Kwentong Kengkay

Nobyembre 24, 2009

aloe vera lutu-lutuan

Filed under: Kwentong Bulilit — kengkay @ 1:30 umaga
Tags:

nung maliit pa kayo, ano ang isa sa mga paborito ninyong laruin?

ako sa totoo lang, tuwang tuwa akong laruin yung aloe vera ng lolo-lolohan ko.

nagsusuluputan yang mga aloe vera na yan kahit saan sa aming malawak na hardinan. uy oo naman, kahit na taga pasay ako e may mga sulok pa run na walang tambak ng basura, hehehe. kulay berde ang kapaligiran namin; ibang berde yung naiisip ninyo, hmpf šŸ˜€

luto-lutuan. pipitas ng isang dahon ng aloe vera habang iniiwasan ang tinik nito. tapos maghahanap ng lata o kawali na pwedeng lagyan ng tubig. pipigain ang aloe vera. maghahanap ng pwedeng panghalo – kahit na isang pirasong tangkay lang ng puno e pwede na. o kapag wala talaga, manghihiram ng gamit sa kusina ng pasikreto, hehe.

tapos pipitas ulit ng dahon ng aloe vera, idagdag sa lalagyan. ah basta, minsan e hanggang sa makalbo yung aloe vera na hindi alam ng lolo-lolohan namin na kami yung umani. ang importante e — dyaraan…

ang pinaka-high dun e yung kapag lumapot na yung lutu-lutuan namin. yung kadiring lapot ba. kulay berde na rin yung kamay mo. yung amoy aloe vera na ang mundo mo. hahaha

kaya naman nung nakakita ako ng aloe vera sa tabi-tabi? hinatak ko agad ang mga little kengkays. tinuruan ko silang magluto na gamit ay aloe vera. ayan ang ebidensya.

penge pang aloe vera, mama

halos makalbo din yung aloe vera. pero di bale na, masaya naman sila at masaya ako kasi parang nakikita ko ang sarili ko sa kanila. aamin ako, nakiluto din ako sa kanila, hehehe. pasarapan ng aloe vera sopas!

Advertisements

15 mga puna »

  1. Ako naman different leaves ang niluuto kunwari ulam, etc.

    Komento ni nina — Nobyembre 24, 2009 @ 12:40 hapon | Sagutin

    • ay, kapag maraming pang sahog, dagdag din bulaklak at dahon, hehe

      Komento ni kengkay — Nobyembre 28, 2009 @ 12:44 umaga | Sagutin

  2. Nakakatuwa naman, sharing your childhood memories with your kenkays is really awesome and I can see that they really enjoy their cooking lessons hehehehe hanggang makalbo si aloe vera plant hahaha. last post mo napuna ko when you mentioned Libertad St. and now you said you are from Pasay City. Wala lang I was born and grew up in Pasay City and until now we still have a house there hehehehe, baka magkapit bahay tayo?

    Komento ni The Pope — Nobyembre 24, 2009 @ 4:54 hapon | Sagutin

    • ay, pasay girl ako e. sa malibay ang balay at sa st mary’s academy pasay ako nag aral šŸ™‚

      Komento ni kengkay — Nobyembre 28, 2009 @ 12:45 umaga | Sagutin

  3. hehe..ang saya naman. naalala ko yong mga laro namin ng bahay-bahayan noon kase naglulutulutuan kami. iba’t ibang dahon ang damit namin. bihira kase ang aloe vera sa lugar namin nun.

    Komento ni ELIment — Nobyembre 25, 2009 @ 3:26 umaga | Sagutin

  4. sosyal! aloe vera!

    nako, mini palayok at ipil-ipil leaves ang naaalala ko nung bata ako.

    tsaka pansit-pansitan! :p

    haha, talagang mga halamang gamot eh noh!

    Komento ni Iya Santos — Nobyembre 25, 2009 @ 3:56 umaga | Sagutin

    • ay oo, meron pa nga kayang mabibilhang mga mini palayok na yan? dati talagang inaapuyan namin yon e, hehehe

      Komento ni kengkay — Nobyembre 28, 2009 @ 12:47 umaga | Sagutin

  5. huwaw! Naalala ku yung 2 ko kapatid nun. Me aloevera din si lola sa kanyang mini farmville. Ayun! Malaput din sila maglutu lutuan nun mga maliliit pa kami. Hahaha!

    Komento ni cornolio — Nobyembre 27, 2009 @ 1:37 umaga | Sagutin

  6. this reminds me so much of my childhood.

    Komento ni Snow — Nobyembre 27, 2009 @ 4:11 umaga | Sagutin

  7. kami gamit namin putik at may sabaw na tubig at saka mga dahon…..musta na mareng kengkay!

    Komento ni blurosebluguy — Nobyembre 30, 2009 @ 8:31 hapon | Sagutin

  8. hi ate kengkay!

    oo datu naggaganyan naman kami. pero kami paggawa naman kuno ng palayok. yung gamit ay putik. tas puwede rin halo-halo na mga dahon din ang mga sahog at bato ang yelo. ang pambayad ay mga balat ng kendi.

    diba ang aloe vera ay maganda sa buhok?

    Komento ni hitokirihoshi — Disyembre 10, 2009 @ 1:01 umaga | Sagutin

  9. wowww…nakakatuwa naman..ang cute ng mga bata…di ko naexperience maglaro ng mga ganyan kasi…..kasi lalake ako..hehehe..natutuwa ako kasi yung pamangkin ko na 7 years old na, naglalaro ng mga dahon dahon sa bakura namin, bad thing is extinct na ang aloe vera sa lugar namin, kaya dahon ng gumamela, at ibat ibang halaman ang napagtitripan nya…madalas ko nga sya tinutukso na ang laro nya eh albularyo o kaya eh mangkukulam….love na love ko yung pamangkin ko na yun..kaya pag nkakakita ako ng mga bata kasing edad nya eh namimiss ko agad…..rak en rol!

    Komento ni bertong badtrip — Enero 11, 2010 @ 6:23 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: