Kwentong Kengkay

Disyembre 1, 2009

si pacman at ang pamilya kengkay

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:39 umaga
Tags: ,

edi ba nga naglaban si pacman at si cotto?

edi ba nga tiniris ni pacman ang cotto?

edi ba nga sabog ang mukha ni cotto?

heniway, big deal sa amin yan. kasi pers taym na nakapanood at naka-experience kami ng pinas na walang gulo dahil sa laban ni pacman.

ganito pa. nag celebrate kami ng debut ng aking bunsong kapatid na nanghingi ng tequila as berdey gip. edi sempre ang gulo-gulo. ang saya-saya. yun na nga lang, may laban ni pacman at cotto.

da berdey gurl


ngayon eto ang mga papechuran nung naglalaban na si pacman at cotto. seryus lahat.

pangatlong pechur


walang katinag-tinag. walang kukurap. kumikilos lang sila pagtunog ng bell. kumikilos papunta sa hapag kainan.

eheste, mali pala. kapag nagsusuntukan pala e nakikisuntok din pala sila. sabay hiyaw pa nga.

pangalawang pechur

pero pansinin nyo itong unang pechur, may i kain pa sila dyan ha. kasi naman….

unang pechur

parang alas sais pa lang yata ng umaga e bukas na ang radyo at nakikinig na ng boksing. edi sempre, alam na naman nila kung sino nanalo. pero dahil kunyari e hindi pa nila alam. inantay pa rin nila sa telebisyon, heheeh. na inabot na din ng alas singko yata ng hapon. ano ba yun.

tawa nga ng tawa si kengkoy. sabi nya kasi, nung unang panahon daw sa alemanya, ganyan din daw. sa radyo nakikinig ang mga tao ng mga laban. pero ngayon daw, live na yon sa telebisyon.

pero dito daw sa pinas, aba, balik radyo daw! oo nga naman… parang hindi pa yata uso dito ang tunay na meaning ng ‘live tv’! e bakit nga naman ganon? tapos pinutakte pa ng patalastas yung tv coverage na late naman. parang isang hinga mo pa lang e patalastas na agad e.

ang kakaiba dun, mas matagal ang patalastas kesa sa boksing. ano ba talaga ang palabas? yung patalastas o yung boksing? matanong ko nga kayo 🙂

Advertisements

10 mga puna »

  1. Minsan iniisip ko nga, ang telebisyon ay tila survival ng isa’t isa, at sino ba talaga ang nakikinabang sa bawa’t isa, sino ang bumubuhay sa bawa’t isa sa kanila, mabubuhay ba ang TV commercial kapag walang TV programs? O mabubuhay ba ang TV programs ng walang TV commercials?

    Ang alam ko hindi ako mabubuhay ng walang telebisyon hahahaha.

    Belated 18th birthday sa kapatid mo hehehehe.

    Komento ni The Pope — Disyembre 2, 2009 @ 9:26 umaga | Sagutin

  2. Hello friend! I saw the link to your site from the other site, I never expected it was this beautiful! Your site’s look-and-feel stands out! Really nice!! Keep it up!! I hope we can exchange links…

    Komento ni Ezuca — Disyembre 2, 2009 @ 10:24 umaga | Sagutin

  3. uy! si kengkoy ba yung nakatalikod na naka-puti? ngayon ko lang nakita piktyur niya 🙂

    Komento ni taroogs — Disyembre 2, 2009 @ 11:05 umaga | Sagutin

  4. Hay naku alam mo naman sa Pinas sinusulit nila si Pacquiao kaya sandamakmak ang commercials. 🙂

    Komento ni Snow — Disyembre 3, 2009 @ 3:32 umaga | Sagutin

  5. haha..masyado kase kung kumita ang mga tv stations natin. kaya yong live e kunwari lang. hehe

    lahat yta ng pinoy di mapakali kapag araw ng laban ni pacman.lalo pa kung maguumpisa na ito. talagang dumadagundong ang hiyawan.

    Komento ni ELIment — Disyembre 4, 2009 @ 5:13 umaga | Sagutin

  6. ang totoo nyan…patalastas naman talaga ang tunay na palabas….palakpakan…..

    Komento ni blurosebluguy — Disyembre 5, 2009 @ 8:49 hapon | Sagutin

  7. naku e di excited na din ang lahat sa march sa labanang pacman-mayweather?! =)

    Komento ni docgelo — Disyembre 5, 2009 @ 11:06 hapon | Sagutin

  8. hi friend u have nice blog..keep it up…..

    hi friend…pr4 here….i have added u on my link…add me and buzz me too…..thank you……….
    hi friend…pr4 here….i have added u on my link…add me and buzz me too…..thank you……….

    Komento ni maheshpr4 — Disyembre 6, 2009 @ 9:19 umaga | Sagutin

  9. ganyan talaga mommy kengks. buti na lang samen sa sto. tomas batangas, free sa cable. yun e kung naka-cable ka.

    duguan si cotto di ba? kami, duguan ang tenga. kse anlalakas umirit ng mga matatanda. hehehe.

    Komento ni antuken — Disyembre 9, 2009 @ 6:46 hapon | Sagutin

  10. hello blogger, i’d been reading your posts on si pacman at ang pamilya kengkay Kwentong Kengkay and i really liked them. 1 thing that i noticed while browsing throughout your blog that some of the hyperlinks are not working and return error error. this makes the reading experience a bit sour. you’ve a nice blog and i would request you to update the links so that interested folks can get all the information they intend to have. By the way are you on twitter?? i would definitely like to follow you and get up-dates in your blog.

    Komento ni Ruby Maynard — Abril 27, 2011 @ 3:02 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: