Kwentong Kengkay

Disyembre 22, 2009

nakakailang krismas party na kayo?

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:53 hapon
Tags: ,

eto ang masaya dito sa atin sa pinas e, pagpasok pa lang ng setyembre – pasko na.

pagpasok pa lang ng nobyembre, minsan, may krismas party na.

o, totoo naman di ba?

kayo ba, nakakailang krismas party na kayo?

ako… hmmm… teka, magbibilang ako. apat na.

hindi pa kasali dun yung iba na na miss ko dahil super trapek! hindi pa kasali dun yung iba na na miss ko dahil nalimutan ko (dyahe!).

hindi pa kasali dun yung na miss ko dahil hindi ako imbitado, waaa πŸ˜€

halos araw-araw may umaalingaw-ngaw na karaoke sa kapitbahayan, sa lansangan, sa malls! halos lahat may bitbit na regalo. halos lahat in good mood (yun e kapag wala na sila sa trapek, hehehe). at halos buong pamilya bitbit sa kapartihan. di tulad sa alemanya, kapag may party sa opis, yung nasa opis lang ang kasali, kapag may dalang pamilya, kanya-kanyang bayad na; minsan pa, bawal ang pamilya 😦 mahal daw kasi e

at halos lahat pechuran duon, pechuran dito – kakadokleng na yung mga flash ng camera. pero walang nagrereklamo kahit na lumamig na yung pagkain sa hapag dahil dapat posing, di ba!

at sempre, halos lahat nagre-ready sa kanilang presentation. meron yatang pabonggahan ng sayaw, ng kanta, ng drama at kung ano anong pang program na yan. sayang yung panalo. at kawawa sa alaskahan ang talo πŸ™‚

at huwag kalimutan, yung kris kringle, yung exchange gifts, yung raffles. huwag na nga lang sana kuripot yung nakabunot sa yo or else, wawa ka naman πŸ™‚ na-alala ko nung asa elementarya ako, 30 pesoses daw ang halaga ng regalo. inasam-asam ko yung malaking regalo (di ba dapat yun ang mas maganda kasi malaki sya e) — ang nabunot ko? yung tatlong pirasong papel na parol, waaaa!

nga pala, wag kalimutan yung bilang ng post christmas parties ha. kasi ngayon pa lang, tatlong post christmas party invites na ang natanggap ko, aabot pa yata ng pebrero ang kapartihan!

sali sempre ako. basta hindi ma trapek, basta di ko malimutan, basta invited ako, basta hindi tatlong pirasong papel na parol ang ka kris kringle ko, hehehe

hapi hapi krismas party. at ang sabi nga pala ni bunsoy basahin dito meri krismas po. sali ako sa krismas party nyo ha!

Advertisements

5 mga puna »

  1. merry Christmas sa iyo ms. kengkay at sayong pamilya.

    nakakatuwa naman si bunso mo.. πŸ˜‰

    Komento ni sandi — Disyembre 23, 2009 @ 1:27 umaga | Sagutin

  2. naku walang krismas krismas dito sa bansa na ito puro trabaho lang dito.

    Maligayang Pasko sau kapatid.

    Komento ni etchosera — Disyembre 23, 2009 @ 11:05 umaga | Sagutin

  3. MERRY CHRISTMAS Kengkay! MERRY CHRISTMAS din sa Family mo! Froehliche Weihnachten !

    Komento ni Dennis — Disyembre 23, 2009 @ 11:51 hapon | Sagutin

  4. happy holidays kengkay!! nabasa yung mga posts mo, nawa’y mas maganda ang 2010 sa inyong pamilya

    Komento ni madbong — Disyembre 26, 2009 @ 6:09 umaga | Sagutin

  5. Maligayang Pasku po. dami nga pu parti kahit san πŸ™‚

    Komento ni Chimmie — Disyembre 26, 2009 @ 8:13 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: