Kwentong Kengkay

Disyembre 26, 2009

awooooo

Filed under: Kwentong Bulilit — kengkay @ 3:01 hapon
Tags:

disyembreng disyembre e nananakot itong mga little kengkays ko.

‘awooooo’ daw! ano ba yun.

tinanong ko sa kanina kung kanino nila natutunan yon.

sa mga classmates daw nila sa school. kasi daw dito daw sa pinas may multo, may manananggal, may tikbalang, may higante, ah basta – lahat na daw ng katatakutan andito.

sabi ko sa kanila, hindi totoo yon. umamin naman sila nung huli, kasi nga daw, mga classmates daw nila nanonood ng katatakutan sa telebisyon.

meron pa nga daw, pag gabi daw e magbukas ng kandila at humarap daw sa salamin, makikita mo daw yung monster sa salamin, hmp. parang ganyan yung takutan namin nung araw ah. makikita mo daw yung mapapangasawa mo kapag sa gabi bago mag unang araw ng mayo mo gagawan yang ritwal na yan, nyayyy. hindi ko nga ginawa at baka kasi panget ang makita ko, hehehe

sa totoo lang, itong mga little kengkays e hindi yan takot sa dilim. normal lang ang dilim sa kanila. hindi ko kasi sila tinatakot. wala akong kwentong multo o monster o kung ano mang ‘awoooo’ na yan. di ko nga sila tinuruan ng awooo na yan ano.

tapos ngayon, awooo na rin sila? hayssss… sabi ko, imahinasyon lang yang lahat. hindi totoo yon. at dahil nga hindi sila mahilig manood ng tv, nawala rin agad sa utak nila.

o ayun, ngayon, nagtatawanan na lang kami kapag nag- awwoooo ulit sila. joke na lang sya.

kapag kasi hindi mo sinimulang magkwento ng kung ano-ano, hindi apektado ang utak ng bata. dahil tayo pa ring mga may alam na ang nagbibigay ng salin sa mga dapat nilang alamin at hindi alamin.

Advertisements

5 mga puna »

  1. madalas din magkwento ng mga awooo ang iba kong mga kaibigan. mahilig din ako manood ng mga awoo movies. pero ni minsan, wala pa talaga akong nakita o naramdaman.

    Komento ni Jason — Disyembre 27, 2009 @ 5:10 hapon | Sagutin

  2. kapag kasi hindi mo sinimulang magkwento ng kung ano-ano, hindi apektado ang utak ng bata. dahil tayo pa ring mga may alam na ang nagbibigay ng salin sa mga dapat nilang alamin at hindi alamin.

    Hear, hear! 🙂

    Apparently, that’s not the case in the common Filipino Family culture. Haha.

    Komento ni aLps — Disyembre 28, 2009 @ 1:23 umaga | Sagutin

    • And oops, Merry Christmas, happy new year! 🙂

      Komento ni aLps — Disyembre 28, 2009 @ 1:25 umaga | Sagutin

  3. Merry Christmas and a Happy New Year to you and your family, Kenkay 🙂

    Komento ni smarie — Enero 1, 2010 @ 3:09 hapon | Sagutin

  4. hindi ako naniniwala sa mga aswang at mga multo…hindi ako mulat sa mga nakakatakot na imahinasyon ng malilikot na isip ng mga matatanda….ang lahat ng mga kababalaghang nangyayari ay may mga kaakibat na expalanasyon ng siyensya….
    May nabasa ako sa kikomachine komiks, na pag humarap ka daw sa salamin na nakatuwad at may hawak na kandila, may makikita ka daw demonyong nag-aapoy….ayun, pagtuwad nya, yung kandila sumayad sa buhok nya at nagliyab….sya pala yung demonyong nagliliyab sa salamin…..rak en rol…
    Just dropping by….enjoy ako sa mga post mo eh…hope you can visit “my universe”…

    Komento ni bertong badtrip — Enero 11, 2010 @ 5:59 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: