM hypermart sa las pinas, at kung ano ano pang SM shopwise at SM hypermart dyan sa tabi tabi.

e ilang SM pa ba ang kailangan natin? sa opinyon ko lang ha, tama na yang pagtatayo ng SM na yan. nakakaumay na e. at nakakairita ang trapik sa kapaligiran nito.

naalala nyo ba nung araw na ang SM e shoemart lang talaga? yung talagang sapatos lang ang tinda nila? super excited ako kapag pupunta kami dun. bagong sapatos sa bagong iskul yir. bagong sapatos sa pasko. tapos sempre yung merienda sa tabi tabi. sa Makati pa nun. punta din kami ng quad.

super excited ako kapag alam kung pupunta kami ng makati kasi alam kong SM agad ibig sabihin non. kahit na nga nung nagkaron ng SM north edsa e super excited din ako kasi dun naging tambayan namin sa Uste. at sa megamall, sarap din dun kasi mega nga di ba? hehehe

pero ngayon? ay, kakawalang gana na mag SM. kita mo na sya kahit saan, yun at yun lang. nawala ang excitement. lalo pat kapag na trapik ka sa harap ng SM.

ang mga little kengkays? gusto nila sa mall of asia dahil sa ice skating, at sempre dahil sa jollibe, yun lang.

Advertisements

36 mga puna »

  1. oo, may SM carriedo pa – nakita ko noong kumuha akong NBI pero outlet store na lang sya. Sosyal ka at makati kayo nagpupunta. Kami excited pag Christmas or pag may okasyon kasi lumuluwas kami ng manila para mamili sa SM.

    Dati pag mama ko kasama ko, sa carriedo lang kami. Pag walang nagustuhan sa SM tatawid sa isetann at plaza fair. Pag kasama tita ko, sa Cubao naman kami at hapi ako pag sa cubao dahil makakapunta ako sa gift gate sa ali mall at may wendy’s.

    Noon, talagang pag namili ka sa SM, walang kapareho sa bangketa. Pero ngayon, ang tinda sa SM meron din sa divisoria.

    Komento ni nina — Nobyembre 19, 2009 @ 8:28 hapon | Sagutin

    • ay sosyal talaga kami, sosyal climber ang mga taga pasay kasi may i go kami sa SM makati, hahahaha. pero mas gusto ko pa actually dati yung good earth dun sa may carriedo. masarap pagkain dun!

      pero tama ka, ang tinda sa SM asa divisoria din at sa mga bangketa. ang pagkakaiba lang, de aircon ang SM 🙂

      Komento ni kengkay — Nobyembre 19, 2009 @ 11:59 hapon | Sagutin

  2. kumusta ka na pala?

    Komento ni nina — Nobyembre 19, 2009 @ 8:30 hapon | Sagutin

    • salamat nina. i felt better nung nagtanong ka. doing better and better!

      Komento ni kengkay — Nobyembre 20, 2009 @ 12:00 umaga | Sagutin

  3. Actually parang kabute nga SM. Me study kasi na nagsasabing parang mushroom effect ang pagtayo ng maraming SM Malls sa ibat ibang lugar. Parang sa Baguio, biglang sumulpot ang SM. Naetsa-pwera tuloy ang ilang maliliit na establishments dun. Lahat kasi ng tao sa SM na pumupunta.

    SM Rosales naman bigla rin sumulpot sa Pangasinan, khit katabi nito ay ilog, ayun nung bumaha kasama ang SM sa nabiktima ng baha.

    Komento ni Dorm Boy — Nobyembre 19, 2009 @ 10:30 hapon | Sagutin

    • dorm boy, balita ko nga dun daw sa mga may bagong tayong SM dun daw binaha ng todo ang mga kapaligiran e. katunayan, nung na trap kami sa may ugong, pasig — ang reklamo ng mga tao dun magmula daw nung magtayo ang SM hypermart dun e baha na daw ng baha sa paligid nila. hmmm…

      Komento ni kengkay — Nobyembre 20, 2009 @ 12:01 umaga | Sagutin

      • Hmmm malala nga ang epekto ng SM. I have nothing against them pero dapat iconsider din ang environment sa lugar kung saan itatayo ang mga SM. Bow!

        Komento ni Dorm Boy — Nobyembre 22, 2009 @ 3:11 hapon

      • dapat hindi lang yung area nilang ginagalawan ang isipin nila kundi pati yung mga katabing lugar. kung okay sila, dapat okay lahat di ba?

        Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:07 umaga

  4. May Save More and SM Hypermart pa =)
    Ok sa akin yung save more kasi may itatayong malapit sa bahay namin, so I don’t need to go to the super malls to do my groceries. Mas magastos siyempre kung dun mag-grocery,hehe =)
    In a way, ok din na ang daming sm, maraming nagkakaroon ng trabaho.

    Komento ni cessna — Nobyembre 20, 2009 @ 12:11 umaga | Sagutin

    • yun nga lang, dumadami ang sm, lumalapit din ang pagkakagastusan, hahah!

      Komento ni cessna — Nobyembre 20, 2009 @ 12:20 umaga | Sagutin

      • daming SM, daming trabaho. sana maayos din ang pasweldo at turing sa mga empleyo nila ano?

        Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:08 umaga

      • gastos lahat, kahit nga sa tindahan lang ng mani sa kanto e nauubos pera ko, hehe

        Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:08 umaga

  5. Bawat kanto may Hypermarket at SaveMore. Nawawalan ng hanapbuhay yung ibang malililit na tindahan.

    Komento ni julie — Nobyembre 20, 2009 @ 1:45 umaga | Sagutin

    • tumpak ka dyan. kawawa mga tindahan. sabi ko nga, may isang jollibee sa may kanto na dating super lakas, nung dumating si SM e ayun, inabando na sya 😦

      Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:09 umaga | Sagutin

  6. ako loyal sa sm makati kahit taga bicutan ako. pareho tayo ate kengks, dahil sa quad hehehe mababawasan daw ang pagtatayo ng sm malls pero dinagdagan nila ang mga hypermarkets.

    Komento ni bernardumali — Nobyembre 20, 2009 @ 2:18 umaga | Sagutin

    • babawasan daw sm malls, pero yung hypermarts naman nila gagawing mini stops, hehe

      Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:10 umaga | Sagutin

  7. Don’t forget! SM tayuman!

    Komento ni Dennis — Nobyembre 20, 2009 @ 3:05 umaga | Sagutin

  8. ako isa lang ang paborito kong SM at yun ay yung nasa pampanga. ewan ko ba may special affiliation sakin yun for some unknown reason.

    Komento ni prinsesamusang — Nobyembre 20, 2009 @ 5:55 umaga | Sagutin

  9. During the seventies, we used to go to Shoe Mart Carriedo, ang kauna-unahang SM sa Pinas and another great store we used to go is the Good Earth Emporium, di pa kilala ang salitang ‘mall’. Manila is the only place to go for shopping, my late mother always says – pupunta tayo sa Downtown, mamimili at mamamasyal”.

    Happy weekend.

    Komento ni The Pope — Nobyembre 20, 2009 @ 12:02 hapon | Sagutin

    • hehe, baka nagkita na tayo sa good earth? dun kami parati kapag pasko at bagong utang si tatay ko sa 5-6, hahaha. at tama ka, sa downtown ang pinakasikat dati, parang kapanahunan ba natin yun?

      Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:12 umaga | Sagutin

  10. mareng kengks, may sm na rin sa hongkong at china… baka hihinto lang si henry sy kapag may sm-paris na 🙂

    Komento ni taroogs — Nobyembre 20, 2009 @ 5:30 hapon | Sagutin

    • hindi nga? sm paris? ewan ko lang… parang hindi bagay magtayo ng building ng sm at isiksik sa mga old buildings ng paris… parang nakakaiyak na yun, waaa

      Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:13 umaga | Sagutin

  11. dati akong kahera sa sm makati, year 1980to 1986

    Sikat talaga nun, tatlo lang branch, cubao and carriedo.
    Ngayn, me marikina branc na sila, malapit sa amin.

    Di ko lang gusto dyan, kasi yung clothes nila, minsan isang daan naka display, so sa jeep or fx, me makasabay ka na ka pareho, lol

    Komento ni francesca — Nobyembre 21, 2009 @ 7:30 umaga | Sagutin

    • ekk, baka nagkita na tayo? dun kami nag tatago kapag tumatakas kasi sa eskwelahan, hahaha. mga naka uniform pa kami.

      at tumpak ka dyan, kapag bili ka ng damit sa SM, madami kang kakambal sa kalsada. ang mahirap nun, mas mura pa yung bili nung kakambal mo na sa baclaran o divi lang nya kinuha, hehe

      Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:15 umaga | Sagutin

  12. hay naku mars, ako nga nagulat rin nung nabanggit ng utol ko sa chat na may bagong SM na naman sa Las Pinas, kaloka parang 7eleven lang..why not!!!

    Komento ni lilaybulilay — Nobyembre 21, 2009 @ 2:44 hapon | Sagutin

    • kumare — yung sm southmall, ilang usog lang ng pwet mo sa jeep, madaratnan mo na yung sm hypermart ba yun. natatawa ako kasi ang sm pa ang magpapabagsak ng sarili nya dahil tinatabihan nya yung mga sarili nyang tinahan, hehe

      Komento ni kengkay — Nobyembre 23, 2009 @ 12:16 umaga | Sagutin

  13. dati din excited ako sa SM. at kelangan naming maging responsableng mga bata bago kami pumunta ng SM, kasi, kelangan alam mo na lahat ng bibilhin mo, dahil malayo, at weekend lang kami pumupunta dun, bawal kang merong makalimutan.

    ngayon, ayus lang. 7 pesos away na lang ang SM. hahahaha.

    Komento ni aKDa — Nobyembre 23, 2009 @ 2:19 umaga | Sagutin

  14. napadaan lang..
    pa blogroll poh.. thnxs

    Komento ni moderator — Nobyembre 23, 2009 @ 2:37 umaga | Sagutin

  15. sa amin nga sa calamba, ilang metro lang mula sa bahay ni Rizal, may itinatayo na ring SM. naku, henry sy, i-donate mo na lang yang kayamanan mo sa mga kapus-palad!

    pa-blogroll ate… 🙂

    Komento ni neil dalanon — Nobyembre 23, 2009 @ 6:25 umaga | Sagutin

  16. Naku dame na nga masyado ng SM, dito din samen magkakaron pa ulit ng bagong SM sa dulo ng Cavite hehe.

    Komento ni joycee — Nobyembre 23, 2009 @ 1:01 hapon | Sagutin

  17. Ang aking asawa ay nagtatrabaho sa SM at isa lang masasabi ko, mukhang dadami pa ang SM habang dumadami ang idi-declare na city sa ating bansa. 😀

    Komento ni Snow — Nobyembre 24, 2009 @ 1:22 umaga | Sagutin

  18. mommy kengks, kami rin sm makati lagi. tanda ko pa, pag luluwas kami, magdadala pa kami ng packed lunch. adobo at kanin at itlog at kamatis. hahaha. dun kami kakain sa parking lot na before the doors of sm may mga kalabaw na istatwa. hehehe.

    hindi pa ma-traffic ng mga panahon na yun.

    meron ding sinisimulang sm malapit samen. sa ngayon, matindi na traffic. what more pag nagka-sm. haay. kawawa nga yung mga tindera dun sa palengke near sm. for sure, patay negosyo nila pag nabuksan na sm. tsk tsk.

    Komento ni antuken — Nobyembre 26, 2009 @ 1:38 hapon | Sagutin

  19. Ako tuwang-tuwa pa din sa SM… pero tama ka nga… masyado na silang marami… sabi-sabi ng iba, naghiwa-hiwalay na ang mga anak kaya meron ng SM Hypermarket at kung anu-ano pa…

    Pero mahal ko pa din ang mega…

    Nice posts btw! =)

    Komento ni bluejeansgirl — Nobyembre 26, 2009 @ 6:36 hapon | Sagutin

  20. gusto ko pa din ang SM dahil sa free wi-fi haha

    Komento ni Jason — Disyembre 15, 2009 @ 6:58 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: